Share

Kabanata 577

Author: Moneto
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
Nang marinig niya ang sinabi ni Fiona ay nayanig si Andrew, kaya sinimulan niyang tanungin si Fane.

Unti-unting bumalik ang malay ni Xena at natataranta rin kagaya ni Fiona nang magising siya. Kahit na ganoon, kumalma siya nang mapansin niya ang pamilyar at ligtas na paligid. "Diyos ko, sobrang nakakatakot non! Hinimatay ba ako? Nasa bahay na ba tayo? Asan na ang mga taong yon?"

"Wag kang mag-alala, patay na ang mga taong iyon," tiniyak ni Fane sa kanila. "Kapag sinabi kong kaya ko kayong iligtas pareho, ibig sabihin ay kampante ako na magagawa ko ang pangako ko!" Huminto sandali si Fane bago nagdagdag, "Buti na lang, hindi gaanong malakas ang marshal na yun. Kung hindi, nahirapan siguro ako!"

"Kasalanan mo tong lahat. Kailan ka nakagalit ng mga tao mula sa Sky Dragon City? Sabi ni Young Master Xenos, mula raw sila sa isang malaking pamilya sa Sky Dragon City, at napakalaki ng city na iyon!" Bumaba si Fiona ng kotse, halatang nag-aalala pa rin ang kanyang mukha. "Anong gagawin na
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Riel Guimba
fane naiinis aq sayo dimo pa pinatay yang Xena na yan xia Ang papatay sayo
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 578

    Pagkatapos niya itong pag-isipan nang mabuti, nagbigay ng suhestiyon si Fane, "Ganto na lang: Makakatanggap kayong dalawa ng isang milyon na ibibigay ko pagkatapos nito. Kunin niyo ang pera para kumalma kayo. Ayos ba yun?" Wala lang sa kanya ang halagang iyon. Basta't hindi na siya sisisihin ni Fiona para sa insidente ngayong araw, magiging ayos lang ang lahat. Para naman kay Xena, balak ni Fane na umarte na para bang nakalimutan na niya ang nangyari noon at tratuhin ang babaeng ito bilang pamilya. Sa ganitong paraan, bababa ang depensa niya at maipapakita niya ang kanyang tunay na kulay. Lalo na at kasalanan niya ang nangyari ngayon. Walang pakialam si Fane tungkol kay Quil pagkatapos niyang patayin si Magnus. Iniisip niya na ang mga hindi importanteng tao kagaya ni Quil ay hindi gagawa ng gulo dahil sa takot pagaktapos mamatay ni Magnus, ang taong kanyang tinitingala. Hindi inaasahan ni Fane na mangyayari ito. Hindi alam nila Quil at ng iba pa na siya ang pumatay kay Magnus

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 579

    Ngunit nang malaki ang natutuwang si Xena kay Fane sa sandaling nakuha niya ang pera. Tumango si Andrew sa pagsang-ayon. "Mabuti at walang nangyaring masama. May punto ang sinabi ni Fane, at kailangan talaga nating kumuha ng ilang bodyguard at katulong. Ngayon na medyo mayaman na tayo, baka pasukin ng mga magnanakaw ang bahay natin kung wala tayong mga bodyguard!" Tumango si Fane. "Tama, Mama. Dapat pumasok ka na at magpahinga. Marumi rin ang damit mo, kaya mas maganda kung maligo ka at magpalit ng damit. Lalabas na ko ngayon para kumuha ng ilang bodyguards!" Pagkatapos kausapin si Fiona, umalis si Fane sa bahay at nagmaneho papunta sa isang private security company. Napakaraming mga makapangyarihang pwersa, pamilya, at mayayamang tao sa Middle Province kaya napakarami ring mga private security company. Nagmaneho si Fane sa kung saan-saan bago huminto sa kung saang lugar. Mayroong dalawang private security families dito. Ang isa ay mayroong nakakatawag-pansing disenyo na may

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 580

    Pambihira ang bilis ng kalbong lalaki. Syempre, natural lang na ang isang tao na nagsasanay ng mga bodyguard ay nagtataglay ng isang pambihirang abilidad. Pakiramdam niya ay kailangan niyang turuan si Fane ng leksyon, lalo na pagkatapos niya siyang bastusin sa ganitong paraan. Hindi nakakatulong na maraming nakakita na binastos siya ni Fane."Hmph!" ang tunog ng galit habang papatamaan niya si Fane gamit ng kanyang mga palad na naka-tiger claw-style. Hindi ito inaasahan ng kalbong lalaki: simpleng humakbang lang pagilid si Fane, at naiwasan niya ang atake ng lalaki nang ganoon kadali. Nabigla ang kalbong lalaki. "Imposible!" Nagulat ang kalbong lalaki habang nanlaki ang kanyang mga mata. Mabilis niyang naisip na baka nagkamali siya ng tantiya. Isa itong biglaang atake, at napakabilis pa. Paano niya ito nailagan nang hindi lumilingon? Habang nagulat siya tungkol dito, naglakad si Fane nang dalawang hakbang paharap palayo sa kanya nang nakalagay sa kanyang likuran ang kanyang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 581

