"Young Master Harvey, tama ba? 'Tinangka ka bang patayin ni Fane?' Anong tingin mo sa mga salitang yan ngayon?" Isang sarkastikong ngiti ang lumitaw sa mukha ni Fane. Sabi niya, "Sana binalik mo na lang sa'kin ang 3.8 million nung unang beses akong nanghingi, pero ngayon…" "I-Ibibigay ko sa'yo! Wag mo kong patayin! Nagmamakaawa ako sa'yo!" Lumuhod si Ruben sa harapan ni Fane, nagmamakaawa siya para sa kanyang kawawang buhay. Ngayon niya lang napansin kung gaano siya katanga para galitin ang isang veteran ngayon na direkta niyang naranasan ang kabangisan nito. "Sige. Di kita papatayin. Pero tawagan mo ang tatay mo at sabihin mo sa kanya na magpadala ng 3.8 million ngayon din. Dapat 3.8 million, walang labis, walang kulang!" "Maninigarilyo muna ako. Babalaan kita, wag kang gagawa ng kalokohan! Wala rin namang magagawa yun. At kung ayaw mong magkaproblema ang Dragon Gods!" Nagpatuloy si Fane nang may tinatamad na tono. Matindi ang sugat ng hita ni Ruben; tumatagas ang dugo mul
"Bakit ang tagal niyo ata diyan sa tawag, Young Master Ruben? Wala ka namang sinusubukang gawin ano? Sinabi ko sa'yo na magdala ka ng 3.8 milyong dolyar, di ka naman na hihingi ng tulong diba?" Napansin ni Fane na ang tagal ng tawag bago niya ito ibaba kaya siya nagtanong. "Paano ko gagawin yun? Inutusan ko lang sila na ihanda ang 3.8 milyong dolyar para sa'yo. Wag kang mag-alala, dadating din yun kaagad!" Kaagad na sumagot si Ruben nang mataranta siya. "Talaga? Ipapakita ko sa'yo kung anong mangyayari kapag nagsinungaling ka sa akin!" Pagkatapos itong sabihin ni Fane, binato talaga niya ang baril kay Young Master Ruben. "Aray!" Tumama ang baril sa hita ni Ruben at ikinagalit niya ito. Kaagad niyang dinampot ito at ibabato na ito pabalik sa kanya, "Bwiset, wag mo akong ginagalit…" Huminto si Ruben nang sabihin niya ito, doon lang niya napansin na binato siya ni Fane ng baril. "Haha, gusto mo talagang mamatay. Talagang baril pa ang ibinato mo sa akin?" Natuwa si Rube
Ang pangunahing dahilan kung bakit may malaking impluwensya ang Dragon God Clan sa Middle Province ay dahil sa malalakas na taong ito. "Talagang matapang ka, bata. Talagang dinakip mo ang aming young master. Hehe, ito ang unang pagkakataon kong makakita ng taong ganito katapang sa taong namuhay ako sa Middle Province!" Isa sa mga kalbong lalaki ang tumawa. Tapos tinignan niya ang mga bangkay sa sahig at sinabi, "Mukhang mahusay ka din sa pakikipaglaban. Ngunit ang lahat ng pinatay mo ay mga basura lang ng Dragon God Clan. Mamamatay ka kapag nakaharap mo ang isang taong tunay na malakas." Tumawa si Fane at lumapit. "Hehe, di niyo naman ako papatayin diba?" Napansin niya na palapit so Fane kay Ruben at kaagad na nagdilim ang mukha niya. Kahit na malakas at walang-dudang mabilis sila, napakalayo pa rin nila kay Fane. Atsaka, si Fane ay isang beterano at kung nagawa niyang mabuhay sa loob ng limang taon sa digmaan, natural na mahusay siya. Kaya alam nila na sa kakayahan ni Fa
"Sobrang lakas!" Isa sa mga lalaki na nasa mas magandang kalagayan ang nakatayo kaagad habang seryosonh nakatitig kay Fane. Ang natitirang tatlong lalaki ay kaagad na pinaligiran si Fane. Kaya napapaligiran si Fane ng limang lalaki. Nakahinga nang maluwag si Young Master Ruben nang makita niyang napapalibutan si Fane. Sumigaw siya, "Huwag niyo muna siyang patayin kaagad. Bugbugin niyo siya nang husto at huwag niyo siyang bigyan ng mabilis na kamatayan." Nanlulumong tumawa ang isang kalbong lalaki bago sabihing, "Young Master Ruben, di pipitsugin ang batang ito. Kahit na kaya namin siyang patayin, mahihirapan kaming gawin ito!" Nang marinig ito ni Young Master Ruben, napahikbi siya at sinabing, "Imposible diba? Kayo ang Five Tigers ng Dragon God. Kahit na anim talaga kayo noong una kaso napatay si Scar. Kung hindi, talagang di mapapasunod ng ating Dargon God Clan ang ibang mga angkan." "Ang mokong na ito ay isang sundalo sa loob ng limang taon at ang kahit sinong nakaligtas
Pero marahas din ang kalbong lalaki. Kaagad niyang hinugot ang patalim mula sa kanyang hita habang sumisirit ang dugo. Tapos ay hinawakan niya ang patalim at sumugod kay Fane. Nang sumugod siya habang hawak ang patalim,ngumisi siya. Dahil umataka din ang tatlong lalaki mula sa magkakaibang direksyon. Apat na lalaki bukod sa lalaking may balbas na nabalian ng braso ang umatake kay Fane mula sa apat na magkakaibang direksyon. Napaligiran si Fane ng apat na malalakas na kalaban at base sa anggulo ng kanilang mga atake, imposibleng matakasan ito. Pakiramdam ng tatlong lalaki na di na makakatakas si Fane sa pagkakataong ito. Subalit, sa isang iglap ay naglaho ito. Sa isang talon, napakabilis ng galaw ni Fane, bumaluktot siya sa kakaibang pwesto at naiwasan ang kanilang mga atake. Tapos nito ay lumitaw siya sa likod ng isa sa kanila at sa isang sipa, bumagsak ang lalaking ito sa sahig. "Blag, blag, blag!" Nang mapansin ng tatlong lalaki na may kakaiba, umaatake na si Fane. Di n
Noon pa naiisip ni Ruben na medyo matalino siya. Kaya kung hindi isang marshal si Fane, siguro siya ay isang King of War. Dahil iyon lang ang mga taong kayang pumaslang sa limang malalakas sa kanilang Dragon God Clan. Ang posisyon na nasa itaas ng King of War ay ang siyam na God of War. Kaso ibinunyag na ang pagkatao nilang lahat sa telebisyon. Kaya alam ng lahat kung sinu-sino sila. Sa kanilang siyam, walang taong nagngangalang Fane at gusto nitong taasan niya pa ang hula niya? "Imposible? Mayroong ikasampung God of War? Di ka nabunyag sa publiko?" Kumunot ang noo ni Ruben at alam niyang di magtatagal ay mamamatay na din siya dahil di siya pakakawalan ni Fane. Kaso gusto niyang malaman kung sino ba talaga ang batang ito. Bigla siyang may napagtanto at napahikbi at sinabi, "Ikaw, ikaw ang Supreme Warrior! Oo, siguradong ito yun, ang Supreme Warrior ay dapat na ipapaalam sa publiko pero nakansela ito bigla. Kaya nanatiling misteryo ang tungkol sa pagkatao ng Supreme Warrior
"Sige, sige, sige. May punto ka!" Natatarantang tinago ni Fiona ang pera niya at sinara ang kahon bago nagsabing, "Sa wakas may nagawa ka nang maganda. Nabawi mo ang pera ko sa isa o dalawang araw lang, mukhang hindi ka naman ganoon ka-walang kwenta!" "Hindi lang sa may silbi siya, sa tingin ko mukhang nagugustuhan ko na ang batang to!" Tumawa si Andrew at tumalon ng dalawang beses bago nag-squat ng ilang beses. Pagkatapos ay nakangiti siyang nagsabi, "Tignan mo, Fiona, maayos na ang lahat at para na akong isang normal na tao. Kaya ko nang tumakbo gamit ng mga binti ko!""Gumaling na nga ang binti mo!" Nagulat din si Fiona dahil sinabi ni Fane na pagagalingin niya ito sa loob lang ng isang Linggo at hindi niya inaasahan na talagang gagaling ito. Isa itong himala. Ngunit biglang may pumasok sa isip niya at dumilim ang kanyang ekspresyon. Sabi niya, "Ano naman ang pinagsasaya mo? Maayos naman talaga ang binti mo noon. Dahil lang sa batang to kaya naging ganyan ang binti mo tap
"Kasal?" Napahinto si Fane bago magsalita nang nakangiti, "May utang rin akong kasal para kay Selena pero wag kang mag-alala, pagkatapos ng kaarawan ng old master, bibigyan ko siya ng natatanging engrandeng kasal!" "Ikaw?" Tinignan ni Fiona mula ulo hanggang paa si Fane bago nangmamaliit na nagsabi, "Ikaw? Gusto mo ng engrandeng kasal nang ikaw lang mag-isa? Sinong maniniwala roon? Sa tingin ko magiging isang nakakahiyang kasalan lang yun!" "Hehe, wag kang masyadong magyabang. Paanong magkakasya ang kaliit na pera para sa isang engrandeng kasal? Nakakamangha ka na kung kaya mo talagang magbigay ng regalo sa old master na higit pa sa 10 million para pamanghain ang pamilya natin!" Tumawa si Andrew. Kahit na simple lang ang kasal noon; kagaya lang itong isang hapunan para sa Taylor family na nagpahiya nang todo para kay Selena. Pero, limang taon na ang nakakaraan at ngayon na malaki na ang anak nina Fane at Selena, hindi ito dinamdam ni Andrew. Ngayon na hindi mababa ang buw