"ILANG beses na tayong nakapunta rito nu'ng mga bata tayo't naging teenagers tapos ito pa rin ang napili mong puntahan ngayong honeymoon natin."
Honeymoon natin? Gusto sanang itanong ni Jornaliza ng buong kasarkastikuhan ang mga salitang iyon pero itinikom niya ang kanyang bibig. Baka kasi isipin ni Luigi ay gustung-gusto na talaga niyang makipag-lovemaking dito.
Hindi ba? Tanong niya sa sarili.
Umiling niya. Kailangan din naman niyang maging defensive. Ang dahilan lang naman kaya gusto niyang may mangyari sa kanila ay dahil sa nobelang kanyang sinusulat. Saka, hindi naman masama kung gugustuhin niyang may mangyari sa kanila, mag-asawa na naman sila.
Napabuga lang siya sa hangin nang maalala niya ang sinabi ni Luigi bago sila mag-sex. Paibigin
"HINDI naman ito ang daan papunta sa bahay, ah?" Nagtatakang tanong ni Jornaliza ngunit ang ngiti sa kanyang labi, talagang hindi mapawi-pawi. Nakatatak pa rin sa kanyang isipan ang mga bagong alaalang pinagsaluhan nila ni Luigi sa kanilang honeymoon. Ang sumakay sa iisang kabayo sa Wright Park, ang pagsakay sa bangka sa Burnhum Park, ang pamamasyal sa Botanical Garden, ang pamimitas ng Strawberry sa farm na matatagpuan sa La Trinidad at pamimili ng pasalubong sa Good Shepherd Convent. Siyempre, hindi rin nila magpunta sa Baguio Cathedral. Doon hindi niya napigilan ang manalangin na lahat ng pagsubok ay malampasan nila ni Luigi at magkaroon nga sila ng forever.Ipinilig lang niya ang kanyang ulo nang maisip niyang hindi pa kabilang sa honeymoon nila ang mga pagtatalik. Siyempre, may menstruation pa siya. Bukod doon, kailangan muna nilang mahalin talaga ang isa't isa.Magagawa nga k
"NILOKO ka na naman, niloko ka na naman," paulit-ulit na wika niya habang nakatitig sa mga larawang nasa dingding. Ang lakas-lakas ng pintig ng kanyang puso. Matindi kasi ang galit na kanyang nararamdaman kaya naman parang gusto niyang manakit.Umasa siyang may makakasama na siya sa buhay pero hindi nangyari ang inaasam niya dahil ang taong natutunan niyang mahalin ay nagpakasal na sa iba.Sunud-sunod na mura tuloy ang kanyang pinawalan. Hindi maaaring lagi na lamang siyang nasasaktan at nahihirapan. Ang kailangan ay mayroon ding magdusa sa paghihirap niya.Naningkit tuloy ang kanyang mga mata sa pagkakatitig niya sa bagong dikit na larawan. Sumpa niya, may parurusahan dahil gusto niya itong patawan ng kamatayan.
THE way to the man's heart is through his stomach, sabi nga ng marami kaya sa palagay ni Jornaliza, dapat din niya iyong sundin dahil kailangan na niyang mapasok ang puso ni Luigi.Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan dahil alam niyang hindi pag-ibig ang dahilan kaya gusto niyang mangyari iyon. Tiyak kasi niyang kapag tinuruan na siya nito ng mga ginagawa ng lalaki sa babae ay magagawa na niyang makapagsulat ng magandang istorya.Iyon nga lang ba ang dahilan? Duda niyang tanong sa sarili. Nito kasing nakalipas na araw ay hindi naman niya magawang makapagsulat. Si Luigi lang ang ang naglalaro sa kanyang isipan. Kailangan niya kasi talagang mapaibig ito.Muli, napabuntunghininga siya. Maaari naman sanang manood na lang siya ulit ng erotic videos kaya lang naalala niya ang deal nila ni Luigi, hindi siya nanonood ng videos ng kamanyakan basta kailangan ay makikita at mahahawakan niya ang…Jumbo hotdog! Tili niya sa isi
MAHAL ni Yael si Jornaliza kaya gusto sana niya itong bigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag. Gusto niyang sabihin nito sa kanya ng harap-harapan na hindi naman nito talaga pinakasalan si Luigi Chances. Ngunit, ilang araw na siyang nagpapabalik-balik sa bahay nito ay hindi pa rin niya ito nakikita.Ayaw naman niyang maipagtabuyan pa kaya hindi na siya nagdu-doorbell sa bahay nito dahil baka maipagtabuyan na naman siya ng ama nito. Marahas na buntunghininga tuloy ang pinawalan niya pagkaraan. Hindi niya kasi naiwasan ang makaramdam ng inis dahil sa mistulan siyang asong ipinagtabuyan ni Matthew Smith nu’ng huli siyang magpunta roon. Kasal na raw si Jornaliza kaya hindi na siya dapat na magpunta roon.Nang una ay gusto pa niyang isipin na malaking kalokohan lang ang sinabi ng matandang lalaki pero nasa mukha nito ang kaseryohan kaya naisip nga niyang maaaring totoo ang sinabi nito. Gayunman, hindi pa rin sapat na dahilan iyon para maniwala siya agad.
ANG galit na nararamdaman ni Paula sa babaeng nagngangalang Jornaliza ay lalong nadagdagan. Paano ba naman kasi niya ito hindi nararamdaman kung ito ang naging dahilan para tuluyang mawala si Luigi sa kanya.Para kasing kailan lang ay umaasa siya na magkakaroon sila ng ugnayan ni Luigi. Lagi naman kasi nitong ini-entertain. Sumasama pa nga ito sa kanyang mag-lunch. Ngunit, hindi naman nakaligtas sa kanyang paningin ang masamang tingin ibinabato nito kay Yael kapag nakikitang magkasama ang mga ito. Noon pa lang tuloy ay bumigat na ang loob niya sa babae.Sa alaalang iyon ay biglang naningkit ang kanyang mga mata. Doon pa lang naman kasi, nakikita ng nagseselos ito. Kaya naisip niyang hindi talaga interesado sa kanya si Luigi. Ang nais lang nito ay may mapagbabalingan habang binabalewala ito ng babaeng iyon.Marahas na buntunghininga lang
NAHUBAD man ni Luigi ang lahat ng saplot niya, masasabi niyang hindi naman siya nakaramdam ng hiya. Maputi at makinis siya, walang anumang peklat na itinatago. Kaya, proud na proud pa niyang ipinagmalaki ang kanyang kahubaran.Hindi niya tuloy napigilan ang mapangiti nang mapansin niyang nakatutok ang tingin nito ngayon sa kanyang dibdib. Mistulan pa nga itong na-starstruck sa kanyang dibdib. Para tuloy gusto niyang humagikgik sa kaisipang mistulan itong nakakita ng artista."Titig lang ba ang gagawin mo?" Tanong niya. Shucks, bakit parang paos na paos siya ng mga sa sandaling iyon? Para kasing bigla siyang nanabik sa mga susunod na ma gyayari. Siyempre, hindi na niya gugustuhin pang mapurnada ang dapat na mamagitan sa kanila.Nang salubungin ni Luigi ang kanyang mga mata, hindi niya napigilan ang mapalunok ng kung ilang ulit. Para kasing nag-iba ang mga mata nito ng mga sandaling iyon. Para kasing nagkaroon ng bolang apoy ang mga mata nito ng
KARARATING pa lang ni Luigi sa parking ng L's parang gusto na niyang umatras para bumalik sa kanilang bahay. Miss na niya agad si Jornaliza.Sa loob kasi ng dalawang linggo na magkasama sila sa iisang bahay, partikular sa kanilang kuwarto, sanay na sanay na siyang makita ito't makasama. Hindi lang iyon, gustung-gusto rin niya itong hinahalikan at niyayakap. Pakiramdam niya, ayaw na niyang mahiwalay rito.Shit! Bulalas niya. Sa kaisipang iyon kasi'y bigla niyang naalala kapag magka-volt in sila. Para tuloy biglang nag-init ang kanyang pakiramdam ng mga sandaling iyon. Hindi lang iyon, parang sundalong sumaludo ang kanyang dyunior, tayung-tayo.Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan nang maisip niyang hindi siya dapat bumalik sa bahay. Ang sabi kasi ni Jornaliza, magsusulat ito kaya hindi dapat na maistorbo. Ayaw naman niyab
MISS you so much, my Luigi. Oh, sana ay nandito ka. Talagang iha-hug at iki-kiss kita.Malala ka na, Jornaliza! Naiiling sa sabi niya sa sarili habang nakatitig sa screen ng kanyang laptop. Sabi niya kasi kanina kay Luigi, magsusulat siya ng kanyang istorya kaya nagpaiwan siya. Ngunit, makaraan lang ang sampung minuto, parang gusto na niyang sundan si Luigi sa L's.Marahas na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan. May isa kasing dahilan kaya kahit niya gusto niyang makita at makasama si Luigi, si Yael. Hindi man siya sigurado kung alam na nito ang pagpapakasal niya kay Luigi pero hindi pa rin siya handang makausap ito. Hanggang ngayon kasi ay nakukonsensiya pa rin siya sa nagawa niya. Parang pinaasa niya ito sa wala.Ang gusto kasi sana niya talaga ay kilalanin pa ito pero habang nakikilala niya ay parang nag-aalangan siyang
MALAYO pa lang si Jornaliza ay natanaw ng niya si Jewel sa coffee shop na pagtatagpuan nila. Nakapuwesto naman kasi ito sa may bintana para agad niya itong makita. Gayunpaman, hindi nakaligtas sa kanyang pagtingin ang pagsimangot nito. Nakita na kasi nitong hindi siya nag-iisa. Kahit naman hindi niya kinumpirma rito na wala siyang isasama, alam niyang ini-expect ni Jewel na siya lang ang makikita. Iyon nga lang, tiyak niyang hindi siya papayagan ng asawa na lalabas mag-isa. Kahit alam niyang kaya niyang protektahan ang sarili, tiyak niyang hindi ito basta hahayaan ni Luigi. Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilan ang makaramdam ng kilig. Pakiramdam niya ay napakaimportante niya sa buhay ni Luigi. Kunsabagay, kahit naman noong mag-best friend pa lamang sila ni Luigi, ay dama na niya na importante siya rito. Subalit, mas dama niya ngayon dahil nga iba na ang level ng kanilang relasyon. "Hello," masiglang bati sa kanya ni Jewel nang makaharap na niya ito. Abot tenga na ang ngiti n
KUNG noong sinabi ng mga magulang nila na may regalong ipinadala sa kanila ni Luigi na patay na pusa, kinabahan na siya. Higit ngayon ang naramdaman niya. Paano ba naman kasi, kitang-kita niya ang hitsura ng pusa. Ng kaawa-awang pusa. May tali ito sa leeg. Obviously, sinakal ito kaya lumawit ang dila. Hindi niya tuloy napigilan ang mapahagulgol. Pakiramdam niya kasi'y siya ang dahilan kaya pinatay ang pusa. Dahil gustong ipaalam sa kanya ng nagbigay na iyon ang matinding galit sa kanya. Ano bang ginawa niya? Naguguluhang tanong niya sa sarili. Nagpakasal ka kay Luigi, Jornaliza! Wari'y sigaw ng isang bahagi ng kanyang utak. "Jornaliza…""Ako ang may kasalanan nito," wika niya. Kumunot naman ang noo ni Luigi. Alam niyang labis itong nagtataka sa kanyang sinabi. "Wala kang ginawang mali." Mariing sabi ni Luigi. "Nagpakasal tayo," wika niya. Kumunot ang noo ni Luigi nang pakatitigan siya ng husto. "Pinagsisisihan mong…""Nakasakit ako. Tayo. Iyon ang sinasabi ko," mariin niyang
"BIRTHDAY ko?" gilalas pang sabi ni Jornaliza. Napa-'oh my' pa siya dahil napagtanto niyang kaarawan nga niya. Wala kasing ibang laman ang utak niya ng mga nagdaang araw kundi ang kanyang pagsusulat."Okay lang na makalimutan mo na kaarawan mo ngayon pero huwag na huwag mo sanang kalilimutan na may pogi kang mister," wika ni Luigi sabay kawit sa kanyang beywang. "Happy Birthday," wika naman ng iba. Talaga kasing kapag napapatitig siya kay Luigi ay talagang nawawala siya sa kanyang sarili. Parang nakakalimutan niya ang lahat gayung nang buksan niya ang pintuan kanina ay kita niyang maraming tao. Kabilang na roon ang kanyang ama, mga biyenan at ilang kasamahan sa pagsusulat kabilang na ang kanyang editor. "Kaya pala ayaw mo akong palabasin ng kuwarto kanina," wika niya. Natawa si Luigi. "Para namang gustong lumabas."Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi ng kanyang mister, lalo't tinudyo siya ng mga nakapaligid sa kanila, unang una na siyempre ang kanilang mga magulang. Magkaka apo n
INSPIRED na inspired si Jornaliza kaya mabilis na mabilis ang pagtipa niya sa kanyang laptop. Siyempre, spg scenes ang kanyang ginagawa kaya naman dalang-dala siya sa eksena. Sa kanyang isipan din ay naaalala niya ang mga nangyayari sa kanila ni Luigi. Bukod sa gusto niyang magkaroon ng inspirasyon ng kamanyakan, nais din niyang matutunan ang iba't ibang style sa pakikipag-sex dahil ayaw naman niyang pagsawaan siya ni Luigi. Hindi nito sinasabi sa kanya ang magic words na I love you kaya naiisip niyang kapag hindi niya ginalingan sa pakikipagtalik ay bigla na lamang siya nitong iwanan. Ipinilig lang niya ang kanyang ulo nu'ng maalala niyang sabi ni Luigi na siya ang gusto nitong makasama sa habambuhay. Kaya, pinatutunayan lamang nito sa kanya na wala itong balak na iwanan siya. "Wala ka na bang gagawin diyan kundi magsulat?" Tanong sa kanya ni Luigi. Maang siyang napatingin dito. "Nagagalit ka ba?" "Bakit naman ako magagalit?" Sarkastikong tanong nito. "Sunday ngayon, dapat nagba
HINDI ito ang unang pagkakataon na inangkin si Jornaliza ni Luigi pero pakiramdam niya'y napakaespesyal ng naging halik, yakap, haplos at pag-angkin nito sa kanya ng mga sandaling iyon. Dahil nagawa na niyang aminin ang kanyang nararamdaman, hindi lang kay Luigi kundi maging sa kanyang sarili. Mahal niya si Luigi Chances. Hindi lang bilang kababata o matalik na kaibigan kundi bilang isang lalaki. Bilang kanyang asawa. At hindi niya kayang pigilan ang kanyang emosyon. Umiibig na siya kay Luigi kaya gusto na niya ito makasama sa habambuhay. Well, noon pa naman ay talagang ayaw na niyang mahiwalay pa rito. Hindi nga niya maiwasan ang makaramdam ng takot kapag naiisip niyang isang araw ay magseseryoso ito sa pag-ibig at mag-aasawa. Alam niya kasing kapag nangyari iyon ay hindi na sila magiging tulad ng dati. Hindi lang niya napigilan ang mapangiti sa labis na kasiyahan dahil nasa kanya na ang kanyang bestfriend. Kasal na sila kaya hindi na ito maaagaw ninuman sa kanya. "Huwag mo nga a
KUNG hindi lang nagtanong agad si Luigi ng, "Anong iniisip mo?" Mapapasigaw na sana siya. Bigla kasing pumulupot ang bisig nito sa kanyang katawan at naramdaman din niya ang katawan nitong dumikit sa kanyang katawan. Ang takot na nararamdaman niya kani-kanina ay biglang napawi. Pakiramdam niya kasi ay may magpuprotekta na sa kanya. Ngunit, siyempre, hindi naman niya gugustuhing mapahamak ang mahal niya. Mahal niya? Gilalas niyang sabi sa kanyang sarili kaya naman nanlaki ng husto ang kanyang mga mata. Hindi niya kasi inakala na maiisip niya iyon. Mahal na niya si Luigi?Ang lakas pa ng kanyang pagsinghap na para bang talagang gusto niyang siguraduhin na talaga ngang mahal niya si Luigi. Well, totoo naman iyon. Matalik nga silang magkaibigan kaya talagang may pagmamahal siya rito. Hindi lang kayo basta magkaibigan ngayon, mag-asawa rin kayo, buong diin niyang sabi sa sarili. Pagkaraan ay biglang pumasok sa isip niya ang mga pinagsaluhan nila ni Luigi sa kama. Naisip niya kasi na kun
SUNDAY is family day, kaya, hindi lang si Luigi ang kasama ni Jornaliza, pati na rin ang kanilang mga magulang. Ngunit, dahil sa hindi naman nila sinabi ni Luigi na pupunta sila ay kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ng mga magulang. Pagkagulat? Tanong niyang muli sa kanyang sarili. Para kasing kulang na kulang ang paglalarawan niyang iyon. Hindi lang kasi gulat ang nakikita niya sa mukha ng mga ito kundi takot. Gusto sana niyang magtanong kung anong problema kaso nga lang biglang nagliwanag ang mukha ng kanyang Mama Guada sabay palakpak na parang siyang-siya na nakita sila, lalo tuloy siyang napakunot noo sa ginawi nito. Para kasing mayroon talagang nais itago ang mga magulang sa kanila ni Luigi. Dama kasi niyang tensyon ng mga ito at ang palitan ng makahulugang tinginan. "Eh, kamusta naman kayo?" Tanong pa ng kanyang Mama Guada habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ni Luigi. Dahil nga sa pagsorpresa nila sa mga ito ay nagpasya na silang magdala ng pananghalian. "Ma
HINDI man sila sa fivestar hotel nag-dinner ni Luigi, pakiramdam ni Jornaliza ay pagkaganda-ganda niya sa paningin nito. Hindi kasi maalis-alis ni Luigi ang tingin sa kanya. Pakiwari niya tuloy ay magandang-maganda ang kanyang suot at naka-make up din siya gayung pol o at lipstick lang naman ang inilagay niya sa kanyang mukha. "Uy," wika niya maya-maya. Ang lakas-lakas na kasi ng tibok ng puso niya ng mga sandaling igon. Pakiramdam niya tuloy lalabas na sa rib cage niya ang kanyang puso. Sobra-sobra siyang nabibingi. "Kung titigan mo ako, parang ngayon mo lang ako nakita," nakangising sabi niha kahit ang totoo ay sobra siyang naaapektuhan sa paraan ng pagtitig nito. "Ang lakas mo kasing kumain," wika ni Luigi na manghang-mangha sa mga pagkaing nasa kanyang harapan – inihaw na pusit, inihaw na bangus, inihaw na baboy, inihaw na manok at may inihaw na hotdog pa. Para siyang biglang nahirinan sa sinabing iyon ni Luigi kaya agad niyang hinagilap ang kanyang baso saka uminom. Buong akal
DAHIL sa ayaw na naman siyang makita at makausap pa ni Jornaliza, naisipan ni Yael na sundan na lamang niya si Luigi. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kung saan ito matatagpuan.Siyempre, hindi naman siya nagpakita kay Luigi. Matagal na rin siyang hindi nagpupunta sa L's. Ayaw niyang makita ng lalaki dahil baka kung anong magawa niya rito. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay ang inaagawan at iyon ang ginawa nito sa kanya.Malalim na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan nang maisip niyang may pakiramdam din naman siyang hindi niya makakamit ang matamis na oo ni Jornaliza. Hindi naman siya manhid ngunit gusto pa rin niyang umasa. Naniniwala kasi siyang makukuha rin niya si Jornaliza sa tiyaga.Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Talaga kasing hindi niya inakala na magiging mabilis ang pag-aksyon ni Luigi para makuha si Jornaliza.Muli, napabuntunghininga siya. Dapat nga sana ay tanggapin na lamang niyang iba na ang bu