Share

Kabanata 899

Author: Moneto
Nagkaskasan ang mga ngipin ng matandang lalake habang tinitiis ang nararamdaman na sakit, at pinili ang sarili na tumayo. Pagkatapos ay inutusan niya ang iba na sugurin si Fane.

“Grahh!”

Inilabas ng grupo ang kanilang mga espada, paisa-isa, at sinugod si Fane.

“Dahil sa gusto niyo nang mamatay, pagbibigyan ko ang inyong kahilingan!”

Ikinumpas ni Fane ang kanyang palad, at isang itim na espada ang lumitaw sa kanyang kamay.

Fwoosh!

Ipinitik ni Fane ang kanyang pulso at maraming nabuo na pressurized wind blades mula sa espada ang lumipad papunta sa grupo ng mga nakaitim na mga lalake. at ganun ganun na lang, nagsibagsakan ang mga lalakeng iyon, na wala nang buhay.

“Ikaw… alam mo kung paano gumawa ng pressurized wind blades!”

Nagulantang ang matandang lalake. Akala niya ay mamamatay si Fane ngayong gabi, lalo na’t marami siyang kasamang mga tauhan, pero ang lahat ng iyon ay balewala lang.

“Sabihin mo! Si Lily ba ang nagpadala sa inyo?”

Hinawakan ni Fane ang kan
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 900

    Dose-dosenang tao ang nakatayo sa labas ng tirahan nila Fane, at bawat isa sa kanila ay malaki ang pangangatawan, matangkad, at malapad. mukha silang malakas. Ang dalawang gwardiya na nakabantay sa labas ng gate ay kaagad na tumakbo papasok sa loob ng villa at tumayo sa likuran ni Fane, habang nanginginig sa takot ang mga katawan ng mga ito. Nakita ni Fane ang mga lalakeng nagkukumpulan sa labas ng kanilang gate, kaya kaagad niyang ipinag-utos, “Orchid, dalhin mo sila Selena, ang aking ina, at ang iba pa sa loob ng villa. Magtago kayo sa loob. Ako na ang bahala dito.” “Opo, Master!” Tumango si Orchid at isinigaw ng malakas, “Lahat kayo, sumunod kayo sa akin sa loob ng villa, ngayon din! Walang sinuman ang pwedeng lumabas hangga’t hindi sinasabi ng ating Master!” “Fane, mag-iingat ka. Galing silang lahat sa Amerika, at wala akong alam kung kailan at kung paano natin sila nagalir!” Kumunot ang noo ni Selena habang kausap niya si Fane, at pagkatapos lang nun ito sinundan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 901

    Tumawa si Fane. WAla siyang masabi. Mukhang marunong magtago ng lihim ang mga taong ito. "Tama na ang pag-uusap. Patayin siya!" Ang pinuno nila na kalbo ay kinumpas ang kamay nito. Maraming tao ang sumugod kay Fane. "Dadaanin niyo ako sa dami, ah?" Naningkit ang mga mata ni Fane. Pinatunog niya ang kanyang kamao, pero hindi siya nagpakita ng takot. Sa halip, sinugod niya ang mga ito. “Striking Eagle Fist!” Isa sa mga lalake ay ginamit ang isa sa mga kakayahan nito nang makalapit ito kay Fane. Nagpakawala siya ng sunud-sunod na mga suntok, mukhang mapupunit na nga ang hangin sa kanyang harapan. Maririnig na nga ang malinaw na tunog ng hangin sa paligid. Bang! Hindi na nagpaabala pa si Fane sa atake nito. Sinuntok niya ang lalakeng umatake sa kanya, inikutan ito, at pumunta sa iba pang lalake. Ang lalakeng gumamit ng Striking Eagle Fist ay marahil kasing lakas ng isang army major. Maituturing na siyang isang malakas na fighter. Sa kasamaang palad, isang bata lang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 902

    "Ipapamigay mo lang ang isang mamahalin na villa? Sayang naman!" Dumilim ang ekspresyon ni Fiona sa sandaling naisip niya na ipapamigay lang ang isang magandang villa. "Marami naman na tayong pera, Mom. Ngayon, ang Taylor family ay magiging maganda naman na ang pamumuhay sa Swallow City o kahit pa sa Gin City, kahit na hindi tayo isa sa mga pinakamalalakas na pamilya doon. Matatagalan tayong ibenta ang villa na ito. Kaya mas maganda na ipamigay na lang natin ito. At makakaalis din tayo ng maaga!" Sinubukan ni Selena na kumbinsihin ang kanyang ina habang nakangiti. "Sige. Bakit tinanggihan ni Ivan na sumabak sa giyera? Bakit ba niya kailangan pang makabangga ang Lambert family? Ah. Masisisi na lang natin ito sa kamalasan!" Bumuntong hininga ng mahaba si Fiona at pumasok na sa kanyang kwarto. tinawagan ni Fane si Master George. Kakatapos lang kumain ni Master George at naglalakad sa kanyang hardin. Tumalon sa tuwa ang kanyang puso nang malaman niya na si Fane ang tumawa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 903

