Di nagtagal, ilang kotse ang nakaparke sa labas ng isang mukhang magarbong mall. "Maghintay ka sa baba. Aakyat kami para magsaya, kaya humanap kayo ng lugar at uminom ng milk tea kung gusto niyo." Binigyan ni Sharon ng ilang daang dolyar ang mga bodyguard niya at idinagdag, "Nandito si Fane kaya ayos lang na umakyat muna kami at maglaro ng billiards." "Sige! Thank you Ms. Sharon!" Tinanggap ng mga bodyguard nang magalang ang pera at masayang umalis. Nang maglakad sila, sinuri ni Fane ang lugar at sinabi, "Mukhang high-end ang lugar na ito. Siguro ang mahal maglaro ng billiards dito." "Maraming beses na akong nakapunta dito at ang billiards hall sa taas ay maganda. May iba't ibang klaseng inumin sila at panghimagas na libre, pero ang bayaf dito ay nakabase sa bawat entry. Isang daang dolyar bawat isang tao kahit gaano katagal ka pa maglaro dito." Ngumiti si Tanya at idinagdag, "Apat tayong nandito kaya apat na daang dolyar." Tumango si Fane. "Kung ganon, edi maglaro tayo nang
Nagtanong ang lalaking nasa tapat ni Timothy kung maglalaro pa ba sila matapos nitong matanggap ang pera. Habang mukhang nagdedeliryo, sumagot si Timothy, "Syempre! Maglaro pa tayo ng sampung beses. Di ako nakukuntento hanggat di ako nananalo nang mas marami sa'yo!" Sa sandaling iyon, may nagsabi nang papasok sila Tanya sa billiards hall. "Uy, may mga anghel tayong parating!" Isa sa mga lalaking nakatayo sa tabi ng billiards table ay di maitago ang kanyang ngiti. Kaagad na lumingon si Timothy para tignan sila Tanya at ibinulong niya, "Tanya? Bakit siya nandito? Naglalakad din siya kasama ng bodyguard niya. Tch! Iniisip ng old master at ng iba na ang lalaking ito ay isang King of War. Kahit na inamin niya na isa lang siyang head commander na walang token. Di ko talaga maintindihan kung bakit ang laki ng pasahod nila kahit bodyguard lang naman siya!" Ang lalaking naglalaro ng billiards sa tabi ni Timothy ay isang young master mula sa isang third-class aristocratic family. Ang pan
Sa sandaling iyon, mukhang ang dungis ni Timothy, para bang di niya nilinis ang kanyang sarili sa loob ng matagal na panahon. Mukha siyang walang kwenta sa unang tingin一malayong malayo sa dati niyang itsura. Nadismaya si Tanya na makitang nagkaganito ang kuya niya. Nakikihalubilo ang kapatid niya sa mga binata ss harap niya, ang lahat ng ito ay mula sa third-class aristocratic family o mga mayayamang pamilya. Ngayon, makalipas ang isa o dalawang buwan, parang naging ibang tao na siya. Napansin ni Sharon na ang magkapatid ay nagkakainitan. Kaagad siyang lumapit at ngumiti nang magsalita siya, "Wag mo siyang intindihin Tanya. Ang mga lalaki ay may sariling paraan para maglibang. Maglaro na lang tayo ng billiards. Diba medyo magaling ka dun? Maglaro tayo isang round!" "Sige pala!" Pinigilan ni Tanya ang galit na namumuo sa loob niya, sinusubukang pagaanin ang kanyang loob. Siguro masyado lang siyang nag-iisip一siguro ang kuya niya ay di tulad ng inaakala niya. Siguro nagpapakas
Nanggigigil si Sharon. Ngunit sa sandaling maalala niya na katabi niya si Fane, pinilit niya ang kanyang sarili na panatilihin ang imahe ng isang maayos na dalaga. Pinigilan niya ang galit sa loob niya at makipagtalo sa lalaki. Ngumiti lang si Fane sa harap ng mga payasong ito. "Ikaw pala si Leo? Bakit mo ako tinanong kung marunong ako ng billiards, Young Master Leo?" Tanong niya. "Di ako marunong maglaro. Kahit anong mangyari, isa lang akong delivery boy bago masama sa militar!" "Heh. Sabi ko na nga ba. Kahit anong mangyari, para sa amin ang mga tao sa militar ay mga palaaway na tanga lang. Natural na di mo matututunan ang ganitong laro na maginoo, dahil ang alam mo lang ay makipaglaban at pumatay!" Tumawa si Leo habang mukhang nanghahamak siya. "Binalak ko pa naman makipaglaro sa'yo sa loob ng ilang round kung alam mo," Sinabi niya. "Pero mukhang talagang madidismaya ko. Makikipaglaro na lang ako ksy Young Master Drake!" "Totoong di ako marunong. Pero nanood ako ng ilang
Inakala niya na matatakot si Fane nang sabihin niya ito. Kahit anong mangyari, isa siyang bodyguard na 20 milyon ang sahod bawat buwan. Siguro ito lang ang trabaho sa buong Middle Province na ganito kalaki ang bayad. Sinong mag-aakala na maraming tao ang magwawala dito? Di niya sana ililigtas ang reputasyon ng mokong na ito kung di nagdududa ang tatay niya at ang iba na mas malakas pa si Fane一na tinatago ng mokong na ito ang tunay niyang pagkatao. Kahit anong mangyari, nakakuha ng malaking sahod ang mokong na ito, pero mukhang wala siyang pakialam sa pamilya niya, pumupunta at umaalis kung kailan nito gusto. Higit pa rito, gusto ito ng tatay at kapatid niya. Higit pa rito, sa ika-70 kaarawan ni Old Men Taylor, sinabi ng mokong na ito na nawala niya ang badge niya. Gagamitin ba ng isang King of War ang ganitong taktika para itago ang kanyang pagkatao? Naisip ng lahat na isa siyang marshal. Kahit na ganon, maaaring hindi ito totoo. "Heh. Di ako takot sa mga salitang ganyan
Ngumiti si Leo nang sabihin niya kay Fane. "Okay. Dapat sigurado ka diyan. Di kita palalagpasin kapag di ka nakapaglabas ng pera pagkatapos ng lahat ng ito!" Pumayag si Fane habang tumatango. Sa halip ngumiti si Leo. "Hah. Marami akong napanalunan kailan lang. May 5 bilyon ako sa credit card balance no ngayon. Di ako naniniwalang matatalo mo ako nang higit limang beses sa sampung laro!" "Gayunpaman, kung gusto mong manalo ng higit limang laro sa loob ng sampung round, kailangan mong manalo ng kahit paano walo at matalo nang dalawang beses. Kapag nanalo ka ng pitong beses at matalo ka nang tatlo, apat na bilyong dolyar lang ang makukuha mo!" Isa pang lalaki ang ngumiti. "Higit pa rito, medyo imposible na para manalo ang isang taong tulad mo, nang makita na di ka pa nakakapaglaro buong buhay mo." Pinag-isipan ito ni Sharon, tapos nagngitngitan ang ngipin niya at tumayo. "Fane, di mo pwedeng basta putulin ang kamay mo kapag wala kang pambayad. Kung di ka makakapagbayad,
"Anong sinasabi mo mokong? Heh. Paano ko magagawang basta na lang di galingan kung billiards ang usapan?" Kaagad na nagalit si Leo nang marinig niya ang sinabi ni Fane at tinitigan siya nang masama. "Anong sinasabi mo? Di ko ba malalaman kung di niya ginagalingan?" Hinihingal din na nagsalita si Timothy, "Medyo magaling akong maglaro!" Ngunit sumagot si Fane nang may masiglang ngiti, "Dahil ito sa di niya ginalingan kaya di mo masabi. Ang anggulo niya ay sadya nang patamaan niya ang bola, at nagpanggap siya na muntik na niyang maipasok ang bola. Kailangan lang niyang di galingan isa o dalawang beses sa gitna ng laro para manalo ka. Bukod pa riyan, ikaw mismo ang nagsabi一medyo magaling kang maglaro!" Dito, huminto saglit si Fane bago magpatuloy nang walang bahala, "Higit pa rito, tingin ko iniisip mo kung bakit siya naghinay sa'yo Young Master Drake. Makikipaglaro ka pa rin ba sa kanya kung di siya naghinay, at lagi kang natatalo nang sampung round sa sampung laro? Syempr
"Sige pala!" Tumaas ang gilid ng bibig ni Leo. Sa sumunod na segundo, pinatamaan ang cue ball nang may malakas na pwersa na nagpakalat sa mga pulang bola sa ibabaw ng mesa. Ngunit, sa kasamaang palad, wala sa mga bola ang nalaglag sa mga butas. "Hah, Young Master Leo, mukhang hindi ka swinerte ngayon!" Hindi mapigilan ni Fane na tumawa sa kanyang laro. "Ngayon, ako naman! Maganda ang posisyon ng puting cue ball, at ilang pulang bola ang malapit sa mga butas!" "Oo. Maganda ang posisyon ng puting cue ball, pero para sa isang baguhang kagaya mo, wala man akong planong dumepensa. Haha! Kinalat ko ang mga bola para mabilis kitang matatalo mamaya!" Tumawa si Leo. Ngumiti rin si Timothy sa sitwasyong ito. Ngumisi siya, "Mukha itong simple. Pero kapag wala siyang maipasok na bola, malalaman niya kung ano ang isang magaling ka billiard player!" Thud! Sa sandaling marinig ang huling patnig ng salita, ginaya ni Fane ang tindig ni Leo kanina at pinatong ang kanyang tiyan sa
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin