Share

Kabanata 1220

Author: Moneto
Nailang si Xavier dahil bigla siyang tinanong. Mapait siyang ngumiti at nagsabi, "Master, balak kong bumalik sa Woods family. Lalo na't mabuti ang trato sa'kin ng Woods family master, at niligtas niya ako noon… Kahit na isa nga akong Lagorio, isa lang akong hamak na miyembro ng Lagorio branch family noon…"

Nang marinig ni Trenton ang sagot na ito, mapait na ngumisi si Trenton. "Magaling. Hindi ko inakala na magiging tuta ka Woods family kahit na ilang taon ka pa lang doon. Haha… Pambihira! Nakalimutan mo na ba na isa kang Lagorio?"

Nagalit si Xavier nang marinig niya ang komento ni Trenton; hindi siya kailanman trinato nang mabuti noong nakatira siya sa mga Lagorio. Sa halip ay kinakanti siya rito.

Sa hindi inaasahan, nang pumasok siya sa Woods family, hindi lang siya binigyan ng importanteng posisyon, niligtas din siya ni Nash noon. Palihim siyang nangako mula sa araw na iyon na utang niya sa Woods family ang buhay niya.

Iyon ang dahilan kung bakit pinili niyang pumanig sa Woo
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Margie Manglicmot
paam niyo logorio family magbago na kayo, tsssst mabait na Ang woods family naku mamatay kayo lahat pag s fane Ang nagalit
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1221

    Subalit, umiling si Old Master Lagorio. “Hindi natin siya pwedeng patayin kahit anong mangyari. Kapag kumalat ang balita tungkol dito, magiging katatawanan ng buong mundo ang Lagorio family.”“Bakit? Inaalis natin ang isang nakatagong problema. Bukod pa riyan, isa siyang miyembro ng ating Lagorio family, at ngayon kasabwat na siya ng kalaban, handang magtrabaho para sa Woods family. Posible bang may sabihin ang ibang mga pamilya kapag pinatay natin siya?” Sumimangot ang First Elder dahil hindi nito maintindihan ang sinasabi nito. Sumagot si Old Master Lagorio, “Namatay ang mga anak niya sa pakikipaglaban para sa ating Lagorio family noon, at wala siyang ginawang masama sa ating Lagorio family. Hindi ba sasabihin ng ibang mga ganid tayo kapag kumalat ito?” Inilapag ni Old Master Lagorio ang braso niya sa kanyang likuran at tinignan ang lugar kung saan umalis si Xavier. Nagpatuloy siya sa pagsasalita, “Mamamatay sana siya kung kinampihan niya si Lily mula pa lang noong umpisa at sa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1222

    Sumimangot si Diana nang maisip niya ito. “Kahit na ang mga pamilya natin ay may hindi pagkakaunawaan sa Woods family, hindi naman ito malaki. Nitong nakaraan, ilang pamilya ang pumigil sa kanila at ayaw silang paangatin, ngunit napakagaling ni Nash sa pag-aasikaso ng problema. Dinisiplina niya ang mga tauhan niya at pinigilan silang makipag-away sa iba. Kaya malinaw na mahirap para sa kanila ng Woods family na magsimula ng giyera sa hamak na hindi pagkakaunawaan.”Tumango rin si Old Master Lagorio at sinabi, “Huwag kang mag-alala, magkakaroon ng pagkakataon. Kung hindi, gagawa tayo mismo.”Mula noon, inihanda ng mga Lagorio ang kanilang sarili at naging kalaban ng Woods family.…Nagising nang maaga si Fane kinabukasan at naghilamos. Kasunod nito nang pagpunta niya sa harden, napansin niyang naghihintay na sa kanya doon si Daniella.Habang nakangiti, nagsalita si Fane, “Ang aga mong nagising, Third Young Mistress Cabello!”“Pwede bang hindi ko gawin ‘yun? Hmph. Siguradong tataka

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1223

    Kahit na hindi niya magamit ang kanyang Chi, nanatili pa rin ang pisikal na lakas ni Daniella. Habang inaangat ang kanyang sarili gamit ng isang kamay, sumakay si Daniella sa likuran ng kabayo habang nginingitian si Fane nang tawagin niya ito, “Umupo ka sa likuran ko; kakargahin kita!”“Pero parang hindi ito tama…?” Medyo nahiya si Fane, nang makitang magkaiba sila nang kasarian. Hindi lang maganda ang Young Mistress Cabello na ito, maganda rin ang katawan niya. Sinubukan ni Fane na pigilan ang hindi magandang kaisipan nang kargahin niya ito kahapon, ngunit kahit na ganoon isa pa rin siyang masiglang lalaki, kaya may pagkakataong nagugulo ang kanyang isipan.Kapag umupo siya sa likod ni Daniella sa kabayong iyon habang naglalakbay, ikinakatakot niyang…Sa kabilang banda, si Daniella ay tahimik na naging interesado kay Fane nang mapansin niya kung gaano ito nahihiya nang magkaroon ng isang “nakakatuwang” pagkakataon para sa dalawa.Inirapan niya si Fane at naiinis na sinabi, “Lala

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1224

    “Ang bilis ng kabayong ‘to!” Maraming Blood Dragon Horse na ang nasakyan ni Daniella noong bata pa siya, ngunit tumigil siya nang lumaki siya at sa halip ay sinanay niya ang kanyang fighting prowess.Kahit kailan wala pang lalaking umupo sa likod niya habang nakayakap ang braso nito sa kanyang baywang; hindi niya rin inakalang dadating ang araw na ito.Kumakabog ang kanyang puso sa kanyang dibdib na para bang tumatalon ito palabas sa sandaling iyon.Walang magawa si Daniella kundi ang magpanggap na ayos lang at magsalita nang normal. Habang nakadikit sa likod niya ang dibdib ni Fane, lalo siyang nahiya kumpara noong karga siya ni Fane.Hindi nagtagal bago may mapansin si Fane at kaagad na pinaalalahanan si Daniella, “Hindi, hindi, mali ang dinadaanan natin. Kumanan ka!”Nabigla dito si Daniella. “Kung ganoon, bakit di mo sinabi kanina? Hindi ko alam kung saan matatagpuan ang susunod na branch family!” Dahil hindi niya alam kung saan pupunta, ang alam lang niya ay patuloy na umaban

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1225

    Bumaba si Fane at Daniella ng kabayo sa sandaling huminto ito.Itinali ng namumulang Daniella ang kabayo sa ilalim ng isang puno hindi malayo sa kanila bago siya maglakad pabalik kay Fane. “Ano? Kumusta ang unang karanasan mo ng pagsakay ng kabayo?” Sinabi niya para alisin ang pagkailang, pero huli niyang napansing ang pangit nito pakinggan.Tinatanong niya ba kung anong naramdaman ni Fane?Para alisin ang tensyon, walang-bahalang sumagot si Fane, “Ito ang unang beses kong sumakay ng kabayo. Kinabahan ako noong una, pero naging nakakasabik din ito pagkatapos!”Napansin ni Fane na namula ang mukha ni Daniella pagkatapos niyang magsalita habang yumuyuko ito at ayaw harapin ang titig niya.“Sige! Pumasok na tayo!” Nagtaka siya sa ugali ni Fane—basta na lang sinabi ng lalaking ito na ‘nakakasabik’ ito. Napakahalay! Paanong hindi ito noong niyakap siya nito sa baywang? Siguro may gusto sa kanya si Fane, ayaw lang nitong aminin.Wala rin masabi si Fane dahil alam niyang nagkamali ng in

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1226

    “Naku po, mukhang sa sobrang hiya ni Mrs. Fane Woods ay namumula ito na parang isang dalaga! Gayunpaman, maganda pa rin kayo. Kaya naman pala pinili kayo ni Young Master Fane!” dagdag pa ng elder, na ikinagulat ng lahat. Ang komentong iyon ay pumuno kay Daniella ng galak. Mapang-akit na inirapan ni Daniella ang kabilang partido bago sinabing, “Tama ka na maganda ako, pero hindi ako ang asawa niya.” “A…Ano?” Nahiya ang elder nang marinig niya iyon. Nagkamali ba siya? Nagpakita ng naiilang na ngiti si Fane habang naglalakad papalaput upang magpaliwanag, “Siya ay ang Third Young Mistress Cabello, Ms. Daniella. Pakiusap huwag mo kaming pagkamalan na ganun.” Nagulat ang elder matapos marinig ang paliwanag ni Fane. “Third Young Mistress Cabello? Siya ay isa sa mga kilalang dilag, kung kaya ako nagkamali sa pag-aakala sa kanyang pagkatao. Lalo na, narinig ko na ang asawa ni Young Master Fane ay napakaganda kaya…kaya nagkamali ako ng intindi. Pakiusap patawarin niyo po ako, Third Yo

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1227

    Isa sa mga elders ang lumapit at tinignan si Fane na puno ng pag-asa. Tumingin si Fane sa binata at dalaga na nasa harapan niya. Nag-isip muna siya at saka sinabi, “Paano kung ganito: Magpapahinga muna ako, pero pwede ba kayong pumunta sa kwarto ko pagkalipas ng isang oras mula ngayon?” “Masusunod, Young Master Fane!” Nagkatinginan ang binata at dalaga. Kahit na medyo nagtataka sila, tumango pa din sila at sumang-ayon. Hindi nagtagal, naghanda ang Owens family ng matutuluyan ni Fane at Daniella sa isang nakabukod na hardin. “Hindi ba’t nagmamadali ka? Bakit hindi ka na nagmamadali nagyon?” Tinignan ni Daniella si Fane at sinabi habang nagtataka, “Bakit mo pinapapunta ang mga henyo ng pamilyang ito sa kwarto mo mamaya? Meron ka bang sasabihin sa kanila ng personal?” “Silang dalawa ay nasa ninth-grade grandmaster, at isang hakbang na lang at malapit na sila sa elementary stage ng semi-god level,” Paliwanag ni Fane sa kanya. “Nagkataon na meron akong ilang grupo ng sangkap par

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1228

    Subalit, inirapan ng dalaga ang binata. “Anong sinasabi mo? Bakit ka naman niya ipapatawag kung interesado lang siya sa akin? Hindi naman kailangan, di ba? Sasabihan ka ba niya na panoorin kami habang pagsasamantalahan niya ako?” Mapait na ngumiti ang binata. “Nag-aalala ako dahil sa may maganda kang mukha. Paano na lang kung ginawa lang pala ni Fane ang palusot na iyon dahil sa nasa harap siya kanina ng maraming tao—kasama na ang family master—at paalisin niya din ako pagkatapos natin makarating doon sa kanya mamaya? Paano kung iniisip niya na pumasok ka ng mag-isa sa kwarto? Hindi natin alam iyon!” “Anong sinasabi mo? Hindi ganung klase ng tao si Young Master Fane!” Muling inirapan ng dalaga ang binata bago lumitaw ang isang matamis na ngiti sa mukha nito. “Maganda kung ang isang mapang-akin an lalake na katulad ni Young Master Fane ay may gusto sa akin…pero narinig ko na ang kanyang asawa ay ubod ng ganda.kita mo naman kung gaano kaganda ang Third Young Mistress ng Cabello. Sa

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status