”Nandito na siya nang wala pang isang buwan, kaya anong masama doon? Ang sales at performance niya ngayon ay isang bagay na hindi mo makakamit. Kayong dalawa ay kasama niya kanina sa entrance, bakit hindi niyo pinagsilbihan ang dalawang customer na makakagawa ng ganito kalaking sale?” Sumagot ang manager. Wala siyang pakialam sa galit nila at sa halip, iniwan niya ang report sa general manager tungkol sa nangyari ngayong araw. Nagtinginan ang dalawang saleswoman na tio. Ngayon, wala silang ibang maramdaman kundi ang panghihinayang. Samantala, sa Gin City, ang head ng Lambert family at ang Patronum at ang mga elder ay nagtipon-tipon. “Di namin makausap si Lucas. Ikinatatakot ko na baka may nangyaring masama. Nitong nakaraang araw pa namin siyang sinusubukang kausapin. At di lang siya, di rin namin makausap ang tatlo. Ang head ng Freeman ay nagpupunta sa amin para magtanong kung nasaan ang kanyang anak—si Snow Freeman. Sumama si Snow kay Lucas at ito ang responsibilidad ng mga L
Lumabas sila Fane para bumili ng mga pangangailangan bago maghanap ng bagong kotse. Tapos nagsimula silang lumipat nang masaya. Kasabay nito, sa isa sa mga villa na nasa sangkabahayan, isang magandang superstar ang di mapigilang magreklanmo sa isa pang magandang babae. “Nakakapagtaka. Nakita ko ang developer na nag-uutos na magpagawa ng pader sa likod ko. Pagpunta ko doon para magtanong kung anong nangyayari sinabi nila sa akin na may bumili ng 20 villa nang isang bagsakan at sinabihan silang gumawa ng pader para palibutan ang lugar!”“20 villa?!” Napahinga nang malalim ang magandang babae sa kabila. “Siguro mayaman at makapangyarihan ang taong ito para makabili ng napakaraming villa. Sabagay, madaming mayayamang tao dito sa Swallow city at masasabing normal lang ito!”Tinikom ng babae ang bibig niya at nagsimulang magreklamo, “Medyo normal pero wala ka dito para makita mo mismo. Pagkatapos itayo ng taong ito ang pader, ang magubat na lugar kung saan tayo makakagawa ng mga gawain a
Bukod kay Tianna, pati si Blake ay nagpupumiglas na kumawala sa mga taong ito. Pareho silang lumabas ng kanilang bahay para mamili. Nakasuot sila ng sunglasses at wala silang kasamang mga bodyguard. Sinong mag-aakalang na makakasalubong nila ang ganito kalalang pangyayari sa sandaling lumabas sila ng bahay. “Ang kapal ng mga mukha ng taong ito na dumakip ng tao nang tanghaling tapat?” Di mapigilan ni Lana na magsalita nang masama. Lumapit siya at sinipa ang maliit na batong nakita niya sa tabi ng kalsada. Tumalsik ang bato at tumama sa hita ng isa sa mga lalaki.“Ah!” Muntik nang mapaluhod ang lalaki sa sobrang sakit.“Sinong gumawa niyan? Gusto mo bang mamatay?” Galit na galit ang lalaki. Lumingon siya at kumislap ang mata niya nang makita niyang tumatakbo patungo sa kanya si lana. “Wow, isa itong sexy at magandang babae!”“Gusto mo bang mamatay? Dalhin mo ito sa amin, siguro magugustuhan din ito ng direktor natin!” Sinabi ng isa pang lalaki nang nakangiti.“Tama yan! Ang gand
Ang nabiglang mukha ni Blake ay namula nang makita niyang inaabot ni Fane ang dibdib niya. Ang tapang niya—isa siyang sikat na superstar! Kung di lang niya alam na isang disenteng lalaki si Fane at kung wala dito si Selena ngayon, baka isipin ni Blake na si Fane ay isang manyak na sinusubukang pagsamantalahan siya. Bumilis at nagwala ang tibok ng puso ni Blake. Gayunpaman, hindi siya umatras sa paniniwalang hindi siya pagsasamantalahan ni Fane.Kumunot ang noo ni Selena, nagtataka sa kung anong gagawin ni Fane. Ngumiti lang si Fane nang alisin niya ang isang butones kay Blake. “Ah!” Napasigaw si Blake habang namumula ang mukha niya nang itakip niya ang kanyang braso sa kanyang dibdib. Ang kwelyo niya ay bumukas matapos alisin ni Fane ang isang butones.“Isang tapping at locator device.” Ngumiti nang walang bahala si Fane at gamit lamang ng maliit na pwersa, dinurog niya ang butones sa pagitan ng kanyang daliri. Nakita ng lahat ang isang maliit na chip na nakatago sa natir
”Ikaw… mayaman ka talaga!” Sinabi ng nakangiting si Tianna. “Sige pala Brother Fane.Pakiusap samahan mo kami sa hapunan kapag inimbitahan ka namin!” Ngumiti si Blake at naglakad pabalik ng bahay nila kasama ni Tianna. “Kailangan kong bumalik para magpalit.” “Sige!” Tumango si Fane at pumayag nang nakangiti. Kahti anong mangyari, sila ay mga sikat na A-class celebrity at magiging bastos kung palagi siyang tatanggi nang paulit-ulit nilang sinabi na gusto siyang pasalamatan ng mga ito gamit ng isang pagsasalo. “Mukhang hindi rin pala isang payapang lugar ang Swallow City!” Sigaw ni Selena nang maglakad silang tatlo. “Natural lang yan. Ang lugar na ito ay kilala bilang City of Martial Arts dahil maraming mga master at makapangyarihang tao ang nagtitipon dito. Laging may balita kung paanong ang malalakas na mga angkan o pamilya ang lumalaki o nabubura,” Sinabi ni Lana nang nakangiti. “City of Martial Arts? Ganito ang tawag sa Swallow City?” Kumunot ang noo ni Selena, hindi pa niya
Ang butler na si Titus Woods ay tumingin sa kanyang master na si Nash Woods na nakahiga sa kama. Seryosong tumango si Titus. “Nakita namin sila, pero tumanggi silang bumalik kasama natin. Higit pa rito, hindi nila kami binigyan ng malinaw na sagot kung pupunta sila dito at kung kailan sila pupunta.” Nagkaroon ng pagkadismaya sa mga mata ni Nash nang ibalita ito ni Titus. “Kasalanan ko ang lahat ng ito… nagawan ko sila ng mali. Di ko lang napagtanto na kinamumuhian pala ako ni Fane nang sobra na ayaw niyang bumalik at makita ako sa huling pagkakataon, sa kaalamang mamamatay na ako. Hay, siguro ito na ang kabayaran ko ano?” Ngunit salungat sa inaasahan niya, nagsalita ulit si Titus, “Master, naniniwala akong babalik ang young master dahil bago kami umalis sinabi sa amin ni Joan an may importanteng bagay na kailangang gawin si Fane at kailangan niya ng oras para pag-isipan ito. Naniniwala ako na babalik si Fane para makita ka, pero maaaring matagalan ito, di pa sa ngayon.” “Totoo ba
”Meron pa. Noong nakaraang limang taon, nagkaroon ng malubhang sakit si Joan at kinailangan niya ng isang milyon para sa surgery…” Ipinagpatuloy ni Titus na ikwento kay Nash ang lahat ng nangyari kay Fane at Joan nitong nakaraang limang taon. Tinikom nang mahigpit ni Nash ang kanyang kamao nang magngitngitan ang ngipin niya sa galit. Inalalayan niya ang kanyang katawan at umupo siya gamit ng natitira niyang lakas. “Ang kapal ng mukha niyang magpanggap na isang butler at ipahiya si Fane! Hindi ko nalaman kung paano siyang lumuhod sa loob ng isang buong gabi! Lily, talagang ang sama mo!” Kasabay nito, nag-utos si Nash, “Beth, dalhin mo ang mga elder dito. Kailangan kong patayin si Lily at Yvette Lagorio! Ang kapal ng mukha niyang magpanggap bilang isang butler?!” Nalaman kaagad ni Nash na ang ‘matabang babae’ na sinabi ni Titus ay ang personal na katulong ni Lily na si Yvette Lagorio. Siya ang katulong ni Lily noong ikasal si Lily sa Woods family at dati pang matapat kay Lily, sobran
“Wala akong pakialam kahit gaano pa kaganda ang relasyon nila. Isa lang siyang katulong pero ang lakas ng loob niyang pagmalupitan ang anak ko. Di lang siya nagpanggap bilang isang butler, pinahiya niya pa ito at pinaluhod sa labas buong gabi. Anak ko si Fane at kailangan ko siyang ipaghiganti…!” Tumikom nang mahigpit ang kamao ni Nash sa galit. Sumang-ayon si Beth kay Nash kaya tumango siya at nag-alok, “Oo, pero hindi pa ito agn tamang panahon. Hintayin nating dumating si Young Master Fane, tingin ko mas mabuting humanap ka ng dahilan para patayin siya kapag sinubukan niya ulit ipahiya si Young Master Fane kapag nandito na siya. Sa ganon, maipapaghiganti mo na si Young Master Fane para makita niya at malalaman niya doon kung gaano mo talaga siya kamahal.” Kumislap ang mata ni Nash nang marinig niya ang sinabi ni Beth. “Magaling! Oh, sana dumating na si Fane… mabuti sana kung mananatili siya dito sa loob ng ilang araw, kahit na ayaw niya sa mana ng Woods family…” Sa sandaling iy
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin