Ang Fourth Elder, na nakasuot ng pulang bistida, ay isang maganda babae na nasa apatnapung taong gulang. Kahit na sa ganitong edad, makinis at maaliwalas pa rin ang kanyang balat, at napakaganda niya! Ang mga katawan ng Chi practitioner ay pinapanatili ng chi at ang aura na nakapalibot sa kanila ay hindi pangkaraniwan. Higit pa roon, mas mabagal silang tumanda kumpara sa ordinaryong tao. Iyon ang dahilan kung bakit ang isang babaeng kagaya nito ay kaagad na nakakapanghalina ng maraming kalalakihan mula sa lugar ng mga mortal kapag nakita nila siya. Tumalon siya at lumipad papunta sa entablado sa gitna. "Ako si Wendy, ang Fourth Elder," anunsyo niya sa lahat. "Huli akong sumali sa Woods family, at hindi ako miyembro ng Woods o ng Lagorio family. Kaya sa tingin ko nararapat lang na ako ang mag-host ng paligsahan na to!" Marami sa mga elder ang hindi mapigilang ngumiti nang marinig nila ito. Totoo na kung iba ang napiling host, malamang ay magpapaligoy-ligoy sila buong araw. Kahi
Ang ilang taong magkakilala ay magkakasama, naghahanda silang bantayan ang isa't-isa. "Magandang pagkakataon ito. Unahin natin ang adopted son-in-law na yun. Hah. Malalaman niya ang kalupitan ng mundo kapag natanggal siya sa first round!" Isa sa mga kalahok mula sa Woods family ang tumingin kay Fane muka sa malayo, isang bakas ng ngiti ang nasa kanyang mga labi. Isa siyang ninth-grade grandmaster. Isa siyang top fighter sa mga nakababatang henerasyon ng Woods family. Lalo na't maituturing siyang isang eight o nine-star King of War sa labas sa kanyang galing sa pakikipaglaban. Pagsalita niya, naglakad siya papunta kay Fane. Ngunit, huminto siya sa gitna ng kanyang paglalakad, bakas ang gulat sa kanyang ekspresyon. Ang dalawang magagandang babae ng Woods family, sina Beth at Yule, ay naglalakad papunta kay Fane. "Imposible. Ang dalwang henyo na yun ay tutulong para talunin si Fane? Mukhang maraming tao na ang balak siyang patalsikin. Heh! Lapitin talaga siya ng gulo. Gust
Tinupi ni Beth ang kanyang mga braso pagkatapos niyang magsalita. Tumingin siya kay Yule nang may maliit na ngiti sa kanyang mukha. Hindi alam ni Yule kung tatawa siya o iiyak. Kumibit-balikat siya. "Hindi ko alam na pareho tayo ng maiisip, Beth," sabi niya. Huminto siya rito at tinignan si Fane bago nagpatuloy, "Wala akong magagawa. Kuya ko ang lalaking to, sa kasamaang palad. Nakakahiya kapag natalo siya at maging katatawanan ng lahat. At saka, sinabihan ako ng nanay ko na alagaan siya. Kailangan kong mag-isip ng paraan para pigilan siyang matalo sa first round. Kung hindi ay mapapahiya kami!" Hindi alam ni Fane kung tatawa siya o iiyak nang marinig niya ang pag-uusap nilang dalawa. Kahit na ganoon, napuno siya ng mainit na pakiramdam; ang dalawang dalagang ito ay sinusubukang bantayan siya. Bang bang bang!Sa isang iglap, higit sa tatlompung tao ang naitulak palabas ng entablado. "Kakaiba. Bakit hindi kumikilos ang dalawang yun?" May nakapansin na mayroong mali. Hindi n
Sinubukan ring kumbinsihin ni Beth si Fane. Silang dalawa ay mga manlalaban na nakarating na sa true god status. Ang mga pangkaraniwang kalahok ay hindi magtatangkang gumawa ng gulo sa kahit na sino sa kanila dalawa. Lalo na't hindi marami ang mga manlalaban na kagaya nila sa nakababatang henerasyon. "Hah. Matapang ka!" Hindi rin inasahan ni Lionel na mahuhulog dito si Fane. Tinaas niya ang kanyang hinlalaki. "Wag kang mag-alala, rerespetuhin ka pa rin kahit matalo ka sa'kin. Kahit papaano, hindi ka isang talunan na nagtatago sa likod ng mga babae!""Heh. Wala akong karapatang mahawakan ang Cryo Pearl kung hindi kita matatalo.” Hindi inasahan ng lahat na magsasalita si Fane nang may hindi nagpapatalong tono at may maliit na ngiti. "Oh. Gusto mo ang kayamanan? Gusto mo palang maging kampeon!" Ngumiti si Lionel; tumindi ang kanyang titig. "Puro ka lang tahol pero wala ka namang binatbat!" "Tigilan mo na yan. Isandaang tao lang ang matitira sa entabladong to mamaya kahit
”Imposible, talagang napatalsik ng mokong na yun si Lionel sa isang suntok lang, at isa siyang eight-grade grandmaster. Ibig-sabihin nito na ang mokong na ito ay hindi bababa sa isang ninth-grade grandmaster!”Maraming mga manlalahok ang nanonood din dito. Lahat sila ay natulala nang makita nila ang pangyayari. Hindi nila inakalang ganito pala kalakas ang taong ito. “Hindi siya kasinghina ng inaakala natin!” Nakita rin ito ni Hudson at mukhang medyo nanlumo siya. Tinikom niya ang kanyang kamao at naglakad patungo kay Fane. “Mukhang kailangan ako mismo ang tumapos sa’yo!”Bumaha ng kasamaan sa ugat ni Hudson. Hindi niya balak na alisin lang si Fane, sa halip ay gusto niyang patayin ito. Sinabi ito sa kanya ni Lily nang pribado. Sasabihin niya na aksidente niyang napatay si Fane, at gagawin ni Lily ang makakaya nito para protektahan siya. Bukod pa rito, makakakuha din siya ng maraming premyo pagkatapos. “Talaga? Tingnan natin kung may kakayahan ka para pangatawanan ang mga sa
Makalipas ang isang sandali, dinagdag ni Wendy, “Ang mga manlalahok na nakabunot ng oen hanggang ten, pakiusap pumunta kayo sa kanya-kanyang entablado niyo. Halimbawa, ang nakabunot ng one ay pupunta sa stage number 1. Pagkatapos maglaban ng sampung pars, tatawagin ko ang mga nakabunot ng hanggang twenty!”Pagkatapos niyang pag-isipan ito, sinabi niya, “Simple lang ang tuntunin para sa round na ito. Hindi mo pwedeng patayin ang kalaban mo, at mananalo ka kapag napalabas mo ng stage ang kalaban mo. Syempre, panalo ka na kaagad kapag sumuko ang kalaban mo!”Pagkatapos ianunsyo ni Wendy ang patakaran para sa round na ito, ang mga manlalahok na nakakuha ng numerong isa hanggang sampu ay lumipad patungo sa kanilang mga entablado. Malinaw na ang mga manlalahok na mananalo sa second round ang magiging nangungunang 50 manlalahok, at siguradong may premyo na sila. “Hah. Maswerte ka na ako ang nakabangga mo!” Sa isa sa mga entablado, isang seventh-grade grandmaster ang natapat sa isang f
Sa sandaling matapos sa pagsasalita si Fane, ang Fourth Elder—si Wendy Wind—ay nakabalik na muli sa entablado ng paligsahan. Ngumiti siya nang maamo at sinabi, “Magaling. Imbitahan na nating umakyat ng entablado ang mga manlalahok na may numerong 21 hanggang 30!” “Hehe! Brother Fane, oras na para umakyat ako!” Tumawa si Yule nang masigla at naglakad patungo sa entablado. Bumwelo siya gamit ng kanyang kanang paa, tumalon sa ere at dumapo sa entablado. Ang lahat ng ito ay nangyari sa loob lamang ng ilang segundo. Tinitigan ni Fane si Yule na nasa entablado na, tapos tumingin siya sa maliit na piraso ng papel sa kanyang kamay. Nagulat siya nang sobra sa numerong nakasulat sa papel. “Di maaari! Bakit siya? Ano nang gagawin ko?” Hindi alam ni Fane kung iiyak ba siya o tatawa. Akalain ba niyang si Yule ang makakalaban niya? Grabeng pagkakataon! Shoo! Swoosh! Whoosh! Ang ibang manlalahok ay tumalon patungo sa entablado ng paligsahan, at ilan sa kanila ay lumipad patungo
Galit na suminghal si Lily. “Hindi iko inasahang gagawin mo ito sa second round. Siguro gumamit ka ng maduming taktika para markahan ang mga baraha habang nagbubunutan ng baraha para makatapat ng mahal mong anak na lalaki ang anak mong babae sa round na ito! Mas simple ang susunod na hakbang, kailangan mo lang pakiusapan ang anak mong babae na magpatalo kay Fane para makapasok sa susunod na round si Fane, tama ba ang hula ko? Tapos kalaunan makakapasok na siya sa top 50 diba?” “Ako…” Kaagad na umapaw ang galit sa dibdib niya nang marinig ni Nash ang binibintang ni Lily. Hindi niya inakalang ganito ang tingin sa kanya ni lily. Umubo siya nang malakas tapos nagawa lang niyang magbanggit ng ilang salita. “Di ko ginawa yun!” “Hmph! Di mo ginawa? Kung di mo plinano yun, paanong nagkaroon ng ganitong pagkakataon? Gayunpaman, gusto ko pa rin makita kung ano pang tinatago mong alas! Paano mo gagawing kampeon ng paligsahang ito ang anak mo!” Masungit na suminghal si Lily at lalong su
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin