MARAHAS na paghinga ang pinawalan ni Jornaliza matapos siyang humarap sa salamin upang tingnan ang kanyang sarili. Medyo napalunok lang siya dahil hindi niya sigurado kung mapapanindigan ba niya ang pagbabago ng kanyang anyo.
From being a conservative girl to a liberated woman. Pero pagkaraan ay tinawanan din niya ang sarili. Sa panahon kasi ngayon ay masasabing konserbatibo pa rin ang kanyang suot dahil may manggas pa rin naman ang suot niya.
Naisip niya kasi na hindi niya matutupad ang kanyang pangarap kung mananatili lang siya sa loob ng silid at magtipa nang magtipa ng kanyang istorya. Kailangan din niyang pakinggan ang payo sa kanya ni Miss Ava, ang kanyang editor, dahil alam niyang iyon lamang ang paraan para matupad niya ang kanyang pangarap.
Ang pagiging manunulat daw ay hindi lang iyong nagkukulong sa isang kuwarto at pagtitipa ng istorya. Kailangan din siyempreng lumabas at damhin ang damdamin ng isang babaeng nagmamahal at nagnanasa. Hindi niya tuloy napigilan ang mapangisi sa dalawang salitang iyon.
Nagmamahal at nagnanasa.
Wala pa sa isipan niya ang ma-in love dahil may pangarap pa siyang gustong abutin. Ewan lang niya kung paano niya makakamtan iyon kung tinanggihan siya ng best friend niya na pagbigyan ang kanyang request.
Kaya, naisip niyang tanggapin na lang niya ang pagtanggi nito at maghanap ng ibang paraan kung paano matututo ng kamanyakan. Iyon nga lang para siyang hihimatayin nang makapanood siya ng porn.
Ang laki!
Para tuloy gusto niyang kilabutan nang maisip niyang ganoon kalaki ang papasok sa kanyang...shucks!
Ngunit, ang sakit na naisip niya ay balewala sa sakit na naramdaman niya nu'ng sabihin sa kanya ni Luigi na hindi siya nito tutulungan sa kanyang problema. Iyon ang unang pagkakataon na tinanggihan siya nito. Dati rati naman ay agad itong pumapayag kapag may hinihiling siya.
Ibang klase rin naman kasi ang hinihiling mo, inis niyang sabi sa sarili sabay kastigo sa isang bahagi ng isipan niya na nakaisip na si Luigi ang solusyon para gumanda ang kanyang libro. Kung magturingan kayo ni Luigi ay para kayong magkapatid pero ngayon ay parang hinihilingin mo na bastusin ka niya.
Malalim na buntunghininga ang kanyang pinawalan nang muli niyang tapunan ng tingin ang kanyang suot. Croptop na dark blue ang kanyang suot kaya kitang-kita ang kanyang kaputian. Nais sana niyang magsuot ng denim shorts pero tiyak niyang hindi siya makakalabas ng bahay kapag nakita siya ng ama kaya nag-skinny jeans na lang siya pero tiniyak niyang hapit na hapit sa katawan niya ang kanyang suot.
Pakiramdam kasi niya kaya siya tinanggihan ni Luigi ay dahil wala siyang kadating-dating para rito. Napabuntunghininga lang siya nang maalala nga niyang mistulang pang Miss Universe ang ganda ng mga babaeng nagugustuhan nito. Bukod sa magaganda at seksi, matatangkad pa ang mga ito at magaling magdala ng damit. Ewan niva lang kung bakit walang sineryoso ito sa mga iyon.
Collect and collect and then select, iyon ang pabirong isasagot sa kanya ni Luigi kapag nagtatanong siya rito kung bakit hindi ito maging stick to one. Napabuntunghininga lang siya nang maisip niyang mali rin naman siya. Kahit kailan ay hindi nagsabay-sabay ng babae si Luigi. Gayunman hindi rin ito maikukunsiderang one woman man dahil hindi pa naman daw ito nai-in love.
Parang ibig niyang magtaka na tila hindi naniniwala sa pag-ibig si Luigi gayung ang mga magulang nito ay daig pa ang mga teenager kung maglambingan. Parang mga walang pakialam kahit na may ibang taong nakaharap. Basta ang mahalaga ay maipadama ng kanyang Tito Solomon at Tita Guada ang pag-ibig sa isa't isa.
Sa tingin nga niya ang mga magulang ni Luigi ang naging inspirasyon niya para maniwala na mayroon ngang pag-ibig. Iyon nga lang, hindi pa naman niya nakikita ang makapagpapatibok sa kanyang puso kaya maigi pang maniwala muna siya sa kanyang mga sinusulat.
Ang mga nobela niyang hindi nga pumapasa sa panlasa ng mga editors dahil maraming kulang -- kilig, pag-ibig at pagnanasa.
Ang mga ito ang dahilan kaya nagbago siya ng image. Dati'y kuntento na siyang magsuot ng maluwag na tshirt, maluwag na pantalon at rubber shoes. Ngayon ay kailangan niyang magsuot ng medyo daring dahil nakalitaw ang pusod niya't kita ang kanyang kaputian. Hindi naman nakahihiya na gawin niya iyon dahil flat stomach naman siya. Kahit naman kasi lagi siyang nakakulong sa kanyang kuwarto at nagtitipa ng kanyang istorya ay may bestfriend pa rin siyang gustong makita siyang laging healthy siya kaya lagi siyang niyayakag mag-gym.
Kung dati'y kinatatamaran niya ang magpunta sa L's kundi siya isasabay ni Luigi sa gym nito, ngayon ay excited pa siyang gawin iyon. Desidido kasi siyang magpaturo kay Luigi ng tungkol sa pakikipaghalikan at pakikipagtalik. Kaya, naisip niyang para mapapayag niya ito ay kailangang magkaroon din siya ng dating sa paningin nito. Ibig nga lang niyang magtawa dahil ng ibaba niya sa kanyang paa ang tingin niya ay rubber shoes pa rin ang suot niya.
Ipinilig lang niya ang ulo niya nang sabihin ng atribidang bahagi ng kanyang isipan na dapat sandals ang isinuot niya. Kahit naman kasi may layunin siyang mang-akit ay nais din naman niyang maging komportable.
Saka maayos naman ang kanyang make up. Naglagay siya ng foundation, blush on, eyeliner, pinag-curl pa niya ang kanyang kilay at nag-lipstic din siya. Hindi man siya kasing fashionista at kasing aarte ng mga naging girlfriend ni Luigi, tiyak naman niyang may panlaban naman ang ganda niya sa mga ito. Maamo ang kanyang mukha na kinapapalooban ng mala diyamanteng mata, matangos na ilong, malapad at mapupulang mga labi. Kulay mais ang alon-alon niyang buhok na lampas balikat kaya naman lutang na lutang ang pagiging Half Australian niya. Mamula-mula rin ang balat niya. At ang taas niyang 5'8" ay nag-swak sa katawan niyang may vital statistics na 36-24-36.
Marami man ang nagsasabi na maganda siya ay tawa lang ang isinasagot niya rito. Hindi dahil sa ayaw niyang paniwalaan iyon. Hindi naman kasi siya bulag kaya alam niyang may ibubuga siya sa pagandahan. Kailangan lang talaga niyang mag-ayos para lumutang iyon. At iyon nga ang kanyang ginawa.
"Hep, hep, hep," wika ng ama niya pagkababa niya ng hagdan. Nagmistulan tuloy itong traffic enforcer na walang silbato. Kahit na ipinanganak at lumaki sa Australia ang kanyang Daddy, may taglay din Itong kakonsebatibuhan. Marahil, nahawa ito sa kanyang ina. Ang Mommy Ester niya kasi ay isa Pilipina at laki sa konserbatibong angkan. "Saan ka pupunta?"
Kahit na beinte tres anyos na siya ay mistulang paslit pa rin siya kung itrato ng kanyang ama. Gayung sabi nito dati, kapag nakapagtapos ka na ng kolehiyo ay maaari mo na gawin ang lahat ng gusto mo.
Scam, wika niya sa sarili. Kung talaga kasing seryoso ang ama ng sabihin iyon ay hindi na siya nito pipilitin pang mag-Masteral at hindi na siya aawatin sa pagsusulat. Sa halip, susuportahan na lang siya.
"Sa L's."
"Sa gym ni Luigi?" Tanong naman ng kanyang Tito Solomon, tatay ni Luigi. Hindi niya ito agad napansin na nakasunod sa kanyang ama dahil inire-ready na niya ang kanyang tenga.
Mag-bestfriends rin ang mga tatay nila ni Luigi kaya hindi kataka-taka na laging nasa kanila ang kanyang Tito Solomon. Kung minsan naman ang Daddy niya ang dumadayo kina Luigi.
Dapat sana ay matuwa siya dahil kahit paano ay may napaglilibangan ang kanyang ama maliban sa pagga-garden at panenermon aa kanya pero may pagkakataon na kinakabahan aiya kapag magkasama ang mag-bestfriends. Actually, hindi lang siya, pati na rin si Luigi. Paano ba naman kasi sila di kakabahan kung pareho nilang alam na gustung-gusto ng mga ama nila na magkatuluyan silang dalawa.
"Yes, Tito."
"Eh, bakit ganyan ang suot mo?* Tanong ng kanyang ama.
"Oo nga," susog naman ng kanyang Tito Solomon. "Dapat kung pupunta ka kay Luigi, short shorts ang suot mo."
"Tito…" hindi makapaniwalang bulalas niya.
Tumawa ito pero bumaling sa kanyang ama. "Hindi ba boto ka naman sa unico hijo ko?"
"Kaya nga hindi natin kinuhang Ninong ang isa't isa nu'ng ipinanganak sila gusto nating maging mag-asawa sila at hindi magkinakapatid lang," wika ng kanyang ama na parang gustong pumalakpak sa sobrang excitement. Wari'y sa isipan nito ay nagaganap na ang pag-iisang dibdib nila ni Luigi.
Nang mga sandaling iyon tuloy ay parang gusto na niyang magsumbong sa mga itong ayaw siyang turuan ni Luigi ng kamanyakan, ngunit siyempre, nasa matinong kaisipan pa naman siya para gawin iyon. Saka, kahit gustung-gusto niyang tulungan siya ni Luigi, hindi niya ito kayang ipahamak. Tiyak din niyang ipapahamak niya ang sarili kapag nagkataon. Wala aiyang planong magpakasal ng di oras at lalong hindi pwede sa kanyang matalik na kaibigan.
"Mas maigi pa ngang magpakasal na lang kayo ni Luigi kung ayaw mo rin lang mag-masteral…" walang anu-ano'y sabi ng kanyang ama.
"Mag-bestfriends lang kami ni Luigi," mariin niyang sabi sa ama.
"Kaya pala para pa rin kayo kambal tuko na hindi mapaghiwalay," sabi naman ng kanyang Tito Solomon.
Sa winika nito parang gusto niyang humagulgol na. Nito kasing nakalipas na dalawang araw ay wala namang ginawa si Luigi kundi iwasan siya. Siyempre hindi talaga nito gustong tulungan siya sa kanyang problema. Pakiramdam niya tuloy, hindi lang siya tinanggihan nito. Ibig na rin nitong wakasan ang kanilang pagkakaibigan.
No way! Sigaw niya sa kanyang isipan. Talaga kasing hindi niya hahayaang mangyari iyon.
"O, ano pang tinatayu-tayo mo diyan. Puntahan mo na si Luigi." Pagtataboy pa sa kanya ng ama.
Ngayon ay malinaw na sa kanyang isipan kung bakit kahit mahigpit ang ama niya sa mga nagkakamaling nanliligaw sa kanya ay sobrang luwag naman nito kay Luigi. Kung minsan tuloy ay ayaw niyang maniwalang nagkaroon ito ng konserbatibong pag-iisip dahil balewala lang dito kung nagkukulong sila ni Luigi sa kuwarto ng isa't isa. Hindi na nga siya magtataka kung mas gugustuhin pa ng mga ito na makalimot silang dawa.
KUNG kanina'y malakas ang loob ni Jornaliza ngayon ay parang umaatras siya ng paunti-unti, paano'y nasa loob na siya ng L's at nakapagpalit na rin siya ng outfit. Sports bra na kulay maroon at yoga trousers na hakab na hakab sa kanyang harapan at puwitan.Shucks, naibulalas niya. Hindi naman talaga siya nagsusuot ng ganoon ka-fit. Mas gusto talaga niya iyong maluwag kaso nga sa panahong ito, hindi ang gusto niya ang mahalaga kundi ang nais ng taong tina-target niya para tulungan siya sa kanyang pangarap. --her best friend Luigi.Malalim na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan dahil sa dalawang araw ay iniiwasan siya ni Luigi at iyon ang nagpapabigat sa kanyang kalooban. Kahit hindi ito nagsasalita, parang sinasabi nito sa kanyang pinandidirihan nito ang ideya na tuturuan siya nitong humalik man lang.Talaga naman kasing hindi rin n
HUWAG kang OA, gigil na sabi ni Jornaliza sa kanyang sarili. Pakiramdam niya kasi'y nilapirot ng husto ang kanyang puso ng sabihin ni Luigi na, ayaw nitong mabastos siya dahil para na silang magkapatid.Hindi tayo magkadugo, gusto sana niyang ipaalala rito pero alam niyang magmumukha lang siyang tanga kapag ginawa niya iyon. Talaga naman kasing hindi sila magkadugo at pinakadiinan din nito sa kanya ang katagang parang. Ibig sabihin, alam din nitong wala silang kaugnayan sa isa't isa. Gayunman, hindi sapat na dahilan iyon para maisip nito na maaaring mag-level up ang kanilang relasyon.Gusto mo ba? Tanong niya sa sarili.No way! mariing sabi niya. Umiiling-iling pa siya dahil talagang tumatanggi ang isip niya. Hindi niya dapat magbago ang tingin nila sa isa't isa. Ngunit, bakit parang dinudurog ngayon ang kanyang puso?"Ehem….ehem…." Narinig niyang wika ng isang boses.Kahit na gustung-gusto na niyang malaman kung sin
NANINGKIT bigla ang mga mata ni Luigi sa eksenang kanyang naabutan. Si Jornaliza ay mayroong kausap na lalaki. Hindi lang basta kausap. Nakikipagtawanan pa ito sa lalaking parang isinubsob sa arina.Hindi tuloy niya napigilan ang mapamura. Paano ba naman kasi, naalala niyang ang ganoong klaseng lalaki nga pala ang tipo ni Jornaliza.Maputi lang pero hindi naman Mala-Prince Charming ang dating, inis niyang sabi sa sarili. Unang tingin pa lang niya kasi ay masasabi niyang hindi naman ito mayaman dahil simpleng t-shirt at short lang ang suot nito samantalang siya, puro signature ang suot mula ulo hanggang paa. Naka-Armani outfit siya.Ibig niya kasing ipakita sa lahat na nakakaangat siya. Hindi naman iyon isang kayabangan dahil can afford naman siyang bumili ng mamahaling kagamitan at kasuotan. Hindi dahil sa mayaman ang pamilya niya kundi dahil sa pinaghirapan niya ang mga iyon. Nagawa niyang makapagpatayo ng gym hindi dahil sa tulong ng kanyang
"ANO bang problema mo?" Naiinis na tanong ni Jornaliza kay Luigi.Alam niyang badtrip si Luigi pero hindi niya akalain na dahil sa masama ang timpla nito ay magagawa nitong manuntok. Kung hindi nga lang ito ng mga tauhan nito ay baka gusto pa nitong sugurin si Yael.Siya naman ng mga oras na iyon ay natulala, hindi niya kasi alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Gusto sana niyang puntahan si Yael dahil ito ang nadehado ng mga sandaling iyon kaya lang alam niyang mas ikagagalit iyon ni Luigi.Hindi man sila okay ni Luigi tulad ng dati dahil na rin sa kagagawan niya pero mas minabuti niyang piliin ang matalik na kaibigan. Kaya ng bahagya itong mahimasmasan ay niyaya na niya itong umalis. Ngunit, hindi ibig sabihin nu'n ay hindi niya ito kukomprontahin."Hinawakan niya ang kamay mo. Sapat na iyon para suntukin ko siya," mainit pa rin ang ulong sabi nito sa kanya."And so?" Nakuha niyang itanong dito pagkaraan. Mas maig
AGAD hinagilap ni Luigi ang gitara at nagtipa. Baka sa pamamagitan nu'n ay tuluyan na mapawi ang inis na kanyang nararamdaman. Kahit kasi nag-sorry siya kay Jornaliza ng paulit-ulit ay parang hindi pa rin siya nito napapatawad. Napabuntunghininga siya. Ang rason naman kasi kaya humingi siya ng tawad ay dahil sa pagpreno niya ng biglaan. Hindi siya nag-sorry dito dahil sinuntok niya ang lalaki na iyon. Kung maaari nga lang ay gusto niya itong bugbugin. Ayaw na niyang uminit pa ng husto ang kanyang ulo kaya minabuti na lamang niyang kumanta na lang Through the years. Para kasi sa kanya, iyon ang kantang swak na swak sa samahan nila ni Jornaliza. Sa isipan niya ay bumalik ang mga alaala ng pagkakaibigan nila ni Jornaliza kaya nasa unang stanza pa lang siya'y napahinto na siya dahil bumigat ang kanyang dibdib. Lalaki siya pero nagiging emosyonal. Hindi kasi niya magawang itangginna
HINDI naman talaga sanay si Jornaliza na mayroon silang tampuhan ni Luigi pero parang hindi pa siya handang harapin ito ulit at ibalik sa dati ang lahat. Dama kasi niyang mayroong nabago at ito ay dahil na rin sa kanyang kagagawan.Kung maibabalik lamang niya ang nakaraan, hindi na niya sasabihin dito na magpapaturo siya ng kamanyakan. Para kasi sa kanya, si Luigi ang perpektong taong makapagtuturo sa kanya ng mga dapat niyang malaman sa pakikipagrelasyon o pakikipagtalik.Malalim na buntunghininga tuloy ang pinawalan niya habang nakatitig siya sa screen ng kanyang computer. Nadagdagan lang ang problema niya. Kung noon, paggawa lang ng erotic scenes, ngayon, pati na rin si Luigi.Importante sa kanya si Luigi kaya ayaw niyang magbago ang kanilang relasyon. Kaya ngayon, sobra siyang kinakabahan, dahil alam niyang may nabago na. Damang-dam
AKALA ni Jornaliza, nagbibiro lang si Yael ng sabihin nitong liligawan siya pero kinagabihan lang, bisita na niya ito. Kasalukuyan niyang sinusubukang magtipa ng istorya ng kanilang katulong na si Janiz na may bisita siyang kamukha ni Jack sa Titanic. Siyempre, ang unang papasok sa isip niya'y si Yael dahil ito lang naman ang kilala niyang kamukha talaga ni Leonardo DiCaprio. May pag-aalala siyang naramdaman ng sabihin ng mala-Maritess nilang kasambahay na ini-interview ito ng kanyang ama. Palibhasa walang ibang gusto ang kanyang Daddy para sa kanya kundi si Luigi, masungit ang pagtrato nito sa mga nanliligaw sa kanya kaya't hindi kataka-taka na i-bully din nito si Yael. Gusto sana niyang magmistulan ng Darna para mapuntahan si Yael at nang mailigtas sa mala-machine gun na salita ng ama pero hindi niya magawa dahil hindi pa siya nakakapaligo't nakakapag-ayos man lang. Ang computer niya kasi ang agad niyang pinupuntahan kapag nagigising siya. Ayon
NAISIP ni Jornaliza, kung ayos lang sila ni Luigi ngayon, siguradong nandito na ito sa bahay nila at i-interview-hin siya tungkol sa bago niyang manliligaw. Napabuntunghininga lang siya dahil tiyak din niyang hindi rin nito nagustuhan na nililigawan siya ng lalaking sinuntok nito.Naging masigasig si Yael na ipakita sa kanyang seryoso ito sa kanya. Gabi-gabi ay nasa kanila ito. Sa tingin niya'y wala talagang tutok ang ama niya kay Yael kung ito ang magiging first boyfriend niys. Ngunit, bakit parang ayaw ng puso niya?Anong problema? Nalilito pa niyang tanong sa sarili. Si Yael Gomez ang kabuuan ng lalaking pinapangarap niya. Mala-prinsepe ang hitsura at tindig. Ngunit, bakit wala man lang siyang kilig na nararamdaman kapag nakikita niya ito? Sa halip, nabu-bored siya.Ang pumapasok sa isip niya palagi ay si Luigi. Miss na miss na niya ito. Mag-iisang buwan na silang hindi nagpapansinan. Ngunit, kapag nagtatama naman ang tingin nila ni Luigi, hindi n
MALAYO pa lang si Jornaliza ay natanaw ng niya si Jewel sa coffee shop na pagtatagpuan nila. Nakapuwesto naman kasi ito sa may bintana para agad niya itong makita. Gayunpaman, hindi nakaligtas sa kanyang pagtingin ang pagsimangot nito. Nakita na kasi nitong hindi siya nag-iisa. Kahit naman hindi niya kinumpirma rito na wala siyang isasama, alam niyang ini-expect ni Jewel na siya lang ang makikita. Iyon nga lang, tiyak niyang hindi siya papayagan ng asawa na lalabas mag-isa. Kahit alam niyang kaya niyang protektahan ang sarili, tiyak niyang hindi ito basta hahayaan ni Luigi. Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilan ang makaramdam ng kilig. Pakiramdam niya ay napakaimportante niya sa buhay ni Luigi. Kunsabagay, kahit naman noong mag-best friend pa lamang sila ni Luigi, ay dama na niya na importante siya rito. Subalit, mas dama niya ngayon dahil nga iba na ang level ng kanilang relasyon. "Hello," masiglang bati sa kanya ni Jewel nang makaharap na niya ito. Abot tenga na ang ngiti n
KUNG noong sinabi ng mga magulang nila na may regalong ipinadala sa kanila ni Luigi na patay na pusa, kinabahan na siya. Higit ngayon ang naramdaman niya. Paano ba naman kasi, kitang-kita niya ang hitsura ng pusa. Ng kaawa-awang pusa. May tali ito sa leeg. Obviously, sinakal ito kaya lumawit ang dila. Hindi niya tuloy napigilan ang mapahagulgol. Pakiramdam niya kasi'y siya ang dahilan kaya pinatay ang pusa. Dahil gustong ipaalam sa kanya ng nagbigay na iyon ang matinding galit sa kanya. Ano bang ginawa niya? Naguguluhang tanong niya sa sarili. Nagpakasal ka kay Luigi, Jornaliza! Wari'y sigaw ng isang bahagi ng kanyang utak. "Jornaliza…""Ako ang may kasalanan nito," wika niya. Kumunot naman ang noo ni Luigi. Alam niyang labis itong nagtataka sa kanyang sinabi. "Wala kang ginawang mali." Mariing sabi ni Luigi. "Nagpakasal tayo," wika niya. Kumunot ang noo ni Luigi nang pakatitigan siya ng husto. "Pinagsisisihan mong…""Nakasakit ako. Tayo. Iyon ang sinasabi ko," mariin niyang
"BIRTHDAY ko?" gilalas pang sabi ni Jornaliza. Napa-'oh my' pa siya dahil napagtanto niyang kaarawan nga niya. Wala kasing ibang laman ang utak niya ng mga nagdaang araw kundi ang kanyang pagsusulat."Okay lang na makalimutan mo na kaarawan mo ngayon pero huwag na huwag mo sanang kalilimutan na may pogi kang mister," wika ni Luigi sabay kawit sa kanyang beywang. "Happy Birthday," wika naman ng iba. Talaga kasing kapag napapatitig siya kay Luigi ay talagang nawawala siya sa kanyang sarili. Parang nakakalimutan niya ang lahat gayung nang buksan niya ang pintuan kanina ay kita niyang maraming tao. Kabilang na roon ang kanyang ama, mga biyenan at ilang kasamahan sa pagsusulat kabilang na ang kanyang editor. "Kaya pala ayaw mo akong palabasin ng kuwarto kanina," wika niya. Natawa si Luigi. "Para namang gustong lumabas."Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi ng kanyang mister, lalo't tinudyo siya ng mga nakapaligid sa kanila, unang una na siyempre ang kanilang mga magulang. Magkaka apo n
INSPIRED na inspired si Jornaliza kaya mabilis na mabilis ang pagtipa niya sa kanyang laptop. Siyempre, spg scenes ang kanyang ginagawa kaya naman dalang-dala siya sa eksena. Sa kanyang isipan din ay naaalala niya ang mga nangyayari sa kanila ni Luigi. Bukod sa gusto niyang magkaroon ng inspirasyon ng kamanyakan, nais din niyang matutunan ang iba't ibang style sa pakikipag-sex dahil ayaw naman niyang pagsawaan siya ni Luigi. Hindi nito sinasabi sa kanya ang magic words na I love you kaya naiisip niyang kapag hindi niya ginalingan sa pakikipagtalik ay bigla na lamang siya nitong iwanan. Ipinilig lang niya ang kanyang ulo nu'ng maalala niyang sabi ni Luigi na siya ang gusto nitong makasama sa habambuhay. Kaya, pinatutunayan lamang nito sa kanya na wala itong balak na iwanan siya. "Wala ka na bang gagawin diyan kundi magsulat?" Tanong sa kanya ni Luigi. Maang siyang napatingin dito. "Nagagalit ka ba?" "Bakit naman ako magagalit?" Sarkastikong tanong nito. "Sunday ngayon, dapat nagba
HINDI ito ang unang pagkakataon na inangkin si Jornaliza ni Luigi pero pakiramdam niya'y napakaespesyal ng naging halik, yakap, haplos at pag-angkin nito sa kanya ng mga sandaling iyon. Dahil nagawa na niyang aminin ang kanyang nararamdaman, hindi lang kay Luigi kundi maging sa kanyang sarili. Mahal niya si Luigi Chances. Hindi lang bilang kababata o matalik na kaibigan kundi bilang isang lalaki. Bilang kanyang asawa. At hindi niya kayang pigilan ang kanyang emosyon. Umiibig na siya kay Luigi kaya gusto na niya ito makasama sa habambuhay. Well, noon pa naman ay talagang ayaw na niyang mahiwalay pa rito. Hindi nga niya maiwasan ang makaramdam ng takot kapag naiisip niyang isang araw ay magseseryoso ito sa pag-ibig at mag-aasawa. Alam niya kasing kapag nangyari iyon ay hindi na sila magiging tulad ng dati. Hindi lang niya napigilan ang mapangiti sa labis na kasiyahan dahil nasa kanya na ang kanyang bestfriend. Kasal na sila kaya hindi na ito maaagaw ninuman sa kanya. "Huwag mo nga a
KUNG hindi lang nagtanong agad si Luigi ng, "Anong iniisip mo?" Mapapasigaw na sana siya. Bigla kasing pumulupot ang bisig nito sa kanyang katawan at naramdaman din niya ang katawan nitong dumikit sa kanyang katawan. Ang takot na nararamdaman niya kani-kanina ay biglang napawi. Pakiramdam niya kasi ay may magpuprotekta na sa kanya. Ngunit, siyempre, hindi naman niya gugustuhing mapahamak ang mahal niya. Mahal niya? Gilalas niyang sabi sa kanyang sarili kaya naman nanlaki ng husto ang kanyang mga mata. Hindi niya kasi inakala na maiisip niya iyon. Mahal na niya si Luigi?Ang lakas pa ng kanyang pagsinghap na para bang talagang gusto niyang siguraduhin na talaga ngang mahal niya si Luigi. Well, totoo naman iyon. Matalik nga silang magkaibigan kaya talagang may pagmamahal siya rito. Hindi lang kayo basta magkaibigan ngayon, mag-asawa rin kayo, buong diin niyang sabi sa sarili. Pagkaraan ay biglang pumasok sa isip niya ang mga pinagsaluhan nila ni Luigi sa kama. Naisip niya kasi na kun
SUNDAY is family day, kaya, hindi lang si Luigi ang kasama ni Jornaliza, pati na rin ang kanilang mga magulang. Ngunit, dahil sa hindi naman nila sinabi ni Luigi na pupunta sila ay kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ng mga magulang. Pagkagulat? Tanong niyang muli sa kanyang sarili. Para kasing kulang na kulang ang paglalarawan niyang iyon. Hindi lang kasi gulat ang nakikita niya sa mukha ng mga ito kundi takot. Gusto sana niyang magtanong kung anong problema kaso nga lang biglang nagliwanag ang mukha ng kanyang Mama Guada sabay palakpak na parang siyang-siya na nakita sila, lalo tuloy siyang napakunot noo sa ginawi nito. Para kasing mayroon talagang nais itago ang mga magulang sa kanila ni Luigi. Dama kasi niyang tensyon ng mga ito at ang palitan ng makahulugang tinginan. "Eh, kamusta naman kayo?" Tanong pa ng kanyang Mama Guada habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ni Luigi. Dahil nga sa pagsorpresa nila sa mga ito ay nagpasya na silang magdala ng pananghalian. "Ma
HINDI man sila sa fivestar hotel nag-dinner ni Luigi, pakiramdam ni Jornaliza ay pagkaganda-ganda niya sa paningin nito. Hindi kasi maalis-alis ni Luigi ang tingin sa kanya. Pakiwari niya tuloy ay magandang-maganda ang kanyang suot at naka-make up din siya gayung pol o at lipstick lang naman ang inilagay niya sa kanyang mukha. "Uy," wika niya maya-maya. Ang lakas-lakas na kasi ng tibok ng puso niya ng mga sandaling igon. Pakiramdam niya tuloy lalabas na sa rib cage niya ang kanyang puso. Sobra-sobra siyang nabibingi. "Kung titigan mo ako, parang ngayon mo lang ako nakita," nakangising sabi niha kahit ang totoo ay sobra siyang naaapektuhan sa paraan ng pagtitig nito. "Ang lakas mo kasing kumain," wika ni Luigi na manghang-mangha sa mga pagkaing nasa kanyang harapan – inihaw na pusit, inihaw na bangus, inihaw na baboy, inihaw na manok at may inihaw na hotdog pa. Para siyang biglang nahirinan sa sinabing iyon ni Luigi kaya agad niyang hinagilap ang kanyang baso saka uminom. Buong akal
DAHIL sa ayaw na naman siyang makita at makausap pa ni Jornaliza, naisipan ni Yael na sundan na lamang niya si Luigi. Wala naman kasi siyang mapagtanungan kung saan ito matatagpuan.Siyempre, hindi naman siya nagpakita kay Luigi. Matagal na rin siyang hindi nagpupunta sa L's. Ayaw niyang makita ng lalaki dahil baka kung anong magawa niya rito. Sa lahat kasi ng ayaw niya ay ang inaagawan at iyon ang ginawa nito sa kanya.Malalim na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan nang maisip niyang may pakiramdam din naman siyang hindi niya makakamit ang matamis na oo ni Jornaliza. Hindi naman siya manhid ngunit gusto pa rin niyang umasa. Naniniwala kasi siyang makukuha rin niya si Jornaliza sa tiyaga.Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Talaga kasing hindi niya inakala na magiging mabilis ang pag-aksyon ni Luigi para makuha si Jornaliza.Muli, napabuntunghininga siya. Dapat nga sana ay tanggapin na lamang niyang iba na ang bu