"Imposible. Matanda na sina Fiona at Andrew. Imposible na hindi makuha ng apat na yun ang pera." Kumunot ang noo ni Xena nang marinig niya sila. Lumapit siya para tignan ang mga motor. Sa kanyang nakita, napuno ng pagkainis ang kanyang mukha---dahil wala siyang nakitang bag. "Walang kwenta! Apat sila tapos di nila nagawang nakawan ang matandang mag-asawa?" Tumigas ang ekspresyon ni Young Master Howard. Mukhang hindi siya natutuwa. Kahit na hindi malaking halaga para sa kanya ang tatlong milyon, ayaw niyang pumapalpak sa lahat ng bagay na ginagawa niya. "Mukhang tatlo ang mga motor, pero may isa pang pasahero na nakaangkas sa kanila!" Sigaw ng isa sa kanila nang makita nila ito nang mas malapitan. Umandar ang mga motor. Puno ng pagdududa ang mga tao. Limang lalaki ang bumaba mula sa mga motor. "Bo-boss…" Isa sa sa kanila ay may sugat sa kanyang noo; tumutulo ang dugo sa kanyang mukha. Lumapit siya kay Young Master Howard. "Hi-hindi namin nakuha ang pera," sabi niya
Nagsindi ng sigarilyo si Fane at hinithit ito bago kalmadong nagsalita. "Tanga?" Nagalit si Xena nang marinig niya iyon. "Isa ka lang sundalo. Alam ko na magaling kang makipaglaban. Sinabi yun sa'kin ni Ben dati. Eh ano ngayon? Isa ka lang bodyguard. Hindi ka ganun kagaling." Iniunat niya ang kanyang mga braso. "Kahit na anong mangyari, wala akong pera at kailangan ko ng pera, at gusto kong makakuha ng pera. Mali ba ako?" pagpapatuloy niya. "Sa tingin ko hindi ako tanga. Nakakuha ako ng 760 thousand nitong nakaraan, di ba?" Dahil nalaman na ni Fane, nagpasya si Xena na tapusin na ang kanyang pagpapanggap. "Naiintindihan mo ba? Kaya anong magagawa mo sa'kin? Heh. Mas maganda kung hindi ka kikilos. Hinuhukay mo lang ang libingan mo sa pagpunta mo rito!" "Ang tagal niyo nang magkasama ni Ben. Wala ka ba talagang nararamdaman para sa kanya?" Kumislap ang galit kay Fane. Kahit na hindi siya masyadong nakikipag-usap kay Ben, nakikita niya na gusto talaga ni Ben si Xena at balak n
"Makinig ka sa'kin, bata. Walang mangyayari kung luluhod ka at magmamakaawa para sa buhay mo ngayon!" Napakayabang ng tauhan na ito. Marami silang kasama. Hindi siya naniniwala na hindi nila kayang labanan ang isang tao lamang. Pak!Wala pang isang segundo, bigla siyang lumitaw sa harapan ng lalaki. Pagkatapos, sa isang pitik ng kanyang kamay, sinampal niya ang pisngi ng lalaki. "Ako---" Napahinga nang malalim ang lalaki. Masyado itong mabilis. Wala siyang oras para kumilos at nasampal na siya. Sinara niya ang kanyang kamao at naghanda para suntukin si Fane. Sumugod ang iba pang mga lalaki, pero hinawakan lang ni Fane ang kanyang braso sa isang iglap. Malakas siyang iwinasiwas at lumipad siya papunta sa mga pasugod na lalaki. Kasunod nito ay bumitaw si Fane at tumalsik ang lalaki. Bumagsak siya sa isang malapit na puno. Sumuka siya nang dugo habang kumalabog siya sa lapag. "Mga mahihina. Inaalagaan ko kayo araw-araw pero wala pa rin kayong kwenta!" Naintindihan ni Rube
"Kahit na hindi ako natatakot kahit na hindi ako gumamit ng bato, gusto ko pa ring makipaglaro sa'yo!" Kalmadong sabi ni Fane na para bang wala siyang pakialam sa kanya. "Di na masama. Hah!" Tumawa si Ruben at binaril ang binti ni Fane. Swoosh!Sa isang kurap, iniunat ni Fane ang kanyang kamay. Lumipad ang dalawang bato paharap. Ang isa sa mga bato ay tumama sa bala at lumiko ito. Ang isa naman ay tumama direkta sa daliri ni Ruben. "Ah!" Tumili si Ruben. Kaagad na naputol ang daliri ba tinamaan ng bato na para bang bala ang tumama sa kanya. Nalaglag sa lapag ang kalahati ng daliri. Ang biglaang sakit na naramdaman ni Ruben ay nagpahiyaw sa kanya. Nabitawan niya ang baril at nalaglag rin ito sa lapag. "Boss!" "Young Master!" Tiningnan ng mga natitirang tao ang sitwasyon. Nanlaki ang kanilang mga mata, iniisip nila kung totoo ba ang nangyayari. "G*go! Patayin niyo siya!" Tinignan ni Ruben ang baril na nasa lapag sabay lumingon sa isa kanyang mga tao sa tabi ni
Nakakatawa. Iniisip talaga ng batang ito na isa siyang tanga, ginamit niya pa ang pangalan ng Dragon Gods para takutin siya at ibigay sa kanya ang baril. Para bang hinuhukay niya ang sarili niyang libingan. "Heh. Hindi ka papatawarin ng tatay ko kapag pinatay mo ko. Maganda kung pag-iisipan mo tong mabuti!" Ngumiti si Ruben at nagsalita. "Gusto ko lang mabawi ang 3.8 million ko. Hindi ko inakala na gusto mo kong patayin. Dahil diyan, wala akong magagawa kundi patayin ka!" Malamig na ngumiti si Fane bago nagpatuloy, "Sabihin na natin na papatayin kita at ang lahat ng tao rito. Sa tingin mo ba malalaman ng tatay mo na ako ang gumawa nun?""Heh. Subukan mo kung di ka naniniwala!" Tumawa si Ruben at nagsabi, "Sa tingin mo ba na pagkatapos mong lumabas ng siyudad sakay ng bike ng mga kasama ko ay walang makakakita sa inyo sa daan?" "Hindi na masama!" Ngumiti si Fane. "Kaya ang pinakamagandang gawin ay burahin ko na lang ang buong Dragon God gang, tama ba? Hindi ako makakatulo
"Young Master Harvey, tama ba? 'Tinangka ka bang patayin ni Fane?' Anong tingin mo sa mga salitang yan ngayon?" Isang sarkastikong ngiti ang lumitaw sa mukha ni Fane. Sabi niya, "Sana binalik mo na lang sa'kin ang 3.8 million nung unang beses akong nanghingi, pero ngayon…" "I-Ibibigay ko sa'yo! Wag mo kong patayin! Nagmamakaawa ako sa'yo!" Lumuhod si Ruben sa harapan ni Fane, nagmamakaawa siya para sa kanyang kawawang buhay. Ngayon niya lang napansin kung gaano siya katanga para galitin ang isang veteran ngayon na direkta niyang naranasan ang kabangisan nito. "Sige. Di kita papatayin. Pero tawagan mo ang tatay mo at sabihin mo sa kanya na magpadala ng 3.8 million ngayon din. Dapat 3.8 million, walang labis, walang kulang!" "Maninigarilyo muna ako. Babalaan kita, wag kang gagawa ng kalokohan! Wala rin namang magagawa yun. At kung ayaw mong magkaproblema ang Dragon Gods!" Nagpatuloy si Fane nang may tinatamad na tono. Matindi ang sugat ng hita ni Ruben; tumatagas ang dugo mul
"Bakit ang tagal niyo ata diyan sa tawag, Young Master Ruben? Wala ka namang sinusubukang gawin ano? Sinabi ko sa'yo na magdala ka ng 3.8 milyong dolyar, di ka naman na hihingi ng tulong diba?" Napansin ni Fane na ang tagal ng tawag bago niya ito ibaba kaya siya nagtanong. "Paano ko gagawin yun? Inutusan ko lang sila na ihanda ang 3.8 milyong dolyar para sa'yo. Wag kang mag-alala, dadating din yun kaagad!" Kaagad na sumagot si Ruben nang mataranta siya. "Talaga? Ipapakita ko sa'yo kung anong mangyayari kapag nagsinungaling ka sa akin!" Pagkatapos itong sabihin ni Fane, binato talaga niya ang baril kay Young Master Ruben. "Aray!" Tumama ang baril sa hita ni Ruben at ikinagalit niya ito. Kaagad niyang dinampot ito at ibabato na ito pabalik sa kanya, "Bwiset, wag mo akong ginagalit…" Huminto si Ruben nang sabihin niya ito, doon lang niya napansin na binato siya ni Fane ng baril. "Haha, gusto mo talagang mamatay. Talagang baril pa ang ibinato mo sa akin?" Natuwa si Rube
Ang pangunahing dahilan kung bakit may malaking impluwensya ang Dragon God Clan sa Middle Province ay dahil sa malalakas na taong ito. "Talagang matapang ka, bata. Talagang dinakip mo ang aming young master. Hehe, ito ang unang pagkakataon kong makakita ng taong ganito katapang sa taong namuhay ako sa Middle Province!" Isa sa mga kalbong lalaki ang tumawa. Tapos tinignan niya ang mga bangkay sa sahig at sinabi, "Mukhang mahusay ka din sa pakikipaglaban. Ngunit ang lahat ng pinatay mo ay mga basura lang ng Dragon God Clan. Mamamatay ka kapag nakaharap mo ang isang taong tunay na malakas." Tumawa si Fane at lumapit. "Hehe, di niyo naman ako papatayin diba?" Napansin niya na palapit so Fane kay Ruben at kaagad na nagdilim ang mukha niya. Kahit na malakas at walang-dudang mabilis sila, napakalayo pa rin nila kay Fane. Atsaka, si Fane ay isang beterano at kung nagawa niyang mabuhay sa loob ng limang taon sa digmaan, natural na mahusay siya. Kaya alam nila na sa kakayahan ni Fa