Sumabat na rin si Titus, “Tama siya. Matagal na panahon na rin. Pinagpipilitan niya na kailangan niyang makita ang katawan, kahit paano. Heh. Kung talagang patay na siya, imposible na mahanap pa ang katawan niya. Malamang ay kinain na iyon ng mga mababangis na hayop!” Sa mga sandaling iyon, lumapit si Selena. “Kung sinabi ni Fane na nilason ang aking father-in-law, nalason nga siya. Hindi ko alam kung ang mga pamilyang nakatago ay alam ang bagay na ito, pero si Ethan Hayes ay kilala bilang isang ‘miracle doctor’ sa mundo ng mga mortal, at si Fane ang kanyang master. Ito, sigurado ako, ay sapat na para patunayan na si Fane ay napakagaling sa larangan ng medisina!”“Talaga? Magaling kung ganun! Dahil sa natukoy ni Fane na nalason siya, malamang ay alam niya kung paano ito pagalingin. Lalo na, madali na lang natin masosolusyunan ang problema lalo na’t alam na natin kung ano ito!” Kuminam ang mga mata ng First Elder nung narinig niya ito. Seryoso nga lang ang itsura ni Nash. “Tinaw
“Hah. Ngayon ay nahihiya na ako dahil sa ako lang ang hindi pa nakakapagbigay ng kahit na ano!”Tumawa ang First elder at pintik din ang kanyang palad, at naglabas ng mga martial arts scroll at ibinigay ito kay Selena. “Ang mga technique na ito ay nababagay sa mga lalake. Ibigay mo ito sa iyong kapatid! Tanawin mo na lang ito bilang kabutihang loob.”“Hi-hindi ko tuloy alam kung paano kayo pasasalamatan lahat!”Kinuha ni Selena ang lahat at sobrang nahiya. Ang lahat ng mga regalong ito ay talagang mga kayamanan. Higit pa doon, siya at si Ben ay magagamit ito ng husto.“Hah. Madali lang naman kung gusto mo talaga kaming pasalamatan.” Ang First Elder ay tumawa at tumingin kay Fane. “Miss Selena, pakiusap tulungan mo kaming kumbinsihin si Fane na maging tagapagmana ng Woods family,” sabi niya. “Palagi ka niyang nasa tabi. Tulungan mo lang kaming kausapin siya at bigyang katwiran ang aming layunin!” Ngumti si Lizzie at sinabi, “Tama siya. Pakiusap tulungan mo kami na makumbinsi siy
Walang nasabi si Fane. Ngunit alam niya na ang Cryo Pearl ay ang kayamanan ng Woods family. Kahit na suportahan siya ng First Elder at ng iba pa na mula sa Woods family para hiramin ang kayamanan, malamang ay hindi ito uubra sa bandang huli.Lalo na, hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap kapag maraming tao ang hindi sumang-ayon sa kanyang motibo. Pero kapag siya ang naging tagapagmana sa loob lamang ng maiksing panahon, malamang ay may ilan na hindi matututawa sa bagay na ito. Napangiti si Titus nung naisip niya ang tungkol dito. “Bukod sa hindi ka tatanggapin nila Lily at ng iba pa, pati ang mga mas batang henerasyon at iba pang mga elder ng Woods family ay kakalabanin siya. Lalo na, nakuha ni Lance ang suporta ng mga batang henerasyon dahil a kanyang talento at kakayahan sa pakikipaglaban!” “Kung gayon ay wala na akong magagawa kung hindi ang kumbinsihin sila na suportahan ako!”Kinuyom ni Fane ang kanyang kamao. “Ako ang magiging tagapagmana ng Woods family p
“Mga disipulo mo? Talaga?” Nang marinig ito ni Nash, kuminam ang kanyang mga mata. Kung si Lana atag iba pa ay talagang mga disipulo ni Fane, at kung kaya nilang patayin ang Ninth Patronum, na nasa beginner stage na ng true god level, nangangahulugan lang ito na si Fane ay halos nasa intermediate stage na ng true god level. Kung ganun siya kalakas, ang kanyang talento sa pakikipaglaban ay malahalimaw. Matatapatan niya ang mga henyo ng Woods family, kahit na paano. “Hah. Sige kung ganun!” Sobrang nasabik ang First Elder. “Kung ganun naman pala, gagawin ko ang anunsyo bukas ng umaga. Pagkatapos ay isasagawa natin ang martial arts competition para sa mga batang henerasyon ng Woods family, at sinumang nasa edad trenta ay maaaring sumali! At ang tatanghaling kampyon ang magiging susunod na tagapagmana ng Woods family!” Pinga-isipan muna ito ng maigi ni Nash. “Bakit hindi natin idagda ito bilang papremyo? Hindi lang magiging tagapagmana ang kampyon, pero magkakaroon din siya ng a
Sa kabilang banda naman, si Titus, ay nanukso, “Haha! Alam mo naman. Mas matimbang ang dugo!” Subalit, muling nagsalubong ang kilay ni Titus. “Master Woods, masyado naman kayong nagtiwala kaagad kay Fane, hindi ba? Paano kung ang gamot na ibinigay niya sa inyo ay nakakalason? Paano niyo hindi muna sinuri ang gamot, at ininom niyo na lang ito kaagad!” Tanong ni Titus ng may pag-aalala. “Bukod doon, hiniling ni Young Master Fane na magkaroon ng isang kompetisyon, at pumayag ka naman kaagad ng hindi nagdadalawang isip! Paano pala kung ang kakayahan ni Young Master Fane sa pakikipaglaban ay hindi sapat para siya ang tanghaling kampyon sa paligsahan na iyon? At ang posisyon mo bilang pinuno ng pamilya ay mapunta sa ibang kamay?”Pinagpatuloy ni Titus na sabihin ang kanyang pangamba. Hindi kaagad sumagot si Nash at sa halip ay tinawanan lang nito ng malakas ang mga pangamba ni Titus. “Malaki ang utang ko kay Fane. At naniniwala ako na hindi niya ako sasaktan. Kahit na nakakalason ang
“Sige, sige! Tumigil ka na sa pagrereklamo. Paborito na rin kita!” Hindi na mapigilan pa ni Nash ang kanyang tawa habang nakatingin sa kanyang anak na babae na nasa kanyang harapan. “Ang aking munting Yule, lalo kang gumaganda! Siya nga pala, maituturing na isa ka sa mga batang henerasyon ng Woods family kaya pwede ka ring sumali sa kompetisyon!” “Hnph! Sigurado na yun! Ang lakas t kakayahan ko sa pakikipaglaban ay hindi mahina! Hindi mo ako masisisi kapag natalo ko si Brother Fane sa kompetisyon!” Sumimangot si Yule at sinabi ito ng pagalit. “Yule, kung anuman ang narinig mo ngayon, huwag mong sasabihin sa iba. Nauunawaan mo ba?” Pinaalalahanan ni Lizzie si Yule pagkatapos nitong maisip kung gaano kaseryoso ang bagay na ito. “Lalo na, kapag ang insidente tungkol sa pagkalason ng iyong ama ay totoo, nangangahulugan lang ito na ang taong lumason sa iyong ama ay isang taong malapit sa kanya! Hindi iyon maganda!” “Opo, Ina! Nauunawaan ko po. Hindi ko po sasabihin sa iba a
Ganun pa man, mababa ang tynasa ng Third Elder na makalapit sa kay Nash para lasunin ito, kaya mataas ang tyansa na ang taong lumason sa kanya ay si Lily Lagorio. “Master Woods, pakiusap at magpahinga ka na. Bukas ay iaanunsyo pa natin sa buong Woods family ang tungkol sa kompetisyon!” Hindi nagtagal at umalis na rin sila Master Nash at ang iba pa. At sa mga oras na ito, sa loob ng kwarto na kung saan nakatuloy si Lily, sa sobrang galit niya ay ramdam niya ang kanyang galit na dumadaloy sa kanyang mga ugat! Pumangit ang kanyang mukha. “Ugh! Nakakainis! Ang aming mga tauhan ay tatambangan dapat si Fane sa may paanan ng bundok ng mga ilang araw, at kung kailan naman kami sumuko sa paghihintay at inutusan sila na bumalik na sila sa kanilang misyon, ay saka naman dumating sila Fane at ang kanyang mga kasama! Inaksaya lang nila oras ko! Nakakainis!” Napuno ng galit ang kanyang dibdib na para bang isang baha kaya huminga siya ng malalim para pakalmahin ang kanyang sarili. “Na
Pagkatapos marinig ang mga salita ni Wade, si Lily, na hindi sigurado sa gagawin kanina, ay biglang sumigla ang mga mata. Malagim siyang ngumisi, "Tama ang sinabi mo! Habang lalo niyang gustong makuha ang isang bagay, mas lalong gusto ko siyang pigilan na makuha yon! Hmph! Gusto niya ang Cryo Pearls para pagalingin ang kaibigan niya? Managinip ka na lang! Hindi lang ako ang tututol sa ideyang yun, pati ang iba pang mga Woods ay hindi papayag! Para sa isang pulubi na kakabalik lang sa secular world, anong karapatan ang mayroon siya para makuha ang kayamanan ng Woods family?" "Tama! Si Fane ay isang adopted son-in-law ng Taylor family. Kapag lumabas ang balita na ang isang Woods ay adopted son-in-law, mapapahiya ang Woods family at masisira ang reputasyon namin!" Mabilis na nakaisip si Wade at sarkastikong ngumisi, "Ang totoo, magiging sandata natin ang balitang ito sa hinaharap. Siguro may pwede tayong gawin sa impormasyon na to para malaman ng lahat na ang batang to ay isang ka
Pagkatapos itong sabihin, pakiramdam ni Hansel bumibigat ang kanyang paghinga. Maaaring sugatan si Hansel, ngunit isa pa rin siyang spring solidifying realm expert. Isa siyang chosen disciple ng isang fifth-grade clan. Natural na may laman ang mga sinasabi niya. Marami nang nakitang spring solidifying realm expert si Hansel. Natural na matukoy niya ang lebel ni Fane ayon sa mga atakeng ginamit ni Fane. Pagkatapos marinig ang sinabi ni Hansel, naramdaman ni Rudy at Grayson na huminto ang paghinga nila. Si Fane ay isang spring solidifying realm expert? Hindi rin siya isang karaniwang early spring solidifying realm expert? Ganyan talaga siya kalakas? Hindi naman siya mukhang matanda. Nasa isa o dalawang taon lamang ang tanda nito sa kanila. Subalit, ang lakas niya ay higit na mas mataas sa kanila! Napatunayan nito kung gaano talaga kahusay si Fane sa martial arts! Huminga nang malalim si Fane, hindi alam ang kanyang sasabihin. Pakiramdam niya mas marami pa siyang naranasan nitong
Pagkatapos marinig ang isang pagputok, bumagsak sa sahig ang one-eyed frost wolf. Bumagsak ito sa mga damo. Bumaba si Fane mula sa himpapawid. Upang makasiguro, binunot niya ang espada sa katawan ng lobo bago ito saksakin ng ilang beses. Sa bawat taga, inatake talaga niya ang kahinaan ng one-eyed frost wolf. Pagkatapos ng dalawa o tatlong beses, hindi na makasigaw sa sakit ang lobo. Tumuwid ang binti nito at namatay! Masyadong mabilis ang pangyayari. Hindi man lang nakakibo ang tatlong nasa loob ng vessel bago mamatay ang one-eyed frost wolf na sobrang lakas para sa kanila. Isa itong spring solidifying realm beast. Para kay Rudy at Grayson, ang ganitong halimaw ay hindi nila kailanman matatalo sa buong buhay nila. Ngunit napatumba ito ni Fane sa isang iglap lamang! Kung hindi nila mismo nasaksihan kung gaano kalakas ang atake ng one-eyed frost wolf, maghihinala na sila kung talaga bang nasa spring solidifying realm ang one-eyed frost wolf. Masyado itong madali namatay! "T
Natulala ang tatlo sa mga ginawa ni Fane kanina. Nakita nilang hindi pa sila inaatake ng lobo, kaya pinigilan nila ang kanilang takot at hindi nila kaagad sinara ang pinto. Tumayo silang tatlo sa loob ng vessel habang nakatingin kay Fane na nakatayo sa harap ng lobo. Nagulat sila na makitang parang nanghahamon ang tono ng pakikipag-usap ni Fane sa lobo. Kumirot ang bibig ni Hansel, pakiramdam niya hindi niya na alam ang dapat niyang isipin, at sinabi, "Talagang hanga ako sa tibay ng loob ni Fane. Kung sasabog na ako, hindi na ako makakapagsalita nang ganito sa harap ng isang halimaw na kaya akong patayin anumang oras. Kahit na gusto kong mamatay, hindi ko magagawang maging ganito kakalmado!" Walang panghahamak sa mga sinasabi ni Hansel. Talagang hanga siya kay Fane. Ginagawa ni Fane ang bagay na hindi niya kailanman magagawa. Parang masyadong kalmado si Fane. Para bang hindi siya nakaharap sa isang spring solidifying realm beast, kundi sa isang innate stage beast. Huminga ang
Kaagad siyang bumuo ng ilang seal, at sa isang tunog, muking bumukas ang pinto. Sa sandaling iyon, hindi na maintindihan ng tatlo ang nangyayari. Para mapigilan si Hansel na manggulo, hawak ni Fane ang braso ni Hansel. Hindi makalapit si Hansel sa array. Pagkatapos ay umabante siya at tumayo sa harapan ng array, kaya hindi nila maisara ang pinto. Biglang nataranta nang sobra ang tatlo. Walang nag-akalang ganito na pala kabaliw si Fane, nagpupumilit na isabay sila sa pagkamatay nito. Naiiyak na si Rudy sa pagkabahala. Sumigaw siya, "Fane, nababaliw ka na! Kung gusto mong mamatay, mamatay ka na lang mag-isa mo. Bakit mo pa kami idadamay?!" Sumigaw siya habang sumusugod kay Fane. Nagkiskisan ang ngipin ni Grayson habang binabalak niyang sumugod kay Fane para isara ang pinto. Subalit, si Fane ay parang isang bakal na pader. Tumayo siya sa harapan ng array, hindi hinahayaan ang tatlo na isara ang pinto! Pagkatapos marinig ang ilang tunog, tuluyan nang bumukas ang pinto. Isang pa
Sinampal ng mga salitang ito sa mukha si Grayson. Biglang hindi na niya alam ang sasabihin niya. Hindi na muling tiningnan ni Fane si Grayson habang naglalakad siya patungo sa pinto ng vessel. Nabigla ang tatlo, hindi alam ang ginagawa ni Fane. Kumunot ang noo nila habang nakatitig kay Fane. Tanong ni Rudy, "Fane, anong binabalak mo?" Hindi sinagot ni Fane si Rudy. Sa halip, inilabas niya ang isang spirit crystal mula sa Mustard Seed nang kalmado bago ito ilapag sa array. Nang makita ito ng tatlo, nataranta silang lahat. Bigla nilang naintindihan ang binabalak ni Fane. Napatingin si Hansel at sumigaw, "Balak mo bang buksan ang pinto? Nababaliw ka na ba?!" Sumigaw nang mas malakas si Rudy, "Gusto mo bang mamatay? May problema ka ba sa utak?!" Walang mali sa pag-iisip ni Fane. Talagang gusto niyang buksan ang pinto. Nagpakahirap si Hansel na bumangon habang tinitiis niya ang mga sugat sa kanyang katawan at hinablot ang braso ni Fane. Nagpatuloy siya, "Bakit mo binubuksan
Ginamit ni Grayson ang kanyang true energy para atakihin ang lamig sa kanyang katawan habang siya ay nanginginig. Hindi niya alam ang kanyang sasabihin. Sa sandaling iyon, takot na takot siya. Kinagat ni Hansel ang kanyang labi sa inis, "Bahala na… mga alchemist naman kayo. Kulang kayo sa karanasan sa pakikipaglaban. Hindi niyo alam kung kailan darating ang panganib." Kumunot ang noo ni Grayson nang marinig niya ito habang nagmamatigas na sinasabi, "Mga alchemist nga kami, pero mga fighter din kami. Lumaban naman na kami dati. "Hindi ko lang alam na maghihintay pala nang ganito ang lobo. Hindi ko inasahang magtatago ito at biglang aatake nang ganito…" Pinilit ni Hansel na umupo nang diretso at sumagot, "Ang one-eyed frost wolf ay sobrang matindi maghintay. Ang sinumang makakuha ng pansin nito ay mahihirapang makatakas. Hindi pa ba 'yan naipaliwanag sa'yo? Hindi mo kailangang magmatigas nang sobra. "Gusto ka naming pigilan kanina, pero nabigo kami! Tandaan mo 'to! Kung hindi a
Gayunpaman, napakabilis na sumara ng pinto at may maliit na siwang na lang na natitira! Hindi nakuha ng lobo ang gusto nito. Suminghal at umungol ang lobo. Mas bumilis nang ilang beses ang lobo sa galit pero hindi pa rin nito nagawang makaabot bago sumara ang pinto. Umalog ang vessel nang bumangga ang one-eyed frost wolf dito. Gumiwang silang mga nasa loob ng vessel kasabay nito. Sobrang lakas ng pagbangga ng lobo sa vessel ngayon at nayupi pa ang pinto nang binangga ito ng lobo. Mabuti na lang at maganda ang kalidad ng vessel. Kahit na nayupi ang pinto, nagawa pa rin nitong sumara! Sa sandaling sumara ang pinto, nakahinga nang maluwag ang tatlo. Hindi nila inaasahan na magiging ganito kabilis ang mga pangyayari. Nagtatago pala ang one-eyed frost wolf sa lugar. Naghihintay itong buksan nila ang pinto bago nito simulan ang atake nito. Una, nagpakawala ito ng isang frost attack. Dahil dito ay nanigas ang taong pinakamalapit sa pinto at hindi nakakibo. Pagkatapos nito, sumugod i
Kumuha siya ng spirit crystal mula sa spatial storage niya at nilagay ito sa pinto. Pagkatapos nito, sinimulan niyang buksan ang pinto habang nagsasabing, "Wag kang mag-alala, isasara ko kaagad ang pinto sa sandaling may mapansin akong kakaiba. Hindi ko hahayaang makapasok ang lobong yun!" Halos nabaliw na si Rudy sa galit. Hindi niya inasahang ganito katigas ang ulo ni Grayson. Walang nagawa si Hansel kundi manood. Hindi siya makakilos dahil sa matitindi niyang sugat. Habang nakatingin sa eksena, hindi niya alam kung anong gagawin maliban sa huminga nang mabilis. Sa isang tunog, bumukas ulit ang pinto. Isang sinag ng ilaw ang pumasok mula sa labas. Tumingkayad si Grayson habang kinakabahang tumingin sa paligid at sa lahat ng bagay sa labas. Walang nagbago sa labas. Mga ibon at insekto lang ang naririnig sa tahimik na paligid. Wala na ang one-eyed frost wolf! Talaga bang umalis ito pagkatapos maghintay nang pagkatagal-tagal? Napakagandang balita nito para sa kanila. Kung ganun,
Nagdala ng napakaraming panganib ang paglalakbay na ito para sa kanya na nagpuno ng takot sa puso niya. Kumunot ang noo ni Rudy, alam niya kung anong binabalak gawin ni Grayson. Napapagod niyang sabi, "Wag kang magmadali. Kahit na may mali sa utak ni Fane, hindi mali ang sinabi niya kanina. "Kahit na anong mangyari, isa pa ring lobo ang one-eyed frost wolf. Ang lobo ay isa sa pinakamagagaling na hunter sa kagubatan. Kapag gusto nitong pumatay, gagawin nito ang lahat para patayin ang taong iyon. Baka naghihintay pa rin yun sa labas, hinihintay tayong umalis sa vessel na'to. "Sa sandaling buksan natin ang pintong ito, susugod ito sa'tin. Sa kakayahan natin sa ngayon, hindi tayo makakaligtas kapag sinugod tayo ng one-eyed frost wolf." Kinakabahang huminga si Grayson habang namula ang mukha niya, "Alam ko yun! Ang sinasabi ko ay tama ka! Ubos na lang ang pasensya ko para maghintay pa!" Huminga siya nang malalim para piliting pakalmahin ang sarili niya at nagsabing, "Baka naghihin