Lumamig ang ekspresyon ni Fane nang maisip niya iyon. "Paanong nangyari to? Ang bilis dumating ng mga taong yun! Anong dapat nating gawin?" Tumingin ang lahat kay Fane at halatang wala silang kaalam-alam. Pinag-isipan ito ni Fane bago tumingin sa likod niya at tinuro ang isa sa mga bundok habang nagsalita siya, "Ganito ang gagawin natin. Medyo malayo ang bundok na yun mula sa lugar na'to, at pupunta kayo roon. Kapag may nakasalubong kayong mga miyembro natin sa daan, ipaliwanag niyo ang lahat sa kanila at patakbuhin niyo sila. Importante ang oras kami na't hindi natin alam kung pupunta ang mga tao ng Nine Armies, pero malinaw na binabantayan tayo ngayon ng kalaban mula sa labas. Kailangan natin ng oras at hayaang makarating sa First-stage ultimate god-level ang mga may kayang gawin ito sa lalong madaling panahon!" Pinag-isipan ito ni Kevin at kumuha ng ilang pills bago ito ipinasa sa ilang mga miyembro na nasa peak stage ng true god-level. "May ilan akong second-grade premium pil
Nainggit sina Helena at ang iba pa kung paano malambing sina Fane at Selena sa isa't-isa bilang mag-asawa. Kinagat pa ni Helena ang labi niya sa matinding inggit. Naglakas si Daniella papunta kay Fane at pinaalalahanan siya, "Dahil nagpasya kang magpaiwan, kailangang mong maging maingat sa lahat ng oras. Wag kang basta-bastang susugod ay lalaban kung mataas ang fighting prowess ng mga kalaban mo, naiintindihan mo?" "Wag kang mag-alala. Tatandaan ko yan." Simpleng ngumiti si Fane bago siya lumingon para yakapin si Daniella na nagpamula ng mukha niya sa hiya. Halata kung gaano siya nahihiya. "Haha… Magaling!" Tumawa sina Kevin at ang iba pa sa eksena. Sa kabilang banda, lumingon sa kabila si Alejandro. Sinisimbolo ng pagyakap ni Fane kay Daniella sa harapan ng lahat ang pag-anunsyo niya ng kanilang relasyon. Alam niya rin na nagpapanggap lang na magkasintahan sina Fane at Helena. Ang totoo, ang bunsong anak niya ang ka-relasyon ni Fane. Kuntento siya kay Fane. Sa kabilang
"Sige, ganun ang gawin natin, gawin natin tong parang guerilla warfare. Tignan na lang natin kung anong balak ng mga kalaban natin. Kung napakataas ng fighting prowess nila, hindi tayo masyadong magpapapansin sa halip na labanan sila nang direkta, eto kung mababa ang fighting prowess nila, tatapusin natin sila nang mabilis." Medyo nasabik si Kenneth. Sobra siyang natuwa na binigyan siya ni Fane ng third-grade intermediate pill at may pag-asa para sa kanya na tumaas ang fighting prowess niya nang tatlong grades. Lalo na't isa tong third-grade intermediate pill at kakaunting tao lang ang nakakakuha nito. Mapanganib para sa kanila na magpaiwan pero isa rin itong pagkakataon. "Haha… Naniniwala ako na mababa lang ang fighting prowess ng mga disipulo nila. Lalo na't pangkaraniwan lang ang fighting prowess ng mga disipulo at impormal na disipulo nila. Maliban roon, kayang patayin ni Fane ang mga pormal na disipulo nila kung hindi masyadong mataas ang fighting prowess nila at kung kaunti l
“Bwisit! Sino ba ang mga taong to? Bakit may mga master na nasa Third-grade ultimate god-level ang lumitaw?” Ang mga natitirang disipulo ng Bloodshed Clan ay nagulantang sa kung paano nagbago ang lahat. Kanina, hindi nila pinansin ang mga taong ito na pumasok sa kanilang sagradong lugar, pero sinong mag-aakala na napakarami palang mga master na nasa ultimate god-level ang sumugod sa sumunod na sandali. May limang master na nasa Third-grade ultimate god-level at ang isa sa kanila ay isang Fourth-grade ultimate god-level. Ito ang naging dahilan para kaagad sila nagulantang.“Hindi kaya mga miyembro sila ng Nine armies? Bwisit! Ganun na nga siguro! Kailan pa nagpadala ng mga tauhan nila ang Nine armes dito?” Isa sa mga lalaki na nasa first-grade ultimat god-level ay sobrang takot na sinubukan niyang tumakas.Sa kasamaang palad, lumitaw sa harapan nito si Alejandro at nagpakawala ng isang malakas na suntok na tumama sa mukha nito, na kaagad na pumatay dito. “Patay ka na!”Bang! Bang! Ba
Hindi nagtagal ay nakarating si Fane at ang kanyang mga kasamahan ay nakarating sa kung nasaan nanggaling ang tunog ng mga taong naglalaban. Tumambad sa kanila ang mga tao ng Woods family at ng Pavilion of Divinity, na nilalabanan ang mga disipulo ng Bloodshed Clan.Subalit, ang mga disipulo ng Bloodshed Clan na ito—na nasa 100—ay hindi naman mataas ang kakayahan na makipaglaban. Sa halip ay sila ay nasa semi-godb level, true god-level, at ultimate god-level. At isang matandang lalaki lang ang nasa First-stage ultimate god-level.Ganun pa man, ang mga miyembro ng Woods family at Pavilion of Divinity ay halatang hindi kaya ang mga ito dahil dinudurog sila ng mga ito.“Magaling! Ayan na ang mga miyembro ng ating Woods family!” Sa sobrang tuwa nila sa nakita nila, pinangunahan ni Fane ang kanyang mga kasamahan na sumugod. “Diyos ko, ang ating young master at family master yun!” Ang mga miyembro ng Woods family ay tuwang tuwa nang makita nila kung sino ang dumating para iligtas sila.
Isa sa mga babaeng disipulo ayb hindi mapigilan na ibulong, “Hay… Maayos sana siguro ang lahat kung sumama tayo kay Young Master Fane, dahil sa nakapatalentado niya. Kung nakarating na siya sa Second-grade ultimate god-level, tiyak na magagawa niyang patayin ang mga disipulo na nasa Third-grade ultimate god-level gamit ng kanyang combat power!” Dumilim ang ekspresyon ni Melody nang marinig niya ito. Lumitaw ang imahe ni Fane sa kanyang isipan, at pinagsisihan niya kung ano ang nangyari. Naisip niya tuloy kung ano na kaya ang nangyari at kung nakalampas na siya. Base sa talento nito, hindi ito mamatay ng ganun kadali kapag nakalampas na siya sa First-grade ultimate god-level.“Anong sinasabi mo? Tayo ang Pavilion of Divinity, at baka namatay na ang Young Master ng Woods family. Bukod dun, nakakuha tayo ng isang martial arts technique para mapalakas pa ang ating kakayahan sa pakikipaglaban kanina lang matapos natin lisanin ang grupo nila. Sinong makakapagsabi kung ano ang nangyari kun
Bang!Sa huli, walang laban si Aureole sa lalaki kahit na ginamit pa niya ang kanyang chi. Tumilapon siya sa kanyang suntok.“Pavilion master!” Namutla sa takot si Melody. Mabilis siyang lumipad at sinalo niya si Aureole, na tumilapon sa malayo.“Bakit… Bakit hindi ka pa tumakas?” Bahagyang nagalit si Aureole dahil hindi sinamantala ni Melody ang pagkakataon na tumakas. Mayroong isang lugar kung saan sila pwedeng tumakbo. Mahirap makuha ang pagkakataong ito, ngunit sinayang ito ni Melody.Puff!Muli siyang sumuka ng dugo pagkatapos niyang magsalita.“Haha… Iniisip niyo ba na makakatakas kayo habang nandito ako? Anuman ang mangyari, hindi siya makakatakas sa’kin, base lang sa bilis ng paglipad niya!” Humalakhak ang lalaki at mabagal na lumipad palapit sa kanila.Sa hindi inaasahan, sumugod ang isang lalaki at pinatay ang ilang mga disipulo ng Bloodshed Clan sa labas gamit ang sunud-sunod na mga suntok bago huminto sa harap ni Melody at ng iba pa.“F…Fane?” Natulala si Melody nan
"Bwisit! Anong nangyayari? Paanong may lumitaw na mga taong nasa Third-grade ultimate god-level dito?" Ang habang ng lalaki kanina, ngunit napuno ng takot ang ekspresyon niya sa biglaang pagbabago ng sitwasyon. Hindi niya inakala na may mga nasa Third-grade ultimate god-level na sa mga taong nakapasok sa lugar na ito. Lumipad ang isang lalaking nasa Second-grade ultimate god-level papunta sa lalaking nasa Third-stage ultimate god-level nang may seryosong ekspresyon sa mukha niya. "Mukhang masama ito, Senior brother. Pakiramdam ng pavilion ay kakaunti lang ang masters sa mga taong ito kaya hindi sila nagpadala ng maraming malalakas na disipulo dito. Sinabi nila na pagsasanay daw natin to at sinabihan tayo na pumatay nang hanggang sa gusto natin, pero sinong mag-aakala na may mga taong nasa Third-grade ultimate god-level sa kanila?!" Habang nakakunot ang noo, pinag-isipan ito ng lalaki at nagteorya, "Hindi kaya mga miyembro sila ng Nine Armies? Hindi dapat lalakas nang ganito kabilis
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin