"W-what? Pumunta sa inyo si Martin? Ano'ng ginawa n'yo, huh?" nanlalaki ang mga mata na tanong ni Gretta kay Andrea nang sabihin nito na pumunta si Martin sa bahay nila noong weekend. Nasa loob sila ng opisina na pinagtatrabauhan nila na kompanya. Hindi pa naman sila nagsisimula na magtrabaho dahil wala pa naman na alas otso ng umaga. Malaya pa silang magkuwentuhan. Palagi maaga silang pumapasok na magkaibigan kaya hindi sila nale-late. "Oo. Pumunta siya sa amin. Akala ko nga ay lalabas kami that night person nang malaman niya na ako lang ang mag-isa sa bahay namin ay sinabi niya na doon na lang siya tatambay. Hindi na raw kami lalabas," kuwento ni Andrea sa kaibigan."Talaga ba? Tapos ano'ng ginawa n'yong dalawa that night, huh?" usisa ni Gretta kay Andrea. Huminga muna nang malalim si Andrea bago sinagot ang tanong ng kaibigan niya na si Gretta na hindi na naman makapaghintay sa isasagot niya."Hinintay ko siya na dumating sa bahay namin. Nang dumating siya ay pumasok na kami sa ba
''Andrea, kailangan mo na gumawa ng ibang paraan na hindi masasayang ang lahat ng ginagawa mo ngayon. Malabong magkagusto si Ella Marie kay Martin. Malabong-malabo 'yon. Kahit tulungan mo sila na magkalapit, wala pa ring mangyayari," seryosong sabi pa ni Gretta kay Andrea na nakakunot na ang noo. Hindi niya maintindihan kung ano'ng ibig sabihin ni Gretta sa kanya."Paano mo naman nasasabi 'yan na para bang may iba kang nalalaman tungkol sa kanya, huh? May nalalaman ka ba tungkol kay Ella Marie na hindi ko nalalaman, huh?" tanong ni Andrea sa kaibigan. Nagpakawala muna si Gretta ng malalim na buntong-hininga."Wala akong nalalaman tungkol sa kanya pero may napapansin ako na para bang may—""Ano? Ano'ng napapansin mo sa kanya, huh? Sabihin mo na sa akin please," atat na atat na sabi ni Andrea kay Gretta. "Para kasing in love siya, eh," mahinang usal ni Gretta."Huh? In love siya? Kanino naman, huh? She's single, right? Paano naman siya magiging in love, huh?" naguguluhan na tanong ni A
"Oo. Nakapag-isip na ako, Gretta. Alam ko na ang gagawin ko ngayon," seryosong sagot ni Andrea kay Gretta na mariing ngumiti naman sa kanya. "Mabuti naman kung ganoon na nakapag-isip ka na kung ano'ng gagawin mo. Masaya akong marinig 'yon sa 'yo pero mas sasaya ako kung maririnig ko sa 'yo ang iminumungkahi ko sa 'yo," sabi ni Gretta na gustong-gusto na malaman kung ano 'yon. Andrea took a very deep breath and bit her lips."Ibibigay ko pa rin ang bouquet at chocolate na pinabibigay niya sa akin kay Ella Marie," dahan-dahan na anunsiyo ni Andrea kay Gretta na nawala ang ngiti sa mga labi niya. Napalitan 'yon ng pagkadismaya sa kanya."A-ano? Ibibigay mo pa rin 'yon sa kanya? Akala ko—" hindi na pinatapos ni Andrea ang sasabihin ng kaibigan niya sa kanya kaya nagsalita naman na siya para magpaliwanag. Hindi lang naman 'yon ang sasabihin niya."Gretta, makinig ka muna sa mga sasabihin ko sa 'yo. Hindi lang naman 'yon ang sasabihin ko sa 'yo, eh. Let me explain please," sabi ni Andrea k
Sumang-ayon naman si Gretta sa sinabi ni Andrea na ibibigay pa rin nila ang pinabibigay na bouquet at chocolate ni Martin kay Ella Marie kahit sinabihan na niya ito na huwag na gawin 'yon. Bilang kaibigan na sinusuportahan niya sa bawat gagawin nito ay hindi naman niya puwede na pabayaan ang kaibigan. Nagpaliwanag na rin ito sa kanya. Naiintindihan naman na 'yon ni Gretta. Si Gretta na lang ang nagpresenta na bumili ng bouquet at chocolate na ibibigay nila kay Ella Marie para mamaya. Nakausap na nila si Ella Marie at pumayag naman ito na kumain sila ng dinner sa labas mamaya. Dala-dala na ni Gretta ang bouquet at chocolate na binili niya. Nauna na siyang lumabas sa opisina para bumili samantalang sumunod naman sa kanya si Andrea at Ella Marie. Doon sila kakain sa restaurant madalas na kinakainan nilang tatlo ng dinner.Nandoon na si Gretta nang dumating ang dalawa. Kinuha ni Andrea ang bouquet at chocolate. Kaagad na binigay niya kay Ella Marie 'yon na nanlalaki ang mga mata sa pagkag
"Kumusta ka?" seryosong tanong ni Martin sa kanya nang makapasok siya sa loob ng sasakyan nito. Nakaupo siya sa unahan kung saan magkatabi sila habang nasa driver's seat naman si Martin. Hindi pa nito pinapaandar ang sasakyan dahil nag-uusap pa silang dalawa.Lumunok muna si Andrea ng kanyang laway at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago sumagot kay Martin na kinukumusta siya."Maayos naman ako, Martin. E, ikaw? Kumusta ka, huh?" sagot ni Andrea at ipinalik naman niya ang tanong ni Martin sa kanya. Martin let out a deep sigh and glanced at her seriously. "I'm doing fine. I'm busy, anyway. Pero nagawa ko pa rin na makipagkita sa 'yo tonight dahil alam ko na importante ang sasabihin mo sa akin ngayon. Am I right?" sagot ni Martin kay Andrea na dahan-dahan naman na napatango. "Kanina ka pa siguro naghihintay sa akin dito sa parking area, 'no? I'm sorry kung ganoon na kanina ka pa naghihintay sa akin," sagot ni Andrea kay Martin na humingi ng sorry kung kanina pa ito naghihint
Binilhan ni Martin si Andrea ng isusuot niyang damit mamaya pagkaligo niya. Kumpleto ang binili nito sa kanya. Pagkadating nila sa condo unit ay tumungo kaagad si Andrea sa banyo para maligo. Hinubad na niya ang uniporme niya na sinuot niya matapos ang pagtatalik nilang dalawa sa loob ng sasakyan ni Martin sa pangalawang pagkakataon. Nakalimutan niyang isara ang pinto. Nagulat na lang siya nang makita niya na nandoon na si Martin sa loob na hubo't hubad na kagaya niya. Naalala niya na nagsabi ito kanina na maliligo rin siya pagdating sa condo unit niya. Dumako ang kanyang mga mata sa pagkalalaki nito na tayong-tayo na naman. Napalunok siya nang sunod-sunod ng kanyang laway. Basang-basa na siya ng malamig na tubing ngunit naramdaman niya ang pag-init ng pisngi niya sunod ang buong katawan niya."Why are you here?" tanong niya kay Martin na kaybilis ng tibok ng puso niya. Ngumiti si Martin sa kanya at nagsalita, "Maliligo rin ako, Andrea. Sinabi ko sa 'yo kanina na maliligo rin ako, 'd
Matapos ang kanilang halikan ay kumain na silang dalawa. Hinayaan na lang ni Martin na lagyan ni Andrea ng kanin ang plato niya. Daig pa nilang dalawa ang mag-asawa. Matapos nilang kumain ay si Andrea na ang nagpresenta na maghugas ng pinaggan na pinagkainan nila. Pinagtaka naman ni Martin 'yon dahil hindi naman ganoon si Andrea na magpepresenta na maghugas lalo na kung hindi sa bahay nila. Siya dapat ang gumagawa ng bagay na 'yon hindi si Andrea na bisita lang kung iisipin dahil hindi naman ito nakatira sa condo unit na tinitirahan niya."Hindi mo na kailangan na gawin 'yan, Andrea. Ako ang dapat na gumawa ng bagay na 'yan, eh, hindi ikaw. 'Wag mo nang gawin pa 'yan, please. Ako na lang ang maghuhugas ng mga 'yan. Nakakahiya naman sa 'yo, Andrea," saway ni Martin kay Andrea na ayaw na magpaawat sa kanya. "Alam ko naman 'yon pero gusto ko na ako na lang ang maghugas ng mga pinggan na pinagkainan nating dalawa. Kaunti lang naman nito. Hayaan mo na ako, okay? Marunong naman akong maghu
Inihatid ni Martin si Andrea sa kanilang bahay. Wala pa ring nagawa si Andrea kundi ang sumunod sa sinasabi ni Martin sa kanya. Habang nasa daan silang dalawa pauwi sa bahay nina Andrea ay tinawagan ni Martin si Johnny na best friend niya para sabihin na hintayin siya nito sa lobby ng condo para sabay na silang tumaas sa unit niya. Hinahatid pa niya si Andrea. Nang nasa tapat na si Andrea ng bahay nila ay dali-dali naman siyang bumaba. Pinagbuksan siya ng pinto ni Martin. Nagpasalamat naman siya kay Martin. Hindi naman na nagtagal si Andrea sa tapat ng bahay nila. Umalis na kaagad ito dahil hinihintay na ng best friend niya na si Johnny. Muling nakahiga nang maluwag si Andrea nang makaalis na ng tuluyan si Martin. Nakaligtas siya sa katanungan nito kung may gusto ba siya rito. Nakapagtataka nga lang kung bakit naitanong 'yon ni Martin sa kanya. May napapansin na ba itong kakaiba sa kanya para pagduduhan siya? Napapansin na ba nito na may gusto siya? Wala naman siyang pinapakitang ib
Nalaman ng lahat ang nangyari kay Clarissa. Walang natuwa sa sinapit nito kahit na nga ay maraming nagalit sa kanya dahil sa ginawa niyang kasamaan. Inoperahan si Clarissa sa kanyang ulo at pinutol ang isa niyang binti. Sa nangyaring 'yon sa kanya ay marami siyang na-realize sa buhay niya lalo na ang mga kasalanan niyang nagawa sa mga taong sinaktan niya. Pinatawad naman na siya nina Andrea, Gretta at Ella Marie sa mga kasalanan niya kahit hindi siya humingi ng tawad dito. Pinakilala na rin ni Martin si Andrea sa mga magulang niya na hindi makapaniwala sa nalaman nila na si Andrea lang pala ang babaeng minamahal ng kanilang anak. Kilalang-kilala na nila si Andrea kaya naman natuwa sila nang malaman na siya pala ang babaeng napupusuan ng anak nila. Tanggap na tanggap nila si Andrea sa pamilya nila at para na rin sa anak nila na si Martin. Sinabi nila na nagdadalang-tao na si Andrea at magkakaroon na sila ng apo. Labis ang tuwang nararamdaman nito."Kailan n'yo balak na magpakasal na da
Nagbihis muna silang dalawa ni Martin sa loob ng kuwarto niya bago bumaba para kumain ng dinner. Magkahawak-kamay silang dalawa ni Martin nang bumaba sila mula sa kuwarto niya patungo sa dining room. Nagkatinginan lang ang mag-asawa na sina Merla at Roberto sa nakikita nila. Mukhang may good news na sasabihin ang dalawa sa kanila. Iyon ang nasa isipi nilang mag-asawa habang pinagmamasdan ang dalawang kababa pa lang mula sa taas.Bago umupo ang dalawa sa upuan para kumain ay sinabi na nga nila ang magandang balita na 'yon sa mga magulang ni Andrea. Inanunsiyo na nilang dalawa na magkasintahan na sila. Tuwang-tuwa naman ang dalawang mag-asawa sa nalaman nila na 'yon mula sa kanila. "Masayang-masaya kami para sa inyong dalawa. Wala kaming ibang nasabi kundi ang maging maligaya kayo sa isa't isa. Magmahalan kayo na para bang wala nang bukas pa," nakangising wika ni Merla sa kanilang dalawa na magkasintahan na. Nandoon sa dining room ang mga kapatid ni Andrea kaya narinig nila ang good ne
Pinuntahan ni Martin si Andrea sa bahay nito. Hindi sana siya papasukin ni Andrea sa bahay nito ngunit dahil sa pakiusap ng mga magulang niya ay pinapasok na niya ito sa bahay nila. Nagpaliwanag si Martin sa mga magulang ni Andrea kung bakit nagkakaganoon ang anak nila."Nagseselos lang 'yang anak namin na si Andrea kaya nagkakaganyan 'yan," sabi ni Merla kay Martin pagkapasok nito sa loob ng bahay.Tumango naman si Martin sa ina ni Andrea at ngumiti bago nagsalita. "Oo nga po, eh. Wala naman po siyang kailangan na ipagselosan o ikagalit. Siya lang naman ang mahal ko po. Hindi ko na po mahal ang babaeng nakita niya kanina na kayakap ko, eh. Siya na po ang mahal ko ngayon at wala nang iba pa. Alam n'yo naman po 'yan, 'di ba po? Akala niya po siguro ay niloloko ko siya. Hinding-hindi ko magagawa 'yon sa kanya. Hinding-hindi ko gagawin 'yon kailan pa man sa babaeng mahal ko. She's the only one for me," sagot naman ni Martin sa harap ng mga magulang ni Andrea. Ngumiti naman ito sa kanya a
Mag-iisang oras na ngunit hindi pa rin umuusad ang mahabang pila ng mga sasakyan sa kalsada. Traffic na naman. Naipit sa mahabang traffic si Andrea patungo sa restaurant na kakainan nila ng dinner ni Martin. Napapamura na lang sa inis si Andrea. Naiinip na siya. Tinatawagan niya rin si Martin ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Gusto lang niya na sabihin dito na naipit siya sa mahabang traffic ngayong gabi. Siguradong-sigurado siya na nandoon na sa restaurant na 'yon si Martin at naghihintay na ito sa kanya. Hindi na siya mapakali."Manong, ano po ba'ng nangyayari at parang hindi umuusad ang mga sasakyan?" tanong ni Andrea sa taxi driver na nasakyan niya. "Ma'am, pasensiya na po kung hanggang ngayon ay hindi pa rin umuusad ang mga sasakyan na nasa unahan natin dahil may bangaan po kasi doon sa unahan natin," sagot ng taxi driver sa kanya. Napatango na lang siya at napabuntong-hininga nang marinig niya ang sinabi na 'yon ng taxi driver. Hindi naman nagreklamo pa si Andrea
Inihatid muna ni Martin si Andrea sa kompanyang pinagtatrabauhan nito bago siya tumungo sa mansion nila kinabukasan. Pinapapunta siya ng mga magulang niya. Hindi niya alam kung bakit. Pumasok kaagad siya sa mansion nila. Naghihintay na ito sa loob sa kanya. Bumeso muna siya sa mga magulang niya. Umupo siya sa harap nito."May importante po ba kayong sasabihin sa akin ngayong umaga na 'to?" tanong niya sa mga magulang niya na nagkatinginan muna bago nagsalita ang isa sa kanila. Sabay na tumango ito sa kanya."Oo. May importante kaming sasabihin ng daddy mo ngayon kaya ka namin pinapunta dito sa mansion natin," malumanay na sagot ni Aurora na mommy niya sa kanya."Ano po 'yon na sasabihin n'yo sa akin na importante?" mabilis naman na tanong niya. Sinenyasan ni Antonio ang asawa niya na si Aurora na sabihin na nito ang sasabihin nila. Huwag na nilang patagalin pa 'yon. "Ikatutuwa mo siguro ang sasabihin namin na 'to, Martin. Siguradong-sigurado kami ng daddy mo," sabi nito sa kanya na h
"Nagtapat siya ng kanyang nararamdaman sa akin kanina," sabi ni Andrea kay Martin sa kabilang linya. Ilang minuto na rin silang magkausap. Martin wasn't surprised as he heard that from her. He's expecting that he would confess his feelings for her. Wala naman siyang takot sa ginawang 'yon ng best friend niya. Alam niya naman na sa kanya lang si Andrea at kailanma'y hindi ito makukuha kahit sino pa man 'yan."I'm expecting for that he would confess his feelings for you, honey. Wala namang problema 'yon sa akin dahil alam ko na sa akin at isa pa ay best friend ko siya at hindi niya gagawin na agawin ka sa akin. Kahit naman agawin ka niya sa akin ay hindi naman niya makukuha ang puso mo because it's mine already," sabi ni Martin sa kanya sa kabilang linya. Kampanteng-kampante ito na hindi mawawala sa kanya si Andrea dahil mahal siya nito at mahal niya rin ito. Kahit sabihin na hindi pa naman sila magkasintahan na dalawa ay panatag ang loob niya na hindi mapupunta sa iba ang babaeng minam
Andrea shared to her friend Gretta about what really happened last night. Masayang-masaya ito na kinukuwento ang lahat ng mga nangyari kagabi sa kaibigan niya kinikilig rin kagaya niya. "Akala ko pa naman ay sasagutin mo na siya kagabi. 'Yung ginawa niya kagabi ay para bang magkasintahan na kayong dalawa. Napaka-romantic sa totoo lang. Kahit hindi ko nakikita ang nangyari sa inyo kagabi ay masasabi ko na punong-puno ng pag-ibig ang gabing 'yon sa inyong dalawa ni Martin. Sinagot mo na dapat siya," masayang wika ni Gretta kay Andrea."Hindi ko pa naman siya sasagutin kagabi, eh. May tamang panahon para d'yan, Gretta. 'Wag muna tayong magmadali, okay?" sagot ni Andrea sa kaibigan niya. Tumango-tango si Gretta pagkarinig ng sinabi niya. "E, kayong dalawa ng boyfriend mo? Kumusta ang dinner n'yo kagabi?""Okay naman ang naging gabi namin ng boyfriend ko. We had sex last night, Andrea. Naka-ilang rounds nga kami. E, kayo did you have sex last night?" nakangising sagot ni Gretta kay Andre
"Para sigurado ako sa gabing 'to ay nakiusap ako sa kanila na ipaghanda ako nila ng mga dresses na babagay sa 'yo para kapag nagreklamo ka o gusto mo na magpalit ng damit ay hindi imposible 'yon, honey. Dahil gusto mo na magpalit ng isusuot mo na damit ay sasama ka sa kanila ngayon sa dressing room na nandito sa loob. They'll assist you there. Aayusan ka nila para magmukha kang mas maganda sa gabing 'to. Tutulungan ka rin nila na mamili ng dress na gusto mong isuot. Sumama ka na muna sa kanila. Maghihintay lang ako sa 'yo. Maghihintay ako sa prinsesa ko. Kahit ano'ng gusto mo ay sabihin mo lang sa kanila. Wala kang dapat na ipag-alala pa, honey. Bayad ko ang lahat. Gumastos lang naman ako ng mahigit isang milyon sa gabing 'to kaya wala kang dapat na ipag-alala. Do you understand me, honey?" paliwanag ni Martin sa kanya. Hindi nakapagsalita si Andrea sa sinabing 'yon ni Martin sa kanya lalo na nang sabihin nito na gumastos lang naman siya ng mahigit isang milyon sa gabing 'to."Nilalan
Nalaman na ni Gretta kung bakit pinatawag si Andrea dahil sinabi 'yon nito pagkarating sa department nila. Tahimik lang silang dalawa na nag-uusap doon habang nagtatrabaho. Sinabi rin niya na may dinner date sila mamayang gabi ni Martin."So iniingit mo na ako ngayon na may dinner date kayong dalawa ni Martin?" wika ni Gretta sa kanya. Nagbibiro lang naman siya sa kaibigan niya. Napakagat labi tuloy si Andrea."Of course not. Hindi kita iniingit, 'no? Maiinggit ka pa ba n'yan sa amin, eh, may boyfriend ka naman, 'di ba?" tugon ni Andrea sa kanya. "Hindi naman kainggit-inggit ang gagawin namin na dinner date, eh. Kayo ang nakakainggit n'yan ng boyfriend mo at hindi kami." Tumawa tuloy si Gretta sa kanya. "Alam ko naman 'yon. Nagbibiro lang naman ako, eh. May date rin kaming dalawa ng boyfriend ko mamaya. Hindi ka lang ang may date mamaya. Meron din ako, 'no?" nakangising sagot ni Gretta sa kanya. Tumawa lang si Andrea sa kanya."Baka bukas n'yan ay malaman ko na sinagot mo na siya. Ma