Nagulat si Wilton sa pagiging walang-takot ni Shirley. Gunit pagkatapos ng saglit na katahimikan, tumawa nang malakas si WIlton. “Hahaha! Anong kalokohan ‘yan Shirley? Sinasabi mo bang hindi tumakbo ang sinasabi mong boyfriend mo at matapang siyang magpunta dito para pigilan ang kasal?” Natawa rin ang mga tao sa sinabi ni Shirley. Ng Norton family ay isang second-class aristocratic family. Gaano kalakas ba dapat ang isang tao kung gusto niyang pigilan ang kasal? Bukod pa riyan, mayroon silang kasamang isang seven-star King of War at maganda ang ugnayan niya sa Norton family. “Haha…! Hayaan mo silang magpunta. Kapag may naglakas-loob na pigilan ang kasal, hayaan mo sila!” Tumawa nang malakas ang seven-star King of War nang marinig niya ito. “Huwag na natin pag-usapan ang mga master ng Norton family. Wala namang manggugulo ngayong nandito ako diba?” “Haha… Makakaasa ka sa sinabi ni Elder Lafoy!” Tumawa nang malakas si Todd nang marinig niya ito. Ngunit sa sandaling iyon… “Tal
Nakakatakot tingnan ang mga master ng Norton family nang paligiran nila sila Fane. “Mukhang gustong mamatay ng mga Norton—wala tayong magagawa diyan. Hindi ko inakalang madadawit ako sa isang malaking laban bago ako umalis ng Soul City! Ngumiti nang walang-bahala si Fane nang harapin niya nang walang-takot ang mga umaatake. Bang! Slam! Pow!Habang umaatake ang mga kalaban, kaagad na kumilos sila Fane. Sobrang bilis nila at hindi nakita ng marami ang nangyayari. Tumalsik ang mga master ng Norton family mula sa atake. Tumalsik sila palikod na parang mga saranggolang nasiraan ng tali. Namatay sila sa isang iglap nang bumagsak sila sa sahig. “A—Ano?! Talagang…” Namutla ang mukha ni Wilton nang makita niya ang kinalabasan. Nagdilim ang mukha niya dahil hindi niya alam na ganito kahina ang mga master ng Norton family. “Atake! Kayong lahat, umatake kayo!” Utos ni Todd habang nagugulat. “Norton family bodyguards, atake! Sobrang dami natin, at bibigyan ko ng isandaang milyong dolyar
”Ano?!” Nagulat din ang King of War nang walang tinamaan ang suntok niya. Tapos nakaramdam siya ng malamig na hangin na umiihip sa likuran niya at nakaramdam siya ng takot. “Di maganda ito!” Handa nang tumalikod at tumakbo si King of War Lafoy nang maramdaman niyang may kakaiba. Sa kasamaang-palad, tumama ang isang malakas na suntok sa likod niya. Thomp!Nang may malakas na kalabog, namatay ang isang seven-star King of War. “Paano nangyari ‘yan? Napatay din si King of War Lafoy!” Namutla sa takot ang mukha ni Wilton. Si Todd na nasa tabi niya ay natakot din. Para sa kanya, dapat madaling bagay lang para sa King of War na patayin sila Fane. Ngunit pinatunayan ng nangyari sa harapan niya na nagkakamali siya. “Honey, talagang magaling ang lalaking nagngangalang Fane na ito!” Si Alba na nakatayo sa tabi ay napanganga at wala siyang masabi. Hindi niya alam na magpapakita ang lalaking sinasabi ng anak niya. Bukod pa riyan, sobrang tapang din nito at sobrang lakas. “Oo, sobran
Parehong bumagsak sila Todd at Wilton sa lapag pagkatapos nilang marinig ang sinabi ni Fae. Ang kanilang mga mukha ay kaagad namutla sa sobrang takot. Unti unti silang nilapitan ni Fane kaya tumulo ang malamig na pawis sa kanilang mga noo. Ang awra ng kamatayan ay dumagan sa kanila kaya sila nahirapan huminga. “Bastardo, lumabas ka jan at tanggapin mo na ang kapalaran mo!” Sa sandaling iyon, isang malakas na sigaw ang maririnig sa may bukana. Ang boses ay parang isang malakas na dambana at dahan dahan itong pumasok sa kanilang mga tenga. “Sinong mag-aakala na meron palang mga semi-god masters sa Soul City!” Nararamdaman ni Fane na isa talaga itong master na nasa semi-god level sa pakikinig lamang sa boses nito. Tanging isang master lamang na nasa semi-god level ang makakagawa ng bagay na ito. Ngunit, ang isang semi-god level ay balewala sa mga ni Fane, na nasa beginning stage na ng real god level. “Ang…ang clan master ng Green Dragon Clan. O Diyos ko, nakalaban ni Fane ang m
Sa mga sandaling iyon, tumayo din si Wilton at mayabang na ngumiti. “Hay naku Fane… Sigurado ako na walang kang ideya na si outai Tiger, na pinatay mo, ay miyembro ng Green Dragon Clan? May lakas ka ng loob na hindi lisanin ang lugar na ito? Ang lakas talaga ng loob mo! Haha… Hindi na mahalaga kung mamatay ako ngayon sa iyong mga kamay. Lalo na, sigurado naman na mamamatay kayo kasama ko! Hay, ang mga diyos siguro ay pinapatnubayan ang Norton family dahil sa pinaalam nila sa akin bago ako mamatay na mamamatay din kayo ngayon!” “Haha… Nanginginig ka kanina sa may lapag na parang isang daga na may nakabanggang pusa! Sinong nakakaalam na magyayabang ka uli pagkalipas ng ilang oras?” Nagsimulang tumawa si Fane ng malakas sa mga sandaling iyon. “Huwag kang mag-alala, hindi naman kita kailangan unahin na patayin. Papatayin ko muna ang ang mga tao na mula sa Green Dragon Clan bago ako bumalik para patayin ka. Ipapaintindi ko sayo kung bakit ka mamamatay at kung sino ang mga tao na hindi
”Kaya naman pala…kaya naman pala ang bilis mong lumapit!” Ngumiti si Fane at humakbang paharap. “Sige, kung ganun. Bibigyan ko kayo ng pagkakataon at maglaban tayong dalawa!” Si Lana, na katabi niya, ay nagsalita. “Wala ka ring hiya. Binili namin ang bagay na iyon sa may subastahan. Ag apo mo ay ayaw kaming paalisin dahil sa nabigo siyang mapanalunan ang bid kaya binalak niya na kunin samin ito ng sapilitan. Totoo nga na hindi rin isang mabuting tao ang kanyang lolo!” Si Ethan, sa kabilang banda, ay sinabi. “Itong mga taong ito ay galing sa isang clan, paano sila magiging mabuting tao? Mabuti pang patayin na natin ang grupong ito ng mga walang silbing bastardo bilang tulong sa Soul City na linisin ang basura at gawing maayos ang pamumuhay ng lahat ng tao dito sa Soul City!” “Mga walang hiya!” Namula sa galit ang mukha ng ng matandang lalake. Direkta siyang tumalon sa itaas at inatake si Fane gamit ang kanyang espada. “Humanda ka!” Isang napakatalas na sword aura ang bumulusok
Biglang lumipad pataas ang lahat ng mga fighter at naghandang patayin si Fane at ang iba pa. Isang ngiti ang namutawi sa mukha ni Fane habang piapaood niya ang itim na bilog sa taas. Inipon niya ang kanyang Chi sa kanyang espada. Buzz!Kasama ng chi, ang espada na hawak ni Fane ay naglabas ng isang mahinang tunog at nanginig. Isang kulay itim na air blades ang bumulusok paitaas. “Itim na air blades? At may chi ang mga ito!” Naglaho ang lahat ng kulay mula sa mukha ng Green Dragon Clan master nung nakita niya ito. Mukhang gagamitin ni Fane ang kanyang chi para umatake ng direkta. Isa itong skill na lagpas na sa kahit na anong blade technique. Tanging ang mga fighter lamang na nasa true god level status ang kayang gumawa ng atake na ganito. “Blade wave!”Tinignan ni Fane ang mga lalakeng nakaitim na mula sa Green Dragon Clan, na nagsipagtalon sa ere. Binato niya ang kanyang papunta sa mga ito. Sa isang iglap, isang itim na enerhiya ang bumulusok papunta sa kanila sa isa
”Supreme Warrior? God of War?” May isang tao na nagkataon na nakatayo malapit sa bukana ang napahinga ng malalim pagkatapos nilang marinig ito. “Kaya naman pala naramdaman ko na parang may kakaiba sa kanilang mga aura! Hindi ko inakala na siya pala nag Supreme Warrior!” Sigaw ng isa sa mga taon na nandoon. “Sis, narinig ko na may nagsabi na sila ay ang Supreme Warrior at ang Gods of War! Si Fane marahil ang Supreme Warrior dahil ang lakas niya. Diyos ko. Idolo ko ang Supreme Warrior!” Kaagad na lumapit si Hendrix sa tabi ni Shirley pagkatapos niyang mariig ito. Sa sobrang kasabikan niya ay lundag siya ng lundag. “Ang galing niya. Gusto ko siyang pakasalan!” Napatulala si Shirley habang pinapanood ang anino ni Fane. Subalit, alam niya na isa lamang siyang pangkaraniwang babae. Hindi siya bagay para sa Supreme Warrior. Siya ang lalake na hinahangad ng maraming babae. “Ang batang iyon ay ang Supreme Warrior…” Nanginginig ang boses ni Xavien. Nagtataka siya kung nag
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin