Noon pa naiisip ni Ruben na medyo matalino siya. Kaya kung hindi isang marshal si Fane, siguro siya ay isang King of War. Dahil iyon lang ang mga taong kayang pumaslang sa limang malalakas sa kanilang Dragon God Clan. Ang posisyon na nasa itaas ng King of War ay ang siyam na God of War. Kaso ibinunyag na ang pagkatao nilang lahat sa telebisyon. Kaya alam ng lahat kung sinu-sino sila. Sa kanilang siyam, walang taong nagngangalang Fane at gusto nitong taasan niya pa ang hula niya? "Imposible? Mayroong ikasampung God of War? Di ka nabunyag sa publiko?" Kumunot ang noo ni Ruben at alam niyang di magtatagal ay mamamatay na din siya dahil di siya pakakawalan ni Fane. Kaso gusto niyang malaman kung sino ba talaga ang batang ito. Bigla siyang may napagtanto at napahikbi at sinabi, "Ikaw, ikaw ang Supreme Warrior! Oo, siguradong ito yun, ang Supreme Warrior ay dapat na ipapaalam sa publiko pero nakansela ito bigla. Kaya nanatiling misteryo ang tungkol sa pagkatao ng Supreme Warrior
"Sige, sige, sige. May punto ka!" Natatarantang tinago ni Fiona ang pera niya at sinara ang kahon bago nagsabing, "Sa wakas may nagawa ka nang maganda. Nabawi mo ang pera ko sa isa o dalawang araw lang, mukhang hindi ka naman ganoon ka-walang kwenta!" "Hindi lang sa may silbi siya, sa tingin ko mukhang nagugustuhan ko na ang batang to!" Tumawa si Andrew at tumalon ng dalawang beses bago nag-squat ng ilang beses. Pagkatapos ay nakangiti siyang nagsabi, "Tignan mo, Fiona, maayos na ang lahat at para na akong isang normal na tao. Kaya ko nang tumakbo gamit ng mga binti ko!""Gumaling na nga ang binti mo!" Nagulat din si Fiona dahil sinabi ni Fane na pagagalingin niya ito sa loob lang ng isang Linggo at hindi niya inaasahan na talagang gagaling ito. Isa itong himala. Ngunit biglang may pumasok sa isip niya at dumilim ang kanyang ekspresyon. Sabi niya, "Ano naman ang pinagsasaya mo? Maayos naman talaga ang binti mo noon. Dahil lang sa batang to kaya naging ganyan ang binti mo tap
"Kasal?" Napahinto si Fane bago magsalita nang nakangiti, "May utang rin akong kasal para kay Selena pero wag kang mag-alala, pagkatapos ng kaarawan ng old master, bibigyan ko siya ng natatanging engrandeng kasal!" "Ikaw?" Tinignan ni Fiona mula ulo hanggang paa si Fane bago nangmamaliit na nagsabi, "Ikaw? Gusto mo ng engrandeng kasal nang ikaw lang mag-isa? Sinong maniniwala roon? Sa tingin ko magiging isang nakakahiyang kasalan lang yun!" "Hehe, wag kang masyadong magyabang. Paanong magkakasya ang kaliit na pera para sa isang engrandeng kasal? Nakakamangha ka na kung kaya mo talagang magbigay ng regalo sa old master na higit pa sa 10 million para pamanghain ang pamilya natin!" Tumawa si Andrew. Kahit na simple lang ang kasal noon; kagaya lang itong isang hapunan para sa Taylor family na nagpahiya nang todo para kay Selena. Pero, limang taon na ang nakakaraan at ngayon na malaki na ang anak nina Fane at Selena, hindi ito dinamdam ni Andrew. Ngayon na hindi mababa ang buw
Pumalit ang ekspresyon ni Fiona habang nagsabing, "Sinabi ni Young Master Michael na maliit na bagay lang para sa kanya ang 50 million at maghahanda rin siya ng engrandeng kasal para kay Selena. Mayroong siyang tunay na pera. Si Fane naman, mahirap siya pero mahilig siyang magyabang. Hindi mo dapat papaniwalaan ang lahat ng sinasabi niya!" "Pero totoo ang sahod niya. Pinangako yun mismo ni Ms. Tanya. Imposibleng maging peke yun, hindi ba?" "Tignan mo ang binti ko, magaling na to ngayon, di ba? Sa tingin ko isa tong himala! Kahit mga espesyalista ay walang nagawa para rito pero nagawa niya tong pagalingin!" Pinagtatanggol pa rin ni Andrew si Fane. "Hehe, bago niya matanggap ang sahod niya, hindi pa sa kanya ang pera na yun. At saka, masyadong nasanay si Fane sa labanan at lapitin siya ng gulo kaya isa lang siyang walang utak na basagulero. Hindi natin sigurado kung kailan siya muling makakabangga ng taong hindi niya dapat kalabanin at magdurusa na naman tayo para sa kanya." "T
Ngunit sa sandaling ito, isang magandang babae na nakasuot ng isang nakakaakit na split-end Cheongsam at nala-facemask and dumating sa entrance ng mansion. Hindi nagtagal, ang lalaki na nakabantay sa entrance ay nagmadaling pumasok nang may namamagang mukha. "Boss, boss, hindi to maganda. Isang babaeng naka-facemask ang gusto kang makita!" Sabi ng lalaki pagkatapos nagmadaling pumasok habang nakayuko. "Anong nangyari sa mukha mo?" Kaagad na tanong ng isang matandang lalaki. Ito ang tirahan ng boss ng Dragon God Clan at ng ilang mga elder, mayroon bang nagpunta rito para gumawa ng gulo?Tinaas ng lalaki ang kanyang ulo at nagsabing, "Nakakamangha ang katawan ng babaeng ito at hindi lang yun, sexy rin siya. Kaya ilan sa mga guard natin ang gustong tanggalin ang facemask para makita ang mukha niya. Hindi namin inaasahan na napakalakas ng babaeng ito. Madali niya kaming tinalo. Sinabi pa niya na kapag hindi ka daw niya nakita sa loob ng tatlong minuto ay dudurugin niya ang Drago
"Boss, Boss Harvey, tignan mong maigi. Sino, sino yan?" Nakilala na rin ng isang matandang lalaki si Lana. Sobra siyang nagulat na nanginig ang kanyang boses. Ang pinakanakakatakot tungkol dito, si Lana ay isa lamang messenger. Sino ang makakapag-utos sa isang God of War na magpadala ng mensahe para sa kanya? "God-Godsess of War, Lana!" Pagkatapos tingnan nang maigi ni Boss Harvey ang babae ay nagulat siya. Nang dumating ang dakilang Goddess of War sa Middle Province, magkakaroon siya ng kapangyarihan na pamunuan ang buhay at kamatayan. Hindi tiyak kung gaano karaming mga makapangyarihang pamilya ang gustong magpabango sa kanya. Ngunit hindi niya inaasahan na darating ang Goddess of War sa kanilang Dragon God Clan. Base sa kanilang kinuha, ang pagdating ng Goddess of War ay dapat na isang magandang bagay. Sa halip, siya ay naging tigapagpadala ng masamang balita. Hindi siya nagdalawang-isip dahil ito ang mga salita ng Goddess of War. Maliban roon, walang masyadong oras
"Diyos ko, grabe yung nangyari! Umalis na sa Middle Province yung Dragon God Clan!" Unti-unti nang kumakalat ang balita tungkol sa nangyari sa Dragon God Clan kinahapunan. Di nagtagal ay natagpuan na ang mga bangkay ng Five Tigers ng Dragon God Clan at ng anak ni Master Howard. Natakot ang ilan sa mga makapangyarihang tao sa Middle Province dahil dito. Iyon ay dahil sa alam ng lahat na nasa ilang libong tao ang kabuuang dami ng miyembro ng Dragon God Clan. Subalit, tila kahit ang isang makapangyarihang organisasyon na gaya nun ay maaari ring bumagsak. Syempre, maraming tao ang natuwa dahil puro karumaldumal na krimen ang pinaggagawa ng Dragon God Clan at matagal nang galit ang lahat sa kanila. Bilang halimbawa, noong nagsimula sila ng isang kumpanya, mayroon itong kaugnayan sa mga loan shark. Hindi mabilang ang mga pamilya at tahanang sinira nito. Talagang nakakalungkot at nakakapanlumo ito. Ngayong wala na ang Dragon God Clan, natural lang na sumaya ang lahat. Samantala,
Naiwan sa isipan ni Ms. Tanya ang imahe ni Fane na hawak ang kanyang tagapagligtas. “Ah!”Habang iniisip niya ang ikinuwento ni Fane, hindi niya napansin na biglang huminto ang ilang Audi sa unahan nila. Gulat na gulat si Ms. Tanya, nataranta siya at tinapakan niya agad ang preno. Subalit, sumagi pa rin ang sasakyan nila sa likod ng mga Audi. "Ms. Tanya, na-distract ka ba dahil sa pakikinig sa kwento ko?" Natawa si Fane habang tinitingnan niya ang nagulat na si Ms. Tanya sa tabi niya. "Kasalanan mo 'to, masyado ka kasing naging emosyonal sa pagkukwento mo. Na-distract ako nung maisip ko yung kasamahan mo na si Bro!" Inirapan ni Ms. Tanya si Fane bago siya bumaba sa kotse. Tiningnan ni Fane ang plaka ng kotse sa harap nila. B77777 ang nakasulat dito. Tila hindi kasing simple ng inaasahan nila ang taong may-ari ng sasakyan na ito! Dahil isinama siya ni Ms. Tanya bilang kanyang bodyguard, para sa kaligtasan ni Ms. Tanya, sumunod si Fane pagbaba niya ng kotse. Agad na