Share

Kabanata 1675

Author: Moneto
Ngumiti si Fane at pinagaan ang loob ni Lancelot, "'Wag kang mag-alala, Third Elder. Kakarating mo lang ng peak stage ng true god-level, kaya dapat magpahinga ka muna at subukan mo na lang ulit sa susunod. Higit sa lahat, isa itong mataas na realm at hindi ito madaling makakamit ng kahit sino."

Tumango si Lancelot at sinabi, "Tama ka. Buti kahit paano may apat na tayong master na nasa First-grade ultimate god-level. Siguradong ang pamilya natin ay isa na sa mga nangungunang pwersang nakapasok sa lugar na ito!"

Natawa si Nash at nahihiya niyang sinabi, "Hindi tayo makakasiguro diyan. Higit sa lahat, maraming tao na ang naghiwalay, at naiwan tayo dito sa loob ng apat na araw. Sa apat na araw na ito, siguradong nakalayo na ang iba habang hindi natin alam ang sitwasyon! Ilang daang tao na lang ang mayroon tayo sa Woods and Cabello family!"

Tumango si Alejandro. "Hay… Nasaan na kaya sila Helena at Venus. Hindi pa natin sila natatagpuan pagkatapos nating magpunta dito sa loob ng marami
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1676

    "Pero parang hindi to magandang ideya. Nagsikap kayo para makuha ang spirited grass," naiilang na sabi ni Fane habang tinignan niya ang spirited grass sa harapan niya. "Uy, wala namang masama dun. Walang halaga ng spirited grass ang magiging kasing halaga ng martial art technique na ibinahagi mo sa'min. Maliban sa paraan para magsanay para sa ultimate god levels, meron ring mga paraan para magsanay para sa soul-penetrating levels sa martial art technique na binigay mo sa'min. Tiyak na makakarating kami sa Ninth-grade soul-penetrating level gamit nito!" pagpupumilit ng tuwang-tuwang si Alejandro. Lumipat ang tingin niya kay Daniella habang makahulugan siyang nagdagdag, "Maliban roon, hindi na tayo basta magkakampi lang—baka maging magkapamilya tayo sa hinaharap. Bakit natin ituturing ang isa't-isa na parang estranghero? Hindi ba tama ako?" Kaagad na nahiya si Daniella na nakatayo sa tabi. "Tama! Tama si Master Cabello. Kailangan nating tulungan ang isa't-isa, di ba?" Masayang tuma

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1677

    Para masanay sila sa bagong lakas sa katawan nila at mas makontrol nila ang tumataas nilang enerhiya, sumugod sina Alejandro, Kenneth, at iba pa para labanan ang bawat isang monster beast na makasalubong nila. Pinapakita ng mga miyembro ng Cabello family kay Fane ang ilang spirited grass na nakuha nila para magpasya siya kung magagamit ba ang mga ito sa paggawa ng pills. Kung oo, kaagad nila itong ibibigay sa kanya. Naalala nila kung paano silang binigyan ni Fane ng kopya ng martial art technique at isa itong biyaya para sa Cabello family. Nang sumapit ang gabi at umupo ang lahat para magpahinga, nagsimulang magsaliksik si Fane tungkol sa third-grade elementary pills. Sa unang bahagi ng gabi, binasa niya ang pill remedy at ang mga hakbang sa pag-cultivate hanggang sa makabisado niya ito. Pagkatapos ay sinubukan ni Fane na gumawa ng pill sa gabing iyon. Sinubukan ni Fane na gumawa ng pills nang tatlong beses buong gabi at pumalpak itong lahat. Kahit na inasahan niya itong mang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1678

    Naantig ang damdamin ni Selena nang nakita niya ang nag-aalalang ekspresyon ni Daniella. Nakita niya kung gaano humahanga si Daniella kay Fane at isa siyang tunay na mabuti at inosenteng babae. Mapait na ngumiti si Selena at nagsabing, "Wag kang mag-alala, hindi ako susuko nang ganun kadali. Lalo na't naghihintay pa rin si Kylie na makauwi ako. Kahit na anong mangyari, gagawin ko ang lahat para manatili akong buhay dahil nasa bahay din ang mga magulang ko at naghihintay sila para sa'kin. Sinabi ko lang ang sinabi ko kung sakaling mangyari yun." "Sister Selena, alam kong hindi mangyayari yun!" sabi ng nakangiting si Daniella habang hawak niya ang braso ni Selena. ...Nagpatuloy ang grupo sa kanilang paglalakbay. Sa hindi inaasahan, nakarinig sila ng ingay ng mga taong naglalaban sa lugar sa harapan nila isang hapon. Pinag-aralan nina Fane ang nangyayari at kumunot ang noo ni Fane sa sandaling mapansin niyang ang napapalibutang grupo ay si Venus at ilang mga nakababatang tao mula

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1679

    Tumawa ang Second Elder at tumingin sa maraming masters sa paligid niya bago malakas na nagsabi, "At saka ang mga magagandang babae ay ang kagustuhan ng isang ginoo. Kapag nakarating ako sa Second-grade o Third-grade ultimate god-level, sasamahan ka ng panganay at bunso mong kapatid bilang mga babae ko. Paglilingkuran ako ng Three Golden Flowers!" Mahigpit niyang sinara ang kamay niya habang mayabang siyang nagkomento, "Pagkatapos ay susundin ako ng lahat sa Cabello family. Hahayaan kong mabuhay ang mga sumunod sa'kin habang mamamatay naman ang mga lumaban sakin. Iisa lang ang kahahantungan ng mga taong hindi ako gustong sundin—kamatayan!" "Tama! Dapat matagal nang napalitan ang family master ng Cabello family at ang master ko ang dapat na mamuno!" deklara ng isang sumisipsip na lalaki na nakatayo sa tabi ng Second Elder. "Noon, mabuti ang trato ng Cabello family sa master ko, pero tuwing may magandang nangyayari, ang unang taong naiisip niya ay ang First Elder, si Kevin Cabello. H

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1680

    Pero nang babagsak pa lang siya sa lapag… Whoosh!Dalawang anyo ang sumugod habang ang isa sa kanila ay hinawakan siya sa baywang para ligtas siyang makalapag sa lapag. Sa sandaling napansin ni Venus na si Fane iyon, nahiya siya at nagmula habang tumayo siya sa sarili niyang mga paa. Para naman kay Fane, naglabas siya ng isang healing pill sa isang kumpas ng kamay niya at iniabot ito kay Venus. "Ms. Venus, makakatulong ang pill na'to para gumaling ang mga sugat mo. Kami na ang bahala sa lahat." "Sige. Salamat, Young Master Fane!" Nahihiyang kinuha ni Venus ang pill at sa wakas ay napansin niya rin na ang isa pang tao ay ang ama niya. Kaagad na napuno ng luha ang mga mata niya habang tinignan niya si Alejandro at nagsabing, "Nakita na rin kita ulit sa wakas, Ama. Natatakot ako na baka may nangyari na sa'yo. Narinig ko ang usap-usapan na maagang nakarating sa ultimate god-level ang family master ng Zachary family at natatakot ako na marami na ring taong nagpunta sa lugar na'to a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1681

    "Ganun ba? Subukan natin!" Nakangisi si Alejandro habang hinigpitan ang kanyang kamao at sumugod kay Osca. "Haha… Ako nang bahala sa iba!" Ngumiti si Fane habang bumugso ang chi mula sa mga kamao niya. May bakas ng ginto ang enerhiyang nilabas niya, pero mas matingkad ang kulay nito kumpara ng kay Alejandro. "A—Ano? Nasa ultimate god-level na rin siya?" Halatang kinabahan ang mga disipulo ni Osca nang napansin nilang nakarating na rin sa ultimate god-level si Fane. "Young Master Fane, wag… wag mong gawin to sa'min. Pinilit lang kami ng Second Elder! Hindi namin gustong mag-alsa!" Nagmakaawa ang mga disipulo ni Osca habang kinaway nila ang mga kamay nila nang mapansin nilang isa ring master na nasa ultimate god-level si Fane. Alam niya na matatalo sila. "Haha! Iniisip niyo ba maloloko niyo ko?" Ngumiti si Fane at hindi na nagsayang ng oras sa pakikipag-usap. Sumugod siya na parang isang lobo na dumaan sa isang kulumpon ng tupa. Hindi nagtagal, ilang dosenang masters ng Cabello

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1682

    Napanganga si Venus sa mga salita ni Daniella na halos parang kasya ang isang itlog sa bibig niya. Pagkatapos ng ilang segundo, nasabik siya, "Oh, diyos ko… Kapag kasama sina Fane at Master Nash, may aaot na masters na nasa First-grade ultimate god-level ang pamilya nila? Napakalakas nila!" Tinignan ni Daniella si Fane nang may malambing na tingin sa mukha niya bago siya nagsalita. "Tama. Ang lahat ng to ay dahil kay Fane, nakakuha siya ng dalawang martial art techniques at sinabihan niya kami na gumawa ng kopya ng bawat isa sa mga ito. Kung hindi, paanong makakarating si Ama sa First-grade ultimate god-level nang ganun kabilis?" Sumigla ang mga mata ni Venus nang marinig niya ito. "Talaga? Ang galing! Kung ganun, makakapagsanay din ako ng martial art technique na'to sa hinaharap. Hindi ba makakarating din ako sa ultimate god-level?""Sister, di ba kakarating mo lang sa peak stage ng true god-level? Kakarating mo lang sa peak stage pagkatapos mong pumasok sa lugar na'to. Kahit n

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1683

    Malambing na tumingin si Daniella kay Fane bago ito lumapit sa kanya habang nakatago sa likod ang kanyang kamay.Boom!Tulad ng inaasahan ni Fane, nabigo si Osca na protektahan ang kanyang sarili at yumao sa kamay ni Alejandro. Bumagsak ang katawan niya mula sa langit, at mayroong isang malaki at madugong butas sa kanyang dibdib. “Ang galing! Halos kasinlakas ko lang si Osca, at nakakasabik na makalaban ang ganitong tao! Haha!” bumaba si Alejandro at kinuha ang martial ring ni Osca. Pagkatapos ay lumipad siya kung nasaan sila Fane nang may ngiti sa kanyang mukha. “Hoy, hindi lang ikaw. Gusto ko rin itong subukan. Kung hindi ito tungkol sa pamilya mo, sumugod na sana ako doon!” tumawa nang malakas si Kenneth. Napuno siya ng galak pagkatapos niyang lumakas, at ang ganitong sitwasyon kung saan magkasinlakas sila ng kalaban ay ang pinakamagandang pagkakataon na masubukan ang kanyang lakas. “Hay… hindi ko inasahang ganito ang mangyayari. Ang Second Elder ay isang matapat na tao at h

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status