"Tempest? Sa tingin mo ba natakot na ang lalaking yon at di na darating?" Higit sa isang dosenang tao ang nakatayo sa kakahuyan sa labas ng siyudad. Isang kalbong lalaki ang nagsabi nito kay Tempest na kanyang katabi. Tinignan ni Brother Tempest ang oras at lagpas limang minuto na sa alas otso. Kumunot ang kanyang noo. "Baka hindi talaga ganoon katapang ang lalaking iyon para makapunta at niloloko lang tayo." Isang lalaking may dilaw na buhok ang nagsabi, "Sigurado ako na hindi siya ganoon katapang para pumunta rito. Baka naihi na siya sa pantalon niya sa sobrang takot nang malaman niya na si Brother Tempest ay galing sa Eagle Clan. Halatang nagpapatagal lang siya nang hinamon niya si Brother Tempest na magdala ng kahit gaano karaming tao na gustuhin niya. Baka umalis na siya ng Middle Province sakay ng bus kaming umaga!" "P*ta, hindi ko alam na duwag pala ang lalaking yon! Sinabihan niya ako na magdala ng kahit ilang tao na gustuhin ko! Humph, kung ganon, magtatanong ako kung an
Bigla silang nakakita ng isang papalapit na sports car. "Hindi kaya yan yung lalaking naghamon na labanan tayo?" Hinawakan ng kalbong lalaki ang kanyang ulo. "Ang yaman ng lalaking to!" "Paanong magiging siya yan? Kung mayaman siya, bakit niya dadalhin ang dalawang magandang babaeng yun para kumain sa mga stall sa tabing-daan?" Kunot-noong sabi ni Brother Tempest. Huminto ang kotse hindi malayo sa kanila. Isang lalaki ang bumaba mula sa kotse at naglakad papalapit sa kanila. Habang mas lumalapit siya ay gulat na nagsalita si Brother Tempest, "Siya nga talaga yung g*gong yun!" Kinaway niya ang kanyang kamay pagkatapos niyang magsalita at isang dosenang tao ang kaagad na naglakad at pinalibutan si Fane. "Bata, ang sabi mo alas otso, alas otso y media na. Ang lakas ng loob mo!" "Tama. Akala namin inamin mong mayabang ka at hindi na pupunta rito!" Kaagad na Sabi ng ilang miyembro ng Eagle Clan kay Fane. "Importante ba to?" Napahinto si Fane. Kumuha siya ng isang piraso ng
Mukhang matanda na ang matandang lalaking ito at medyo puti na ang kanyang buhok. Pero napakaliksi pa rin niya. Mabilis ang kanyang atake at matinik ang kanyang mga kilos. Iniunat ni Fane ang kanyang kamay at hinuli ang pulso ng kalaban na para bang isang bakal na clamp. Hinila niya ito nang buong lakas na nagpawala sa balanse ng kalaban. Sabay binitawan ni Fane ang taong iyon sabay sinipa ito. Bang!Lumipad ang matanda ng pito hanggang walong metro papalayo bago bumagsak sa lapag nang dahil sa sipa. Tumagilid ang kanyang ulo at namatay pagkatapos sumuka ng dugo. Sobrang bilis ng mga pangyayari at namatay ang matandang lalaki sa loob lamang ng ilang segundo. Nagulat ang kalbo at ang iba pa. Bahagyang nagyayabang ang matandang lalaki na ito nang sinabi niyang isa siyang master. Ngunit, kaya niyang lumaban sa sampung tao nang mag-isa kung isang ordinaryong tao ang lalabanan niya. Kahit na ganoon, maituturing pa rin siyang magaling sa pakikipaglaban. Ngunit, ang isang gan
Tumango si Spectre Face. Ngunit, kakatapos niyang lang magsalita nang makita niya ang isang kotse na paparating mula sa pintuan ng siyudad. "Bakit may taxi na papunta rito?!" "Huminto ito at bumaba ang isang tao, sabay tumakbo papunta kay Fane!" Tinignan itong maigi ni Tanya. "Mukhang nandito siya para tulungan si Fane! May hawak siyang kutsilyo!" "Ah!" Nakita ni Tiger mula sa malayo na may halos tatlong daang tao ang nakatayo sa harapan ni Fane. Gininaw ang kanyang puso nang makita niya ang eksenang ito. Tiyak na mag-isang lumalaban si Fane rito. Mukhang katapusan na ni Fane. Ito ang kanyang big brother. Noong mayroon silang magandang pagsasama, tinawatawag niya si Fane bilang kanyang big brother. Hindi niya alam na direktang haharapin ni Fane ang kamatayan nang sobrang payapa para sa kanya at sa kanyang asawa. Naantig ang damdamin ni Tiger. Pinagngitngit niya ang kanyang ngipin at sumugod habang tinaas ang kanyang kutsilyo.Kahit na naantig ang damdamin ni Fane na
Ang flying silver needles ay isa sa mga secret move ni Fane. Pinagsanayan niya ito nang halos isang taon. Madali niyang mapapatay ang mga kalaban gamit ng secret move na ito sa giyera.Ngunit, mayroong iilan na may naramdamang kakaiba at umilag sa atake nang bahagya silang kumilos. Mukhang may iilang magagaling makipaglaban sa mga tao ng Eagle Clan. Kahit na ganoon, napahinto ang grupo ng mga tao sa kanyang harapan sa sobrang takot. "Anong nangyayari?" "Pa-paano silang tumumba? Bakit sila bumagsak mula sa isang kumpas ng kamay? Hindi ba masyadong kakaiba yun?!" "Tayo! Mukhang patay na sila… Patay na silang lanat!" Ang mga taong ito na hindi masyadong pinagtuunan ng pansin si Fane kanina lang ay nabigla na mula sa kakaibang eksenang ito. "Tiger, hindi ko plinano na gamitin ang move na to sa umpisa! Kasi hindi ko kailangang gamitin to para labanan ang mga walang kwentang taong to. Ginamit ko to para ipakita sa'yo na kapag lumapit ka, hindi ka makakatulong at sa halip ay
Nalaglag na sa lapag ang kutsilyo na hawak ni Tiger at napahinto siya sa takot. Hindi niya maisip ang eksena sa kanyang harapan, kahit sa panaginip niya. Napapalibutan si Fane ng napakaraming tao na inisip niya ay tiyak na mamamatay si Fane. Ngunit, nakita niya ang napakaraming mga katawang sunod-sunod na tumumba. Tumalsik sa langit ang dugo. Unti-unting nabawasan ang mga tao sa Eagle Clan at hindi nagtagal ay pitompu hanggang walompung tao na lang ang natira. May hiwa sa kanilang mga braso si Brother Tempest at ang kalbong lalaki at nagpapatuloy na dumaloy ang dugo. Umatras na sila sa isang tabi. Buhay sila pero sobra silang natakot. Tao ba talaga ang nasa loob nito? Nakakatakot ang kanyang kakayahan sa pakikipaglaban. "P*ta, isa ba sa mga King of War ang taong ito?" Nilunok ng kalbo ang kanyang laway at tinignan ang mga tao sa kanyang tabi habang namatay ang isa pang dosena. "Takbo, dali!" Takot na takot ang kalbong lalaki. Hindi siya nagtangkang manatili at gusto n
"Hubby!" Tumakbo sa sabik ang babae nang makita niya si Tiger. Sumugod siya sa kanyang mga braso at niyakap siya nang mahigpit, natatakot na baka panaginip lang ang lahat. "Napag… isipan mo na ba nang mabuti? Hindi ka na pupunta roon?" Akala ng babae na nagdalawang-isip si Tiger na iwanan siya at ang kanilang anak kaya siya bumalik. "Hindi. P*ta, nakakagulat! Sumugod ako nang may dalang kutsilyo at handang mamatay. Dahil doon, tinanggihan ng big brother ko ang tulong ko at sinabihan ako na manood habang nakatayo sa malayo! Diyos ko, nasa tatlong daang tao ang naroon. Kinumpas lang ng big brother ko ang kamay niya at nakapatay siya ng tatlompung tao. Para bang nakakita ako ng multo! Maliban roon, pumatay siya nang napakaraming tao sa loob lang ng sampung minuto. Lahat sila! Walang nakaligtas sa kanila… Ang big brother ko… parang… para siyang isang diyos!" sabi ni Tiger nang may labis na ekspresyon at hindi niya pinigilan ang kilos ng kanyang mga kamay. Gusto niyang ipakita nang paul
"Nagkomento ka pa tungkol sa buwan. Kailan ka pa naging romantiko?!" Uminit ang puso ni Selena at nangako siya nang may matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Masayang naglakad ang pamilya sa daan. "Honey, may nakita ka ba na gusto mo? Bibilhin ko para sa'yo!" "Wala naman akong gustong bilhin. Bumili ka ng damit para sa'kin noong makabalik ka at maganda na na sapat ang maisusuot ko!" Sabi ni Selena pagkatapos niya itong pag-isipan. "Daddy, daddy, gusto ko ng laruan! Pwede po ba?" Sa tabi nila ay nahiyang nagsabi si Kylie. Nalungkot si Fane sa loob niya. Oo, nakabalik na siya nang maraming araw pero hindi pa siya nakakabili ng laruan para sa kanyang anak. Nang mahirap ang pamilya noon, siguro ay nakatingin lang siya sa ibang bata habang naglalaro sila ng kanilang mga laruan. "Sige, anong gusto mo, Kylie? Bibilhin ni Daddy lahat para sa'yo! Basta't gusto ni Kylie, pwedeng bilhin ni daddy ang lahat ng laruan sa shop para sa'yo!" Tumawa si Fane at nagbiro. "Salamat, daddy! Da
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin