Share

Kabanata 2153

Author: Moneto
last update Huling Na-update: 2023-04-20 19:00:00
Nang marinig niya ito, ang mga manonood ay lalong nasabik. Wala sa mga taong nanonood ang nag-iisip na kayang manalo ni Fane, ngunit sapat na ang halaga para panoorin nila ang laban na ito.

Ang isang libong contribution pints at mani lang para sa First Elder. Ang mahalaga talaga sa kanya ay ang tuluyang pagsuko ni Fane sa posisyon bilang huling disipulo. Sa ganitong paraan, wala nang magagawa si Elder Godfrey kung hindi ang pumili ng ibang huling disipulo dahil kusang loob na isinuko ni Fane ang posisyon. Nang maisip nila ito ay kaagad na nakahinga ng maluwag ang First Elder at Second Elder.

Tiningnan nila ng makahulugan si Elder Godfrey na para bang pinapaalala nila na si Fane ang sumira sa mga plano niya. Nakakatakot tingnan ang ekspresyon ni Elder Godfrey ngunit nanatili siyang tahimik habang nakatingin ng maigi kay Fane.

Malakas ang tibok ng kanyang puso sa kanyang dibdib. Hindi pa niya nakitang lumaban si Fane, pero base sa kung paano siya tratuhin ng mga informal disciples
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Xhian Jay
more update please
goodnovel comment avatar
Xhian Jay
nakakainip mag.antay... haysssst
goodnovel comment avatar
Psyduck De Jesus
Bagal ng upload next episode na agad bakal naman
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2154

    ”Bakit sa tingin mo ay tutol si Gresham sa pagsali ni Oliver? Ito ay dahil sa alam nya na si Oliver ay mas malakas sa kanya.”“Tama ka. Kahit siya ay ayaw makipaglaban ng tapatan kay Oliver, kaya saan naman nakuha ni Fane ang ideya na kaya niyang manalo laban dito?”“Ang masasabi ko lang ay isa siyang malaking hangal.’Walang katapusan ang kwentuhan ng mga taong nasa paligid. Mas malakas ang usapan, mas dumilim ang mukha nila Noel at Brook. Ang dalawa ay labis na nag-aalala para kay Fane, pero hindi sila naglakas-loob na magsalita ng kahit na ano sa pagkakataon na ito.Malapit si Fane sa dalawang ito, at alam ng lahat na mga kaibigan sila nito. Kung silang dalawa ay may sinabi sa oras na ito, kaagad silang magiging tampulan ng pambabatikos ng lahat.Ang mga informal disciples ay mas tahimik kaysa sa mga formal disciples dahil ang reputasyon ni Fane ay kilala sa hanay ng mga kasamahan niya, at alam nila na maabilidad si Fane.Lalo na, natalo ni Fane si Wesley bilang isang bagong s

    Huling Na-update : 2023-04-21
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2155

    May ilang mga espada na gawa sa liwanag biglang lumipad palabas ng nakakasilaw na liwanag. Ang bilis ng mga light blade ay napakabilis, parang bulalakaw na pabagsak sa mundo; ang mga buntot ng mga ito ay mahaba habang pasugod ang mga ito kay fane.  Kumunot ang noo ni Fane at sinimulan na gumalaw ng mabilis para maiwasan ang Light Blade Lore. subalit, hindi sapat ang kanyang bilis, at isang light blade ang humiwa sa manggas ng kanyang damit. Nagulat siya dahil dito. Ang bilis niya nung umiwas siya ay tiyak na hindi mabagal, ngunit nahiwa pa rin ang manggas ng kanyang damit ng light blade.Tumingin siya sa ibaba at nakita niya na ang lokasyon na kung saan ito nahiwaan, may apoy na lumalabas dito paminsan-minsan. Ang light blade ay hindi lang napakabilis at napakalakas ngunit ito rin ay nagbabaga.Matagumpay niyang naiwasan ang natitirang mga light blade, at ang mga nahulog sa lapag. Kahit na ang battle platform ay gawa sa espesyal na materyales, meron pa ring lumitaw na ilang butas k

    Huling Na-update : 2023-04-21
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2156

    Tinakpan ni Brook ang kanyang bibig, sa sobrang takot na halos maluha na siya. “Umiwas ka, Brother Fane!” sigaw niya.Ng bigla, nakita ng lahat na lumiit ang mga hakbang ni Fane na para bang ang espasyo sa kanyang harapan ay bahagyang bumaluktot, at ang lahat ng mga light blades ay sumalpok sa lapag.Maraming tao ang nagulantang. Natulala sila sa kanila Oliver at Fane, habang iniisip, ‘Anong nangyari?’ Kanina lang ay malapit nang maputulan ng braso si Fane, ngunit sa sumunod na sandali ay ilang yarda na ang layo niya mula sa mga light blades. “Gumamit siya ng laws of space!” sigaw ng Second Elder ng may nakakakilabot at malalim na boses.Hindi marami ang mga disipulo na nakakaalam tungkol dito, ngunit madali lang para sa mga elders na matukoy ito nung nakita nila ito. At doon, ang lahat ng mga elder ay may mga gulat na ekspresyon. Humakbang nga si Fane paatras kanina, pero sa pamamagitan ng laws of space, ang hakbang na ito ay katumbas ng higit pa sa sampung yarda. Ang ilan sa m

    Huling Na-update : 2023-04-22
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2157

    ”Handa akong pumusta na tinanggap ni Oliver ang hamon habang iniisip na magagawa niyang durugin si Fane sa ilang tira lang. Subalit, pagmasdan, nagawa ni Fane na iwasan ang mga atake niya, kaya hindi na nakakapagtaka na kinamumuhian niya ito ng husto.”Ang paliwanag ng lalaking ito ay risonable, at ang lahat ng nasa paligid niya ay sumang-ayon. Tama naman siya. Ang galit ni Oliver para kay Fane ay talaga naman hindi makatwiran. Inisip niya talaga na magagawa niyang tapusin ang laban sa isang galaw lang; hindi niya inaasahan na mala-palos pala itong si Fane. Suminghal si Oliver, at sinabi, “Ito lang ba ang kaya mo? Umiwas ka lang hangga’t kaya mo ngunit walang magbabago! Hindi ko pa ginagamit ang buong lakas ko kanina kaya huwag mong isipin na limitado lang sa ganito ang aking bilis!” Kaagad siyang sumugod na parang kanyon kay Fane. Ang bola ng liwanag ay nakakasilaw sa kanyang mga kamay, at sa ilang kumpas lang, limang light blades ang lumipad mula rito, na sumugod kay Fane ng may

    Huling Na-update : 2023-04-22
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2158

    Humiyaw ang mga manonood tuwing naiiwasan ni Fane ang mga espadang liwanag. Noong una, minaliit siga ng lahat, ngunit ngayon ay talagang namangha sa kanya ang mga ito. Kahit na hindi pa niya ginagamit ang kanyang martial skill, natutukoy nila sa paraan ng pag-iwas niya sa mga atake ni Oliver na talagang bukod-tangi siya. Alam nila na hindi sila makakaiwas nang ganito kung sila ang nasa ganitong sitwasyon. "Nakapagtataka! Mukhang napapasunod niya ang paligid. Hindi kaya ang technique na ginagamit niya ay may kinalaman sa espasyo o isa ba itong katangian mismo ng technique niya?" "Malay natin? Alam ko lang ay mas mabilis siya sa akin! Dinoble na ni Brother Oliver ang bilis ng kanyang atake pero, naiwasan niya pa rin ito." "Kaya pala ang tapang ng batang ito kanina. Talaga palang magaling siya, pero kahit na ganoon, hindi ka mananalo sa kakaiwas lang. Kahit anong mangyari, isang realm ang pagitan nila, kaya iba rin ang laki ng kanilang true energy. Pwedeng umiwas ang batang ito ka

    Huling Na-update : 2023-04-23
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2159

    "Kainis! 'Yan lang ba ang kaya mo?' sigaw ni Oliver.   Hindi siya pinansin ni Fane at itinuon ang kanyang pansin sa pag-iwas sa mga liwanag. Sa bawat hakbang niya, lalo siyang gumagaling sa konsepto ng espasyo. Nagkiskisan ang ngipin ni Oliver sa galit. Kumurap si Noel, walang masabi, at si Brook na nakatayo sa tabi niya ay napanganga habang dilat na dilat. Makalipas ang ilang sandali, sinabi ni Noel, "Siguro akala ni Fane na maaasahan niya ang kakaibang kakayahang ito, ngunit kalaunan, kailangan niyang umatake para manalo." Maaaring hindi malakas si Brook, ngunit marami siyang nakuhang kaalaman at napagmasdan na laban sa pagitan ng mga formal disciple sa taon niya dito, kaya alam niyang tama si Noel. "Kakailanganin ni Brother Fane na gumamit ng isang napakalakas na atake para matalo si Oliver. Kung hindi, hindi siya mananalo sa kakaiwas lang." Tinikom ni Elder Godfrey ang kanyang kamao sa ilalim ng kanyang damit. Kahit mukhang kalmado siya, nababahala ang kanyang puso. Ang p

    Huling Na-update : 2023-04-23
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2160

    Nanginginig ang boses ng taong ito sa galak. Biglang napansin ng lahat na iniiba ni Oliver ang anggulo ng kanyang atake para mapilitan si Fane na umatras sa dulo ng battle platform. Bilog ang hugis ng battle platform, napapaligiran ng mga array flag. Pagkatapos mapagana ang array flag, isang energy shield ang naitatayo. Ang ganitong array method ay kilala bilang guardian array. Ang guardian array ay walang kulay, parang isang malaking mangkok na nakataob sa battle platform, pinoprotektahan itong buo. Walang makakapasok o makakalabas habang nakatayo ang guardian array. Sa madaling salita, madidiin ang likuran ni Fane sa guardian array kapag naipit siya sa dulo. Napahinga nang malalim ang mga disipulo nang makita nila ito; sa wakas, makakakita na sila ng aksyon.   "Pinupuri ko dito si Brother Oliver. Nagawa niyang makahanap ng paraan para talunin ang batang ito. Siguro dahil ito sa kanyang karanasan sa laban," namamanghang sinabi ng isang formal disciple. Imposibleng maiiwasan

    Huling Na-update : 2023-04-24
  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2161

    Nagulantang ang lahat sa martial art technique ni Fane. Kahit gaano nila gamitin ang divine sense nila, wala silang maramdamang enerhiya sa martial arts technique na ginamit ni Fane. Kahit anong mangyari, kung mas malakas ang isang powerful martial arts technique, mas malakas rin ang enerhiya nito, ngunit ang itim na spada sa kamay ni Fane ay parang mga black hole na walang enerhiya.   Sa sandaling ito, ang sampung liwanag ay sampung yarda na lamang ang layo kay Fane. Walang-bahala niyang tinulak paharap ang kanyang kamay, at ang sampung Soul Sword ay kaagad na bumangga sa sampung liwanag. Ang narinig lamang ng lahat ay malalakas na pagsabog, parang mga bala ng kanyon na nagbabanggaan. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa kanilang dalawa, at kasunod nito ay pinagdikit ni Fane ang kanyang palad. Pagkatapos humupa ng liwanag, isang tatlong talampakan ang haba na higanteng Soul Sword ang lumipad sa ere patungo kay Oliver. Maaaring hindi ito alam ng iba, ngunit alam niyang a

    Huling Na-update : 2023-04-24

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

DMCA.com Protection Status