    Sa pagkakataong ito, sobrang nakakatakot ang lakas ni Fane. Napalipad ng kanyang suntok ang lalaki nang ilang metro, at nasira niya ang mga pader sa bukana ng bakuran. "Nngh!" Sumuka ng dugo ang kalbong lalaki habang bumagsak siya sa lapag. Mapulta ang kanyang balat. "Sino ka? Ang lakas ng loob mong gumawa ng gulo sa Harrison Private Security Company!" Isa-isang tumakbo palabas ang mga tao sa loob ng opisina pagkatapos nilang marinig ang lahat ng ingay. "Tama. Bata, ang tapang mo talaga. Ito ang aming private security company. Gusto mo bang magpakamatay? Pumunta ka rito para gumawa ng gulo?" Ganito rin ang sinabi ng iba. Ilan sa mga estudyanteng bodyguards ang pinalibutan si Fane. "Paanong nangyari to? Natamaan ang kalbong instructor…" Nakita siyang tumayo ng isa sa mga binata. Nagdilim ang kanyang mukha. Mukhang napakalakas ng binatang ito. Nagdilim rin ang mukha ng ilang mga instructor. Sa wakas ay tinignan rin nila ang matandang lalaki. "Head instructor, gustong pumasok

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 582

    Akala ng mga tao mula sa kabilang kumpanya na may nagpunta rito para gumawa ng gulo. Lalo na't ang lahat ng tao mula sa Harrison Private Security Company na ito ay napakayabang. Maliban roon, may malakas na pinagmulan ang kumpanyang ito––medyo mayaman sila. Naiinggit sila sa mga taong mula sa kumpanyang ito dahil nagmamaneho sila ng maraming kita. Kahit ang bakuran nila ay maganda ang disenyo. Hindi nila inakala na may magtatangkang gumawa ng gulo sa kanila. Ngunit naintindihan ng mga taong ito ang sitwasyon sa sandaling narinig nila ang sinabi ni Fane. Mukhang masyadong mayabang ang mga tao rito at nagalit ang isang customer. May kasabihan na ang mga customer ay mga hari. Hindi nila naisip na minaliit ng kalbong lalaking ito ang taong iyon, at inatake pa siya. Ngunit, mukhang inatake siya pabalik ni Fane. "Tandang Kalbo, customer ba talaga ang taong to?" tanong ng matandang lalaki pagkatapos niya itong pag-isipan. Kaagad na nagsalita ang kalbong lalaki, "Head instructor, w

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 583

    "Ang bilis!" Hindi lang ang mga tao sa Harrison Private Security Company ang nagulat, pati ang mga tao sa kabilang kumpanya ay sobra ring nagulat. Pinapanood nila ang pangyayari mula sa entrance. Nagtataka sila kung totoo ba talagang ang isang napakalakas na taong kagaya nito ay nagpunta para kumuha ng bodyguard. Kailangan pa ba ng mga taong kagaya niya ng isang bodyguard? "Hindi!" Hindi handa ang kalbong lalaki na lumaban. Natulala lang siya at nasa harapan na niya si Fane. Hindi nagtagal ay bumagsak ang suntok ni Fane sa kanyang binti. Sumigaw sa takot ang kalbong lalaki at lumipad papalayo. Pagkatapos niyang sumalpok muli sa pader ay tumumba siya roon––wala nang buhay. "Tanda, gusto mo bang lumapit at matikman to?" Hindi man lang tumingin Fane sa kalbong lalaki. Tumalikod siya, tinignan ang matandang lalaki, at naningkit ang kanyang mga mata. "Nandito ako para bigyan kayo ng pera pero hindi niyo gusto. Ngayon, ang tapang ninyo na sumugod sa kamatayan ninyo!" Gulp!Napalun

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 584

    Paanong nangyari yun? Pumatay ang lalaking ito at hindi lang siya pinabayaan ng Harrison Private Security, humingi pa sila ng tawad sa kanya? At nagsabi pa na bibigyan siya ng naparaming bodyguards nang libre sa loob ng maraming taon?" Hindi mapigilan ng mga nanonood na mapasalita sa gulat. "Palaging mataas ang tingin ng Harrison Private Security Company sa kanilang sarili. Pero ngayon, naging napaka…" "Haha, hindi mo ba nakita ang nangyari? Malamang poprotektahan ng 8-star King of War ang head commander na to. Maliban roon, pagkakamali iyo ng Harrison Private Security Company. Kung nagalit ang 8-star King of War, hindi sila makakatakas sa kanya!" Tumawa ang bodyguard na may maikling buhok at nagsabing, "Nakasalubong sila ng lalaban sa kanila ngayon, at nanalo nang malaki ang binatang to. Kung makakakuha siya ng dalawampung bodyguards sa loob ng isang taon, kailangan niyang gumastos ng limang milyon. Ang gastos sa isang taon ay nasa limang milyon. Ang sahod sa loob ng limang taon a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 585

    Nang makarating sila sa eskinita, tumingin si Fane sa paligid para tignan kung may nakasunod sa kanila bago seryosong nagsalita. "Sa susunod, wag mo nang sasabihin kung gaano ko kamukha ang Supreme Warrior. Gusto ko lang ng normal na buhay at ayaw kong magulo!" Pagkatapos niyang magsalita, inilahad niya ang kanyang palad at pinakita ang isang itim na token. Mukhang malakas ang token at mayroong totem na dragon rito. Kaagad na tinago ni Fane ang token pagkatapos itong masilip ni Skyler. Psst!Napahigop ng hangin si Skyler pagkatapos niyang makita ang token. Kaagad siyang lumuhod. "Binabati ni King of War Skyler Celestino ang Supreme Warrior at nagpapasalamat ako sa pagligtas mo sa'kin ilang taon na ang nakakaraan. Ako, ang mga estudyante ko, at mga kasamahan ko, ay may intensyong bayaran ang utang na loob namin sa Supreme Warrior, pero hindi kami nabigyan ng pagkakataon sa lahat ng nagdaang taon. Matagal ko nang pinapangarap na makilala ka, at ngayon ay natupad na ang pangarap ko

Latest chapter

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

DMCA.com Protection Status