Share

Kabanata 661

Author: Moneto
Tinuon ni Fane ang kanyang atensyon sa kanyang phone. ‘Skyler Celestino’ ang lumitaw sa screen ng phone.

“Oh, Skyler Celestino!” Kaswal na sambit ni Fane pagkatapos niyang sagutin ang tawag.

“Hehe, oo! Ayon sa porsyento ng hatian natin, makakatanggap ka ng isang daan at pitumpung bilyong dolyar. Natanggap mo na yung sayo, tama?”

“Ang swerte ko naman. Hindi ko lang naibsan ang pangangati ko sa pakikipaglaban, kumita pa ako ng malaking halaga.”

Umalingawngaw ang malaking boses ni Skyler sa phone.

“Oo, nakuha ko na ang porsyento ko. May aasikasuhin pa ako, kaya ibaba ko na tong tawag!”

Ibinaba na ni Fane ang tawag sa sumunod na segundo.

Nakatayo lang malapit sa kanya ang babae, at hindi naman mahina ang boses ni Skyler sa kabilang panig ng phone. Hindi sigurado si Fane kung narinig ba ng babae ang napag-usapan nila.

Sa sandaling yun, nilapitan ni Hector ang dalawa at sinabi, “Brother Fane, narinig ko na nagtatrabaho bilang bodyguard para sa Drake family, tama?”

Nag
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 662

    "Skyler Celestino?" "Isang daan at pitumpu't walong bilyong dolyar?" Ang mga taong nasa lugar ay gulat na gulat. Nabalot silang lahat ng takot. Ang dalawang piraso ng impormasyon na ito ay talagang nakakagulat. "Sigurado ka ba na tama ang narinig mo? Skyler Celestino? Hindi ba't ang pangalan na ito ay kay Skyler, ang King of War? Iyon ang Eight-star King of War!" Nanigas sa kanyang kinatatayuan ang elder ng marinig ang ang bagay na ito. Nagawa lang niyang makagalaw pagkalipas ng ialng minuto. “Iisa lang ang King of War na nagngangalang Skyler Celestino!” Ang babae ay napatulala na lang dahil sa kaguluhan, hindi pa rin nakakabawi mula sa kanyang nalaman. “Kung si Skyler Celestino nga ang iyon, ang King of War, bakit naman niya biigyan ng ganung kalaking halaga si Fane? Higit sa isang daan at pitumpung bilyong dolyar! Sigurado ka ba na tama ang numerong narinig mo? Bakit niya binigyan ang bastardong yun ng ganung kalaking halaga?” Nanigas tuloy ang mga masel ni He

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 663

    “Ang p*tang *nang yun ay talagang mautak! Muntik na tayong maloko ng taong yun!” Sigaw ng isa sa mga sugatan na maskuladong lalake pagkatapos nitong paluin ang kanyang hita. “Mas tuso pa sa isang matsing ang batang yun!” sabi ng matandang lalake, na may mapait na ngiti. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Natatakot siya na baka ipagpatuloy natin na maghanap ng gulo at pansamantala lang natin siyang palampasin. Kaya niya tinago ang baraha niyang to mula sa atin, para lang makaalis siya sa lugar na ito. Kung hindi, paano niya masasabi na pagkakataon lang ang lahat ng ito? Paano nagkataon ang tawag na yun nung papasahan na natin siya ng pera?” Pagkatapos nilang marinig ang detalyadong pagsusuri ng elder, napasang-ayon si Hector. Muntik na siyang maloko ng b*stardong yun! Nilingon niya ang elder at sinabi, “Elder Ward, nagpapasalamat ako sa iyong karunungan at talino. Mapalad tayo, nabuking ang batang yun dahil sa hindi kapanipaniwalang halaga ng pera na yun—isang daan at pitumpung biyo

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 664

    Samantala sa Drake residence... Tatlong magagandang dilag ang namamasyal sa malaking hardin ng Drake residence. tinitigan ni Yvonne si Tanya, na may gustong tanungin na bagay pero natatakot siya na baka ang pag-aalala niya kay Fane ay mahalata. Natatakot siya na baka hindi siya maunawaan ng dalawang dalaga. Gayunpaman, lalo lang lumalaki ang pag-aalala niya para kay Fane sa buong araw na yun. Alam niya sa sarili niya na ang pinuno ng Green Sky Hall at ang pinuno ng Kingston Hall ay tunay na magkapatid. Ang dahilan kung bakit nagawang umunlad ng Green Sky Hall at mabilis na lumawak nito ay dahil sa kapangyarihan na may hawak sa kanila—ang Kingston Hall. Higit pa dun, may ilan na magagaling na mandirgma sa hanay ng Green Sky Hall, na kahit si Spectre Face na mula sa Drake family ay nagdadalwang-isip muna bago kalabanin sila. Kaya, kinakain siya ng takot at pangamba—talagang nag-aalala siya para sa kaligtasan ni Fane. Dapat ay naparito na si Fane para magtrabaho sa mg

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 665

    ”Sa wakas!” Sabay na nabanggit nila Sharon at Yvonne, parehong nakahinga ng maluwag. Tinitigan ni Sharon si Yvonne, ang kulay-rosas nitong mga labi ay bahagyang nakabuka. hindi na niya mapigilan na magtanong, “Yvonne, mukhang… mukhang nag-aalala ka rin para sa kanya. Huwag mong sabihin na gusto mo rin siya?” Nagulat si Yvonne sa tanong ni Sharon, at nasamid siya dahil sito. Hindi mapakali ang kanyang mga mata at kaagad na namula ang piosngi nito. Kaagad siyang sumagot, “Ano? Imposible! Bastos ang lalakeng yun na naglalaway sa tuwing nakakakita ng magandang babae! Hindi ko siya guysto, hmph!” Nagkaguhit ang noo ni Sharon nang magsalubong ang mga kilay nito. “Imposible! Kung isa nga siyang manyak, bakit hindi siya naglalaway sa akin? MEron akong magandang katawan at maganda pa ako!” “Hello, mga magagandang binibini! Mukhang walang gumugulo sa mga isipan niyo at lahat kayo ay maganda ang pakiramdam, habang pinagmamasadan ang mga bulaklak,” Panunukso ni Fane naglalakad papalapi

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 666

    Tinaas ni Fane ang kanyang kilay nang marinig niya ang sinabi ni Tanya. "Sa tingin ko hindi ganoon ang sitwasyon. Lalo na't si Hector ang head ng Green Sky Hall. Bilang head ng isang kilalang house, bakit hindi siya tutupad sa pangako niya?" Sa kabilang banda, hindi mapigilan ni Tanya na sarkastikong tignan si Fane gamit ng kanyang magagandang mga mata. "Oo nga, siya nga ang head ng Green Sky Hall, pero hindi ang nakikita mo sa labas ang kanilang tunay na lakas. Sa labas na mundo, tungkol sila sa pagbubukas ng spa at mga wellness center, pero sa ilalim, gumagawa sila ng maraming kasunduan at maruming kalakalan. Mapagkakatiwalaan ba natin ang ganoon tao?" Tumango si Fane sa pagsang-ayon sa mga salita ni Tanya. "Tignan pala natin kung anong mangyayari. Kung hindi siya matuto ng leksyon ay pagsisisihan niya to pagdating ng oras!" "Sige pala. Maghahapon na, mag-shopping tayo!" Pansamantalang suhestiyon ni Tanya. Tinignan ni Fane ang relo sa kanyang pulso––magtatanghali na. Pagk

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 667

    Walang masabi si Yvonne. Naglakad siya sa likuran ni Sharon at malakas na sinampal ang kanyang likod sabay naglakad papalayo na para bang walang nangyari. “Ah!” May naramdamang sakit si Sharon sa kanyang likod at napasigaw siya. Nanlaki ang kanyang mga mata na parang mga pinggan. "Yvonne Drake, anong ginagawa mo?!" Isang walang pusong ngiti ang nasa mukha ni Yvonne nang lumingon siya. "Hindi ba sinabi mo na gusto mong mapalo? Isipin mo na lang galing kay Fane ang palo na yun." Natulala si Sharon. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o tatawa. Galit siyang nagsalita, "Paanong––paanong pareho yun?" Kung kay Fane nga talaga nagmula ang palo na iyon, ibig sabihin nito ay may interes si Fane sa kanya. Kung gayon, kahit na magkapasa-pasa siya sa kakapalo ay sasabog sa tuwa ang kanyang puso. Ngunit kailangan niyang harapin ang katotohanan. Hindi siya binigyan ng pagkakataon ng tangang Fane na ito. Hindi niya alam kung anong susunod na gagawin. Tara na. Ito ang unang beses na ilili

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 668

    Sa isang iglap, sina Fane at ang tatlong magagandang babae ay nakarating sa isang tahimik at payapang restaurant na may sosyal na dekorasyon. Isa itong disenteng restaurant. Tahimik ang paligid at mayroong pastel na disenyo. Kahit na medyo may kamahalan ang presyo, hindi problema kay Fane ang pera. Hindi man lang nawindang si Fane sa mga presyo. "Sige, ladies. Mag-order kayo ng kahit na anong gusto ninyo! Karangalan ko na maimbitahan ang tatlong magagandang dalaga para kumain ng tanghalian sa pinakaunang pagkakataon!" Iniabot ni Fane ang menu at mapagkumbabang nagsabi. "Isa lang akong bodyguard at kayong tatlo ay nagmula sa mga mayamang pamilya. Pero hinayaan ninyo akong ilibre kayo ng tanghalian. Isa talaga itong karangalan!" Walang masabi si Tanya nang ilang sandali. Hindi ordinaryong tao ang lalaking ito at malamang ay mayroon siyang mas mataas na katayuan sa lipunan kumpara sa kanya. Pero umaarte siyang tanga sa kanyang harapan. Malinaw sa lahat na hindi lang isang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 669

    Sa sandaling natapos magsalita ang siga na nakatingin kay Tanya, iniunat niyang muli ang kanyang kamay at sinubukang hawakan ang kanyang pisngi. "Layas!" Pinalo ni Tanya ang kamay nito nang may nandidiring ekspresyon sa kanyang mukha. Ito ang malakas na boses na narinig ni Fane kanina. Pumasok siya ng restaurant nang may napakalamig na mukha. "Heh! Mainitin ang ulo mong babae ka, ha? Ang lakas ng loob mong paluin ako! Alam mo ba kung magkano ang ibabayad mo sa pagpalo sa kamay ko? Magtatanong sana ako nang maayos kung papayag kang sumama sa'min, pero dahil sinaktan mo ko, wala kang magagawa kundi sumama sa'min ngayon. Hay. Syempre, pwede kang mamili sa pagitan ng pagsama sa'min o bayaran mo ako ng isang milyon para sa medical expenses!" Ngumisi ang lalaki. Dahil pinalo ni Tanya ang kamay niya, nagpasya siya na bantaan siya. "Mani lang sa'kin ang isang milyon, wala lang yun! Pero para sa isang bastos na kagaya mo, managinip ka na lang!" Tumayo si Tanya at bahagyang pum

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status