Pretend
Humingi si Dennis ng tawad kay Syrius dahil kailangan niyang puntahan kaagad si Dave. Nang sabihin niya sa kaibigan na may sakit ang kapatid, ito pa ang nagtaboy sa kanya para makauwi siya.
Mabilis si Dennis na umuwi ng bahay at nang makarating sa bahay, dumiretso kaagad siya sa kwarto ni Dave. Pagkapasok niya sa loob, nakita niya ang kapatid na nakahiga sa kama. Namumula ang mukha nito at buti-butil ang pawis. Agad siyang lumapit at nilagay ang kamay sa noo ni Dave. Noong maramdaman niya ang init na pumapaso sa kamay niya, malakas na tumahip ang dibdib niya.
"D-Dave? Dave, are you awake?" pabulong niyang tanong ngunit umuungol lang si Dave.
Fuck! Kailangan niya itong dalhin sa ospital!
"Dave, sandali lang, I'll call someone. Dadalhin ka naming ospital, ha? You'll get better!" Inalis niya ang kamay sa noo n
Chapter Forty ThreeBaby Katulong nila Dennis ang dumating dala ang pagkain para sa kanila ni Dave. Inasikaso muna niya ang kapatid at noong kumakain si Dave ng lugaw, lumabas naman si Dennis para tumawag kay Syrius. Binilin niya sa kaibigan na hindi muna siya makakapasok at sinabi nito na ito na ang bahala. Pagkatapos naman noon ay si Raymond ang tatawagan niya.Noong malaman ni Raymond na may sakit si Dave, nag-alok ito na dadalaw daw at magdadala ng pagkain para sa maysakit. Pumayag si Dennis dahil gusto niya ring makita si Raymond.Hindi nga nagtagal, dumating si Raymond at hindi lang ito ang dumating. Maging si Raysen ay kasunod nito. Napanganga na lang si Dennis dahil walang anu-ano, pumasok si Raysen sa kwarto ni Dave na parang hindi siya nakita. Lilingunin niya pa sana si Raysen nang yumakap sa kanya si Raymond paghinto nito
Affirmation Umalis din si James pagkatapos sabihin iyon kay Dennis. Nang makita nitong apektado siya sa binunyag nito, kita sa mukha ni James ang tagumpay. Naiwan naman si Dennis doon na nag-iiisip kung paano itatanong kay Raymond ang nalaman mula kay James. Fuck. Paanong nagkaroon ng anak si Raymond? Hindi kaya ginagago lang siya ni James? Pero hindi, e. Kita sa mukha nito ang kaseryosohan noong kausap siya kanina. Don’t tell him that Raymond really has a child? May naanakan ito? Kailan nangyari iyon? Noong hiwalay ba sila? Fuck! Nakikulta na ang utak niya sa kakaisip! Kinagat ni Dennis ang nakakuyom na kamao at ipinikit ang mga mata. Tangina. Paano kung totoo ngang may anak ito at ipilit ng nanay ng bata na panagutan ni Raymond? Paano siya? Anong gagawin niyang aksyon? Shit.
Trigger warning: homophobic remarksChapter Forty FourBomb "Are you going to ask me to break up with him again, Mom?" ani Dennis at tinitigan nang diretso ang ina. Binaba ni Marissa ang hawak na magazine at tumayo. Ngumiti ito kay Dennis na kinataka niya.Naglakad si Marissa patungo sa kanya at sinapo ang mukha niya na kinalunok ng laway ni Dennis. Bakit ganito ang mommy niya?"You love your mommy, right? Mabait kang bata, Dennis. I remember when you were young, madalas kang humabol sa akin. You want my attention. You want me to love you that’s why you always please me. Ganoon pa rin naman, ’di ba? If you want me to love you, you will do what mommy wants, right? You’ll listen to me, okay?"This is the first time Dennis heard his mom talked like this and it’s making him uncomfortable. Para siya n
Calling "Daddy?"Sinulyapan ni Dennis si Ramiel at inaabot siya ngayon ng yakap. Ngumiti muna siya bago ito binuhat. "Saan ang Papa mo?"Tinuro ni Ramiel ang parking lot na nasa gilid. "Doon po. Ni-park niya sasakyan po." Hinarap siya ni Ramiel at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. "Miss kita, Daddy!"Kinintalan niya ng halik sa pisngi ang bata at masaya naman itong tumawa. Makalipas ang ilang sandali havang naghaharutan sila, dumating din si Raymond at may bitbit itong thermal bag."Para saan ’yan?" tanong niya at sinilip ang hawak ni Raymond kahit na hindi naman niya makita ang laman no’n."Ah? Pagkain natin sa lunch tsaka milk na rin ni Miel," sagot nito.Sinilip niya ang office building na nasa likuran niya bago sinulyapan si Ramiel na nasa bisig. "Pinayagan ka bang magdala ng bata?
Chapter Forty Five Almost losing him "Dave!" Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Dennis sa buong apartment. Kita ng dalawang mata niya ang walang malay na si Dave habang may hiwa ang kaliwang palapulsuhan nito. Patuloy na umaagos ang pulang dugo sa tiles ng banyo at ang iba roon, papunta na ang kulay sa maitim-itim na shade ng pula. Kahit na nakikita niya ang kalagayan ni Dave, hindi makagalaw si Dennis. Pakiramdam niya, hindi niya kayang lumapit dito dahil ayaw niyang malaman kung huli na ba siya? "Snap out of it, Dennis! Kailangan tayo ni Dave ngayon!" Tinabig siya ni Syrius at ito ang lumuhod at idinampi ang point at middle finger nito sa gilid ng leeg ni Dave. Napahinga ito nang malalim, mukhang nabunutan ng tinik sa dibdib at agad na binuhat si Dave. "He’s still alive but unconscious! We need to brin
Issue "Why did I tell you? I told you that your brother doesn’t need to know about it! Ano, gagaya ka na rin sa kanya na suwail na anak? Hindi nakikinig sa akin? You’re also going to turn your back against me, Dave?!"Natahimik si Dave at niyuko ang ulo. Nang makita ito ni Dennis, hindi niya mapigilang hindi sumabat sa usapan at sigawan ang ina kahit na alam niyang mali iyon. Pero ang nasa isip niya, kagagaling lang ni Dave sa hindi magandang kalagayan, ito pa ang bungad ng mommy nila? He really can’t this anymore!"Mommy! Can’t you see that Dave was just out of danger?! Kakagising niya pa lang tapos ganyan ang salubong mo sa kanya?""Huwag na huwag mo akong sisigawan dahil anak lang kita! Wala kang karapatan, Dennis! Kaya nagkakaganyan si Dave, dahil sa ’yo! Kung hindi napalapit si Dave sa ’yo, he would still listen
Chapter Forty SixWelcome to the family Natatawa si Dennis habang pinagmamasdan si Dave na parang munting bata na iniikot ng tingin ang loob ng bahay nila Raymond. Alam niyang nakapunta na ito rito dati pero ibang usapan na kasi dahil dito muna mananatili ang kapatid niya.Ayaw nga sana nilang dalawa na pumayag pero ani Mama Rosa sa kanila, paano kung papasok siya sa eskwelahan at OJT, sinong magbabantay sa kapatid niya? Doon din napaisip si Dennis na totoo ang sinasabi nito. He really can’t take care of Dave for now. Hindi naman sa alagain ito o ano ngunit mas mabuti na rin ang nag-iingat.Mas mabuting nasa maayos na lugar si Dave para hindi maapektuhan ang mental health nito. Alam niyang hindi naman suicidal ang kapatid pero over sensitive si Dave ngayon na maaaring ma-trigger ang mga negative thoughts nito.
Caught Pagkatapos ng pag-uusap nila, lumabas si Dennis ng kwarto kasama ang grandparents ni Raymond. Pagbukas pa lang ng pinto, sumalubong na kay Dennis ang nag-aalalang mukha nito. Nilingon nito ang lolo’t lola at pinaglapat ang mga labi habang nakakunot ang noo.Napatingin na lang ang lola kay Raymond at hindi makapaniwalang nagbuga ng hangin mula sa bibig. "Akala mo ba, inapi namin ’tong si Dennis, apo?"Biglang napakamot sa ulo si Raymond at nag-iwas ng tingin sa lola. Siya naman, hinawakan ito sa braso at ngumiti para ipakitang ayos lang siya.Mahinang natawa ang matandang lalaki at napalingon silang tatlo rito. Tumikhim ito nang mapansin na natuon ang pansin nila. Sumeryoso ito ng ekspresyon at pilit pinagtakpan ang pagkapahiya."Tara at hinihintay na nila tayo,"