Nagdilim ang mukha ni Lily nang marinig niya ang sinabi ni Brenton. Buong lakas niyang hinawakan ang tasa at nadurog ito nang may malakas na tunog. Tumayo siya at galit na nagsabi, "May iba pa bang tao sa Woods family? Hindi ba pwedeng ibang mas nakababatang tao sa Woods family ang maging tigapagmana? Kahit sino ay pwedeng maging susunod na master, wag lang si Fane Woods!" Tinignan niya si Brenton pagkatapos niyang magsalita. "Oo nga pala, sumama ba si Fane sa kanila? Sabi mo may problema tayo, ibig sabihin ba nun ay bumalik si Fane kasama nila? Kung ganon, nagpadala ako ng maraming tao at wala sa kanila ang makakatapat kina Beth at sa butler. Bw*sit, hingi ko sila mapapatay!" Doon lamang sumagot si Brenton sa kanya, "Sinabi sa'kin ng mga tao natin na hindi gustong bumalik ni Fane sa kanila dahil sa nangyari noon kaya umuwi ang butler at si Beth nang sila-sila lang! Sinabi ko sa mga tao ko na kikilos pagkaalis nila!" Huminto si Brenton bago nagsalitang muli. "Pero tinatawagan ko
"Tigilan mo yan!" Kumawala si Lily sa yakap ng third elder at malandi siyang tinignan. "May ipapagawa ako sa'yong importante. Kailangan mong magdagdag ng 200 tao para hanapin ang anak ko at iuwi siya! Naiintindihan mo?" Bahagyang nagdilim ang mukha ng third elder nang marinig niya ito habang nagsabing, "Babe, sa tingin mo ba ayaw kong bumalik si Lance? Nagpadala na tayo ng daan-daang tao para hanapin siya noon. Napakalalim ng gubat na yon at napakakumplikado ng kapaligiran nito. Alam mo ba kung gaano kahirap maghanap ng isang tao roon? Maliban roon, maraming mga halimaw sa loob non. Kung hindi tayo mag-iingat, baka mamatay ang mga tao natin roon!" Ngunit sumagot si Lily nang may malamig na ekspresyon. "Inuutusan kita na maghanap ng nag-iisang tao, naghahanap tayo ng ilang tao. Pumasok si Lance kasama ng ilang tao kaya malamang ay nag-iwan sila ng bakas, tama? Dahil sinabi mo rin na napakalaki at napakalalim ng gubat na yun, baka hindi sapat ang taong pinadala natin. Gagana yun kapa
Hindi rin ako sigurado. Siguro lumakas si Fane pagkatapos niyang bumalik mula sa giyera o mayroong tumutulong sa kanya. Nakarinig ng mga usap-usapan ang mga tao natin na may magandang relasyon si Fane sa Goddess of War mula sa Middle Province. Hula ko ay tumulong ang Goddess of War o mayaman ang Taylor family na kaya nilang kumuha ng mas malalakas na bodyguards para protektahan sila ngayon!" Naghinuha si Lily pagkatapos niya itong pag-isipan. "Ano nang gagawin mo ngayon?" Kumunot ang noo ng third Grand Elder. "Sa lagay na to, hindi pwedeng manatiling buhay sina Fane at Joan!" "Inutusan ko na si Patronum na iligpit sila. Ngayon, kukuha siya ng mas malakas at mas maraming tao!" Malamig na ngumiti si Lily. "Kahit pa patay na ang anak ko, hindi ko hahayaang si Fane ang magiging head ng Woods family. Hindi maaari!" "Mmhmm. Ayos na siguro yun dahil may inutusan ka na para gawin ang trabahong iyon." Maliit ang ngiti ng third grand elder. Pagkatapos ay niyakap niya si Lily
"Hah! Maganda ang tipo ng young master mo. Marami siyang nagugustuhan. Sayang lang at wala siyang karapatan!" Tumawa nang malakas si Fane nang marinig niya iyon; tumalim ang pagkamuhi sa kanyang titig. "Unahin natin siya!" Hindi na nagsayang ng oras ang bodyguard. Iniunat niya ang isa niyang braso at inabot si Fane. “Ah!” Sa sumunod na segundo, nahuli ni Fane ang braso ng bodyguard. Pinihit niya ang braso ng lalaki at narinig ang nakakapangilabot na tunog ng pagkabasag ng buto. Kaagad na napasigaw sa sakit ang bodyguard mula sa Quinton family. Sa sobrang tindi ng sakit na nararamdaman niya ay namutla ang kanyang mukha at napaluhod siya. "Gusto mo bang mamatay?" Nagulat ang dalawa pang bodyguards nang ilang sandali nang makita nila ang lakas ni Fane. Mabilis silang nakabawi at sabay na umatake mula sa dalawang direksyon. Bang bang! Magkasunod na sumuntok si Fane nang dalawang beses nang napakabilis. Lumipad paatras ang dalawang lalaki sa isang iglap. "Impo
"Opo, Young Master! Bakit?" Nagtaka ang bodyguard. Hindi niya alam kung bakit biglang nagtanong nang ganito ang young master. Ngumiti si Caleb. "Saang direksyon sila papunta? Kung naglalakad sila, malamang nasa malapit lang sila. Hindi pa sila nakakalayo. Hmph. Mukhang mahihirapan akong makuha ang babaeng yun, kaya mukhang kailangan kong makihati!" "Makithati?' Nagkatinginan ang mga bodyguard sa kanyang harapan. Lahat sila ay naguluhan. "Hindi niyo kailangang pag-isipan to nang masyado. Sabihin niyo lang sa'kin kung saan siya nagpunta!" Nagsalita muli si Caleb. "Magkasama silang naglalakad napunta sa Cornflower Street. Tama, may kilalang kalsada roon na nakakatawag-pansin ng mga mayayamang tao. Maraming malalaking bahay banda roon kung saan maraming mga villa!" Sumagot ang isa sa mga bodyguard pagtapos niya itong pag-isipan. "Mukhang mataas ang posibilidad na nagpunta sila roon para maglakad-lakad sa Waltz Street!" "Sige. Nakuha ko na. Bumaba kayo at magpahin
Nang marinig niya ito, kaagad na bumagsak ang ngiti sa mukha ni Peace. Sa halip ay mukhang nagalit siya. Marami nang nakilalang magagandang babae si Peace noon. Inisip niya na isa siyang eksperto pagdating sa tunay na kagandahan at walang normal na tao ang makakatapat sa mata niya. Ang dalawang model na nahanap niya ngayong araw ay magaganda. Hindi niya inakala na magkokomento si Caleb na wala silang binatbat sa magandang babaeng nahanap niya. Bago makapagsalita si Peace, halatang hindi rin natuwa ang dalawang model. "Young Master Quinton, nagbibiro ka ba?" sabi ng isa sa kanila nang may seryosong mukha. "Kami ang top models ng maraming car showcases. At sinasabi mo na wala kaming binatbat sa babang yun? Sumosobra ka naman!" "Heh. Maganda kayong dalawa, pero wala sa inyo ang isang klase ng kalidad ng isang babae. Isang malumanay na aura, kasabay ng mapagbigay na pakiramdam––na napapatungan ng walang kapantay na kagandahan, yung klase na kaagad kang nahuhumaling kapag nakita
Kaagad na yumuko ang dalawang babae at dinampot ang pera. "Tara na. Young Master Quinton, inaasahan ko talagang makita kung ang babaeng sinasabi mo ay kasing ganda ng sabi mo!" Hinimas ni Peace ang kanyang matabang baba at naghanda na para umalis. Napansin ni Caleb ang mga bodyguard na kasama ni Peace at nagsalubong ang kilay niya. "Young Master Chaffman, malakas ba ang bodyguards mo? Hindi ba masyado naman silang kaunti? Sinasabi ko sa'yo, malamang gugustuhin mong makahanap ng paraan na makuha ang babae sa sandaling makita mo siya!" "Hah, wag kang mag-alala. Malakas ang mga bodyguard ko. Hindi ko sila kukunin kung hindi." Tumawa si Peace. Pagkatapos ay dagdag niya, "Hindi mo na kailangang magsalita, Young Master Quinton. Pag lalo mong ginawa yan ay mas lalo akong kinakabahan. Gusto ko talaga siyang makita. Kung talagang maganda siya, para kang nanalo sa lotto!" Tumawa si Caleb. "Tignan mo. Alam ko na gusto mo ng magagandang babae, at alam ko na maganda ang tipo mo. Gu
"Hindi ako nagsisinungaling! Hinding-hindi!" Sobrang nagulat si Caleb at mabilis niyang kinaway ang kanyang mga kamay. "Young Master Chaffman, pag-isipan mo to. Hindi ko man lang gusto ang isang bilyon na inaalok mo. Gusto ko lang ang babaeng yun. Hindi ba pinapakita na nito ang kagandahan ng babaeng sinasabi ko?" "Hah. Nagbibiro lang ako. Gusto ko lang makita kang kinakabahan!" Biglang tumawag nang malakas si Peace. Pagkatapos ay kinumpas niya ang kanyang kamay. "Sumakay ka sa kotse. Mag-iikot tayo sa Waltz Street at tignan natin kung nandun siya. Kung wala, didiretso na lang tayo sa bahay niya para kunin siya!" "Napakadesidido mo, Young Master Chaffman. Hindi ka nagsasayang ng kahit isang segundo!" Kaagad na pinuri ni Caleb si Peace. Hindi nagtagal, tatlong Audi ang diretsong umandar palabas ng villa. "Oo nga pala. Sa tingin ko lahat ng babae ay mukhang pera. Bakit hindi muna natin subukan at tignan kung magagamit natin ang pera para ayusin ang isyu na to?!" Sa loob n
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin