Share

Kabanata 569

Author: Moneto
Nabigla si Xena, nalilito nang makita niya ang lalaki sa harapan nila. Tapos naalala niya na sinabi ni Brother Octo na maging si Young Master Wilson ay isang hamak na alalay lamang para sa kanyang young master. Sa madaling salita, ang young master niya ay mas makapangyarihan kumpara sa Wilson family, ibig-sabihin nito na ang taong ito ay mula sa isang first-class family!

Kahit na ganon, ang tao sa harap nila ay isang estranghero!

"Heh! Sigurado ka bang may utak ka? Ako ang young master mula sa isang malakas na aristocratic family sa Sky Dragon City!"

Tumawa nang malakas si Quil bago humarap kay Brother Octo. "Octo, bakit mo din dinala ang kulubot na matandang ito dito?"

Nag hindi hinihintay na magsalita si Brother Octo, kaagad na sumingit si Fiona, "Young Master, nagkamali sila ng nakuhang tao. Hindi ako ang hinahanap niyo. Pwede niyo ba akong pakawalan?"

Naghintay saglit si Brother Ocyo bago siya lumapit sa kanyang master at nagpaliwanag, "Young Master, ang babaeng ito
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 570

    Sa sandaling ito, dumating si Fane sa isang lugar na di malayo sa abandonadong gusali. Naglabas siya ng isang sigarilyo bago lumapit sa gusali. "Nandito na siya!" Si Zain, na nakatayo malapit sa dulo ng ikatlong palapag, ay pinanood si Fane na lumapit. Sinabi niya nang malamig, "Di talaga ako binigo ni Fane. Isa siyang mapagkakatiwalaang tao!" Sa sandaling malaman ni Fiona na nandito na si Fane, habang hawak ng dalawang malaking tao, kaagad siyang sumigaw, "Fane, tulong! Ikaw walang kwentang g*go ka, paano mo nagagawang galitin ang mga tao mula sa Sky Dragon City? Bakit ang bagal mo? Dalian mo at iligtas mo na kami! Nasa ganitong kalagayan kami dahil sa'yo!" "Kasalanan mo ang lahat ng ito Fane! Kung hindi dahil sa'yo, di kami mapupunta dito!" Namula ang mga mata ni Xena. Napakasama kung mamamatay siya dito ngayon. Sa katotohanan, baka kayanin pa ni Xena na gusto siyang pagsamantalahan ng mga lalaking ito kaysa patayin siya. Naisip niya na pwede niya itong isisi sa kam

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 571

    Tumawa si Quil. "Papatayin ka ni Marshal Zain Yorke para ipaghiganti ang kanyang master. Ako naman, susulitin kong paglaruan ang asawa mo para ipaghiganti ang tito ko. Ano sa tingin mo? Maganda ang plano kong paghihiganti diba?" "Hmph. Asa ka!" Tumawa di Fane, ngunit walang saya dito. "Siguradong madidismaya ka pag nalaman mong hindi madudukot si Selena. Masisiguro ko sa'yo yan." "Haha! Mukhang kampante ka. Tingin mo ba walang kwenta ang mga bodyguard ko? Tingin mo ba di nila kayang kunin ang isang simpleng babae?" Nagsimulang tumawa nang malakas si Quil. Naputol ang usapan nila nang tumunog ang cellphone ni Fane. Tinignan niya ang caller ID at sinagot ito. Siguradong si Selena ito. Binuksan niya ang loudspeaker. "Honey, ayos ka lang ba?" "Honey, nakasalubong ko ang ilang lalaki habang papunta ako sa trabaho kanina, at gusto nila akong dukutin. Siguro isa silang bodyguard ng isang young master. Kailangan mong mag-ingat dahil aatakihin ka nila!" Sagot ni Selena habang nababa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 572

    Di talaga matiis ni Zain ang ugali ni Quil. "Sa taas mo gawin yan kung may gusto kang gawin, wag mo akong istorbohin. Nandito ako para itumba ang taong ito!" Natawa si Quil sa sinabi ni Marshal Yorke. "Haha! Sige, iiwan ko na ito sa'yo, dahil isa lang naman siyang commander. Aakyat kami para magsaya. Siguro naman hindi mahirap para sa'yo na itumba ang isang hamak na commander!" Lumapit si Quil at ang iba sa hagdan patungong ikaapat na palapag habang dala si Xena at Fiona. "Bitiwan mo ako!" Sumigaw si Xena nang magpumiglas siya. Ang mga p*tang bodyguard na ito ay mga walang kwentang tao, lagi nilang hinahawakan ang hita niya nang dinadala siya ng mga ito paakyat. "Fane, iligtas mo ako! Kung di dahil sa'yo, di kami madadakip!" Sigaw ni Fiona. "Kapag may nangyari sa akin, di ka palalagpasin ng anak ko!" "Alis, mga g*go! Alis!" Natakot nang sobra si Fiona, di tumigil ang pagpupumiglas niya nang dalhin siya palayo. Namutla ang mukha niya sa takot, at ang buhok niya ay nagulo sa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 573

    "Nngh!" Si Zain, buti na lang, isa siyang malakas na marshal. Sa matinding tibay na nabuo sa kanyang katawan, nagawa niyang makabangon muli. Gayunpaman, ang natamo niyang pwersa ay napuruhan nang matindi ang katawan niya. Pagtayo niya, nakaramdam ng bugso ng matamis na likido ang lalamunan niya at sumuka siya ng dugo. Namutla ang mukha niya. "Paano nangyari ito?!" Inaasahan ng dalawang guwardiya na mabubugbog si Fane. Ngunut hindi sila handa na makita si Zain na tumatalsik sa isang suntok lang ni Fane, habang nakatayo ito nang di man lang napuruhan. Tila ba walang nangyari kay Fane, nakatayo lang siya sa iisang pwesto. "I-Imposible! Diba isa kang一isa kang commander?!" Umiling si Zain habang gulat na gulat sa pangyayari. Mayroong nakakatakot na ngisi si Fane, at sinugod niya si Zain na parang isang kidlat. "Di maganda ito!" Itinaas ni Zain ang isa niyang kamao at nasalo ito ni Fane. Ang kabilang kamay ni Fane ay humablot sa leeg niya at sinakal niya habang itinataas siya mula

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 574

    Sa sandaling ito, parang isang bulldozer si Fane. Sunud-sunod siyang pinaligiran ng mga bodyguard pero bumagsak sila na parang mga langaw. Napakabilis ng pangyayari at ang mga lalaki ay nahuhulog sa sahig at patay na. Ang ilan ay nagkapira-piraso ang puso, habang ang iba naman ay nabutas ang kanilang dibdib sa nakakakilabot na paraan. "Ang tinatawag niyong Zain Yorke ay walang kakayahan sa pakikipaglaban di tulad ng sinasabi niya." Naglakad si Fane sa nakakapagtakang kalmadong paraan nang may ngiti sa kanyang mukha. "Siguro naging isa lang siyang marshal dahil may ugnayan sila ni Magnus Sutherland!" "Paano nangyari ito? Masama ito…!" Natakot nang sobra ang ilang mga bodyguard at nagsimulang manginig ang binti nila. Sa maikling panahon, 20 hanggang 30 na lang ang natitira sa kanila. "P*ta… totoo kaya ito?! Napakayabang ng p*tang Zain na ito sa akin kanina pa, at akala ko naman may galing siya. Nagyabang pa siya na kaya niyang patayin nang mabilis si Fane!" Napuno ng takot si Qui

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 575

    Sa sandaling pagkagulat, kaagad na nahimasmasan si Quil, at ngumisi siya. "Oo, isa siyang tigalabas, pero ang biyenan mo hindi diba?" Inilipat niya ang tutok mula kay Xena at itututok na ito kay Fiona na nasa isang sulok para mapalapit ito sa kanya. Inasahan na ito ni Fane. Nang mas mabilis pa sa isang kurap, sumipa siya nang malakas nang makita niyang inilihis nito ang baril. Tumalsik sa ere ang bato at tumama sa kamay ni Quil na nakahawak sa baril. "Ahh!" Nakaramdam ng matinding sakit si Quil na para bang tinamaan siya nang bala, at lumuwag nang kusa ang pagkakahawak niya sa baril. Lumayo kay Fiona ang tutok, ngunit nang dumulas sa kamay niya ang baril, aksidente niyang nakalabit ang gatilyo. Bang! Narinig ang isang pagputok ng baril. Tumama ang bala sa dibdib ni Brother Octo, kung nasaan ang puso niya. "Young Master…" Yumuko nang mabagal ang ulo ni Brother Octo para tignan ang sugat kung saan tumutulo ang dugo na parang tubig. Bumagsak ang lalaki nang huminga ito nang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 576

    Walang nasabi si Fane nang makita niyang walang malay ang dalawa sa lapag. Tinignan niya si Xena, at malinaw sa kanyang mata ang kanyang intensyon na pinatay. Problema lang ang dadalhin ng babaeng ito hanggang sa buhay siya; magandang pagkakataon ito para tapusin na ang lahat. Kaagad niyang isinantabi ang mga isipang iyon. Ngumiti siya nang may pangmamaliit sa sarili. Kapag pinatay niya ang isang hindi armado at walang malay na babae, hindi rin siya naiiba kina Quil at sa iba pa. Siya rin ang Supreme Warrior. Paano niya pagsasamantalahan ang isang tao habang wala silang kamalay-malay? Kukutyain siya ng lahat kapag nalaman iyon ng iba! Higit pa roon, hindi maaayos ang usapan nila ni Ben kapag pinatay niya siya, at hindi malalaman ni Fane kung sino ang nag-uutos kay Xena. Higit pa roon, baka sobrang malungkot si Ben kapag namatay siya. Sobrang mahal at pinagkakatiwalaan ni Ben si Xena. Paano kung hindi ito makayanan ni Ben? Paano kung magpakamatay siya pagkatapos mamatay ni

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 577

    Nang marinig niya ang sinabi ni Fiona ay nayanig si Andrew, kaya sinimulan niyang tanungin si Fane. Unti-unting bumalik ang malay ni Xena at natataranta rin kagaya ni Fiona nang magising siya. Kahit na ganoon, kumalma siya nang mapansin niya ang pamilyar at ligtas na paligid. "Diyos ko, sobrang nakakatakot non! Hinimatay ba ako? Nasa bahay na ba tayo? Asan na ang mga taong yon?" "Wag kang mag-alala, patay na ang mga taong iyon," tiniyak ni Fane sa kanila. "Kapag sinabi kong kaya ko kayong iligtas pareho, ibig sabihin ay kampante ako na magagawa ko ang pangako ko!" Huminto sandali si Fane bago nagdagdag, "Buti na lang, hindi gaanong malakas ang marshal na yun. Kung hindi, nahirapan siguro ako!" "Kasalanan mo tong lahat. Kailan ka nakagalit ng mga tao mula sa Sky Dragon City? Sabi ni Young Master Xenos, mula raw sila sa isang malaking pamilya sa Sky Dragon City, at napakalaki ng city na iyon!" Bumaba si Fiona ng kotse, halatang nag-aalala pa rin ang kanyang mukha. "Anong gagawin na

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status