    "Tinawag niyo po ba kami, Master?" Kaagad na tinanong ng assistant commander ng mga bodyguard si Winston. Gabi na nung mga oras na yun, at ang lahat ay naghahanda na para matulog. Hindi nila maunawaan kung bakit sila tinawag ng kanilang master at nagtataka sa kung ano ba ang nangyayari. "May ilang dosenang bangkay sa hardin ni Fane Woods. Pumunta kayo doon, tumulong kayo sa pagliligpit ng mga iyon at maghanap kayo ng lugar na kung saan pwedeng sunugin ang mga katawan na iyon!" Sabi ni Winston habang nakangiti. "Hindi maaari. Master, ang George family ay isang ring first-class aristocratic family. Paano tayo nagpapagamit ng ganun-ganun na lang? At para sa isang nakakababang gawain pa nga…" Hindi alam ng assistant commander kung ano ang sasabihin. "Ano bang alam niyo? Lilisanin na nila Fane at ng kanyang pamilya ang Middle Province. Narinig ko na may pinatay siyang mga tao na galing sa Gin City kaninang hapon. May nakaalitan siguro silang makapangyarihan na pamilya, kaya

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 904

    "Tama si lolo. Mawawalan ng kahulugan ang buhay kapag may ganito kang kalaking pera na hawak. Mabubuhay naman tayo ng komportable sa pamamagitan lamang ng paggastos ng ilang daang libong dolyar bawat taon!" Isang miyembro ng Taylor family ang nagbigay ng isang ngiti ng kasiguraduhan. "Sapat na ang pera na meron tayo para mabuhay ng matagal," sabi nito. "Hindi natin kailangan na maging isang makapangyarihan na conglomerate. Delikado kapag ibinunyag natin ang ating mga sarili!" Kinonsidera ni Selena ang kanilang mga opinyon, pagkatapos ay tumango siya. "Kung anuman ang dumating sa susunod ay darating, sa tingin ko. Sa ngayon, pwede lang tayong magbukas ng maliliit na negosyo at magsagawa ng maliliit na transaksyon. Mas ligtas ito dahil mahihirapan silang mahanap tayo sa ganitong paraan. At magkakaroon pa tayo ng hanap buhay. Hindi naman tayo pwedeng umasa sa naitabi nating pera!" Napatango sa pagsang-ayon si Old Man Taylor. "Tama ka. Pwede naman tayo na magnegosyo kahit na maliit

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 905

    “Pag-isipan niyo itong mabuti ngayong gabi. Kung gusto niyong umalis ng mag-isa, hanapin niyo ako bukas ng umaga. Ililipat ko sa inyo ang pera sa inyong mga account. Pero hindi kayo makakakuha ng 50 milyong dolyar bawat isa. Magiging 50 milyon bawat pamilya. Halimbawa, kapag umalis si Uncle Roger, malamang ay kasama niya ang buo niyang pamilya. Doon niyo lang makukuha ang 50 milyon ng buo!” Sabi ni Fane habang nakangiti. Umalis na ang lahat pagkatapos nilang kumain. Habang pauwi, mukhang hindi masaya si Cecilia.. “Anong ginagawa ni Fane? Hindi ba niya pwedeng sabihin sa amin kung saan sila pupunta? Iniisip ba niya na mga taga labas tayo?” Hindi mapigilan ni Cecilia na mag reklamo. Sa tuwing naiisip niya ito, lalo lang siyang naiinis. “At binigay pa ni Lolo ang pera ng buong Taylor family kay Selena. Seryoso? Wala ba siyang tiwala sa atin na pamahalaan kahit na parte lang nun?” “Heh. Kasal ka na sa ibang pamilya. Magiging kakaiba kapag binigay niya ito sayo. Bukod doo

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 906

    ”Swallow City!” Nagulat si Theodore nang malaman niya ang destinasyon. Hindi pa niya kailan naisip na talagang magdedesisyon si Fane na tumungo sa hilaga—patungo sa direksyon ng Gin City. ang Swallow City ay nasa tabi lang ng Gin CIty! Ang Lambert family ay isang malakas na pamilya sa Gin City. Ipapahamak lang nila ang sarili nila kapag dumiretso sila. “Seryoso ka ba? Di ba mas maganda kung lalayo tayo Fane? Masyadong delikadong pumunta sa Swallow City.” Nagulat din si Fiona. Kaagad niya itong tinanong. Hindi niya inasahang ngingiti si Fane bilang tugon. “May gagawin ako sa Swallow City. atsaka, tingin ko sisimulan ng Lambert family ang imbestigasyon nila sa Middle Province, kung gusto nila tayong tugisin. At anong gagawin nila kapag nalaman nilang nakaalis na tayo? Siguradong hahanapin nila tayo sa mga kalapit na lugar—siguro sa mga siyudad sa baba. Iisipin nila na lalayo tayo nang sobra sa Gin City!” Naliwanagan si Theodore. “Nauunawaan ko. Di sila masyadong magiging

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 907

    Nadala ng emosyon si Old Master Taylor. Bawat miyembro ng Taylor family ay natatakot na mamatay. Lahat sila ay umalis ng Middle Province nang hindi nagpapaalam. Sa halip, ang mga elder, si Skyler, at ang iba ang mga handang magprotekta at umalis kasama nila. Handa silang pumunta sa impyerno kasama nila. “Tama si Old Master Taylor! Sir Skyler, ang katayuan at pagkatao mo at ng mga disipulo mo ay mataas at marangal. Bawat isa sa kanila ay malalakas. Dalawa o tatlo sa kanila ay katumbas pa ng isang King of War. Napakalakas na mga tao, ikinalulungkot namin na hindi namin kayo pwedeng kunin. Napuno ng pasasalamat si Fane sa loob niya. Ang mga taong ito sa harapan ni Fane, na nakakaalam na may problema siya ngayon ay di tumakbo tulad ng ibang mga miyembro ng Taylor, sa halip, handa silang sumunod sa kanya hanggang sa impyerno at protektahan sila ng pamilya niya. Ang mga ganitong tao lamang ang maituturing na matapat. “Di malaki ang hihingiin namin. Kahit ilang milyon lang sapat n

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status