Sa kasamaang palad, hindi na muling makakasagot si Jackson kay Hayden. Sa pitong bangkay na biglaang itinapon, dalawa sa kanila ay mula sa Dual Sovereign Pavilion, dalawa pa ay mula sa Muddled Origin Clan, at ang natitirang tatlo ay mula sa Thousand Leaves Pavilion.Natagpuan ni Samson ang isang alagad mula sa Muddled Origin Clan na malapit sa kanya at lumuhod na nakatingin sa kanya sa sakit. Bahagyang namamaos ang boses ni Isaiah habang sinasabi, "Ano ito? Sino ang pumatay sa kanila? Isa ba itong halimaw o tao?!"Napabuntong-hininga si Fane, lumipat ang tingin sa dibdib ni Riv. May butas na kasing laki ng kamao. Walang dugo sa paligid ng sugat, ngunit ito ay lahat ng itim.Parang sunog na sugat. Gamit ang kanyang sentido, naramdaman niyang may dala itong kaunting kuryente.Ibinalik ni Fane ang kanyang tingin sa iba pang mga bangkay. Habang sinusuri niya ang iba, napansin niyang may mga sugat sila na dulot ng mga armas. Ito ay malinaw na ang mga fiends ay talagang hindi ang mga sal
Tumango naman ang iba sa kanila, sang-ayon sa sinabi ni Fane. Dahan-dahang tumayo si Fane mula sa lupa bago nagpatuloy, "Pito sila sa kabuuan. Kahit na hindi sila ang pinakamalakas, ang pito sa kanila na magkasama ay hindi magiging mahina. Gayunpaman, nauwi pa rin sila sa ganito, at ang mga kalaban. pareho lang silang pinatay."Tingnan mo na lang ang mga sugat nina Jackson at Riv, tiyak na napatay sila sa isang mabilis na welga, na walang puwang para sa kanilang pag-atake."Isang eksperto lang ang taong makakagawa ng ganyan! Dahil isa siyang eksperto, hindi siya kikilalanin. Gaya ng hula mo kanina, ang dahilan kung bakit nagsimula ang sigalot ay posibleng dahil sa isang yaman na iniwan ng isang halimaw."Dahil ito ay isang dalubhasa na malamang na kilala, ang pito sa kanila ay kilala na ang taong ito na pumatay sa kanila. Kung ginawa nila, alam ang pagkakaiba ng kasanayan, malamang na hindi sila kumilos nang padalus-dalos."Sa paliwanag ni Fane, naintindihan na rin ng tatlo. Upang
"Eh bakit pala ito nangyari!" naluluhang sinabi ni Samson. Bukod sa katawan ni Jackson at Riv na hindi duguan, ang iba ay duguan na sobra. Dahil ito sa matapang na amoy ng dugo na nakita nila sa lugar na iyon. Tumingin sa taas si Hayden at sinabi nang seryoso, "Dahil hindi ito para sa kayamanan, at hindi naman pwedeng dahil lang sa gusto lang nilang makipaglaban, bakit pala nila ito gagawin? Siguradong may layunin sila dito, pero hindi ko mawari kung ano ba 'yun?!" Lumingon si Fane, nakatingin sa Netherworld Mountain, "Kahit ano pa ito, siguro hindi natin ito malalaman mula dito sa pitong bangkay na ito. Kailangan nating magpatuloy sa paghahanap, at tingnan kung may palatandaan ba." Tumango silang tatlo, pakiramdam nila tama si Fane. Lumingon si Fane at tumingin sa katawan ni Riv nang madamdamin. Gusto talagang malaman ni Fane kung sinong gumawa nito. Siya ba mismo ang dahilan? Kahit anong mangyari, aalamin niya kung sinong pumatay kay Riv, at tutulungan niya si Riv na maghig
Sa sandaling iyon, si Hayden, na kanina pang nananahimik ay biglang nagsalita, "Naaalala ko na!" Napatingin silang tatlo sa paligid at nakita nila si Hayden na mukhang may napagtanto. Tumingin siya kay Fane at nagmadaling sumugod, at huminto sa tabi ni Fane. "Anf Evil Blood Thunder!" desididong sinabi ni Hayden. Huminto sandali si Fane bago magtanong, "Ano ang Evil Blood Thunder?" Kaagad na sumagot si Hayden, "Ang Evil Blood Thunder ay ang dahilan kung bakit nakaramdam tayo ng kuryente mula sa sugat ni Jackson at Riv! "Nanatili ang kuryente sa mga sugat nila, at walang dugo sa paligid nito. Kakaiba itong tingnan. Pakiramdam ko parang pamilyar ito na para bang nakita ko na noon. "Patuloy kong sinubukang alalahanin habang naglalakad tayo, at bigla ko ngang naalala. Nakita ko dati ang isang martial skill na tinatawag na Evil Blood Thunder sanmga sinaunang tala. Nag-iiwan ito ng ganitong epekto pagkatapos makapatay!" Pagkatapos itong sabihin, naging seryoso ang kanyang mukha.
Natatakot na sinabi ni Samson, "Ano palang gagawin natin? Hindi naman tayo pwedeng tumunganga at maghintay ng kamatayan! Hindi natin sila basta hahayaang patayin tayo, kailangan nating magtulungan! "Kailangan nating tipunin ang lahat ng mga disciple ng northern clans para magtulungan laban sa kanila! Ang mga fiend o kayamanan ay hindi na mahalaga, ang buhay natin ang pinakamahalaga!"Tama si Samson, sa lagay ng sitwasyon ngayon, ang lahat ng mga kayamanan na iyon ay hindi na nakakasilaw para sa kanila. Ang pinakamahalaga ay ang buhay nila, at ang masigurong makikinabang rin ang kanilang angkan. Ngayong pinapatay ng Corpse Pavilion ang lahat, kapag hindi sila kaagad kumibo, lahat sila ay malalagay sa panganib. Malulugi sila kapag hindi nila nabaligtad ang sitwasyon. Tumingin si Fane sa kanilang tatlo, "May paraan ba kayo para mabalitaan ang ibang disciple ng clan niyo?" Tumango si Hayden, "May naisip ako! Mayroon akong maayos na transfer array kasama si Graham" Nang sabihin n
Isa itong lantang puno na walang buhay. Kasintangkad ito ng dalawang tao. Sa sobrang lanta ng puno, kapag hinawakan ang katawan nito, nalalaglag ang tuyong bahagi nito. Hindi pinansin ni Fane ang mga tao sa likuran niya. Dahan-dahan siyang lumuhod, nakatitig sa ugat ng puno. Tumingin silang tatlo sa lugar kung nasaan si Fane ngunit wala silang napansing kakaiba. Ang ugat ay parang isang karaniwang bahagi lamang ng puno. Hindi nila alam kung gaano katagal na itong patay. Ang puting balat nito ay sumasalamin sa sinaunang panahon. Nang wala pang sinasabi si Fane, hindi basta kumibo ang tatlo. Tinitigan lamang nila kung saan nakatingin si Fane. Ngunit kahit paano nila ito tingnan, hindi sila makakita ng kahit anong kakaiba dito. Pagkatapos lumuhod nang matagal, dahan-dahang tumayo si Fane.Mukhang kakaiba ang tingin niya, “Para saan pa at ginawa mo ang lahat ng ito? May kakaiba ba sa lugar na ito?”Pagkatapos itong sabihin, tumingin siya sa paligid. Ganito pa rin ito, isang mundong
”Kung ganoon hindi na natin matitigil ang ating pandama. Kapag may napansin siyang kakaiba, dapat umalis na tayo kaagad, huwag na kayong mag-iisip ng iba!”Nakakatakot ang kamatayan. Isa itong bagay na ayaw nila, at hindi sila handang harapin. Hindi ang grupo nila ang pinakamagaling sa Hidden Place for Resources, ngunit sa kanilang mga angkan, mga henyo sila. Sila ay mga internal o chosen disciple sa kanilang mga angkan. Ang mga karaniwang informal disciple o runner, at halos lahat ng ibang internal disciple ay hindi magtatapang na maliitin sila.Lagi silang binabati nang magalang, at may sarili silang magandang kinabukasan na inaabangan. Kaya, wala sa kanilang handang mamatay sa ganitong lugar.Nanginginig ang katawan ni Isaiah dahil lagi siyang binubulabog ng maputlang mukha ni Riv sa kanyang isipan.Nitong nakaraang isang araw, nakikipagbiruan pa si Riv sa kanila. Hindi niya inakalang sa susunod na magkita sila, ang masiyahin na magaling na internal disciple ay bangkay na pala
Ngunit hindi siya magaling magpahayag ng saloobin, kaya pinigilan niya ang kanyang pagkagulat. Malinaw na hindi kasinggaling magpigil ni Graham ang mga tao sa likuran niya.Sa sandaling makita nila si Fane, nanlaki ang mata nila. Puno ng tanong ang kanilang mukha. Tumango lamang si Graham kay Hayden bago lumapit sa kanila at nagbibigay-galang kay Fane.“Fane, hindi ako makapaniwalang makikita kita dito. Iisipin ko na sanang mas malayo ka na nang sobra sa loob, pumapatay ng napakaraming fiend.”Napakagalang ng mga salitang ito, ngunit hindi ito inintindi ni Fane. Naging interesado siya nang mapansin niyang hindi pala talaga sobrang matapat at prangka si Graham. Mukhang tuso rin pala si Graham, at kailangan niyang mag-ingat sa pakikisama kay Graham.Tumango lamang si Fane, at tumingin kay Hayden. Kaagad na naunawaan ni Hayden kung anong gusto ni Fane, at hindi nag-alinlangan na ibunyag ang lahat ng natuklasan nila.Nagdilim ang mukha ni Graham. Nang matapos si Hayden, seryosong sina