Sa sandaling iyon, si Hayden, na kanina pang nananahimik ay biglang nagsalita, "Naaalala ko na!" Napatingin silang tatlo sa paligid at nakita nila si Hayden na mukhang may napagtanto. Tumingin siya kay Fane at nagmadaling sumugod, at huminto sa tabi ni Fane. "Anf Evil Blood Thunder!" desididong sinabi ni Hayden. Huminto sandali si Fane bago magtanong, "Ano ang Evil Blood Thunder?" Kaagad na sumagot si Hayden, "Ang Evil Blood Thunder ay ang dahilan kung bakit nakaramdam tayo ng kuryente mula sa sugat ni Jackson at Riv! "Nanatili ang kuryente sa mga sugat nila, at walang dugo sa paligid nito. Kakaiba itong tingnan. Pakiramdam ko parang pamilyar ito na para bang nakita ko na noon. "Patuloy kong sinubukang alalahanin habang naglalakad tayo, at bigla ko ngang naalala. Nakita ko dati ang isang martial skill na tinatawag na Evil Blood Thunder sanmga sinaunang tala. Nag-iiwan ito ng ganitong epekto pagkatapos makapatay!" Pagkatapos itong sabihin, naging seryoso ang kanyang mukha.
Natatakot na sinabi ni Samson, "Ano palang gagawin natin? Hindi naman tayo pwedeng tumunganga at maghintay ng kamatayan! Hindi natin sila basta hahayaang patayin tayo, kailangan nating magtulungan! "Kailangan nating tipunin ang lahat ng mga disciple ng northern clans para magtulungan laban sa kanila! Ang mga fiend o kayamanan ay hindi na mahalaga, ang buhay natin ang pinakamahalaga!"Tama si Samson, sa lagay ng sitwasyon ngayon, ang lahat ng mga kayamanan na iyon ay hindi na nakakasilaw para sa kanila. Ang pinakamahalaga ay ang buhay nila, at ang masigurong makikinabang rin ang kanilang angkan. Ngayong pinapatay ng Corpse Pavilion ang lahat, kapag hindi sila kaagad kumibo, lahat sila ay malalagay sa panganib. Malulugi sila kapag hindi nila nabaligtad ang sitwasyon. Tumingin si Fane sa kanilang tatlo, "May paraan ba kayo para mabalitaan ang ibang disciple ng clan niyo?" Tumango si Hayden, "May naisip ako! Mayroon akong maayos na transfer array kasama si Graham" Nang sabihin n
Isa itong lantang puno na walang buhay. Kasintangkad ito ng dalawang tao. Sa sobrang lanta ng puno, kapag hinawakan ang katawan nito, nalalaglag ang tuyong bahagi nito. Hindi pinansin ni Fane ang mga tao sa likuran niya. Dahan-dahan siyang lumuhod, nakatitig sa ugat ng puno. Tumingin silang tatlo sa lugar kung nasaan si Fane ngunit wala silang napansing kakaiba. Ang ugat ay parang isang karaniwang bahagi lamang ng puno. Hindi nila alam kung gaano katagal na itong patay. Ang puting balat nito ay sumasalamin sa sinaunang panahon. Nang wala pang sinasabi si Fane, hindi basta kumibo ang tatlo. Tinitigan lamang nila kung saan nakatingin si Fane. Ngunit kahit paano nila ito tingnan, hindi sila makakita ng kahit anong kakaiba dito. Pagkatapos lumuhod nang matagal, dahan-dahang tumayo si Fane.Mukhang kakaiba ang tingin niya, “Para saan pa at ginawa mo ang lahat ng ito? May kakaiba ba sa lugar na ito?”Pagkatapos itong sabihin, tumingin siya sa paligid. Ganito pa rin ito, isang mundong
”Kung ganoon hindi na natin matitigil ang ating pandama. Kapag may napansin siyang kakaiba, dapat umalis na tayo kaagad, huwag na kayong mag-iisip ng iba!”Nakakatakot ang kamatayan. Isa itong bagay na ayaw nila, at hindi sila handang harapin. Hindi ang grupo nila ang pinakamagaling sa Hidden Place for Resources, ngunit sa kanilang mga angkan, mga henyo sila. Sila ay mga internal o chosen disciple sa kanilang mga angkan. Ang mga karaniwang informal disciple o runner, at halos lahat ng ibang internal disciple ay hindi magtatapang na maliitin sila.Lagi silang binabati nang magalang, at may sarili silang magandang kinabukasan na inaabangan. Kaya, wala sa kanilang handang mamatay sa ganitong lugar.Nanginginig ang katawan ni Isaiah dahil lagi siyang binubulabog ng maputlang mukha ni Riv sa kanyang isipan.Nitong nakaraang isang araw, nakikipagbiruan pa si Riv sa kanila. Hindi niya inakalang sa susunod na magkita sila, ang masiyahin na magaling na internal disciple ay bangkay na pala
Ngunit hindi siya magaling magpahayag ng saloobin, kaya pinigilan niya ang kanyang pagkagulat. Malinaw na hindi kasinggaling magpigil ni Graham ang mga tao sa likuran niya.Sa sandaling makita nila si Fane, nanlaki ang mata nila. Puno ng tanong ang kanilang mukha. Tumango lamang si Graham kay Hayden bago lumapit sa kanila at nagbibigay-galang kay Fane.“Fane, hindi ako makapaniwalang makikita kita dito. Iisipin ko na sanang mas malayo ka na nang sobra sa loob, pumapatay ng napakaraming fiend.”Napakagalang ng mga salitang ito, ngunit hindi ito inintindi ni Fane. Naging interesado siya nang mapansin niyang hindi pala talaga sobrang matapat at prangka si Graham. Mukhang tuso rin pala si Graham, at kailangan niyang mag-ingat sa pakikisama kay Graham.Tumango lamang si Fane, at tumingin kay Hayden. Kaagad na naunawaan ni Hayden kung anong gusto ni Fane, at hindi nag-alinlangan na ibunyag ang lahat ng natuklasan nila.Nagdilim ang mukha ni Graham. Nang matapos si Hayden, seryosong sina
May pag-aalinlangan si Fane sa kanyang boses, “Nelson?”Sa sandaling iyon, napakalubha ng kalagayan ni Nelson. Namantsahan ng dugo ang kanyang damit, ang kanyang katawan ay napunit ng isang kakaibang sandata. Mukhang mas malala pa ang kalagayan niya kumpara sa isang pulubi sa tabing-kalsada. Wala na ang kanyang matikas na aura.Hinawakan nang mahigpit ni Nelson ang braso ni Fane at nanginig siya, “Fane! Sa wakas nahanap na rin kita!”Sa sandaling iyon, nakarating na rin ang iba. Nang makita ni Isaiah na ito ang chosen disciple na si Nelson, napanganga siya sa gulat, hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.Kaagad siyang lumuhod, hawak si Nelson gamit ng dalawang kamay, “Anong nangyari?! Paano ka napuruhan?!”Sinuri ni Fane ang mga sugat ni Nelson. Higit sa kalahati ng vessel niya ang nasira, at mayroon siyang napakaraming sugat, maliit at malaki. Mayroon pang dalawang baling buto. Ang katotohanang nagawa ni Nelson na makarating sa lugar na ito ay patunay ng tibay ng kanyang loob.
Naging mapait ang ngiti ni Nelson habang nagsasalita siya. Para bang iniinsulto niya ang kanyang sarili at pati na rin ang mga taong nag-usap tungkol dito noon.“Akala ko na basta hindi natin sila gagalitin, at basta hindi tayo mangialam sa kanila, hindi tayo malalagay sa panganib. Sinong mag-aakala na bigla silang hihinto sa paglalakad noong napansin nila tayo, at susugod sila sa’tin.“Tumakbo kaming lima noong sandaling napansin namin na may mali. Subalit, masyado kaming mabagal, at di-kalaunan ay naabutan nila kami. Hindi sila nag-abala na makinig sa’min, kung sino kami o kung saan kami galing, ang unang bagay na ginawa nila ay atakihin kami gamit ng mga sandata nila!”Nanginig ang buong katawan ni Nelson, namula ang kanyang mga mata habang bumabalik sa kanyang isipan ang mga nangyari. Napakamiserable ng pakiramdam niya.Lumunok siya at nagpatuloy, “Paano namin sila magagawang labanan? Nanood lang ako habang pinapatay nila ang kapwa ko disipulo sa harap ko. Noong mga sandaling i
Ngumuso si Fane, hindi niya gaanong inisip ang tungkol dito. "Sa tingin ko makakabalik pa siya. Basta't mamatay tayong lahat dito, walang makapagpapatunay sa ginawa niya. Natural lang na makakabalik siya nang ligtas at baka makatanggap pa siya ng malaking gantimpala. "Ang iba ay halatang naasar dito. Kahit na mahirap para sa kanila na punahin ang sitwasyon, kabilang na ang katayuan ni Griffin at pati na rin ang iba pang mula sa Dual Sovereign Pavilion, tahimik pa rin nilang kinaiinisan ang mga ginawa ni Griffin.Maging ang mga g*go ay ayaw sa mga taong ang alam lang ay sumipsip sa iba kapag nagkakaroon ng problema.Nagngitngit ang mga ngipin ni Isaiah noong sinabi niya na, “Sumusobra na siya. Hindi na maganda ang ginawa niya noon, pero ang ginawa niya sa pagkakataong ‘to—”“Tama na ‘yan.” Nagsalita si Fane at tinaas niya ang kanyang kamay, “Hindi tayo dapat mag-aksaya ng lakas na pag-usapan siya sa puntong ‘to.”Pagkatapos ay dahan-dahang tumayo si Fane at tumingin siya kay Graha