Kasintaba ng isang baboy si Young Master Quinton sa mata ng iba. Sinasabi na nasa 200 pounds ang timbang niya. Ngunit kasinggaan siya ng isang balahibo nang makatanggap siya ng sipa mula kay Fane, tumalsik siya palayo nang ilang metro at doon lang bumagsak sa sahig. Bang! Tiniis ni Caleb ang sakit, nagngitngitan ang kanyang ngipin at tumayo, ngunit natumba siya ni Peace na tumalsik sa direksyon niya. Muli siyang bumagsak sa sahig, muli siyang napuruhan at sumuka ng dugo. Isa itong napakamiserableng eksena. Matapos itong bugbugin, doon lang lumapit si Fane at tinignan agn dalawang young master na nakahandusay sa sahig. “Ako, si Fane Woods ay hindi masamang tao, napakabuti ng kalooban ko. Pero ikaw, pangit na taba, gusto mong galawin ang asawa ko huh? Para kang isang palakang naglalaway sa isang swan—masyadong malaki ang hinihingi mo kahit di ka naman tumitingin sa sarili mo. Ang kapal nang mukha mong ligawan ang asawa ko, gusto mo talagang mamatay!” Pagkatapos itong sabih
”Tama at maalam ang maginoong ito!” Tumango si Fane sa tuwa at tumawa. “Nandito ba kayong dalawa para humanap ng doktor?” Kaagad na lumapit ang matandang Chinese doctor at pinagsilbihan si Fane at Selena nang mapansin nitong pumasok sila ng tindahan. “Hindi. Nakita namin ang nakapaskil sa labas. Ibebenta ba ang lugar na ito? Interesado ako doon. Magkano ito?” Ngumiti si Fane sa doktor nang malumanay. “Sir, ang lugar na ito ay maganda, at sobrang lawak nito sa loob! Pumasok tayo at ipapakita ko sa inyo, gusto niyo?” Lumapit sa kanila ang may-ari ng Will’s Apothecary matapos mapansing interesado si Fane sa lugar na ito. Kahit na naramdaman niyang napakababa ng tyansang kukunin nito ang lugar na ito, ngumiti pa rin siya nang masigla at pinagsilbihan ang mga ito. Kahit anong mangyari, bihirang maging interesado sa lugar na ito ang ibang tao. “Magandang ideya yan! Tignan natin.” Tumango si Fane at sinundan ang may-ari para libutin ang apothecary. Paglabas nila
”Bata, di ka naman nagyayabang diba? Alam mong gamutin ang cancer?” Nanginig ang boses ng may-ari sa galak nang marinig ang sinabi ni Fane. nagtaka siya kung nagkamali ba siya ng dinig. “Bata, di ba masyado ka namang nagmamayabang? Maging ang mga malalaki at kilalang ospital ay di nagagamot ang cancer. Sa kasalukuyang medical advancement natin, di pa nagagamot ang cancer, lalo na sa mga taong may stage four cancer!” Tumayo ang matandang Chinese doctor mula sa kanyang upuan at lumapit nang dahan-dahan sa grupo. Nanginginig ang binti niya maging ang boses niya. “Heh. diba pinag-usapan niyo na yan kanina? Na sa katotohanan, di kasinggaling ng Chinese medicine ang Western medicine sa maraming aspeto, lalo na sa mga malalaking ospital na umaasa sa lahat ng klaseng makina para gumamot ng karamdaman. Kapag naalis ang mga teknolohiya at makina, maaaring di nila matukoy kung ano ang sakit diba?” Tumawa nang malakas si Fanen habang mukhang interesado. “Oo, yan ang napag-usapan namin,
Nabigla ang matandang doktor sa laki ng halagang ito. “Sir, anong itatawag ko sa’yo? Alam kong isa kang mabuting tao, pero sobra ang 30 libo!” “Oh, hindi naman, di naman! Kakailanganin kitang abalahin para bantayan ang tindahan ngayon! At ang pangalan ko ay Fane Woods!” Tumawa si Fane tapos tinignan ang asawa niyang nakatayo sa tabi niya. “Aalis na muna ako kasama ng asawa ko.” Dagdag niya. “Sige Mr. Woods. Ako si Terrance Chaffry, tawagin mo na lang akong Terry.” Tumawa si Terrance at hinatid ang dalawa palabas. “Fane, alam kong gusto mong tumulong, pero masyado kang mabait, diba?” Nang makalabas sila ng apothecary at nang pauwi na sila, di mapigilan ni Selena na asarin si Fane. “Sa sobrang bait mo natakot mo yung doktor!” “Haha! Ayos lang yan. Mukhang di maganda ang lagay nila Terry at ng mga kasama niya. At malinaw na hindi madaling mabuhay sa Swallow City. Higit sa lahat, ang magmay-ari ng isang bahay sa Swallow City para sa mga karaniwang tao ay talagang mahirap
”Niloloko mo ba ako? Sir Moore, wala kang laban sa kanya?” Isang four-star king ang nagulat. “Maraming mga elite fighter dito sa Swallow City, pero si Sir Moore ay hindi isang karaniwang tao na matatalo ng kahit na sino! Higit pa rito, babae ito! Paano nangyari yun?” Tumango si Hunter sa pagsang-ayon. “Hindi ko inakalang ganito kalakas ang taong ito. Nitong isang araw, pinahiya nila ang pamangkin ko, pinilit itong lumuhod sa gitna ng mainit na araw nang matagal. Binugbog din nila siya at ang mga bodyguard niya! Kaya pumunta ako para tulungan ang pamangkin ko, pero talagang hindi ko inakalang ganito pala kalakas ang babaeng ito at matatalo ako sa huli!” Matapos marinig ang bagong impormasyong ito, tatlong king of war ang nagtinginan para magpasahan ng mensahe. Hindi sila tanga at kilalang-kilala nila si Hunter at ang mga pamangkin nito. Kaya nalaman kaagad nila kung sinong may kasalanan. Matapos suriin ang nangyari, inisip ng tatlo na siguro masyadong naglalaway ang pamangki
”Kainis! Huli na ako! Nahuli ako ng ilang minuto!” Napasinghal si Caleb sa dismaya at walang masabi. “Young Master Quinton, anong ibig-sabihin mong huli ka na?” Nagtaka si Mr. Wallace sa sinabi ni Caleb at di maintindihan ang ibig-sabihin ni Caleb dito. “Wala itong kinalaman sa’yo!” Tinignan ni Caleb nang masama si Mr. Wallace at sinabi. Matapos niyang masabi ang huling pantig, sumakay si Caleb sa kanyang kotse at handa nang bumiyahe patungo sa tahanan ni Fane para masaksihan ang bangkay ng mga ito. Sa pagkakataong ito di mag-isa ang second uncle niya dahil nagdala ito ng ilang king of war kasama nito. Ang sama-samang pwersang ito ay malakas at nakakatakot. Kaya kumbinsido si Caleb na ngayong araw na ang huling araw ng mga ito sa mundo. Kabuoang anim na king of war ang nagtipon sa harapan ng tahanan ni Fane nitong nakaraang ilang minuto. “Diba bago lang ang lugar na ito? Pati ba ang mga villa na ito?” Isa sa mga king of war ang kumunot ang noo habang sinusubu
”Master, anim sila at nakikilala ko ang isa sa kanila, pero ang lima, di ko alam kung sino sila! Kapag lumabas ka at nakipaglaban sa kanila, diba di ito magandang ideya?” Ngumiti nang nahihiya ang bodyguard at nagduda sa desisyon ni Skyler. “Kilala mo ang isa sa kanila? Hmmm. Eh kilala ko ba sila?” Nakinig nang maigi si Skyler sa kanyang disipulo at nagtanong nang nakakunot ang noo. “Oh, siguradong kilala mo ang taong ito! Dati mo siyang kasamahan. Pero siguradong hindi niya ako kilala!” Tapos nagpatuloy ang bodyguard nang sari-sari ang emosyon. “Ito ay si Sir Miles Stone, naaalala mo diba? Di lang siya basta kasamahan mo, niligtas mo pa ang buhay niya noon!” “Ah! Siya!” Sa sandaling marinig ni Skyler ang pangalan, nagalak siya at hindi na makapaghintay na makita ang kaibigan niyang ito. Ngunit matapos humakbang nang kaunti, huminto siya. Bigla niyang naalala na ito ay hindi nandito para tumambay kundi para gumawa ng gulo. Kung lalabas siya ng ganito, siguradong
Para sa sinumang nagtataglay ng lakas na katumbas ng isang king of war ay hindi magkukusang maging isang bodyguard. Kaya malinaw na nagpapanggap lang na isang king of war ang taong ito, pero ang totoo, siguro natatakot ito at kasabay nito ayaw nitong umamin na mahina siya dahil sa imahe niya. Kaya sinabihan niya si Miles Stone na pumasok para mabayaran niya si Miles at palalagpasin siya ni Miles. “Heh! Isa akong five-star king of war at pinapapasok mo ako para makita siya? Sigurado ka ba?” Masungit na suminghal si Miles habang naglalabas ng isang aura ng pagkamuhi. “Bata, dalian mo at sabihan mong lumabas ang Captain mo, kung hindi tatapusin ko ang buhay mo dito!” Medyo nainip si Hunter. Lumapit siya, sinakal ang bodyguard at itinaas ito sa ere. Inakala ni Hunter na maiihi ang bodyguard sa takot. Sa halip, di man lang ito nagpakita ng bakas ng takot, ngunit tinignan nang masama si Hunter. “Kung gusto mong pumatay, edi pumatay ka. Tingin mo ba takot akong mamatay? Pero sa
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin