Share

Kabanata 1296

Author: Moneto
Ang dalawang fighter na nasa intermediate stage ng true god status ay napakalakas, at may makakapal na aura ng chi. Ang nakakatakot na pagsabog ng chi ay parang isang kidlat na naglalabas ng nakakabinging ingay. Maraming tao ang napatalon sa gulat, habang nakatingin sa langit, tulala.

“‘Di maaari. Hindi tumalsik ang lalaking ‘yun!”

Inakala ni Darryl na matatalo ng anak niya si Fane gamit ng isang suntok at magtatamo ng malulubhang pinsala. Ngunit pagkatapos kayanin ito ng dalawang segundo, nagsimulang mamutla ang mukha niya. Tila ba kasinlakas ng anak niya si Fane.

“Ang lalaking ‘yan!”

Tinitigan ni Helena sa Fane, habang nakanganga sa gulat.

“Sinabi ko na sa’yong tinitipid lang niya ang lakas niya. Sis, kahit anong mangyari, ayaw niyang ipakita sa maraming taong nanonood ang tunay niyang lakas!”

Pinanood ni Daniella ang kanyang kapatid, tapos itinaas ang kanyang tingin habang natutuwa sa kanyang kapatid. Ang kahit sinong lalaking magustuhan niya ay siguradong magaling.

“I
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App

Related chapters

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1297

    Nahiya si Daryll. Mga henyo ang mga anak niya, at higit sa lahat, isa sila sa mga malalakas sa eight first-class reclusive families. Ngunit ang anak niya ay natalo sa anak ng labas mula sa Woods family, na nagmula pa sa mortal realm. Nahiya siya nang sobra sa katotohanang ito, ngunit hindi niya inakalang aasarin ni Fane ang anak niya. Isa siyang taong laging pinoprotektahan ang pamilya niya. Kaagad siyang sumugod at itinikom ang kanyang kamao, habang sumusugod patungo kay Fane. Whoosh!Sa panig ng Woods family, sumugod rin ang First Elder at tumayo sa harapan ni Fane, at hinaharang ng kamao niya ang kamao ni Daryll. “Isa lang itong dwelo sa pagitan ng kabataan. Huwag mong sabihing ang Norman family ay isang pikon?” Nagliliyab sa galit ang mga mata ng First Elder. Umatras nang ilang metro ang dalawa pagkatapos magbanggaan ng kamao nila. “Imposible!” Nagulat si Daryll, at muntik nang malaglag ang mga mata niya. Kung tama ang pagkakaalala niya, ang First Elder ng Woods fami

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1298

    “Long time no see, Master Lancaster!” Kaagad na tumayo si Nash nang makita niya ang master ng Lancaster family. Pinagsaklob niya ang kanyang kamao at sumaludo habang nakangiti. Tumalon pababa ng lumilipad na karpeta ang mga miyembro ng Lancaster family, at itinabi ni Master Lancaster ang karpeta. “Master Woods, ang tagal na nating hindi nagkita. Narinig ko ang balita tungkol sa pamilya mo,” Sinabi niya habang nakangiti. “Hindi ko inakala na ang taong dati mong katabi sa kama ang lumasok sa’yo. Nakakatakot!” Dito, tinignan ng matandang babae si Trenton. “Higit pa rito, may nag-iisip na wala man lang kasalanan ang anak niya, at nagtanim pa ng galit laban sa pamilya niyo,” Sinabi niya. “Tsk tsk. Talagang wala siyang hiya!” “Sinong tinutukoy mo, Shelby? ‘Wag kang sumosobra!” Itinikom ni Trenton ang kanyang kamao at nagkaskasan ang mga ngipin niya sa sobrang galit. “Ano? Gusto mong kalabanin ang Lancaster family?” Kumunot ang kilay ni Shelby. “Hindi ako nagbanggit ng pangalan,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1299

    “Master Lagorio, hindi sa wala akong balak pahabain ang paghahanap, pero ilang buwan na namin itong ginagawa. Alam mo na ang kagubatan ay mahiwaga at delikado. Hindi ko nagawang makapunta sa malalalim na bahagi, pero halos masaliksik na namin ang bawat sulok ng gubat. Kapag hindi namin siya mahanap, malamang patay na siya!” Ngumiti nang malungkot si Nash. “Ginawan ako ng masama ni Lily, pero anak ko pa rin si Lance. Syempre gusto kong mabuhay siya, at syempre gusto ko siyang hanapin. Kung susunod siya sa akin o kay Lily ay nakadepende sa kanya. Rerespetuhin ko ang magiging desisyon niya!” “Heh. Umaarte ka lang. Kung ako ikaw, ipapadala ko sana ang mga miyembro ng Woods family sa pinakamalalim na bahagi ng kagubatan para hanapin siya!” Tumawa si Trenton, habang puno ng panghahamak ang kanyang mukha. “O hindi kaya natatakot na mamatay ang mga miyembro ng Woods family?” “Hindi ito sa natatakot kaming mamatay. Alam ng lahat na walang nakakalabas nang buhay sa kagubatang iyon. Ayaw

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1300

    “Ayaw mo?” Kumunot ang noo ni Old Master Hunt; hindi niya ito inasahan. “Bakit hindi siya pumapayag dito?” Marami rin ang nabigla. Malinaw na nagiging mabait si Old Master Hunt, at gusto niyang magdiwang—ito ang dahilan kung bakit nag-alok siyang magsagawa ng kasal para kay Fane at Helena. Malaking karangalan na matanggap ang basbas ng ganito kalaking taong tulad ni Old Master Hunt. Ngunit hindi sumasang-ayon si Third Young Mistress Cabello. “Sister!”Napatalon sa gulat si Venus at kaagad na hinila sa manggas si Daniella. Tinignan niya ang nakababata niyang kapatid. Masisira ang lahat kapag sinabi ng babaeng ito sa lahat na kasintahan niya si Fane. Nadala ng emosyon niya si Daniella kanina lang. Nagsalita siya nang hindi nag-iisip. Sa pamamagitan ng paalala ni Venus, naunawaan na niya ang bigat ng sitwasyon. Sa halip ay umirap siya. “Dalawa o tatlong beses lang siya nakita ng ate ko, at nahulog sila sa isa’t isa,” Sinabi niya. “Tingin ko hindi pa ito dapat humantong sa k

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1301

    Sa huling pagkakataong sinabi ni Helena na siya ang kasintahan ni Fane at hindi na siya birhen, ang Second Young Master Hunt, na nahulog ang loob sa kanya, ay sobrang nalungkot. Ang isang magandang bulaklak na tulad niya ay nadungisan na ng iba ng ganoon lang? Sa tuwing naiisip niya iyon, puro galit ang nararamdaman niya!“Hindi ito maaari. Isa–isa itong mahalagang bagay. At ikaw…” Maraming dalaga ang nakatitig kay Helena. Mahalaga sa isang babae ang una nilang karanasan, at walang sinumang babae ang ibibigay na lang ito ng ganun na lang. Higit pa doon, ang Cabello family ay isang first-class family, at si Helena ay ang panganay na anak na babae ng kanilang master. Walang nakaisip na basta na lang niya…“Ayos lang ito sa akin. Kahit na hindi sa akin ang bata, ayos lang sa akin kung gusto niya akong pakasalan!” Maraming lalake na may gusto kay Helena ang nagsalita ng hindi nahihiya. Malinaw na mahirap makahanap ng isang babae na katulad ni Helena. Sumama ang ekspresyon ni He

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1302

    Malinaw na ang kinikilos ni Helena ay sunmisisra sa reputasyon ni Master Hunt. nakaramdam siya ng pagkailang na para bang hindi niya alam kung paano umalis sa entablado. Kumunot ang noo ni Fane. Alam niya na hindi sila pwedeng magpatuloy ng ganito. Tiyak na magtatanim ng sama ng loob ang Hunt family dahil dito. Hindi rin alam ng mga miyembro ng Canbello family kung ano ang kanilang gagawin. Lahat sila ay sinubukan na senyasan ng tingin si Helena, ngunit patuloy pa din siya sa pagtitig sa lapag, at ayaw na tumingala. Pagkatapos ng ilang segundo ng nakakailang na katahimikan, lakas-loob na naglakad si Fane papunta kay Helena at hinawakan ang kamay nito, lumaki sa gulat ang kanyang mga mata. Nagulantang si Helena, hindi niya mapigilan na bawiin ang kanyang kamay. Sa halip ay hinigpitan ni Fane ang kanyang pagkakahawak at binigyan siya ng isang ngiti. “Hindi mo na kailangan pang magalit, Helena,” mahinahon niyang sinabi. “Humingi naman na ng tawad si Second Young Maser Hunt. H

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1303

    “Sige. Nandito na ang lahat kaya sisimulan ko na ang usapin tungkol sa patakaran ng kompetisyon!” Si Quentin, ang master ng Hunt family, ay sinuri ang mga manonood bago lumipad paitaas. Ang kanyang boses ay umalingawngaw sa buong paligid. Ang lahat ay nakatingin sa kanyang nang marinig nila ito. Walang sinuman ang nakakaalam tungkol sa kompetisyon ngayong taon na ito. Habang nakatingin sa kanya ang lahat, nagpatuloy si Quentin, “Simple lang ang patakaran. Sa tingin ko ay lahat naman kayo ay nakikita ang kagubatan an nakapaligid dito. Maraming halimbawa at spirited grass dito, at madalas, binabantayan ng Hunt family ang buong paligid, at konti lang ang hinahayaan na makapasok. Sa tuktok ng Kobe Mountain at sa kabuuan ng kagubatan, naglagay kami ng 10,000 itim na plaka. Ang inyong misyon ay kolektahin ang mga kahoy na plaka, at kung sinuman ang makakolekta ng marami sa huli ang panalo sa indibidwal na paligsahan! Meron kayong isang buwan para gawin ito!” “Dito, huminto sandali

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1304

    Panandaliang nagulantang si Nash nang marinig niya iyon. Huminga siya ng malalim. "Kung gayon ay sinasabi mo na napagtanto ng Hunt family na ang iba pang pamilya ay lumalakas na at gusto nilang gamitin ang pagkakataon na ito para burahin ang mga batang henyo para patatagin ang kanilang posisyon? Kung ang bawat isang tagapagmana ng pamilya ay wala na, mangangahulugan lang ito na ang Hunt family ang magiging mas malakas!" Tinango ni Fane ang kanyang ulo. "Mukhang ganun na nga. Natural lang para sa kanila na sunggaban ang pagkakataon na ito para patayin ang ilan sa mga henyo ng mga pamilya na hindi nila kasundo," bulong niya. "Kasama na din doon ang mga pamilya na nakasagupa na nila noon!" Lalong lumalim ang simangot ni Nash. "Ang Lagorio family ay dati nating kakampi,ngunit ngayon ay kalaban na natin sila. Ang Norman family, si Second Young Master Hunt, at marami pang tao na naiinggit sa relasyon mo kay First Mistress Cabello ay siguradong haha ulin ka. Kahit ang Cabello family ay ba

Latest chapter

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status