Calling
"Daddy?"
Sinulyapan ni Dennis si Ramiel at inaabot siya ngayon ng yakap. Ngumiti muna siya bago ito binuhat. "Saan ang Papa mo?"
Tinuro ni Ramiel ang parking lot na nasa gilid. "Doon po. Ni-park niya sasakyan po." Hinarap siya ni Ramiel at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. "Miss kita, Daddy!"
Kinintalan niya ng halik sa pisngi ang bata at masaya naman itong tumawa. Makalipas ang ilang sandali havang naghaharutan sila, dumating din si Raymond at may bitbit itong thermal bag.
"Para saan ’yan?" tanong niya at sinilip ang hawak ni Raymond kahit na hindi naman niya makita ang laman no’n.
"Ah? Pagkain natin sa lunch tsaka milk na rin ni Miel," sagot nito.
Sinilip niya ang office building na nasa likuran niya bago sinulyapan si Ramiel na nasa bisig. "Pinayagan ka bang magdala ng bata?
Chapter Forty Five Almost losing him "Dave!" Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Dennis sa buong apartment. Kita ng dalawang mata niya ang walang malay na si Dave habang may hiwa ang kaliwang palapulsuhan nito. Patuloy na umaagos ang pulang dugo sa tiles ng banyo at ang iba roon, papunta na ang kulay sa maitim-itim na shade ng pula. Kahit na nakikita niya ang kalagayan ni Dave, hindi makagalaw si Dennis. Pakiramdam niya, hindi niya kayang lumapit dito dahil ayaw niyang malaman kung huli na ba siya? "Snap out of it, Dennis! Kailangan tayo ni Dave ngayon!" Tinabig siya ni Syrius at ito ang lumuhod at idinampi ang point at middle finger nito sa gilid ng leeg ni Dave. Napahinga ito nang malalim, mukhang nabunutan ng tinik sa dibdib at agad na binuhat si Dave. "He’s still alive but unconscious! We need to brin
Issue "Why did I tell you? I told you that your brother doesn’t need to know about it! Ano, gagaya ka na rin sa kanya na suwail na anak? Hindi nakikinig sa akin? You’re also going to turn your back against me, Dave?!"Natahimik si Dave at niyuko ang ulo. Nang makita ito ni Dennis, hindi niya mapigilang hindi sumabat sa usapan at sigawan ang ina kahit na alam niyang mali iyon. Pero ang nasa isip niya, kagagaling lang ni Dave sa hindi magandang kalagayan, ito pa ang bungad ng mommy nila? He really can’t this anymore!"Mommy! Can’t you see that Dave was just out of danger?! Kakagising niya pa lang tapos ganyan ang salubong mo sa kanya?""Huwag na huwag mo akong sisigawan dahil anak lang kita! Wala kang karapatan, Dennis! Kaya nagkakaganyan si Dave, dahil sa ’yo! Kung hindi napalapit si Dave sa ’yo, he would still listen
Chapter Forty SixWelcome to the family Natatawa si Dennis habang pinagmamasdan si Dave na parang munting bata na iniikot ng tingin ang loob ng bahay nila Raymond. Alam niyang nakapunta na ito rito dati pero ibang usapan na kasi dahil dito muna mananatili ang kapatid niya.Ayaw nga sana nilang dalawa na pumayag pero ani Mama Rosa sa kanila, paano kung papasok siya sa eskwelahan at OJT, sinong magbabantay sa kapatid niya? Doon din napaisip si Dennis na totoo ang sinasabi nito. He really can’t take care of Dave for now. Hindi naman sa alagain ito o ano ngunit mas mabuti na rin ang nag-iingat.Mas mabuting nasa maayos na lugar si Dave para hindi maapektuhan ang mental health nito. Alam niyang hindi naman suicidal ang kapatid pero over sensitive si Dave ngayon na maaaring ma-trigger ang mga negative thoughts nito.
Caught Pagkatapos ng pag-uusap nila, lumabas si Dennis ng kwarto kasama ang grandparents ni Raymond. Pagbukas pa lang ng pinto, sumalubong na kay Dennis ang nag-aalalang mukha nito. Nilingon nito ang lolo’t lola at pinaglapat ang mga labi habang nakakunot ang noo.Napatingin na lang ang lola kay Raymond at hindi makapaniwalang nagbuga ng hangin mula sa bibig. "Akala mo ba, inapi namin ’tong si Dennis, apo?"Biglang napakamot sa ulo si Raymond at nag-iwas ng tingin sa lola. Siya naman, hinawakan ito sa braso at ngumiti para ipakitang ayos lang siya.Mahinang natawa ang matandang lalaki at napalingon silang tatlo rito. Tumikhim ito nang mapansin na natuon ang pansin nila. Sumeryoso ito ng ekspresyon at pilit pinagtakpan ang pagkapahiya."Tara at hinihintay na nila tayo,"
Chapter Forty SevenDodging eyes Dahil sa naabutang tagpo ni Raysen, nagkahiyaan si Dennis at Raymond. Ang nangyari tuloy, tuwing magdidikit silang dalawa, sandali silang magtitinginan, mag-iiwasan ng tingin at mauuwi na lang sa tawa ang lahat.Si Raymond na rin ang nagsabi na baka divine intervention iyon kaya kahit gustong dikdikin ni Dennis si Raysen, hindi na niya ginawa.Fuck it. Naroon na, e. Not that he’s after the sex. Goodness, he’s still a virgin if anyone wants to ask. But what he likes is to have an intimate connection with Raymond. After all that happened between them, sigurado naman na siya kay Raymond. Isa pa, mahal niya si Raymond kaya bakit hindi nila gawin iyon?Also, he didn’t know that Raymond was just waiting for him to say yes. Malay niya ba? Pero ngayon
Drugged "So, anong balak mo n’yan?"Iyon ang bungad na tanong sa kanya ni Syrius ngayong natapos niyang ikwento ang nalaman kay Raysen. Imbes na sumagot, dinampot niya muna ang inumin sa mesa at tinungga iyon hanggang masaid ang laman.Syrius waited for his answer."I will talk to Mom. Sasabihin ko sa kanya na tigilan na ang panggigipit kila Raymond. Kung gusto niya, ako ang pahirapan niya."Ngumiwi si Syrius. "Bakit, tingin mo ba sa nanay mo, makikinig sa ’yo iyon? Hindi. Swerte mo na kung hindi ka masampal no’n.""But I’ll still try luck. Hindi iyong naghihintay ako sa kung anong mangyayari. I just don’t understand her. Lumayo na ako. Bakit ginaganito pa rin ako ni Mommy? Anak niya ba ako? Anak niya ba si Dave? Akala ko ako lang ang argabyado sa amin noong una. But even Dave
Chapter Forty Eight Saved "Ano? Natawagan mo na ba, Sy?" Dahil hindi mapakali si Raymond noong hindi matawagan si Dennis, si Syrius ang tinawagan niya para tanungin ito kung saan si Dennis. "Cannot be reach pa rin ang phone niya," sagot nito. Napabuga ng hangin si Raymond. Tae naman! Saan ba nagsuot ang lalaking iyon? Iba talaga ang pakiramdam niya, e! Hindi naman siya ganito kahit dalawang araw pa silang hindi magkita ni Dennis. Pero ngayon? May intuwisyon siyang nasa panganib si Dennis! Lalo pang hindi nila ito matawagan pareho ni Syrius. "Alam mo ba kung saan pumunta? Please, Sy, sabihin mo. Iba ang pakiramdam ko, pare. Baka kung nasaan na si Dennis!" Kumamot sa ulo si Syrius at nilabas ang cellphone. Nag-scroll ito doon at mayamaya, hinarap sa mukha niya ang screen ng phone
Appearance Hindi na sinubukan pang kausapin ni Dennis ang ina dahil sa naging takbo ng pag-uusap nilang dalawa. Hindi na siya umaasa pang magkaayos sila matapos ng komprontasyon. Hindi na rin naman siya nito sinubukang tawagan. Kung tatanungin siya kung nalulungkot siya? Hindi. Mas nakahinga pa siya nang maluwag.Ang tanging problema lang... nalaman niyang ginigipit pa rin ng kumpanya ng ina ang kumpanya na pag-aari ng pamilya ni Raymond. Hindi man ipakita ni Raymond na may problema, ramdam naman niya iyon.Pero sa kabila noon, wala siyang narinig na kung ano mula rito. Ito pa nga ang nagsasabi sa kanya na huwag niyang alalahanin ang problema dahil kayang-kaya nilang lusutan iyon.That doesn’t ease the guilt he’s feeling, though.Pero ano bang gagawin niya? Ang iwang muli si Raymond para magtagumpay ang mommy