”Hindi yun totoo!” Sumimangot si Ben at umiling ito. “Niloloko mo lang ata ako, Sis. Hindi siya ganung klase ng tao. Malamang ay nagbibiro lang siya nun kung may niyakap siya. Hindi yun nagyayakapan. Nagbibiro lang yun.” Muntik nang himatayin sa sama ng loob si Selena. “Sa tingin mo ba ay tanga ako, Ben? Na hindi ko kayang malaman ang pagkakaiba ng isang yakap at naglalaro lang?” “Anong pruweba ang meron ka? Bakit hindi mo ipakita sa akin ang mga larawan?” Hindi niya inaasahan na mas magagalit pa si Ben. “Huwag kang magsalita tungkol kay Xena ng ganyan kung wala kang pruweba. Sa tingin mo ba ay hindi ko siya kilala pagkatapos ng mahabang taon ng pagsasama namin? Mas kilala mo ba siya kesa sa akin? Prehas lang kayo ni Fane. Hindi mo siya gusto, kaya gumagawa kayo ng paraan para saktan siya. Bukod dun, nanggaling na rin sayo—patay na ang mga motor robber. Wala akong pakialam sa nakraan niya.” Nagkaskasan ang mga ngipin ni Selena sa galit. “Nadidismaya ako sayo, Ben. Para
“Pag-isipan mo muna ng maigi ito, Ben. Kakaiba ba ang mga kilos niya? Hindi man lang niya sinagot ang tawag na yun kagabi. Sa tingin mo ba ay isang ahente lang talaga ang tumatawag? Sa tingin ko ay may kahina-hinalang nangyayari! “Pangalawa, marami siyang binibiling mga branded na bag kailan lang. Nagkakahalaga siguro ang isa nun ng halos sampung libo bawat isa, at mukhang mamahalin din ang kanyang mga damit—at bumili pa siya ng marami. Hindi naman niya ginagawa ito noon.” Humakbang papalapit si Selena. “Gusto mo talagang makasal sa kanya, at seryoso ka dito,” seryosong sinabi niya kay Ben. “Pero alalahanin mo kung paano siya bumulong at binaluktot ang kanyang mga salita kagabi nung sinabi mong gusto mo siyang pakasalan? Sa tingin ko ay hindi siya nasiyahan sa sinabi mo. Ang hinala ko ay meron siyang ibang lalake.” ”Wala akong pakialam. Kailangan ko ng ebidensya. Sinisiraan niyo lang siya kung wala kayong pruweba!” Galit na galit si Ben. Pinulot niya ang kanyang phone. “Ka
Sa sandaling yun, nakarating na si Fane sa Drake family residence. Hindi niya inaasahan na makikita niya si Sharon nung pagpasok niya sa sala, na nakaupo kasama sila tanya at Yvonne. Parang mabibiyak ang ulo niya ng makita niya ang dalaga. “Bakit ka nandito?” Nabalisa si Fane nang makita niya si Sharon. “Heh. Bakit hindi ako pwedeng pumunta dito? Naparito ako para bisitahin sila Miss Tanya. Magkaibigan na kaming tatlo ngayon.” Humagikgik si Sharon. “Kanina ka pa namin hinihintay. Paalis pa lang kaming tatlo para magshopping. tara na. Hindi na namin kailangan ng maraming bodyguard kung i-sasama ka namin. Ikaw lang ang kailangan namin!” Nagsalita si Miss Tanya pagkatapos niyang pag-isipan ang sasabihin, “Sa tingin ko ay mas mainam na magdala pa rin tayo ng ilan para makasigurado, hindi na kailangan na marami ang isama natin. Higit sa lahat, baka hindi kayanin ni Fane ng mag-isa ang lahat ng mga pinamili nating tatlo.” “Heh. Huwag mong sabihin na natatakot kang pagurin
"Sino yun? Mukhang malakas siya kung titignan ng maigi. Meron siyang malakas na awra!" Hindi mapigilang sabihin ni Yvonne habang naglalakad palayo ang lalake. Yun ang pakiramdam na binibigay ng lalalke sa kanya, at halata ito. "Anong pakialam ko? Halatang hinahamon niyabako, kaya isa sitang tunay na lalake kahit na anong mangyari. Dahil sa nag-abala itong sabihin sa kanya, wala akong magagawa kung hindi ang pumunta bukas!" Ngumiti lang si Fane. "Naniniwala ako na malalaman ko kung bakit gusto niya ako patayin kapag pumunta ako bukas!” “Ang kalmado mo naman. Hindi ka ba natatakot na baka mas malakas siya sayo?” Medyo nag-aalala si Tanya. Dagdag pa iya pagkatapos niyang mag-isip, “Paano kaya kung pasamahin ko si Harvey at Kyle sayo bukas, at magdala rin sila ng ilang mga tauhan. Magiging mas ligtas ka ng ganun.” Hindi niya naisip na magwawalang bahala pa rin si Fane. “Gayunpaman, wala rin namang gagawin ang mga bodyguard mo kung hindi ko sila maisasama. Magiging mga pab
”Hindi pumunta?” Ngumiti ng malamig si Zain. “Siguradong pupunta siya. Sinabi ko sa kanya na kapag hindi siya dumating, magpapaalam na siya sa asawa’t anak niya. Pero, sinabi ko lang sa kanya yun para takutin siya. kakaiba akong tao; si Fane lang ang gusto kong patayin, wala akong pakialam sa pamilya mniya. Papatayin ko siya para ipaghiganti ang aking master!” “Ikaw, ang tanga mo! Matatakot yun sa mga sinabi mo at baka itakas niya ang mag-anak niya at lumayo! Aakis sila sa p*tang Middle Province na to ng hindi natin namamalayan! At magiging mahirap para sayo na hanapin siiya!” Nagpabalik-balik ng lakad si Quil sa sobrang inis nito. “Hindi ba’t sinabi ko sayo noon, na humanap ka ng oportunidad para gilitan siya ng leeg? Isa kang marshal! Kapag pinatay mo siya, tapos na ang paghihiganti mo, hindi ba maganda yun? Kung kaya mo lang siyang patayin ng wla siyang kamalay-malay, mas mainam yun!” Si Zain, lingid sa inaasahan ng lahat, ay nagpakita ng dismayadong ngiti, at sinabi, “You
”Oo, tama siya! Mga ginoo, pakiusap pakawalawan niyo na lang ako. Hindi naman ako kagandahan at natatangi! bibigyan ko pa kayo ng karagdagang sampung libong dolyar. gamitin niyo ang sampung libo niya para maghanap ng magandang babae para sa inyong young master, at gamitin niyo ang sa akin para bilhan ang mga sarili niyo ng masarap na alak, ayos na ba yun?” Habang nakatayo sa mga malalaki at malalakas na mga kalalakihan, si Xena ay takot na takot. Kaagad niyang inilabas ang kanyang pitaka, at inihanda ang sampung libong dolyar para ibigay sa mga ito. “Heh! Pera? Hindi kami naparito ngayon para sa pera!” Isa pang tauhan ni Quil ang nagsalita, na may tusong ngiti sa mukha nito. “Dalhin niyo silang dalawa!” “wow, brother, sandali lang.” Kaagad siyang pinigilan ng unang bodyguard. “Kayong dalawa, ilabas niyong lahat ang perang hawak niyo!” “Brother Octo, ito ay… Sinusuway mo na ba ang utos ni young master?” Ang iba pang mga bodyguard ay napatingin sa bodyguard na tinawag
“Tama! Tanggalin niyo na ang mga yan! Kung hindi, susugatan ko ang mga mukha niyo!” Naglabas ng patalim ang isa sa mga bodyguard at ngumisi. “Ta-tanggalin na namin. Pwede niyo ba kaming pakawalan pagkatapos?” Nanghina ang mga binti ni Fiona ng makita niya ang inilabas na patalim ng isa sa mga tauhan ni Quil. Kahit na ayaw niyang ibigay sa kanila ang mga mamahalin niyang mga alahas, mas mahalaga pa ang kanyang buhay kahit sa ano pa mang bagay. Bukod dun, tinuturing niyang swerte ang sarili niya dahil sa hindi siya pinuwersa ng mga ito na pumunta sa bangko para i-withdraw ang lahat ng pera niya. “Sa tingin mo ba ay posible yun? Haha! Gamitin mo nga ang utak mo! Hindi namin pwedeng suwayin ang aming young master. Malinaw niyang sinabi sa amin na hindi lang ang babaeng ito ang kukunin namin pati na rin ang nak mong si Selena Taylor. Ilan sa mga kasamahan namin ang nakabuntot sa kanya ngayon at madudukot siya bago pa man siya makapasok sa opisina niya.” Tumawa si Brother Octo
“Huwag, parang-awa mo na, Brother Octo! Wala na ako sa 20s o 30s ko at ang puso ko ay mahina na! Paano kung mamatay ako sa sobrang takot?” Nanlumo si fiona nang marinig ang mga sinabi ni Brother Octo, at pagkatapos ay sa sobrang takot nito ay bumagsak ito sa lapag at nagsimulang magwala. “Haha! Wala na kaming pakialam doon! Sa tingin mo ba ay may tiayansa ka pang mabuhay pagkatapos ng lahat ng ito?” Nilapitan ng isa sa mga bodyguard si Fiona at binuhat ito mula sa lapag. Nalanghap niya ang pabango ni Fiona. Bigla itong ginanahan at napuno ng saya ang mukha nito, “Hmmm. Ang matandang babae na to ay napangalagaan ng maayos ang katawan niya! Maganda pa rin ang katawan niya! Ang importante pa dun, ang matabang katawan na to ay ang tipo ko!” Haha! Lori, tipo mo ng babae ang mga matandang tiyahin?” Tumawa ang isang batang bodyguard ng malakas, na nakikipagkwentuhan sa isapang bodyguard habang hinihila si Xena papasok ng kotse. “Hehe! Hindi maiintindihan ng mga bata ang baga
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin