"Haha, nakakatawa. Talagang isa kang sundalo, ang buto mo ay mas matigas sa kahit na ano." Nagsimulang tumawa si Kelly matapos niyang marinig ito. "Dahil ayaw mong ibahin an petsa at ayaw din namin iyon. Edi isagawa natin ito sa iisang araw. Di naman malaking bagay kung sa iisang araw gaganapin ang parehong event, basta di niyo lang ito pagsisisihan." Nagsimula ring tumawa ang pinuno ng Gold family. "Dahil ayaw niya ng fifty million, di na natin siya kailangang suyuin. Ang aming Gold family ay isa sa mga pinakamagaling sa lahat ng second-class aristocratic family. Naniniwala ako na maraming tao ang dadalo sa kasal ng anak ko. Sa oras na yun, ilang tao ang magsisisi!" "Haha, di siguro ganon. Master Gold, kailangan mo itong pag-isipan nang maigi. Kapag isinagawa mo ang kasal sa parehong araw ng amin, kayo ang magsisisi!" Ngumiti si Fane at sinabi nang walang pakialam. "Haha, masaya yan. Isagawa natin ito sa iisang araw. Gusto kong makita kung paano mo pasusunurin ang siyudad." Tuma
Tumawa nang malakas si Old Master Taylor at sinabi, "Tinawagan ko na si Fangus at sinabi na medyo abala siya at kailangan niyang magtagal pa sa trabaho." Sa puntong ito, tinignan niya si Andrew Taylor at sinabi, "Oo nga pala Andrew, bakit wala si Ben dito? Tingin di ko pa siya nakikita sa loob ng ilang araw." Ngumiti si Andrew nang walang bahala at sinabi, "Dad, kakabukas lang ni Ben ng isang internet cafe nitong nakaraang araw. Syempre magiging abala siya. Di pa siya nakakauwi sa loob ng dalawang araw." Ngumiti nang masaya si Grandpa Taylor at sinabi, "Sa wakas alam na ng batang ito kung paano tumatakbo ang pera. Siguro tapos na rin siya sa paglalaro!" Nang marinig si Grandpa Taylor na pinupuri ang kanyang anak, ngumiti si Fiona at sinabi, "Oo, ang Ben namin ay matiyaga. Dati ang bata niya at padalos-dalos, laging nagkakamali pero ngayon lumaki na talaga siya." "Oh, narinig ko na may sampung bodyguard kayo, at lahat sila ay magaganda at matatangkad." Tinignan ni Cecilia si
Di makapaniwala si Fane na may pustahan. Sinabi niya, "Syempre, sa kung magkano ang ipupusta natin, bakit di ikaw ang mag-alok, dahil ideya mo ito." Narinig ni Kelly at tumawa siya nang kampante. Sinabi nito, "Mabuti, edi di na ako magbibigay ng ganito kalaking kabayaran kapag para kapag natalo kayo, di niyo pwedeng sabihin na inaapi ko kayo at di kayo makapagbayad! Dahil may ilang milyon pa kayo, pumusta tayo ng sampung milyon bawat round?" "Sampung milyon bawat round? Diba sobra naman yan? Kapag natalo tayo ng ilang rounds, anong gagawin natin? Kailangan pa rin natin ng pera para sa wedding dinner ng anak natin!" Narinig ito ni Fiona at nagulat nang sobra. "Oo, medyo malaki yan Kelly. Di magandang isugal ang ganito kalaking halaga. Gawin na lang nating isandaang libo bawat round." Nagulat nang sobra si Joan at napatayo siya. "Ha, ha, aunty, bakit ka ba nagbibiro? Paano ako masasaktan sa sampung milyon? Di man lang sapat ang sampung milyon sa taong tulad ko." Tumawa si Kel
Dumating ang siyam na bodyguard sa Taylor family hall nang napakabilis. "Dahil tapos na kami sa pagkain, tara na! Tingnan natin kung sinong mas magagaling sa mga bodyguard na ito." Nang makita na tapos na ang lahat sa pagkain, tumayo ang pinuno ng Gold family at sinabi. "Ha, ha, dad tignan mo lang ang mga babaeng ito. Napakakinis at lambot ng mga balat nila, magaganda at makikinis na mahahabang binti. Anong laban nila sa mga bodyguard ng pamilya natin?" Tinignan ni Kelly si Orchid at ang grupo at kumunot ang kanyang kilay. Sinabi niya, "Nakakapagtaka. Bakit siyam lang ang nandito? Akala ko sampu ang mga bodyguard niyo?" Tinignan ni Orchid si Kelly at sinabi nang kalmado, "Umalis si Elaine para bantayan si Ben kaya siyam lang kaming nandito." "Ah, sayang naman, kung ganon mukhang kulang tayo ng sampung milyon!" Sinabi ni Kelly nang malakas. "Sampung milyon?" Mukhang naguluhan sila Orchid at ang grupo niya. Lumapit sa kanila si Fane at sinabi, "Di mataas ang tingin sa inyo
"Ikaw…" Talagang galit si Fiona pero pinigilan niya ang kanyang sarili nang maisip niya ang pinagmulan ni Gold. Umatras sita habang nanggigigil. Di masyadong nagsalita si Fane. Tinignan niya si Orchid at ang ibang mga babae at ngumiti, "Good luck, ililibre ko kayo bukas kapag nanalo kayo bukas." "Talaga? Magaling yan, salamat boss!" Ngumiti sila Orchid at ang mga babae. Isa sa mga babae ang lumapit at itinapat ang kanyang kamao sa mga lalaki. "Sinong mauuna?" "Ha ha, ako ang palabanin niyo! Gusto ko ang eksenang ito. Ang ganda ng katawan mo, magandang dibdib at pwet." Isang kayumangging lalaki ang tumawa at lumapit. Halos maglaway na siya, "Ganda, magmamakaawa ka sa akin mamaya. Kapag nagmakaawa ka sa akin at di kita pinatay, paano kung bayaran mo ako? Kahit anong mangyari lalaki ako na tinatrato nang tama ang mga babae." Tinignan siya ng babae at ngumiti nang kampante, "Kung ganon, pwede ka rin namang magmakaawa sa akin na buhayin ka. Kapag nagmakaawa ka, di kita papatayin
Narinig ni Fiona at kaagad na kumislap ang mata niya. Ito ang unang sahod ni Fane at ito ay dalawampung milyon. Ngunit lumubog kaagad ang mukha niya. Sinabi niya, "Ano ngayon kung nakuha ko na ang sahod ko. Hindi mo pa nahahawakan nang matagal ang pera at baka mawala na ito sa'yo!" "Ma, wag mong batiin. Kailangan mong maniwala sa kakayahan ng mga babae!" Nakikinood lang si Selena pero nagsimula na rin siyang kabahan. Ngunit pinili niyang magtiwala kay Fane at suportahan ang desisyon niya. '"Put*ngina, ako ang palabanin niyo!" Isa pang bodyguard ang lumapit mula sa grupo ng bodyguard ni Mr. Gold. "Orchid, ako na bahala!" Isa pang nakakatuwang babae na kasama sa mga bodyguard ng Taylor family ang umabante at handang makipaglaban sa kanya. "Miss, ang cute mo naman. Iniisip ko kung gaano ka katagal na iiyak matapos na masapak ko." Nanghamon ang bodyguard nang makita niya ang dalaga. Sa totoo lang, talagang mukhang inosente at di mukhang mapanakit ang kaaya-ayang babaeng ito.
Sa umpisa, walang intensyong pumatay ang mga bodyguard ni Fane. Gusto lang nilang matalo ang mga kalaban nila. Ngunit, dahil nakaramdam sila ng galit mula sa kanilang mga kalaban, sila rin ay nakaramdam ng kaparehong galit para ubusin sila. 'Sinubukan akong patayin ng lalaking to,' naisip niya. 'Hindi ako magpapakita ng awa.' Tumakbo si Nero sa kanya nang nakasara ang pareho niyang kamao. Sumuntok siya nang dalawang beses gamit ng isang left jab at right hook at sumigaw habang humarap sa kanya. Tumuwid ang tayo ng babae at iniwasan niya ang kanyang kalaban. Sumipa ang kanyang kaliwang binti at umilag papunta sa kanyang kanan, bigla siyang tumalon sa likod ng lalaki. Nilingkis ng kanyang hita ang mga balikat ng kalaban at hawak niya ng ulo nito sa isang deadlock. Pinihit niya ang kanyang ulo. “Crack!”Isang malutong na tunog ang narinig. Nabali ang leeg ng bodyguard ng Gold family. Tumalon siya pababa mula sa kanyang katawan. Mukha pa ring gulat ang mga mata ng lalaki haban
Ngayon naman, ipinakita ng Gold family ang isang lalaki na dalawang metro ang taas. Tiyak na mas malakas siya sa dalawang lalaking nauna sa kanya. Kahit na ganoon, pagkatapos ng dalawa o tatlong minuto ng laban, nagawa siyang patayin ng mga bodyguard ng Taylor family. "Nanalo na kami ng tatlong rounds. Natatakot ako na baka manalo kami sa lahat ng round."Tinignan ni Fane si Cecilia Taylor at nagsabing, "Cecilia, hindi ka pa kasama sa pamilya nila. Dapat parte ka pa rin ng Taylor family, di ba?" Hindi masyadong naintindihan ni Cecilia ang ibig sabihin ni Fane sa tanong na iyon. Kumurap siya at nagsabing, "Kalokohan, syempre, parte ako ng Taylor family." "Kung ganon, alin sa Taylor family at sa Gold family ang gusto mong manalo?" Biglang nagtanong si Fane sabay tumawa. Bahagyang kumibot ang bibig ni Cecilia. Inisip niya na pahamak si Fane na sinusubukang pahirapan ang buhay niya sa pagtatanong ng ganitong tanong. Naiipit siya ngayon–kahit anong piliin niyang sagot ay magkakap
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin