Share

Kabanata 564

Author: Moneto
“Huwag, parang-awa mo na, Brother Octo! Wala na ako sa 20s o 30s ko at ang puso ko ay mahina na! Paano kung mamatay ako sa sobrang takot?”

Nanlumo si fiona nang marinig ang mga sinabi ni Brother Octo, at pagkatapos ay sa sobrang takot nito ay bumagsak ito sa lapag at nagsimulang magwala.

“Haha! Wala na kaming pakialam doon! Sa tingin mo ba ay may tiayansa ka pang mabuhay pagkatapos ng lahat ng ito?”

Nilapitan ng isa sa mga bodyguard si Fiona at binuhat ito mula sa lapag.

Nalanghap niya ang pabango ni Fiona. Bigla itong ginanahan at napuno ng saya ang mukha nito, “Hmmm. Ang matandang babae na to ay napangalagaan ng maayos ang katawan niya! Maganda pa rin ang katawan niya! Ang importante pa dun, ang matabang katawan na to ay ang tipo ko!”

Haha! Lori, tipo mo ng babae ang mga matandang tiyahin?”

Tumawa ang isang batang bodyguard ng malakas, na nakikipagkwentuhan sa isapang bodyguard habang hinihila si Xena papasok ng kotse.

“Hehe! Hindi maiintindihan ng mga bata ang baga
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 565

    Namutla ang mukha ni Fiona nang marinig niya ang sinabi ng matandang bodyguard. Tumahimik siya at hindi na nagsalita pa. Sa kabilang kotse, nakasimangot si Xena dahil sa sitwasyon. Sa sandaling ito, hindi siya kalmado. Pagkatapos ng lahat, binabantayan siya ng dalawang malaking lalake sa magkabilang gilid—nakaupo siya sa gitna, at alam niyang wala siyang tiyansa na makatakas at makapanlaban. Ngayon ay nag-iisip siya ng husto para kung ano ang gagawin niya para lang maiwasan na mailagay sa alanganin ang kanyang sarili. Nag-isip siya ng ilang minuto at sa wakas ay nagsalita na siya, “Brother Octo, sino ang inyong young master? Marami nang nakabangga ang bastardong Fane na yun at wala akong ideya kung sino naman ang nakaalitan niya ngayon.” Nilingon ni xena si Brother Octo. Nagsalita s Brother Octo na may malamig na tono. “Hindi mo na kailangan pang alalahanin ang bagay na yun. Malalaman mo na lang kapag nakarating na tayo sa lugar ng aming young master. Hindi ako obligado n

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 566

    Samantala, nasa biyahe pa si Selena nang malapit na siya sa lugar ng trabaho niya. Sa hindi inaasahan, isang itim na Audi ang sumunod sa kotse niya at pinatigil siya. "Hoy! Tumingin ka sa dinadaanan mo!" Nairita siya. Kaagad niyang inalis ang kanyang seatbelt para bumaba sa kotse habang nakikita ang galit sa mukha niya. Tapos nakaramdam siya ng masama sa sandaling bumaba siya ng kotse. Napansin niya na may isa pang kotse sa likod niya, at napigilan nito na iatras niya ang kotse. Walong malalaking lalaki na nakaitim ang bumaba ng kotse at lumapit sa kanya habang matigas at walang emosyon ang mukha nila. "Anong ginagawa mo?" Natakot nang sobra si Selena na nagsimulang mawalan ng kulay ang mukha niya. "Heh! Anong ginagawa namin? Di ba halata? Nandito kami para kunin ka!" Ngumisi ang isa sa mga malaking lalaki. Tinignan siya nito nang nakakadiri, habang may mahalay na ngiti sa mukha nito. "Magaling! Talagang ikaw ang kilalang 'Beauty Queen of Middle Province', at ma

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 567

    "Heh! Mokong, wala kang karapatan na malaman kung sino ang master namin!" Isa sa mga lalaki ang lumapit at suminghal, "Kung may utak ka, mabuti pang umalis ka na ngayon na! Kung hindi, wag mong sisihin ang kamao namin kung mapatay ka namin!" "Mga kamao niyo? Ininalulungkot ko na hindi niyo na ito makikita pagkatapos nito. Sinabi na niya na isa akong marshal. Ang kapal ng mukha niyong magyabang sa harapan ko? Kinantahan ba kayo ng Fish Leong ng kanta niyang 'Couragr'?" Nangmaliit di Dennis. "Kapag sinabi niyo sa akin ang pangalan ng young master niyo ngayon na, baka isalba ko ang buhay niyo. Kung hindi, huwag niyo akong sisihin sa kung anong mangyayari." "Oh wow! Malakas ka diba? Subukan pala natin kung gaano katigas ang kamao mo!" Itinikom ng lalaki ang kamao niya, handang ihawi ang kanyang braso. "Mga kapatid, bugbugin at lumpuhin natin ang taong ito! Hayaan natin siyang mangialam!" "Tama! Wag na tayong magsayang ng oras, sabay-sabay na natin itong gawin. Hinihintay p

