Lalong nagalit si Cecilia habang mas lalo niya itong naiisip, pero wala rin siyang magagawa tungkol dito. Magagawa lang niyang pagngitngitin ang kanyang ngipin at pakalmahin ang kanyang sarili sa kaalamang mamamatay na si Fane. Siguro ay sasabog na siya anumang oras. Kailangan niyang makita kung paano siya mamamatay. Natapos na silang kumain, at sina Fane at ang iba pa na nasa kabila ay mabilis ding nakatapos. Base sa malaking screen, maliban sa bahagyang pamumula sa kanyang pisngi sa pag-inom ng maraming wine, mukhang wala siyang ibang masamang sintomas. "Bakit ganun? Hindi ba sabi nila mamamatay siya ngayong araw? Hapon na. Hindi man lang siya nagpapakita ng kahit kaunting sintomas. Anong ginagawa ni Ivan? Nagsinungaling ba siya sa'kin?" Kumunot ang noo ni Cecilia habang pinag-iisipan ang bagay na ito. Inisip niya ito. Pagkatapos ay tahimik siyang naglakad papunta sa isang tabi at tinawagan si Ivan. Sina Ivan, Ken, at ang iba pa ay naghihintay rin na bumagsak sa lapag a
Mapait na ngumiti si Ivan. "Ah, wala tayong magagawa. Sinong mag-aakala na magagawa ni Fane ang ganito, ang papuntahin ang siyam na God of War sa kasal niya?!" Sandaling nag-isip si Cecilia, pagkatapos ay nagtanong, "Sinasabi mo na lahat ng walong iba pang God of War ay nasa kasal niya dahil gusto nilang palakihin ang kanyang reputasyon? Hindi sila nandito dahil gusto nilang makita si Lana?" Walang masabi si Ivan nang ilang sandali. "Syempre. Pwede nila siyang makita kahit na kailan nila gusto. Bakit nila pipiliin ngayon, sa dinami-dami ng araw? Nandito sila dahil kay Fane!" "Pero paanong nakilala ng isang walang kwentang taong kagaya ni Fane ang mga ganung tao? Imposibleng niligtas niya ang buhay nilang lahat noon pati ng kay Lana!" Suminghal si Cecilia. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit pupunta ang mga God of War mula sa malayo para lang sa reputasyon ni Fane––para lang dumalo sa kasal nila ni Selena. "Hindi walang kwenta ang lalaking yon. At saka tama ang sinab
Pinagaan ni Ivan ang loob ni Xena nang nakita niya siyang nagagalit. "Hindi sa hindi ako naniniwala sa'yo pero bakit parang ayos lang ang lalaking yon?" Kumunot din ang noo ni Xena. "Hindi ba magaling siya sa panggagamot? Hindi ba sabi ni Ethan Haays ay kailangan niya ring konsultahin si Fane sa ilang bagay? Magpakumbabang sinabi ni Fane na isa yung pagdadahilan pero sa tingin ko ay hindi magsisinungaling ang mahimalang doktor na si Ethan Haays!" Huminto si Xena bago nagpatuloy na nagsalita. "Posible kaya na napakagaling niya sa panggagamot kaya natanggal niya ang lason sa katawan niya?" Nagulat rin si Ivan nang marinig niya ito. Oo nga, paano kung nagawa talaga ni Fane yun? Lalo na't hindi siya isang pangkaraniwang doktor at napakagaling niya sa panggagamot. Kung hindi, paanong siya ang pinili para gamutin ang Nine Great Gods of War?" Pero umiling si Ivan. "Sa tingin ko imposible yun. Tinanong ko sina Ken at iba pa tungkol sa lason. Nagtatago sa dugo ang lason at hindi ito mahah
Nagsama-sama na naman ang grupo ng apat na sina Ken, Ivan, Xena, at Neil. "Ano kayang nangyaring mali? Dalawang araw na simula noong dapat siyang mamamatay. Naniniwala ako na nakita mismo ni Xena na ininom ni Fane ang lason!" Tumingin si Ivan kay Ken pagkatapos niyang magsalita. "Young Master Ken, nagsinungaling ba sila sa'yo? Baka wala talagang epekto yung lason o expired na to. Kung hindi, hindi dapat pagkahilo at panghihina lang ang sintomas ni Fane." Nagtaka rin si Ken kung mayroong mali sa lason pagkatapos magsalita ni Ivan. Sabi niya nang nakakunot ang noo, "Posible kaya yun? Ang laki ng ginastos ko para mabili ang lasong yun!"Nagsalita si Neil nang may mapait na ngiti. "Hindi mahalaga kung sinong masisisi at kung saan nagkamali. Hindi yun importante. Ang importante ay buhay pa si Fane at imposibleng makuha namin ni Ken ang puso ni Selena. Kaya anong dapat nating gawin?" Hindi mapigilan ni Ken na ngumiti nang mapait. "Hay, ang tanging nararapat lang na ipagsaya ngayon ay
Kahit na maraming nakuha si Xena kay Ivan, gaya ng mga branded na bag at cosmetics, ang bagay na pinakanakapagpasaya sa kanya ay ang villa na binili ni Ivan para sa kanya ilang araw pa lang ang nakakaraan.Gumastos ng 50 million si Ivan para sa villa na ito at si Xena ang nakasulat na nagmamay-ari nito. Pinapakita nito ang tunay na damdamin ni Ivan para sa kanya at pagmamay-ari niya ang villa na ito. Binigyan siya nito ng pag-asa na magkaroon ng marangyang buhay.Ngayon, sinasabi sa kanya ni Ivan na ibenta ang villa at hindi siya natuwa dito.Dumilim ang mukha ni Xena at sumagot siya, “Kakabili mo pa lang ng villa a ‘to para sakin noong nakaraang ilang araw tapos ngayon gusto mong ibenta ko ‘to sa mababang halaga? Sabi kanina kukuha ka ng pera mula sa kumpanya, wala sa usapan yung pagbebenta sa bahay na ‘to!”Agad siyang pinakalma ni Ivan. “Xena, para ‘to sa kinabukasan natin. Isipin mo, si Fane ang pinakamalaking sagabal sa buhay natin. Nasa kinalalagyan niya ngayon si Selena dahi
Naintindihan din ni Xena ang sitwasyon. Pinag-isipan niya ito at tumango sia. “Sige, honey, tutulungan kita. Pero, mangako ka sakin na bibilhan mo ako ng dalawang villa na gaya nito kapag nakuha mo na ang lahat ng ari-arian ng Taylor family.”“Sige ba, ang lahat ng pagmamay-ari ko ay sayo na din at magiging isang pamilya na tayo. Maliit na bagay lang ang bumili ng dalawang bahay para sayo.” ngumiti si Ivan.Sa mga sandaling ito, kumalat sa publiko ang mga larawan ni Fane kasama ang Nine Great Gods of War. Ngayon, alam na ng lahat na mayroong isang tao sa Middle Province na kayang tipunin ang lahat ng Nine Great Gods of War para kumain ng sama-sama at nagkagulo ang ibang mga siyudad dahil dito. Ito ang unang pagkakataon na may nangyaring ganito.Subalit, namomroblema si Fane dahil sa nangyari nitong mga nakaraang araw. Maraming tao ang nagpunta sa kanya para magpagamot. May ilan na may mga karaniwang sakit at nagpunta pa rin sila kay Fane para magpagamot. Wala siyang masabi sa sitwas
Sa wakas, nagtipon ang labindalawang nakakatakot na mga assassin sa isang bakanteng lupain sa labas ng siyudad. Pumunta rin dito sila Ken, Neil, Ivan, at ang iba pa.“Haha, minamaliit niyo ba kami?” Tumingin ang isang matandang lalaki sa mga mamamatay tao sa paligid nila at nagsimula siyang humalakhak. “Sino bang sinusubukan niyong patayin? Kahit ako, ang pangalawa sa killer list, ay kayang gawin yun. Bakit kailangan niyo ng ganito karaming tao? Pati yung assassin na pinaka una sa killer list inupahan niyo?”Halatang hindi sila makapaniwala sa mga taong ito. Marami na silang napatay na tao at ang ilan sa kanila ay mga tunay na master. Subalit, kadalasan, mag-isang kumikilos ang mga assassin na ito at ito ang unang pagkakataon na magtipon-tipon sa iisang lugar ang pinakamahuhusay na assassin sa killer list.Napangiti rin ang lalaking pangatlo sa killer list. “Oo nga, nagtataka din ako kung bakit kailangan niyo ng napakaraming master dito. Haha, sa pinagsama-sama naming lakas, hindi k
Napasimangot at nag-alinlangan ang isa sa mga babaeng assassin.Akala nila isang King of War ang pinapapatay sa kanila. Kung ganun lang sana, hindi siya mamomroblema tungkol dito.Hindi nila alam na si Fane pala ang pinapapatay ng tatlong young master na ito, ang taong gumulat sa buong Middle Province at sa buong bansa.“Bakit? Hindi niyo pa naman siya nalabanan. Natatakot ba kayong lahat?” Nagulat si Ken noong nakita niya ang reaksyon ng mga taong ito.Tumingin siya sa matandang lalaki na pangalawa sa killer list at sinabing, "Hindi ba sinabi mo na walang magiging problema basta hindi siya isang God of War? Bakit ganito ang reaksyon niyo noong malaman niyo na si Fane ang ipapapatay namin…" Ngumiti ng mapait ang matandang lalaki. "Brother, alam na alam namin ang lakas at kakayahan ng taong yun. Pero, sa pagkakaalam namin hindi siya isang God of War o isang King of War, kaya mapapatay ko siya kahit na mag-isa lang ako. Gayunpaman, alam niyo ba kung anong kinakatakot ko?” Huminto a
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin