Share

Kabanata 1228

Author: Moneto
Subalit, inirapan ng dalaga ang binata. “Anong sinasabi mo? Bakit ka naman niya ipapatawag kung interesado lang siya sa akin? Hindi naman kailangan, di ba? Sasabihan ka ba niya na panoorin kami habang pagsasamantalahan niya ako?”

Mapait na ngumiti ang binata. “Nag-aalala ako dahil sa may maganda kang mukha. Paano na lang kung ginawa lang pala ni Fane ang palusot na iyon dahil sa nasa harap siya kanina ng maraming tao—kasama na ang family master—at paalisin niya din ako pagkatapos natin makarating doon sa kanya mamaya? Paano kung iniisip niya na pumasok ka ng mag-isa sa kwarto? Hindi natin alam iyon!”

“Anong sinasabi mo? Hindi ganung klase ng tao si Young Master Fane!” Muling inirapan ng dalaga ang binata bago lumitaw ang isang matamis na ngiti sa mukha nito. “Maganda kung ang isang mapang-akin an lalake na katulad ni Young Master Fane ay may gusto sa akin…pero narinig ko na ang kanyang asawa ay ubod ng ganda.kita mo naman kung gaano kaganda ang Third Young Mistress ng Cabello. Sa
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1229

    Pagkatapos magpahinga ng mga ilang minuto, hindi nagtagal ay nakarating na ang dalawang henyo ng Owens family sa kwarto ni Fane. “Young Master Fane, meron ka bang importanteng sasabihin sa amin kaya mo kami pinapunta dito?” tanong ng dalawa sa kanilang pagtataka, habang nakatingin sa isa’t isa nang mapagtanto nila na nandoon din si Daniella sa kwarto. Nag-cultivate si Fane ng dalawang first-grade intermediate-level pills kanina lang. Naglabas siya ng dalawa sa pagpitik ng kanyang kamay at sinabing, “Heto tig-isa kayo. Ito ay mga first-grade intermediate-level pills, gamitin niyo ito upang palakasin ang kakayahan niyo sa pakikipaglaban. Tiyak na makakatulong ito sa inyo para makarating sa elementary stage ng semi-god stage. Ang maimumungkahi ko sa inyo ay magpalipas muna kayo ng oras dito at umalis na lang kayo papunta sa main family pagkatapos niyong makalagpas ng antas. Makakatulong ito upang mapabilis ang inyong paglalakbay.” “A—ano? Ito…ay para sa amin?” Napalunok ang binat

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1230

    “Maraming salamat…!” Dahil sa nahihiya pa rin siya sa nangyari kaninang umaga, nilabanan niya ang kanyang hiya at sumakay sa kabayo, at umupo sa likuran ni Daniella. “Sigurado ka ba na hindi ka hahawak sa akin? Huwag kang mahuhulog mamaya!” paalala ng namumulang Daniella. “Sige…!” tugon ni Fane bago nilagay ang kanyang mga kamay sa paligid ng bewang ni Daniella mula sa likuran. Nang may naalala siya, sinabi ni Daniella, “Oo nga pala. Ang triennial martial arts competition sa pagitan ng mga reclusive families ay sa susunod na na buwan. Kahit na ito ay para lang may matutunan tayo sa isa’t isa, mahalaga pa rin ito para sa eight families at sa iba pang reclusive families. Bilang miyembro ng Woods main family, may mataas ka na kakayahan sa pakikipaglaban. Siguradong sasali ka dahil sa isa kang henyo ng mainfamily, tama?” Tumango si Fane. “Sinabi na ng aking ama ang tungkol dito, at iyon ang dahilan kung bakit ko kailangan gawin ang paglilibot na ito at sa pagpili ng mga prodigy par

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1231

    Nanahimik sandali si Fane bago nagsalita, "Hindi lang iyon ang problema. Ang tagal mo nang nasa labas, at kapag hindi ka bumalik, hahanapin ka ng mga miyembro ng Cabello family sa kung saan-saan kapag nalaman nilang nahuli ka. Hindi ba mag-aalala sa'yo ang mga magulang mo kung hindi ka bumalik nang ganito katagal?" Nagdilim ang mukha ni Daniella nang marinig niya ito. Pinag-isipan niya ito at nagsabing, "Hindi nila alam na dinukot ako ni Munro Quinn. Ang alam lang nila ay lumabas ako para maglaro kaya hindi sila masyadong mag-aalala dahil magaling akong makipaglaban, pero mag-aalala pa rin sila kung hindi ako umuwi nang matagal na panahon." Habang pinatigil niya sandali ang kabayo, lumingon siya kay Fane at nakangiting nagsabi, "Pero kahit na ganun, buo na ang isip ko na susundan kita sa Woods family para maglaro. Lalo na't sasalo kayo sa martial arts competition sa mga susunod na araw, kaya susundan kita sa paligsahan at doon ako makikipagkita sa pamilya ko." "S… Sige!" Tumango

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1232

    Kung kaya't nagpatuloy sila sa paglalakbay nila sakay ng kanilang kabayo habang nasasabik si Daniella tuwing naiisip niyang maghahapunan sila ni Fane nang sila lang dalawa. Higit pa roon, nalaman niya na tuwing kasama niya si Fane, pakiramdam niya ay ligtas siya. Kahit na anim o pitong taong gulang ang tanda niya sa kanya, mas lalo siyang nagkainteres sa mas nakatatandang si Fane sa mga araw na pinagsamahan nila. Malayong-malayo siya sa ibang mga young master na nagreregalo sa kanya ng rosas, tsokolate, jade na kwintas, at mga spirited grass. Nababagot siya sa kanila. Sa wakas, nakarating ang dalawa sa labas ng isang maliit na bayan habang dahan-dahang dumilim ang langit. Para bang ang lawak ng maliit na bayan habang ang liwanag nito sa oras na ito. Para bang may pista rito sa dami ng mga tindahan na nakatayo sa daan. "Hindi na masama… Para bang isang antigong bayan ang maliit na bayan na to. Ang ganda sa mata!" Nakangiti si Daniella habang naglakad siya sa malawak na asul na

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1233

    Kagaya ng mga pangkaraniwang martial artist, ang mga taong kagaya nila ay mayroon lamang kakaunting spirited stones. Maituturing nang maganda kung mayroon silang ilang piraso, pero gagamitin nila ang ganitong spirited stones para magsanay at subukang palakasin ang kanilang mga sarili. Paano nila gagamitin ito para sa pagkain? "Kalokohan to! Buksan mo ang mala-aso mong mata at tignan mo kung sino ako! Mukha bang hindi ko kayang magbayad ng kakainin ko?" Malinaw na hindi pa nakaranas nang ganito si Daniella noon at para siyang sasabog. Hindi niya inasahan na mamatahin siya pagdating niya sa isang maliit na bayan para lang sa pagkain. "Anong sinasabi mo, dalaga? Alam mo ba kung sino ang boss ng restaurant namin? Ang lakas ng loob mong sabihan kami na 'buksan ang mga mala-asong mata' namin! Haha…! Sasabihin ko to sa'yo: kahit mga empleyadong kagaya namin ay hindi mo pwedeng banggain!" Kaagad na nagalit ang malaking lalaki at namumuhing tinignan si Daniella. "Maganda ka, pero hanggang d

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1234

    Nang makita nila kung sino ang dumating para sa kanila, nagmadaling tumayo ang dalawang maskuladong lalaki mula sa lapag habang nagreklamo sila, "Young master, ang babaeng to… sumosobra na siya…! Sinaktan niya ang mga miyembro ng aming Murphy family!" Sa inis, tinitigan nang masama ni Young Master Murphy ang dalawang lalaki. "Wala kayong kwenta. Hindi niyo man lang kayang lumaban sa isang babae!" "Young Master, ang babaeng to ay may lakas ng semi-god level, at natural lang na matatalo kaming mga nasa grandmaster stage…!" dahilan ng isa sa kanila habang hawak niya ang kanyang tiyan at nakangiwi ang mukha sa sakit. "Mukhang hindi rin siya mula rito sa paligid at para bang higit pa siya sa isang pangkaraniwang tao!" "Semi-god level?" Nagdilim ang mukha ni Young Master Murphy nang marinig niya ito. Ang isang taong may ganito ng lebel ng lakas ay maituturing nang isang master. Ang ama niya rin ay nasa final stages na ng semi-god level at maituturing na napakalakas sa bayang ito. Ma

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1235

    Nakahinga nang maluwag ang dalawa pagkatapos silang pakawalan. Pareho silang lumuhod ulit at nagsimulang sampalin ang kanilang mga sarili. "Salamat sa pagpapatawad mo sa mga kamailan ng mga taong ito, Ms. Cabello!" Nakahinga rin nang maluwag si Young Master Murphy. Lalo na't nasa grandmaster level ang dalawang kasamahan niyang ito. Mga fifth o sixth-grade grandmaster sila at ang ganitong lakas ay nakakamangha na para sa Murphy family. Iyon ang dahilan kung bakit sila pinadala para bantayan ang restaurant. Hindi niya inakala na mangyayari ang ganito at pakiramdam niya ay wala siyang magawa. Pinag-isipan niya ito at nagsabi muli, "Kayong lahat, makinig kayo sa'kin: libre na ang lahat ng oorderin ni Third Young Mistress Cabello ngayong gabi, naiintindihan niyo?" "Opo, Sir!" Kaagad na sumagot ang ibang mga waiter sa restaurant. "Ganyan dapat!" Tinapik ni Daniella ang balikat ni Young Master Murphy nang makita niya kung gaano siya kamaunawain. "Tandaan mo na sabihan ang mga tauhan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1236

    ”Opo, young master. Si Erza Ladenberg ay hindi isang mabuting tao at talagang maganda si Third Young Mistress Cabello. Nagkataon lang na si Erza ay isang napakamalaswang tao at ikinakatakot kong baka may mangyaring masama!” Mukhang nababahala ang tauhan nang maisip niya ito. Kaagad niyang sinabi, “Young master, hindi ito pwede. Kailangan nating sumugod para paalalahanan si Young Master Ladenberg o siguradong mag-aaway sila!”Ngunit pinigilan siya ni Young Master Murphy. “Paalalahanan? Bakit kailangan natin siyang paalalahanan? Matagal nang pinapahirapan ng Ladenberg family ang Murphy family at ang Young Master Ladenberg na ‘yun ay napakayabang. Isa itong magandang pagkakataon para alisin ang Ladenberg family. Muntik nang mamatay ang dalawang ‘yun dahil ginalit nila ang babaeng ‘yun. Tingin mo ba mabubuhay pa sila kapag pinagsamantalahan nila si Third Young Mistress Cabello?” Kumislap ang mata ng tauhan nang marinig niya ito. “Tama ‘yan, bakit hindi ko ‘yan naisip. Iniisip ko lang ku

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status