Share

Kabanata 1138

Author: Moneto
”Kaya naman pala…kaya naman pala ang bilis mong lumapit!” Ngumiti si Fane at humakbang paharap. “Sige, kung ganun. Bibigyan ko kayo ng pagkakataon at maglaban tayong dalawa!”

Si Lana, na katabi niya, ay nagsalita. “Wala ka ring hiya. Binili namin ang bagay na iyon sa may subastahan. Ag apo mo ay ayaw kaming paalisin dahil sa nabigo siyang mapanalunan ang bid kaya binalak niya na kunin samin ito ng sapilitan. Totoo nga na hindi rin isang mabuting tao ang kanyang lolo!”

Si Ethan, sa kabilang banda, ay sinabi. “Itong mga taong ito ay galing sa isang clan, paano sila magiging mabuting tao? Mabuti pang patayin na natin ang grupong ito ng mga walang silbing bastardo bilang tulong sa Soul City na linisin ang basura at gawing maayos ang pamumuhay ng lahat ng tao dito sa Soul City!”

“Mga walang hiya!” Namula sa galit ang mukha ng ng matandang lalake. Direkta siyang tumalon sa itaas at inatake si Fane gamit ang kanyang espada. “Humanda ka!”

Isang napakatalas na sword aura ang bumulusok
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1139

    Biglang lumipad pataas ang lahat ng mga fighter at naghandang patayin si Fane at ang iba pa. Isang ngiti ang namutawi sa mukha ni Fane habang piapaood niya ang itim na bilog sa taas. Inipon niya ang kanyang Chi sa kanyang espada. Buzz!Kasama ng chi, ang espada na hawak ni Fane ay naglabas ng isang mahinang tunog at nanginig. Isang kulay itim na air blades ang bumulusok paitaas. “Itim na air blades? At may chi ang mga ito!” Naglaho ang lahat ng kulay mula sa mukha ng Green Dragon Clan master nung nakita niya ito. Mukhang gagamitin ni Fane ang kanyang chi para umatake ng direkta. Isa itong skill na lagpas na sa kahit na anong blade technique. Tanging ang mga fighter lamang na nasa true god level status ang kayang gumawa ng atake na ganito. “Blade wave!”Tinignan ni Fane ang mga lalakeng nakaitim na mula sa Green Dragon Clan, na nagsipagtalon sa ere. Binato niya ang kanyang papunta sa mga ito. Sa isang iglap, isang itim na enerhiya ang bumulusok papunta sa kanila sa isa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1140

    ”Supreme Warrior? God of War?” May isang tao na nagkataon na nakatayo malapit sa bukana ang napahinga ng malalim pagkatapos nilang marinig ito. “Kaya naman pala naramdaman ko na parang may kakaiba sa kanilang mga aura! Hindi ko inakala na siya pala nag Supreme Warrior!” Sigaw ng isa sa mga taon na nandoon. “Sis, narinig ko na may nagsabi na sila ay ang Supreme Warrior at ang Gods of War! Si Fane marahil ang Supreme Warrior dahil ang lakas niya. Diyos ko. Idolo ko ang Supreme Warrior!” Kaagad na lumapit si Hendrix sa tabi ni Shirley pagkatapos niyang mariig ito. Sa sobrang kasabikan niya ay lundag siya ng lundag. “Ang galing niya. Gusto ko siyang pakasalan!” Napatulala si Shirley habang pinapanood ang anino ni Fane. Subalit, alam niya na isa lamang siyang pangkaraniwang babae. Hindi siya bagay para sa Supreme Warrior. Siya ang lalake na hinahangad ng maraming babae. “Ang batang iyon ay ang Supreme Warrior…” Nanginginig ang boses ni Xavien. Nagtataka siya kung nag

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1141

    Napaluhod rin ang lahat, nakita sa kabilang mukha ang paghanga at pasasalamat. Walang masabi si Fane. Tinaas niya ang kanyang kamay sa kanila. "Tumayo kayo!" Pagkatapos tumayo nang lahat, kinausap niya si Master Zimmer. "May kailangan kaming puntahan, Master Zimmer. Hindi kami pwedeng magtagal. Pakilinis na lang ang mga katawan rito. Mapupunta na sa Zimmer family ang mga negosyo ng Green Dragon Clan. Sabihin mo sa kanila na ako, ang Supreme Warrior, ang nagsabi nito kung may magtanong!" Pagkatapos nito, lumingon siya para tignan sina Shirley at ang iba pa. "Samantala, ang negosyo ng Norton family ay mapupunta sa Lancaster family!" "Wag kang mag-alala, Supreme Warrior. Alam namin ang gagawin!" Sobrang natuwa si Master Zimmer. Sa mga salitang iyon, maaaring maging makapangyarihang pamilya ang Zimmer family sa Starvane City. Syempre, dahil sinabi ni Fane na baka kailangang patnubayan ng Zimmer family ang Lancaster family. Lalo na't nakuha ng Zimmer family ang lahat nang walang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1142

    "Talaga? Nagsisinungaling ka ba sa'kin?" Natuwa si Shirley nang marinig niya ito. Maganda kung mayroon siyang larawan bilang alaala sa okasyon na ito. At saka, marami sa kanyang mga kaibigan ang sobrang maiinggit kung pinakita niya ang ganitong larawan sa kanila. Mabilis na hinarap ni Hendrix ang kanyang phone sa kanya. Ang larawan ay kinuha sa perpektong sandali—nang hinahalikan ni Shirley ang mukha ni Fane. Naging malapanaginip ito dahil sa ilaw sa likod nito. "Ano sa tingin mo? Ang ganda, di ba? Perpekto ang larawan na to!" Masaya si Hendrix nang makita niya ang ngiti sa mukha ng kanyang kapatid. "Magkano to?" Napakaliwanag ng ngiti ni Shirley. Para ba siyang isang dalaga na namumukadkad ang buhay sa sandaling ito. "Heh. Nagbibiro lang ako. Wala akong tapang na hingian ka ng pera. Dahil sa atin na ngayon ang mga negosyo ng Norton family at tinulungan mo kami nang sobra!" Tumawa si Hendrix. "Ang galing mo at nakilatis mo si Fane bilang isang makapangyarihang lalaki! S

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1143

    Nagulat si Fane nang marinig niya ito. "Saan?" sabi niya habang natataranta. "Tulungan mo kong punasan to, dali!" Hindi mapigilan ni Lana na mapangisi sa kanyang pagkataranta. Kumuha siya ng isang piraso ng basang tisyu. "Wag kang mag-alala," sabi niya. "May tisyu ako rito. Pupunasan ko to para sa'yo!" Habang nagsalita siya, nilagyan niya ang basang tisyu sa mukha ni Fane at maingat na pinunasan ang mantsa ng lipstick. Napakalapit nilang dalawa. Sobrang lakas ng tibok ng puso ni Lana habang ilang pulgada lang ang layo niya sa gwapong mukha ni Fane. Pagkatapos ng ilang sandali ay umatras siya, bahagyang namumula ang kanyang pisngi. "Ta—tapos na!" "Salamat!" Tumango si Fane. "Oras na. Tara na. Kailangan na nating bumalik. Ang bilis nating nagawa ang lahat at nakuha na natin ang mga herb na kailangan natin. Makakahanap na tayo ng naaayon na gamot para sa tatay ko." "Sige. Tara na!" Binato ni Lana ang basang tisyu sa isang malapit na basurahan. Mabilis na sumakay ng eroplan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1144

    Mabagal na tumango si Lily. "Pagkakamali ko to. Masyado akong naging laban sa kanya simula noong dumating siya sa Woods family. Pinagsususpetsahan niya siguro na ako ang nag-utos sa mga miyembro ng Woods family na patayin siya. Iyon ang dahilan kung bakit alerto siya. Hindi magiging madali na patayin siya ngayon!" "Tama. Hindi niya sana iisipin na ikaw ang nagpadala ng mga taong iyon sa kanya sa umpisa. Ngunit sa sandaling dumating siya rito, ikaw ang ayaw na ayaw sa kanya, kaya syempre, pagsuspetsahan ka niya. First Madam, kung pinakita mo na tatanggapin mo siya mula sa umpisa at naging mas mabait ka sa kanya, hindi ka niya pagsuspetsahan." Huminto sandali si Dean bago nagpatuloy, "Sa ganitong paraan, mas magiging madali na kumilos laban sa kanya dahil hindi siya nag-iingat sa'yo." Natauhan si Lily sa kanyang pagtanto, ngunit alam niya na huli na ang lahat. "Ah, wala na akong magagawa rito ngayon. Alam mo kung gaano kaigsi ang pisi ko. Hindi ko alam kung buhay pa o patay na si

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1145

    Nagliyab si Lily sa galit sa kabilang linya. "Anong mangyayari kung pumalpak kayo? Paano kung makatakas si Fane?" Sigaw niya. Kaagad na pinanatag ni Dean si Lily, "Wag kang mag-alala. Kung pumalpak kami at makatakas ang batang yun, hindi kami kukuha ng kahit na isang spirited grass! Pero kung magtagumpay kami, dapat bibigyan mo kami ng tig-tatlong spirited grass, ayos ba yun?" "Imposible! Masyadong marami yun. Ang maibibigay ko lang ay dalawa bawat tao!" Pagkatapos itong pag-isipan ni Lily, pakiramdam niya ay masyado pa ring marami ang tig-tatlong spirited grass. At saka siya ang First Madam, dapat siyang nirerespeto. Masyadong ganid si Dean ngayon. Binigyan na siya ni Lily ng spirited grass noon at hindi niya inasahan na sa halip ay manghihingi si Dean ng tatlong first-grade premium spirited grass sa pagkakataong ito. "Oh, ganun ba? Kung ganun, First Madam, pasensya ka na at hindi kita mapapaglingkuran ngayon." Malamig na ngumisi si Dean at nagpatuloy, "Bumalik kami ni

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1146

    ”Hahaha! Tama ka Yolanda! Tara na!” Lumipad si Dean sa langit kasama ni Yolanda. Habang nakatingin sa magandang katawan ni Yolanda mula sa likod, hindi mapigilan ni Dean na mapalunok nang matindi. Nakakaakit ang katawan gn babaeng ito—malaking dibdib, manipis na baywang, at malaking pwet. Nang lumipad siya sa ere, ang itim na buhok ay hinangin nang ayon sa direksyon anng hangin, nakakahumaling! Kahit hindi siya kasing ganda ng asawa ni Fane at ng kaibigan nito, sa mga taong kilala niya, ang katawan at mukha nito ang isa sa pinaka maganda. “Mahal kong Yolanda, magiging akin ka din balang-araw! Tapos matutulog ako kasama ka at susunod ka sa akin! Magiging masunuring babae ka sa tabi ko!” Habang nakatingin sa likod ni Yolanda, naisip ito ni Dean habang nakangiti ng mag-isa. Dahil hindi sila huminto, nakarating sila sa taas ng mataas na bundok na ilang milya lamang ang layo sa tahanan ng Woods family nitong hapon. “Yolanda, napansin kong bihira magsalita ano? Hindi ka

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status