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 568

    "Hehe! Magaling! Basta di ka mangingialam sa gagawin ko. Haha!" Tumawa si Quil at idinagdag, "Di ko makakalimutan na pinatay ni Fane ang tito ko. Patayin mo siya at ipaghiganti ang master mo, at paglalaruan ko ang babaeng ito para ipaghiganti ang tito ko!" "Hmph! Hindi ko kailanman naisip na ang young master ng Xenos family ay isang imoral na mambubugaw. Paano mo naitatago ang maruming bagay na ginagawa mo gamit ng marangal na pananalita?" Nangutya si Zain habanh nakikita ang pagkamuhi sa mga mata niya. Iba na ang tingin niya kay Quil sa puntong ito, at masama pa nga. "Ang isang taong nag-aral sa isang unibersidad na gaya mo ay iba dapat mag-isip." Muling tumawa si Quil. "Isang unibersidad? Ha! Tinutukoy mo ba yung walang kwentang certificate na binayaran ko para makuha? Siguro nga kasama yun!" Lumaki ang ngiti ni Quil nang magsimulang maglkbay ang isip niya pabalik sa 'maliligayang araw' sa unibersidad. "Oo nga pala, ang mga magaganda sa unibersidad at sa klase ay mga m

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 569

    Nabigla si Xena, nalilito nang makita niya ang lalaki sa harapan nila. Tapos naalala niya na sinabi ni Brother Octo na maging si Young Master Wilson ay isang hamak na alalay lamang para sa kanyang young master. Sa madaling salita, ang young master niya ay mas makapangyarihan kumpara sa Wilson family, ibig-sabihin nito na ang taong ito ay mula sa isang first-class family! Kahit na ganon, ang tao sa harap nila ay isang estranghero! "Heh! Sigurado ka bang may utak ka? Ako ang young master mula sa isang malakas na aristocratic family sa Sky Dragon City!" Tumawa nang malakas si Quil bago humarap kay Brother Octo. "Octo, bakit mo din dinala ang kulubot na matandang ito dito?" Nag hindi hinihintay na magsalita si Brother Octo, kaagad na sumingit si Fiona, "Young Master, nagkamali sila ng nakuhang tao. Hindi ako ang hinahanap niyo. Pwede niyo ba akong pakawalan?" Naghintay saglit si Brother Ocyo bago siya lumapit sa kanyang master at nagpaliwanag, "Young Master, ang babaeng ito

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 570

    Sa sandaling ito, dumating si Fane sa isang lugar na di malayo sa abandonadong gusali. Naglabas siya ng isang sigarilyo bago lumapit sa gusali. "Nandito na siya!" Si Zain, na nakatayo malapit sa dulo ng ikatlong palapag, ay pinanood si Fane na lumapit. Sinabi niya nang malamig, "Di talaga ako binigo ni Fane. Isa siyang mapagkakatiwalaang tao!" Sa sandaling malaman ni Fiona na nandito na si Fane, habang hawak ng dalawang malaking tao, kaagad siyang sumigaw, "Fane, tulong! Ikaw walang kwentang g*go ka, paano mo nagagawang galitin ang mga tao mula sa Sky Dragon City? Bakit ang bagal mo? Dalian mo at iligtas mo na kami! Nasa ganitong kalagayan kami dahil sa'yo!" "Kasalanan mo ang lahat ng ito Fane! Kung hindi dahil sa'yo, di kami mapupunta dito!" Namula ang mga mata ni Xena. Napakasama kung mamamatay siya dito ngayon. Sa katotohanan, baka kayanin pa ni Xena na gusto siyang pagsamantalahan ng mga lalaking ito kaysa patayin siya. Naisip niya na pwede niya itong isisi sa kam

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 571

    Tumawa si Quil. "Papatayin ka ni Marshal Zain Yorke para ipaghiganti ang kanyang master. Ako naman, susulitin kong paglaruan ang asawa mo para ipaghiganti ang tito ko. Ano sa tingin mo? Maganda ang plano kong paghihiganti diba?" "Hmph. Asa ka!" Tumawa di Fane, ngunit walang saya dito. "Siguradong madidismaya ka pag nalaman mong hindi madudukot si Selena. Masisiguro ko sa'yo yan." "Haha! Mukhang kampante ka. Tingin mo ba walang kwenta ang mga bodyguard ko? Tingin mo ba di nila kayang kunin ang isang simpleng babae?" Nagsimulang tumawa nang malakas si Quil. Naputol ang usapan nila nang tumunog ang cellphone ni Fane. Tinignan niya ang caller ID at sinagot ito. Siguradong si Selena ito. Binuksan niya ang loudspeaker. "Honey, ayos ka lang ba?" "Honey, nakasalubong ko ang ilang lalaki habang papunta ako sa trabaho kanina, at gusto nila akong dukutin. Siguro isa silang bodyguard ng isang young master. Kailangan mong mag-ingat dahil aatakihin ka nila!" Sagot ni Selena habang nababa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 572

    Di talaga matiis ni Zain ang ugali ni Quil. "Sa taas mo gawin yan kung may gusto kang gawin, wag mo akong istorbohin. Nandito ako para itumba ang taong ito!" Natawa si Quil sa sinabi ni Marshal Yorke. "Haha! Sige, iiwan ko na ito sa'yo, dahil isa lang naman siyang commander. Aakyat kami para magsaya. Siguro naman hindi mahirap para sa'yo na itumba ang isang hamak na commander!" Lumapit si Quil at ang iba sa hagdan patungong ikaapat na palapag habang dala si Xena at Fiona. "Bitiwan mo ako!" Sumigaw si Xena nang magpumiglas siya. Ang mga p*tang bodyguard na ito ay mga walang kwentang tao, lagi nilang hinahawakan ang hita niya nang dinadala siya ng mga ito paakyat. "Fane, iligtas mo ako! Kung di dahil sa'yo, di kami madadakip!" Sigaw ni Fiona. "Kapag may nangyari sa akin, di ka palalagpasin ng anak ko!" "Alis, mga g*go! Alis!" Natakot nang sobra si Fiona, di tumigil ang pagpupumiglas niya nang dalhin siya palayo. Namutla ang mukha niya sa takot, at ang buhok niya ay nagulo sa

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status