"Hindi niyo ako kilala? Heheh, sige, aalis na lang ako!" Natulala sandali si Tanya bago siya nagsalita at naghandang umalis. Nakilala siya agad ni Old Master Taylor at agad na nagulat ang matanda. Siya ang anak ng pinakamayamang tao sa Middle Province. Nakakatakot ang kaoangyarihang taglay ng kanyang pamilya. Hindi mabilang ang mga taong nais makipag-ugnayan sa kanilang pamilya. Subalit, tila napakadalang ng ganitong pagkakataon. Ang Taylor family, bilang isang third-class aristocratic family, ay higit na mas desperadong makuha ang loob nila. Yun nga lang, wala silang pagkakataon na gawin iyon. Hindi nila inasahan na biglang susulpot sa harap nila si Tanya. Yun nga lang, nagsalita agad ng hindi maganda ang sarili niyang apo ng hindi man lang iniintindi kung sino ang kausap niya. "Drake-M-Ms. Tanya…" Kinakabahan si Old Master Taylor kaya siya nautal. "Ivan, anong sinasabi mo? Siya si Ms. Tanya. Hindi ka ba hihingi ng paumanhin sa kanya?" Kahit si Theodore ay nagulat at
Ang mas nakakagulat ay nagtakip ng bibig si Ms. Tanya sa sobrang gulat niya. "Kapag naubos mo ang isang buong bote ng red wine na 'to, mapapatunayan mo na bukal sa loob mo yung paghingi mo ng tawad." ang sabi ni Ms. Tanya. Hindi makapagsalita si Old Master Taylor sa mga oras na iyon. Subalit, dahil nagsalita na si Ms. Tanya, kapag hindi nila ginawa ang gusto niya, lalo lang sasama ang loob ni Ms. Tanya. Kapag nagtanim ng sama ng loob si Tanya sa pamilya nila dahil dito, tila hindi na magagawa ng kanilang Taylor family na palawakin pa ang kanilang impluwensya sa Middle Province. "Ano pang ginagawa mo diyan Ivan? Ipakita mong bukal sa loob mo ang paghingi mo ng tawad!" Nang mapansin niya ang mapait na ekspresyon sa mukha ni Ivan, agad na pinaalalahanan ni Old Master Taylor si Ivan. "Sige, hindi ko intensyon na sumama ang loob mo kanina. Uubusin ko ang laman ng boteng 'to tanda ng paghingi ko ng tawad!" Kinuha ni Ivan ang bote ng red wine at agad na ibinuhos ang laman nito sa
"Nababaliw na ba siya? Hindi ba't parang pinagbabantaan niya si Ms. Tanya?" "Oo nga, kung hindi yan pagbabanta, ano pala yan? Kung hindi bibigyan ng trabaho ang asawa niya, hindi siya papayag na maging bodyguard nila? Kalokohan, parang si Ms. Tanya pa ang nagmakaawa na pumayag siyang maging bodyguard nila!" "My god, kalokohan 'to. Inalala ni Ms. Tanya yung kontribusyon niya sa bansa at nagmagandang loob na tulungan siya. Dahil dito, gusto ni Ms. Tanya na magtrabaho siya bilang bodyguard ng Drake family. Hindi mabilang ang dami ng taong gustong magtrabaho bilang bodyguard nila, tapos yun pa ang sasabihin niya?!""Heheh, bukod dun, siya pa ang pinagdedesisyon ni Ms. Tanya kung magkano ang gusto niyang sahod. Dun pa lang makikita na nirerespeto siya ni Ms. Tanya!" Nagulat ang mga miyembro ng Taylor family nang marinig nila ang sinabi ni Fane at nagbulung-bulungan."Diyos ko, paano kung magalit sa kanya si Ms. Tanya at ang Drake family? Kapag nangyari yun, sisisihin din nila ang Ta
Masayang-masaya si Fiona dahil hindi niya inasahan na ganun kalaki ang magiging alok ni Ms. Tanya. Ibig sabihin ba nun, pagkalipas lang ng ilang buwan, makakabili na sila ng mansyon? "Ito ay… Hindi ba't masyado itong malaki?" Naging emosyonal din si Selena at natigilan siya sandali. Noon, pagkatapos siyang palayasin sa Taylor family, nahirapan siyang makahanap ng trabaho. Kahit na gusto niyang kumuha ng agent para makahanap ng trabaho, walang sinuman ang nangahas na kunin siya. Subalit ngayon, binigyan siya ng pagkakataon ni Ms. Tanya. Ang punto dito, mangangahas ba si Ivan na guluhin ang Drake family pagkatapos alukin ni Ms. Tanya ng trabaho si Selena? Napakaimposibleng mangyari nun. Sumimangot si Fane, sa isip-isip niya napakagaling mangalkal ng impormasyon ng Drake family. Dahil malaki ang posibilidad na gusto nilang mapalapit sa kanya dahil inalok nila si Selena ng ganun kagandang trabaho. Kahit na ayaw ni Fane sa pera, basta't masaya at panatag ang kalooban ng kanyan
"Salamat sa mga papuri mo Ms. Tanya. Ang basong ito ay tanda ng paggalang ko sayo!" Bahagyang nag-aalinlangan si Selena. Sahod na nasa isang milyon kada buwan, napakahirap humanap ng ganun klaseng trabaho. Mukhang hindi rin aabot sa ganung halaga ang sahod ng isang general manager. "Hehe, wala yun! Para sa masayang pagsasama natin!" Hindi nagmataas si Tanya, lumapit diya at nagsalin ng red wine sa kanyang baso, pagkatapos ay idinikit niya ang kanyang baso sa baso ni Selena bago uminom. "Fane, ngayong pumayag na ang asawa mo na magtrabaho para samin, hindi ka pwedeng umatras sa usapan, sabihin mo na kung magkano ang gusto mo." Masayang-masaya si Tanya dahil umaasa siya na kapag nalaman ng tatay niya na nakumbinsi niya si Fane na maging bodyguard nila, ay matutuwa ng husto ang kanyang ama. Pinagpapawisan ang lahat. Dahil bukod sa hindi nagalit si Ms. Tanya sa sinabi ni Fane, mukhang gusto niya talagang maging bodyguard ng Drake family si Fane. Natawa si Fane at sinabing, "M
Kahit na hindi nagsalita ang tatlong bodyguard, nangdilim ang kanilang mga mukha. Hindi ba't isa 'tong insulto sa kanila? "Anong pinagsasabi mo?" Labis na nagulat si Selena dito. Nagmamagandang-loob na nga si Ms. Tanya pero paulit ulit na sinusubukan ni Fane ang pasensya niya. Ang buwanang sahod na dalawampung milyong dolyar kasabay ng pag-alis sa Drake family kahit kailan niya gusto? Paano mangyayari yon? Pag nalaman ito ng master ng Drake family, kaagad itong mababaliw sa kahibangan ni Fane. "Fane, nabaliw ka na ba kakaisip sa pera? Diba gusto mo ng mas mababang sahod? Kung ganon, ang mababang sahod para sayo ay dalawampung milyong dolyar kada buwan! Ngayon lang ako nakakita ng ganito kataas na sahod ng isang bodyguard! Nagbabantang sinabi ni Cecilia. Sa pagkakataong ito, sinasadya ba ng mokong na ito na galitin si Ms. Tanya? Kalokohan kung hindi magagalit si Ms. Tanya sa pagkakataong ito. Halatang galit na galit na ang mga bodyguard ni Ms. Tanya. Tila ba sa pagkakataon
Halos himatayin ang ilang mga bodyguard dahil sa sinabi ni Fane. Puro kalokohan ang mokong na ito. Hindi ba't isa itong pang-iinsulto sa kanila? "Wag kang mag-alala. Isa akong hangal at may tiwala ako sa kakayahan niya! Kung kaya niyang mabuhay sa digmaan sa loob ng limang taon, walang-dudang may kwenta siya!" Disidido si Ms. Tanya at hindi rin naman niya pwedeng sabihin sa kanila na ito ay para lang mapalapit sila sa God of War, kaya pumayag siya sa malaking halaga na hinihingi ni Fane. Dahil dito, nag-isip na lang siya ng idadahilan niya. "Tama, tama, tama! Ms. Tanya, walang katulad ang iyong pagpapasya!" Sabik na sabik si Fiona. Kung ang buwanang sahod ni Fane ay dalawampung milyong dolyar, ibig-sabihin ba nito na makakabuo siya ng dalawang daan at apatnapung milyong dolyar sa isang taon? Kung ganon, pag nagtrabaho si Fane buong buhay niya, kahit sino ay matutuwa kapag maisip ito. "Ms. Tanya, huwag kang mag-alala, sigurado akong di ka bibiguin ng aking bayaw!" Tuwang tuw
Hindi talaga alam ni Selena kung ano ang magiging reaksyon niya dahil hindi siya sigurado kung ano ba talagang nangyayari. "Oo, totoo yan. Sinabi yan mismo ni Ms. Tanya kanina!" Pinaniwalaan pa rin ito ni Fiona kahit na masyadong nakakabigla ang mga napag-usapan nila. "Anong karapatan niya para makakuha ng ganun kalaking sahod?" Masama ang mukha ni Cecilia. Subalit, matapos niya itong pag-isipang maigi, bigla siyang may naisip at nagsimulang tumawa. Sinabi niya, "Haha, alam ko na. Fane, tingin siguro ni Ms. Tanya na isa kang tanga at niloloko ka lang niya!" "Imposible. Sinabi kanina ni Ms. Tanya na makakapasok na sila sa trabaho bukas kaya paanong naging biro yun?" Kaagad na nakipagtalo si Fiona. "Isipin mo, yung ibang mga bodyguard na meron sila, kahit na mga commander pa sila, hindi sila babayaran ng ganun kataas, kaya anong karapatan niya na makakuha ng ganun kataas na sahod?" "Isa pa, ang pagtatrabaho ni Selena bilang isang manager at ang pagkakaroon niya ng sweldo