Hindi mapigilan ni Nash na humakbang pagkatapos niya itong pag-isipan. Pinagdikit niya ang kanyang kamao at palad bilang saludo kay Quentin. "Kung maaaring magtanong, Master Hunt, mayroon bang kahalagahan ang magkakaibang kulay na plaque? King wala, bakit magkakaroon ng tatlong kulay nito?"Tumawa si Quentin. "Syempre, may kahulugan ang mga kulay. Ang itim na plaque ang pinakasimple habang ang puting plaque ay kasing halaga ng sampung itim na plaque. Ang pulang plaque naman, kakaunti lang ito, pero isa sa kanila ay katumbas ng isandaang itim na plaque. Kaya kung maswerte ka na makahanap ng pulang plaque, makakakuha ka ng isandaang itim na plaque!" Huminto muna sandali rito si Quentin bago nagpatuloy, "Dapat kong sabihin ito sa inyong lahat—alam ninyo na mas lalong marami ang plaque habang mas humahaba ang nilalakbay niyo paloob. Kaya nakakalat rin ang puti at pulang plaque sa ganitong pag-iisip. Sa kumpetisyong ito, hindi niyo lang kailangang maging malakas, pero kailangan niyo rin
Huminto rito si Quentin bago nagpatuloy, "Pero dahil marunong mga summoning method na kasing lakas nito, masasabi ko na mayroong paraan para makarating sa ultimate god realm at hindi ito gawa-gawa lang!" Nasabik ang First Elder ng Cabello family na madalas ay hindi masyadong nagsasalita. Humakbang siya nang ilang hakbang at nagdeklara sa lahat, "Tama ang sinabi ni Master Hunt. Masasabi ko rin na totoo ang ultimate martial art techniques at ultimate god realm. Pero hindi pa tayo nakakahanap ng paraan para makuha ito!" "Oh, talaga? May patunay ka ba rito, First Elder Cabello?" Nang marinig nila ito, nasabik ang maraming mga manlalaban na nasa tuktok ng true god status. Hindi na sila nakakalagpas sa tuktok ng true god status. Kung magpapatuloy ito, ang tanging magagawa na lang nila ay ang mabuhay nang walang nangyayari hanggang sa huli, kagaya ng mga pangkaraniwang tao. Hindi madali para sa kanila na marating ang kanilang martial level. Pagkatapos marinig ang mga usap-usapan tung
Natural na makasarili ang mga tao. Kalimutan na ang formula ng third-grade pills, kahit ang formula ng second-grade pills ay hindi niya ipapakita kay Second Young Master Hunt. Ito ang dahilan kung bakit maingat na tinatago ni First Elder Cabello ang libro. Kahit na si Master Cabello ay hindi ito matitignan nang ganito kadali. Ang magagawa niya lang ay magbukas ng ilang pahina bago maibalik ang libro. Iyon ang dahilan kung bakit hindi nagdalawang-isip si First Elder Cabello bago sila tanggihan lahat. "Bahala na. Kalimutan niyo na to, dahil hindi tayo pinagkakatiwalaan ni First Elder Cabello. Pero mayroong ilang mga bagay na hindi mo madidiskubre nang mag-isa. Kinaway ni Quentin ang kanyang kamay, halatang hindi siya natutuwa. "Tama. Ang tagal tagal mo nang hawak ang librong yan, pero hindi ka pa rin nakakahanap ng kahit na ano sa lahat ng mga taong ito. Sa tingin ko naglalaman lang ng mga tala ng lunas at pill formulas ang librong yan, pero hindi ito masyadong makakatulong sa
Tumingala si Fane at tinignan ang tuktok ng bundok mula sa malayo. Lumutang siya nang isa o dalawang metro mula sa lapag at lumipad paharap. Roar!Sa loob ng kagubatan, isang nakakatakot na sigaw ng isang halimaw ang humiwa sa ere. Alam ni Fane na maraming mga malalakas na halimaw dito, pero hindi siya natatakot dahil mataas ang kanyang martial level. Gayunpaman, magiging problema ang mga halimaw na iyon para sa ilang mga kalahok mula sa third-class families na nasa grandmaster level pa lang. “Eh!”Mataas ang martial level mo Fane at hindi siya mabagal, kaya mabilis niyang nakita ang isang itim na plaque pagkatapos ng ilang sandali. Lumipad siya papunta rito at dinampot ito, pagkatapos ay itinabi ito sa kanyang martial ring. "May isang buwan pang natitira. Hindi ko kailangang magmadali. Mas titindi ang labanan pagdating sa dulo!"Inisip ito ni Fane habang lumipad siya. Napakaraming tao ang naghahanap ng mga plaque sa harapan. Sa ganitong paraan, magkakaroon sila ng maraming
"Mga ginoo, pwede bang pakawalan niyo na lang ako para sa kapakanan ng pamilya ko at ng pamilya mo? Malapit ang mga pamilya natin noon. At kakapasok lang natin, hindi niyo ko gustong patayin, tama?" Bumuntong hininga si Nikini sa loob-loob niya, sinisisi niya ang kamalasan niya ngayong araw. Mahirap na ngang makasali sa paligsahan. Nagpunta siya sa paligsahang ito para palakasin ang kanyang sarili at alamin kung nasaang lebel na siya, subalit, hindi niya inasahan na pupuntiryahin siya nang ganito. Higit pa rin, hindi ba masyadong maswerte ang tatlong to? Ang dali nilang makahanap ng isang Woods sa lugar na ito. "Wala akong magagawa, ganda. Malapit 'noon' ang mga pamilya natin. Pero ngayon? Bago kami umalis para sa paligsahan, paulit-ulit na pinaalala sa'min ng master namin na huwag magpalampas ng kahit na sino mula sa Woods family kapag nakasalubong namin sila, lalo na ang mga mag-isang naglalakbay." Suminghal ang isa sa mga lalaki at tinignang maigi si Nikini. "Ganda, ang
Gayunpaman, isang nakakabiglang insidente ang nangyari. Ang Lagorio na nasa middle stage ng semi-god realm ay napatalsik ng suntok ni Sally nang walang kahirap-hirap at bumagsak sa sahig habang sumusuka ng dugo. Napuruhan ito nang sobra. “‘Di…di maaari! Ang lakas na ito… nasa late stage ka na ng semi-god realm!” Namutla ang mukha niya pagkatapos sumuka ng dugo. Nanlumo ang mukha niya at nabigla siya nang sobra. Ang lakas na taglay ni Sally ngayon ay siguradong hindi lakas ng isang taong nasa middle stage ng semi-god realm! “Bingo! Nakaabot na ako sa late stage ng semi-god realm nitong nakaraang ilang araw! Kaya ngayon pwede ka nang pumunta sa impyerno nang mapayapa!” Walang-bahalang ngumisi si Sally. Itinaob niya ang kanyang palad, at isang magandang spada ang lumitaw sa kanyang kamay, at sumulpot siya sa harap ng lalaki sa isang iglap at ihinawi ang kanyang spada. “Anak ng p*ta!” Nagtinginan ang dalawang lalaki, at pareho silang natakot nang sobra. Nanghina ang bin
“Teka! Tingnan muna natin ang martial rings nila kung may kayamanan ba dito!” Kaagad na may naisip si Nikini, kaagad na lumapit sa tatlong bangkay, at ibinaba ang kanilang martial ring. “Eh? Ayos din! Mayroong ilang healing pills at ilang first-grade spirited grass. Sandali, ano ‘to? Diyos ko! Mayroong dalawang black token sa singsing ng lalaking ito! Nakahanap tayo ng kayamanan!” Napasigaw nang malakas si Nikini nang ilabas niya ang mga kayamanan mula sa mga singsing at iniabot ang mga ito kay Sally. “Sis Sally, salamat sa pagligtas sa akin! Sa’yo na ang lahat ng kayamanang ito! Ito na ang premyo mo!” “Ibibigay mo sa akin lahat? Hindi, paghatian natin! Kung sinong lalahok ay pwedeng makipaghati diba? Hehe. Atsaka, gamit ng mga spirited grass na ito, pwede ka nang makarating nang mas maaga sa susunod na level!” Magalang si Sally; hindi niya kinuha ang lahat ngunit kinuha lang niya ang kalahati ng kayamanan at iniabot ito kay Nikini. Ibinahagi pa niya ang isa sa black toke
Mula sa mahinang aura na nanggagaling sa python, kaagad na natukoy ni Fane na ang python na ito ay isang monster beast na may lakas na katumbas ng nasa early stage ng semi-god realm ng mundo ng tao. Nakakagulat na magpakita ang ganitong monster beast sa kagubatang ito. Kahit anong mangyari, ang python na ito ay itinuturing na pambihira at ang lakas nito ay karaniwang mas malakas sa mga karaniwang martial artist, lalo na sa mga baguhan. Sa madaling salita, ang isang martial artist na nasa early stage ng semi-god realm ay walang laban sa ganitong monster beast, at maging ang isang martial artist na nasa middle stage ng semi-god realm ay maaaring mabigong patayin ang isang monster beast na may ganitong lakas—nasa early stage ng semi-god realm. Gayunpaman, nakarating na si Fane sa middle stage ng true-god realm, kaya wala lang ang ganitong monster beast sa mata niya. Itinikom niya ang kanyang kamao, at sa isang iglap, sumulpot siya sa ibabaw ng ulo ng python, at pagkatapos sinuntok
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin