Share

Kabanata 2158

Author: Moneto
Humiyaw ang mga manonood tuwing naiiwasan ni Fane ang mga espadang liwanag. Noong una, minaliit siga ng lahat, ngunit ngayon ay talagang namangha sa kanya ang mga ito.

Kahit na hindi pa niya ginagamit ang kanyang martial skill, natutukoy nila sa paraan ng pag-iwas niya sa mga atake ni Oliver na talagang bukod-tangi siya. Alam nila na hindi sila makakaiwas nang ganito kung sila ang nasa ganitong sitwasyon.

"Nakapagtataka! Mukhang napapasunod niya ang paligid. Hindi kaya ang technique na ginagamit niya ay may kinalaman sa espasyo o isa ba itong katangian mismo ng technique niya?"

"Malay natin? Alam ko lang ay mas mabilis siya sa akin! Dinoble na ni Brother Oliver ang bilis ng kanyang atake pero, naiwasan niya pa rin ito."

"Kaya pala ang tapang ng batang ito kanina. Talaga palang magaling siya, pero kahit na ganoon, hindi ka mananalo sa kakaiwas lang. Kahit anong mangyari, isang realm ang pagitan nila, kaya iba rin ang laki ng kanilang true energy. Pwedeng umiwas ang batang ito ka
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2159

    "Kainis! 'Yan lang ba ang kaya mo?' sigaw ni Oliver.   Hindi siya pinansin ni Fane at itinuon ang kanyang pansin sa pag-iwas sa mga liwanag. Sa bawat hakbang niya, lalo siyang gumagaling sa konsepto ng espasyo. Nagkiskisan ang ngipin ni Oliver sa galit. Kumurap si Noel, walang masabi, at si Brook na nakatayo sa tabi niya ay napanganga habang dilat na dilat. Makalipas ang ilang sandali, sinabi ni Noel, "Siguro akala ni Fane na maaasahan niya ang kakaibang kakayahang ito, ngunit kalaunan, kailangan niyang umatake para manalo." Maaaring hindi malakas si Brook, ngunit marami siyang nakuhang kaalaman at napagmasdan na laban sa pagitan ng mga formal disciple sa taon niya dito, kaya alam niyang tama si Noel. "Kakailanganin ni Brother Fane na gumamit ng isang napakalakas na atake para matalo si Oliver. Kung hindi, hindi siya mananalo sa kakaiwas lang." Tinikom ni Elder Godfrey ang kanyang kamao sa ilalim ng kanyang damit. Kahit mukhang kalmado siya, nababahala ang kanyang puso. Ang p

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2160

    Nanginginig ang boses ng taong ito sa galak. Biglang napansin ng lahat na iniiba ni Oliver ang anggulo ng kanyang atake para mapilitan si Fane na umatras sa dulo ng battle platform. Bilog ang hugis ng battle platform, napapaligiran ng mga array flag. Pagkatapos mapagana ang array flag, isang energy shield ang naitatayo. Ang ganitong array method ay kilala bilang guardian array. Ang guardian array ay walang kulay, parang isang malaking mangkok na nakataob sa battle platform, pinoprotektahan itong buo. Walang makakapasok o makakalabas habang nakatayo ang guardian array. Sa madaling salita, madidiin ang likuran ni Fane sa guardian array kapag naipit siya sa dulo. Napahinga nang malalim ang mga disipulo nang makita nila ito; sa wakas, makakakita na sila ng aksyon.   "Pinupuri ko dito si Brother Oliver. Nagawa niyang makahanap ng paraan para talunin ang batang ito. Siguro dahil ito sa kanyang karanasan sa laban," namamanghang sinabi ng isang formal disciple. Imposibleng maiiwasan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2161

    Nagulantang ang lahat sa martial art technique ni Fane. Kahit gaano nila gamitin ang divine sense nila, wala silang maramdamang enerhiya sa martial arts technique na ginamit ni Fane. Kahit anong mangyari, kung mas malakas ang isang powerful martial arts technique, mas malakas rin ang enerhiya nito, ngunit ang itim na spada sa kamay ni Fane ay parang mga black hole na walang enerhiya.   Sa sandaling ito, ang sampung liwanag ay sampung yarda na lamang ang layo kay Fane. Walang-bahala niyang tinulak paharap ang kanyang kamay, at ang sampung Soul Sword ay kaagad na bumangga sa sampung liwanag. Ang narinig lamang ng lahat ay malalakas na pagsabog, parang mga bala ng kanyon na nagbabanggaan. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa kanilang dalawa, at kasunod nito ay pinagdikit ni Fane ang kanyang palad. Pagkatapos humupa ng liwanag, isang tatlong talampakan ang haba na higanteng Soul Sword ang lumipad sa ere patungo kay Oliver. Maaaring hindi ito alam ng iba, ngunit alam niyang a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2162

    Malinaw na kung sino ang nagtagumpay sa laban, ngunit hindi ito matanggap ng mga nandoon. Walang nag-akalang matatalo ni Fane si Oliver. Sa simula pa lamang, tingin ng lahat ay matatalo ni Oliver si Fane sa loob lamang ng isa o tatlong atake. Ngunit humaba ang labang ito. Wala pa ring laban si Oliver kay Fane kahit ginamit na niya ang pinakamalakas na atake niya. Natalo talaga siya at napuruhan nang malala. Sumisigaw pa rin siya at umiiyak sa sahig. Hindi kailangang isipin nang maigi kung gaano katindi ang sakit na nararamdaman niya, sa puntong iiyak ang isang martial artist sa harap ng iba? Hindi hahayaan ng dangal nila ang ganitong bagay. "Sadyang sobrang lakas ni Fane! Pwede bang may magsabi sa akin kung paano siya naging ganito kalakas?" sinabi ng isa sa gulat. "Gusto ko ring malaman! Hindi siya mahihirapan na mapasama sa top five ng mga formal disciple!" "Kaya pala ang lakas ng loob niya kanina! Wala pala talagang laban si Brother Oliver!" Nagbago na nang tuluyan ang t

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2163

    Isang buwan na ang nakalipas, kinailangan gamitin ni Fane ang lahat ng meron siya para lang matalo si Wesley, ngunit ngayon, natalo niya si Oliver ng walang kahirap-hirap. Kahit na magkapatid sila Wesley at Oliver, malaki ang pinagkaiba ng lakas ng mga ito. Lalo na, naunang sumali si Oliver ng Dual Sovereign Pavilion ng ilang taon kaysa kay Wesley. Nandoon din ang katunayan na pangwalo si Oliver sa hanay ng mga formal disciples habang si Wesley naman ay wala pa nga sa top fifty ng mga informal disciples. Aabutin ng ilang taon bago makahabol si Wesley sa kanyang kuya. Iyon ang dahilan kung bakit nakakagulat na nagawa ni Fane na tulayin ang malaking agwat ng kapangyarihan sa loob lamang ng isang buwan! “Tiyak na itinago ni Fane ang tunay niyang lakas mula sa atin! Imposible na nagawa niyang lumakas ng ganito sa loob lamang ng isang buwan!” sabi ng isang informal disciple.“Marahil ganun na nga! Lalo na, ang agwat ng lakas sa pagitan nila Oliver at Wesley ay masyadong malaki. Parang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2164

    Dumilim ang mukha ng First at Second Elder pagkatapos nilang marinig ito. Ang Second Elder ay labis na nagalit na hindi tumigil sa panginginig ang kanyang mga labi habang naniningkit ang kanyang mga mata. Ang first Elder naman ay hindi itinago ang kanyang poot at pinanlisikan si Elder Godfrey ng masama. Mukhang malapit na niyang sugurin ito at bigyan si Elder Godfrey ng isang matinding sermon. Si Elder Sayer naman, na nakaupo sa likuran sa buong oras na ito, ay masama rin ang ekspresyon. Meron siyang pilipit na ekspresyon sa kanyang mukha habang kinukuyom ng mahigpit ang kanyang mga kamao. Si Fane ay ang kalaban ng Sayer family. Habang lalong lumalakas si Fane, lalong hindi nagiging pabor ang sitwasyon para sa kanya. Sa mga sandaling ito, muling napasigaw si Oliver dahil sa sakit. Ngayon naman, ang kanyang panaghoy ay mas malala habang ang nararamdaman niyang sakit ay mukhang gumapang na sa kanyang likuran. “Ah! Ang sakit! Tulungan niyo ko!” Natauhan si Elder Sayer nung narinig niy

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2165

    Ang sinabi ni Fane ang kaagad na nagpatahimik sa mga tao sa paligid. Matalas at malupit ang mga salita ni Fane. Suablit, iyon ang eksaktong ibig sabihin ni Elder Sayer. Hinayaan niya si Oliver na atakihin si Fane ngunit pinagbabawalan niya si Fane na gawin ang ganun!Ang lahat ng mga disipulong nakatayo ay galit na nakatingin kay Elder Sayer. Suminghal na mahina si Elder Sayer at naunawaan na nahulog siya sa patibong ni Fane. Kapag pinagpatuloy pa niga na usapan, madudungisan ang kanyang dangal. Baka mawala pa sa kanya ang kanyang posisyon bilang isang elder dahil dito. Malamig siyang suminghal at sinabi, "Walang hiya, huwag mong bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi ko. Hindi iyon ang ibig kong sabihin…""Kung ganun, ano pala ang ibig mong sabihin? Bakit mo kokinukwestiyon ng galit na galit dahil sa ginawa ko? Wala naman akong nilabag na kahit na anong patakaran at hindi ko naman pinatay si Oliver. Hindi ko rin naman siya ginawang inbalido habang buhay. Dahil wala naman akong nilabag

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2166

    Galit na suminghal ang First elder at nagsalita, na halatang naiinis, “Huwag kang mag-alala. Bilang first elder, tutuparin ko ang aking pangako at ipapadala ang pavilion contribution points sayo mamaya!” Pagkatapos ay pinilantik niya ang kanyang manggas at lumingon para umalis.marahil pakiramdam niya ay ang kanyang presensya doon ay walang ibang ibig sabihin maliban sa pahiyain ang kanyang sarili. Dahil umalis na ang First Elder, ang iba pang mga elder ay hindi na rin nagtagal doon.Ganun pa rin ang itsura ng kwarto ni Fane. Isa itong kwarto na may isang kama na may kabinet, isang lamesa, isang upuan, at isang tokador. Pagkatapos niyang makabalik mula sa maingay na lugar ng pagtitipon, inaayos na ni Fane ang kanyang mga gamit. Sa katunayan, hindi naman ganun karami ang gamit na iniwan niya sa bahay na ito. Bukod sa kobre kama, may ilang sinaunang libro na hiniram lang niya.Sumunod din sila Brook at Noel kay Fane papunta sa kwarto nito, at nagkwentuhan sila sa buong paglalakad nila

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status