"Baka si Ken, Neil o Michael ito dahil ayaw nila kay Fane. Ginawa nila ito para pag-initan si Fane!" Matapos manahimik saglit, naghinala si Selena. Kakaiba ang mukha ni Fane nang tumayo siya sa gilid. Hindi niya inakalang ipagtatanggol siya ng lahat bago pa siya makapagsalita mismo. Lubos siyang naantig dito. "Hehe, tungkol sa kung kagagawan ba talaga ito ni Fane o hindi, kailangan lang nating papuntahin dito ang hotel staff dahil nakita nila ang taong yun!" Tumawa si Ivan na parang baliw nang titigan niya si Fane. Naniniwala siya na siguradong si Fane ito dahil ang apelyido ng taong iyon ay 'Woods'. Himala na lang kung hindi ito si Fane. Para naman kung bakit ganito katanga si Fane na gawin ito ay hindi na mahalaga. Ang magkaroon ng napakaraming sobrang lamesa ay magkakahalaga ng sampung milyong dolyar. Gusto niyang makita kung anong gagawin ni Fane. "Pwede na kayong tumigil sa pagtatanong, ako yun!" Malungkot na tumawa si Fane bago ihawi ang kanyang kamay nang sumagot s
"Higit sa dalawandaang mesa? Hehe, imposible yun. Paano tayo magkakaroon nang ganoon karaming bisita?" Tumawa nang malakas ang isa sa mga miyembro ng Taylor family. Para ba siyang nakatingin sa isang baliw habang tinitignan si Fane. Tumawa rin si Cecilia nang magsalita siya, "Maliban sa mga miyembro ng Taylor family, ang iba ay ang mga regular na mayayamang merchant na may magandang koneksyon sa'tin. Dagdag pa rito ang ilang third-class aristocratic family na malapit sa atin. Hindi lilitaw ang mga second o first-class family dahil mababa ang tingin nila sa ating mga third-class aristocratic family. Kung gayon, imposible na magkaroon nang ganoon karaming tao rito!" "Fane, hindi naman siguro ito ang regalo na hinanda mo, di ba? Hindi ito maituturing na regalo, tama? Dumating ka rito nang walang dala at mukhang ito ang regalo na inihanda mo para sa old master?" Malamig na tumawa si Ivan. "Hindi ito isang regalo. Nagkataon lang na hiningi ko ang mga mesa na iyon para sa inyo lama
Hindi lang iyon, hindi pa niya naririnig ang pangalan ng marshal na ito noon. "Dumating ang isang marshal?" "Magaling pa nga ang marshal na iyon. Ang galing! Mukhang magiging respetado na talaga ang old master natin!" Mukhang natuwa ang ilan sa mga miyembro ng Taylor family. Kung dumating ang isang marshal, hindi ba matutuwa ang pamilya nila? Kapag nalaman ito ng iba pang third-class aristocratic family ay maiinggit silang lahat sa Taylor family. "Ang aga talaga dumating ng lalaking yon!" Kalmadong ngumiti si Fane nang mapansin niya si Dennis. Hindi niya inaasahan ang si Dennis ang mauunang lilitaw habang ang iba ay hindi pa nakakarating. "Bakit pumunta si Dennis? Hindi ba kaibigan siya ni Ken? Hindi kaya pumunta siya dahil alam niyang pupunta si Ken?" Nagdilim ang ekspresyon ni Ivan bago bumulong kay Old Master Taylor, "Lolo, kaibigan ni Young Master Ken si Dennis. Dahil malapit kong kaibigan si Young Master Ken at pupunta siya rito ngayon, pumunta rito siguro si Denni
Napalunok si Old Master Taylor habang nagtataka kung nananaginip ba siya. Tatlong major ang dumating. Sila ay mga major at namumuno sa ilang libo hanggang sa sampung libong tao sa giyera. Hindi niya inasahan na darating sila para ipagdiriwang ang kanyang ika-pitompung kaarawan! "Anong problema? Young Master Ivan, hindi ba sinabi mo na hindi gaanong marami ang darating na tao?" Sabi ni Fane habang kalmadong tumatawa. "Hehe, kahit na anong mangyari, hindi pa rin nila mapupuno ang dalawang daang mesa!" Tumatawa rin si Ivan dahil naniniwala siya na maswerte lang si Fane. Higit pa roon, baka malapit kay Marshal Dennis ang dalawang major na iyon kaya sila dumating. "Dumating na ang master ng Clark Family kasama ng mga miyembro ng Clark family para ipagdiriwang ang ika-pitompung kaarawan ni Old Master Taylor!" "Dumating na ang master ng Hugo family kasama ng mga miyembro ng Hugo family para ipagdiriwang ang ika-pitompung kaarawan ni Old Master Taylor!" "Dumating na ang master
Kuntentong tumango si Old Master Taylor. Nakikita niya kung gaano ka-sinsero si Ivan para pumili ng isang regalo para sa kanya. Lumapit rin ang ibang mga miyembro ng Taylor family para ibigay kay Old Master Taylor ang kanilang mga regalo. Syempre, ang mga regalo na kanilang binigay ay hindi maikukumpara sa ibinigay nina Cecilia at Ivan pero mahal rin ang mga ito. Ang mga regalo ay nasa isa o dalawang daang libo. Kaya maituturing pa rin itong mga mamahaling regalo. "Sige, old master. Nakasulat na rito ang mga regalo. Isusulat ko ang iba pang mga regalo na ibibigay mamaya!" Sinulat ng mga staff na may hawak sa gift reception ang lahat ng tungkol sa mga bisita na dumating kanina bago nagsabi nito. "Ano pang tinatayo mo diyan? Hindi ba ibibigay mo ang regalo mo?" Dumilim ang ekspresyon ni Fiona pagkatapos mapansin na wala pang ginagawa si Fane. Hindi sila sigurado kung anong iniisip ni Fane dahil hindi pa siya kumikilos. "Oo nga, brother-in-law, hindi naman siguro sa wala ka
Kaagad na nagdilim ang ekspresyon ni Ivan pagkatapos marinig ang pahayag ni iyon sinasadya ba ni Fane ba ipahiya siya? Ngunit, hindi siya nababahala na mapahiya basta't mapakyas niya si Fane mula sa Taylor family sa araw na ito. Magiging sulit ang lahat para sa kanya. "95 million? Ganoon ba talaga iyon kamahal?" Napahigop ng hangin si Cecilia nang marinig niya iyon at nagsabing, "So, para mapataas ang halaga ng regalo mo para sa old master, sinadya mong magsabi ng kung anong halaga, Fane?" "Hindi importante kung ganoon ba talaga ang halaga nito o hindi. Pero, ganoon talaga ang halagang ginastos ko para mapanalunan ang bid na iyon. Kung hindi ka naniniwala, pwede mong tanungin sina Young Master Neil at Young Master Ken. Naroon rin sila sa araw na iyon!" Kalmadong sagot ni Fane. "Young Master Ken, Young Master Neil, talaga bang gumastos siya nang ganoon kalaking halaga? Hindi ako naniniwala na siya, ang son-in-law na naging sundalo sa loob ng limang taon ay kayang maglabas ng
Sinong makakaalam na babanggitin pala nila ang insidenteng iyon ngayong araw. Nakakahiya talaga kung talagang nabili ni Fane ang villa na iyon sa pagiging isang sugar baby. Mas nakakahiya kung matanda na ang kanyang sugar mommy. Baka nasa siyamnapu o walompung taong gulang? Hindi maipapaliwanag ang kahihiyan na maidudulot nito! "Wala akong sugar mommy, nagbibiro lang sila," ngumiti si Fane at sinubukang ipaliwanag ang kanyang sarili. "Haha! Wag mo nang itanggi." Tumawa si Ken sabay nagpatuloy, "May mga larawan kami para patunayan ang mga sinabi namin!" Mas lalong naguluhan si Old Master Taylor. Lumingon siya kay Ivan at nagtanong, "Ivan, anong nangyayari rito? Anong meron sa auction? Anong tungkol sa mayamang babae?" Doon idinetalye ni Ivan ang sitwasyon kay Old Master Taylor. Syempre, hindi niya nakalimutan banggitin na binili ni Fane ang villa sa auction. Nagdilim ang mukha ni Old Master Taylor sa bawat isang salita. Halos maputla ang kanyang mukha nang sinabi niyang,
"Oo nga… Ilan lang ang tumatagal ng isang buwan sa giyera, paano pa kaya ang limang taon…?" "Tama ka, masasabing magaling na ang mga nakaligtas roon nang isang taon. Napakagaling siguro ni Fane para mabuhay roon ng limang taon. Malamang hindi siya isang ordinaryong sundalo, baka mataas ang posisyon niya!" Marami sa kanila ang nagdalawang-isip… "Hehe, ang alam ko, gumastos ka ng isandaang milyon simula nang makabalik ka. Gumastos ka ng higit sa ninety million sa villa na to! Kung ganoon, binigyan ka siguro ng gobyerno nang pension na nasa halaga ng isang head commander," komento ni Ivan nang tumatawa. "Mhmm. May kilala akong assistant commander na nakatanggap ng isandaang milyon bilang pension, ang ilang head commander… baka nasa two hundred million. Kung gayon, isa kang head commander?!" Sumali si Ken sa panghuhula. "Mayroon ka bang patunay para sa posisyon mo bilang isang head commander, Fane? Ang alam ko, ang mga commander ay mayroong commander's token bilang simbolo ng kan
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin