Share

Kabanata 1105

Author: Moneto
Bumuntong hininga si Yolanda, ngunit wala siyang magawa kundi tumango at sundin si Lily.

Gayunpaman, hindi niya inasahan na ngingitian ng kasama niya ang First Madam, "Hindi ba dapat bigyan mo kami ng spirited grass, First Madam? Hindi naman pwedeng gagawin namin ang pinag-uutos mo ng wala kaming makukuha. Kapag naabot namin ang intermediate stage ng true god level, mas madali naming magagawa ang pinag-uutos mo!"

"Napakagaling mo talagang mang-uto!"

Umirap si Lily at naglabas siya ng dalawang tangkay ng first-grade premium spirit grass. "Bibigyan ko kayo ng isang tangkay bawat isa," ang sabi ni Lily. "Puntahan niyo ako dito kapag tapos na kayo at dadagdagan ko pa ang ibibigay ko sa inyo!"

"Salamat, First Madam!"

Agad na sumaludo ang dalawa pagkatapos nilang kunin ang spirit grass.

Di nagtagal, umalis na ang dalawa sa pamamahay ni Lily.

"Totoo ngang mahusay ang talento ni Fane, Yolanda, at sayang talaga kapag namatay siya!"

Nang makalayo sila sa bahay ni Lily, kinausap n
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App

Kaugnay na kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1106

    Pagkatapos niyang marinig ang lahat ng iyon, nanggigil ng husto si Lily.Pagkatapos ay kinaway niya ang mga kamay pagkalipas ng mga ilang sandali. “Sige. Nauunawaan ko. Bumalik na kayo sa mga pwesto niyo!” “Masusunod, First Madam!” Ginawa ng mga binata ang fist-to-palm salute bago umalis at bumaba ng bundok. “Ano nang gagawin natin, First Madam? Nakaalis na siya kagabi pa lang. Hindi na natin siya mapapatay ngayon!” Mapait na napangiti ang isang binata na mula sa Lagorio family. “Hindi na natin pwedeng ibalik ang spirit grass na binigay mo sa amin kahapon,” paalala niya. “Downpayment mo na yun!”Natuwa din pati si Yolanda. Mukhang hindi madudungisan sa ngayon ang kanyang mga kamay. Lalo na, maayos naman silang trinato ni Nash. Kaya nag-aalangan siyang patayin ang anak nito. Pero hindi niya inakala na biglang ngingiti ng masama si Lily. “Bakit nagmamadali ang bata na iyon na umalis, na umalis pa siya ng mas maaga ng isang araw?” Sabi nito. “Marahil ay natatakot siya na ma

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1107

    Hindi mapigilan ni Lana na tanungin si Fane pagkatapos maisip ang tungkol dito. Bago pa man makasagot si Fane, nagsalita si Ethan, “Kung tama ang hula ko, gustong kumain at magpahinga dito ni Master. Pagkatapos, bibili tayo ng ticket papuntang Soul City, tama ba?” Tumango si Fane. “Bibili tayo ng ticket bukas pagkatapos natin na magpahinga dito. Isang probinsya na mayaman sa likas na yaman ang Soul City, at maraming pambihirang halaman doon. Marahil ay makakahanap tayo ng mga materyales na kakailanganin ko!” “Sige. Nagmamadali tayo kagabi, kaya nakakapagod na nga. Mas mainam kung umalis tayo bukas!” Tumango si Ethan at ngumiti. Habang pinagmamasdan ni Lana ang magulong syudad, na may masikip na mga kalsada at malakas na ingay, hindi niya mapigilan na sabihin, “Ngayon nauunawaan ko na kung bakit ayaw ng mga reclusive family na katulad ng Woods family ang mundo sa labas. Lalo na, ang mga bundok ay may mataas na konsentrasyon ng Chi. Samantala, bukod sa kakaunti lang ang Chi sa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1108

    Tinitigan lang ni Fane ang mayabang na babae na nasa kanyang harapan; wala siyang masabi. Siya naman ang nagsimula nito nung pabiro niya silang tinawag na mga uncle, kaya tinawag niya siyang ‘aunty’. Lingid sa kaalaman ng lahat, isa siyang sensitibong babae; nung narinig niya ang salitang ‘aunty’, kaagad niyang winasiwas ang kanyang binti. Nakasuot ng mataas na takong ang babae at matalas ito. Kapag tinamaan si Fane ng matalas na takong na ito, siya ay… Noong malapit ng tumama sa kanya ang takong, bahagyang yumuko si Fane at hinawakan ang paa ng babae gamit ng isang kamay, at dahan dahan itong hinila papunta sa kanya. “Ah!” Ang magandang babae ay nabigong i-balanse ang kanyang sarili at tumumba papunta kay Fane. Napihit naman ang kabila niyang paa, at nabali ang takong ng kanyang stiletto. “Bitawan mo ako, bastardo!” Dahan dahan na bumagsak ang babae sa bisig ni Fane; namula ang kanyang mga pisngi. Minura niya si Fane habang nakakaramdam siya ng init sa kanyang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1109

    Nanggagalaiti si Shirley sa sobrang inis, pero nung napansin niya na papalapit na sa kanila ang mayaman na binata, kaagad niyang binago ang kanyang ugali. "Imposible yun. Ako, si Shirley Lancaster, ay walang pinagsisisihan na kahit na ano. May lakas ka ba ng loob na sabihin sa akin ang pangalan mo?" Tugon ni Shirley ng may mapagkunwaring ngiti. “Fane Woods!” Malamig na ngumiti si Fane at dinagdag niya, "Fane Woods ang pangalan ko at ipinagmamalaki ko ito. Bakit ako matatakot na sabihin sayo ang pangalan ko!" "Mabuti kung ganun!" Bahagyang ngumiti ang magandang babae, at pagkatapos niyang mapansin na nakatayo na sa kanilang harapan ang mayaman na binata, binati niya ito, "Kamusta, Young Master Norton, ang tagal din nating hindi nagkita! Anong ginagawa mo dito? May susunduin ka ba?" Nung nakita ni Young Master Norton ang lambingan ng dalawa, nanginig ang mga kanto ng kanyang mga labi. Ng may malungkot at madilim na mukha, tumingin siya kay Shirley at sinabi, "Shirley Lan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1110

    Kaagad na naging poker-faced si Fane nang marinig niya ang mga sinabi ni Wilton. Anong kalokohan to? Mahaba pa ang biyahe niya at kakalapag lang niya sa Soul City. Hindi niya inaasahan na madadamay siya sa ganitong drama. Nung una, akala niya ay natulungan niya ang nakakaawang babae na ito nung nagpanggap siya bilang boyfriend nito para pasamain ang loob ng binatang mayaman ng sa gayon ay umalis na ito. Hindi niya inaasahan na ang young master na ito ay talagang hihilingin na maghalikan sila sa kanyang harapan, sa publiko, o kung hindi ay hindi maniniwala ang young master na to. Pero kung iisipin ng mabuti, hindi pa nagkaroon ng boyfriend si Shirley, at bigla niyang sinabi na meron siyang boyfriend? Talagang hindi ito kapani-paniwala kahita para kay Fane. Namula ang mukha ni Shirley at nagsalubong ang kanyang kilay. Nasa isa siyang alanganin na sitwasyon ngayon. Ngunit, hinawakan ni Fane ang kanyang binti at binalot niya ang kanyang malakas na braso sa bewang nito, kapa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1111

    "Mali ka. Hindi ko mabait o mapagbigay. Ikaw ang fiancée ko at may nangyari sa inyo ng basurang to! Kung hindi ko siya bubugbugin hanggang mamatay ngayon, hindi ako si Wilton Norton!" Bumaha ang galit sa mga ugat ni Wilton at napuno ng poot ang kanyang mga mata. "Shirley Lancaster, masyado akong naging mabait sa'yo noon at ginamit mo lang ang kabaitan ko! Ang lakas ng loob mong sumama sa ibang lalaki, napakapabaya mo! Hindi ako natatakot sa Lancaster family! Wag mong kalimutan, isang third-class family lang ang Lancaster family dito, at ang Norton family ay second-class! Walang magagawa ang third-class sa isang second-class!" Sigaw ni Wilton habang mabangis niyang tinignan si Shirley. "Pa… Pasensya ka na, Fane. Hindi ko inasahan na ganito ang mangyayari…" Bakas ang takot sa mukha ni Shirley nang marinig niya ang mga sinabi ni Wilton. Nagsimula siyang mag-isip kung sasabihin niya ba ang totoo sa kanya. Kahit na ganoon, tumawa si Fane at pinagaan ang loob niya nang malumanay.

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1112

    "Bata, hahayaan kitang manalo ngayon!" Umuusok sa galit si Wilton sa loob niya, pero wala siyang magawa. Hindi niya naisip na siya, isang young master ng isang second-class family, ay walang magawa sa kasalukuyang sitwasyon—ang fiancée niya ay may kasamang ibang lalaki at hindi man lang niya maturuan ng leksyon ang lalaking iyon. Ang malala pa roon, binantaan pa siya nito! Nang mahigpit na nakatikom ang kanyang panga at kamao, dinala niya ang mga tao niya at umalis. Alam niya na kapag nagpatuloy siyang manatili rito, magdadala lang ito ng mas maraming problema. “Phew!” Pagkatapos umalis ng kabilang partido, nawala na ang bigat sa puso ni Shirley. Nakahinga siya nang maluwag at nagsabing, "Siguro hindi na niya ako guguluhin! Maraming salamat!" Inalis ni na Fane ang braso niya sa baywang ni Shirley. Ngumiti siya sa babae at bumulong, "Ms. Lancaster, ginawan kita ng malaking pabor ngayon. Pero sa ekspresyon ni Wilton ngayon lang, sa tingin ko magtatanim siya ng galit sa'kin.

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 1113

    Wala ring masabi si Fane. Mapait siyang tumawa para sirain ang pagkailang sa ere. "Binibini, iniisip mo ba talaga na gusto kong bayaran mo ko gamit ng katawan mo? Kahit na maganda ka gaya ng sabi ko, hindi ako interesado sa'yo, kaya wag mong pagmukhaing tanga ang sarili mo!" "Anong pagmukhaing tanga ang sarili ko?! Managinip ka na lang! Sobra akong naiilang noong nilagay mo ang braso mo sa baywang ko kanina!" Kumulo ang galit sa loob ni Shirley habang nagsalita siya. Maituturing siyang isa sa pinakamagagandang babae sa Soul City at maraming lalaki ang nahuhumaling sa kanya! Hindi niya talaga inaasahan na hindi interesado sa kanya ang lalaking ito, at ang malala pa roon, sinabi niya ito sa harapan niya nang dalawang beses! Para itong isang atake sa kanyang tiwala sa sarili! Pagkatapos niyang sabihin ang pangungusap na iyon, tinignan niya si Fane at inisip ang insidente kanina—ginalit ni Fane si Young Master Norton para tulungan siya. Kaya hininaan niya ang tono niya at nagsabin

Pinakabagong kabanata

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2505

    Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2504

    Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2503

    Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2502

    Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2501

    Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2500

    Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2499

    Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2498

    Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,

  • Numero Unong Mandirigma   Kabanata 2497

    Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status