(Owen POV)
“Sa totoo lang Master Kia, ang sinusulat niya…”
“B****a.” Siya na mismo ang nagtapos ng sasabihin ko.
“Alam mo bang nasasaktan ang kapatid ko sa mga naririnig niya sa inyo? Kung b****a nga ang paningin niyo sa pinaghirapan ng kapatid ko, sa tingin niyo mapapatawad ko kayo? Mayroong takas ang kompanya ninyo sa akin? B****a. Yan kasi ang tumatak sa isipan niyo. Kaya lahat ng maaring ma-ipasa pa ng kapatid ko sa kompanya ninyo, ay tatratuhin nang b****a. Wala nang tiwala ang kompanya niyo sa talento ng kapatid ko.”
“Master Kia, di naman sa ganoon.”
Napabuntong hininga ako. Di ko alam kung masasagot ko ba siya ng maayos.
“Magaling na manunulat ang kapatid ninyo. Di ko alam kung ano ang nangyari na habang tumatagal…”
Di ko alam kung sasambitin ko ang masasakit na salita. Baka kasi, ito pa ang ikasanhi ng pagkamatay ko.
Kaya muli akong napalunok.<
(Dahlia POV) Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng biglang narinig kong may naghahanap sa akin sa ibaba. Sa boses nito magigising si Grandma. Umuwi na yung isa pang walang magawa sa buhay kundi pahirapan ang mga magulang nila. Mga magulang na umaasang nag-aaral sila ng mabuti. Pinagpatuloy ko parin ang pagsusulat ko. Nang bumukas ang pinto…. “Dahlia!” Nabitawan ko ang aking ballpen saka humarap sa kanya. “Natutulog si Grandma. Di na ba kayo marunong tumingin kung ano nang oras? Wala na bang natitirang respeto sa katawan ninyo?” “Wala akong paki-alam. Kailangan ko ng pera. Ngayon din!” Kagaya din ng dahilan ni Karen kung bakit niya inistorbo ang tulog ko. Bakit lagi na lang nila ako nilalapitan tungkol sa perang hinihingi nila? Sobra-sobra naman ang allowance na binibigay sa kanila ng mga magulang nila.
(Cedrick POV) “We did everything to set up the grandchild of the old woman who owns the Milktea shop, Master Kia.” Ngumisi lamang sa akin ang boss namin. Kung sa maduming laro lang naman, di talaga kaagad lalantad ang tunay na layunin. Papa-inin ang biktima. Hangang sa napansin nito tuluyan siyang nahulog sa patibong. At walang takas. Yun ang maduming laro ng isang Mafia Boss, kagaya niya Master Kia. Napatango ito. “May balita ka na ba kung nasaan ang hinahanap natin?” “The slayer of our clan.” klaro ko. “I am afraid na wala paring balita Master Kia.” “We need his blood. As soon as possible.” Saka niya kinuntrol ang sarili na hindi maging isang ganap na lobo. Sabi nga kung ang poison ng ahas ay ang gamot din naman ay venom nito, ibig lang sabihin ang pumapatay ng lahi namin ay siya ring gamot
(Dahlia POV) Di ako makatulog ng gabing yun sa paghihintay kay Carlo. Walang katotohanan ang hinala ni Karen na may gusto ako kay Carlo. Ginagawa ko lang ito dahil sa mga magulang nila na umaasang makakapagtapos sila sa kolehiyo. Ang mga pinsan kong to, bakit ang sakit nila sa ulo. Haist. Naawa lang ako sa magulang nila. Naibuhos ko ang oras sa paghihintay sa pagsusulat. Malapit na ang katapusan. Napansin kong di lang talaga maganda. Napaka-common ng ending. Mali to. Ngunit sinasabi na kapag ganito nga ang katapusan, ibig lang sabihin hihingi ang mambabasa ng pangalawang libro, para makuha ang hustisya sa naunang libro. Sana nga kumagat sa panglasa nila. Napaunat ako ng aking kamay. Sumilip sa bintana ang sinag ng araw. Tumayo na ako sa kinaka-upuan ko. Binuksan ko ito ang bintana. Inumaga si Carlo.
(Dahlia POV)“Magnanakaw ka no?!”Agad nagsilingunan sa amin ang mga tao sa paligid.“Anong ibig niyong sabihin?” tanong ko na wala akong ideya. Malinaw sa akin ang sinabi niya. Ako magnanakaw?Syempre itatangi ko dahil wala naman akong ugaling ganoon. Di ako pinalaki para ipahiya ang mga magulang ko.Napailing ako sa kanya.“Nawawala ang wallet ko! Asaan?! Ginawa mong pagkakataon na dukutan ako no?!”Bulyaw nito sa akin.“Kung nawawala po ang wallet niyo, babalikan ko po sa napaghulugan niyo ng mga prutas. Baka naiwan lang do—.”“Hindi! Magnanakaw ka! Matanda na nga ako iha! Nanakawan mo pa ako?! Aba naman! Ganyan na ba ngayon ang mga kabataan?!”Kumukuha ito ng atensyon. Pinagkumpulan na nga kami ng mga tao.Agad kaming kinunan ng larawan at video.
(Cedrick POV)“Anong ginawa ninyo?”Tanong ni Master Kai habang nasa loob kami ng sasakyan. Stranded sa trapik.Tsk. Ganito kaaga?Tinatanong ni Master Kai ang tungkol sa binatilyong pinarusahan kagabi.Si Mr. Ofemia.“We make sure na hindi siya makakapagsalita sa nangyari, Master Kai.”Hindi na sumagot si Master Kai.Kanina pa siyang nakatitig sa labas. Hangang sa di na niya nakayanan ang inip na nararamdaman, binuksan na niya ang pinto ng sasakyan at lumabas.Agad naman akong sumunod sa kanya. Senenyasan ang mga tauhan na di na kailangan sumunod pa.Natigilan lang siya sa paglalakad ng mapalingon sa nagsasagutan na matanda at isang babae.Hindi ko sana bibigyan ng pansin ito ng makita ko ang pulso ng matanda.Sa pulso ng matanda naroroon lang naman ang markang buhay ang kapalit kung di pa nila mabayaran ang inutang s
(Dahlia POV)Sira ulo yung tumulong sa akin.Syempre uulitin lang ng matandang yun ang ginagawa niya sa akin sa iba.Haist. Wala na bang matinong maisip na trabaho ang ilang tao para kumapit sa pag-ii-scam?Tsk.Sana naman di pa nasira ng tuluyan ang mukha ko sa social media.Sabagay di naman ako aktibo sa mga ganyan. Nagiging abala lang ako sa social media kapag nagbabasa ako. Inaalam ang mga trends ngayon.Yun ang gawain ng isang writer. Dapat dumaragdag ang mga kaalaman nito.Naalala ko ang sinabi ng lalaki sa akin kanina. Importante ang oras kesa sa pera. Kaya pinulot ko na yung mga pinamili ko at tuluyan ngang umalis sa lugar. Di ko na lang pinansin yung mga taong nagsasayang ng oras nila. At para naman kay Kuya na tumulong sa akin, thank you na lang. Kung magkano man ang ibinigay sa ale, donasyon na niya ito sa matanda.Sana naman nanay wag
(Dahlia POV)Pagdating ko sa hospital. Hingal ako na pumunta sa information desk.“Miss, saan ko ba mahahanap si Carlo Ofemia? Saka sino po ang nagdala? Siguradong lasing lang naman yun. Hospital bed lang naman ang babayaran namin diba? Dapat kasi sa amin na lang dinala diretso.”Advance akong magsalita. Saka tinadtad ko nga ng tanong yung nurse sa reception.Sayang ng oras diba?Di makapagsalita yung kinaka-usap ko. Bakit? Akala ko ba ako ang lutang ngayon?Sorry na Miss, sa walang hiya talaga ang nagdala kay Carlo dito. Sa mamahaling hospital pa talaga?!Naku naman. Hospital bed pa lang dito, siguradong mabubutas dito ang bulsa ko.“Ofemia, Carlo.” nahimasmasan yung babae. “Ma’am hinihintay ka namin dahil kailangan sumailalim ng kapatid niyo sa—.”“Pinsan.” pagtatama ko kaagad.&nb
(Cedrick POV)“A scent of rosemary.”Sinabi ni Master Kia ng mahawakan niya ang lumilipad na payong.Akala ko magkakaroon na naman ng tension sa paligid, ngunit halatang kalmado siya ngayon.“A woman.”Nakangiti ito.“Who do you think owned this?”“Master Kia.”Tinatanong niya ako na di ko naman siya kaagad masasagot.“An early challenge to return this to the owner. I am curious to her scent.”Kumalma lang siya dahil sa amoy na yun?Sa isang iglap nawala na lang si master Kai sa harapan ko.Maagang trabaho para sa isang kagaya ko. Saka wala na atang mapagka-abalahang iba si Master Kai kundi gawin ang mga bagay na walang kwenta.Ikinasunod ko naman sa kanya.Natagpuan ko ang sarili sa harapan ng hospital. Kagagaling ko pa lang
(Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun
(Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D
(Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa
(Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin
(Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“
(Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas
(Dahlia POV)Hinila ni Madam Lilith ang upuan, at nahihiya man naupo na lamang ako. Halata ko naman na tinatrato nila akong bisita ni Master Dryzen.Sa pag-upo ko, nakaharap ako sa silangan… At maya-maya lamang ang malagintong sinag ng araw tumama sa aking mukha. Pero napakaganda nito… Lalo na dahil sa kinalalagyan ko ngayon, at sa lugar kung nasaan ako. Sinadyang gawin ang patio na ito para makita ang araw sa silangan kapag sumikat ito, at kanlurang direksyon kapag lumubog ito. Sa kanlurang direction mayroon malaking ilog. Kaya sa tingin ko maganda talaga kapag lumubog ang araw dahil sa reflection nito. Alam kong hindi ko ito makikitang lumubog dahil mamaya lang pagkatapos ng agahan, uuwi na ako. Baka naka-abala na ako ng husto kay Master Dryzen at ayokong isipin niya na inaabuso ko ang kabaitan nito.(Venal POV)Abala sa pagluluto si Master Dryzen, at ng makita niya ako, lumapit ako sa kanya at sinabi ang resulta ng test na isinagaw kay Miss Dahlia.“No doubt she is Virgin and healt
(Venal POV)Dumiretso kami ni Master Dryzen sa hardin. Kaagad siyang naupo, at alam na ng Butler ang gagawin. Kailangan nito i-handa ang kagamitan sa paggawa ng tsaa ni Master Dryzen.Nakapikit ang mga mata nito at hinihilot ang kanyang sintido. Hindi ko masabi kung nakatulog ba siya kagabi, o magdamag niyang pinagmasdan si Miss Dahlia. Nakakapanibago ang ipinapakitang kilos ni Master Dryzen.Nang maihanda ang kailangan sa paggawa ng tsaa, tahimik akong gumawa. Pagkatapos, maayos kong inilapag sa kanyang harapan na kaagad nito ikinamulat ng mga mata.May nais siyang tanungin sa akin pero mas pinili niyang kunin ang tasa, at napahigop ito. Nanatiling tahimik, hangang sa naubos niya ang laman ng tsaa. Alam kong isang tasa ng tsaa lamang ang kailangan niya, pero sa sitwasyon na ito ang isa tasa ay kulang pa. Parang hindi siya mapakali. Kaya muli kong pinagsilbihan.Sa pangalawang tasa ng tsaa, bigla siyang tumayo sa kanyang kinakaupuan, at napatitig sa akin. “Ang babaing yun, kapag dinad
(Secretary Venal POV)Aktong papasok na si Lilith, ngunit ng biglang pinigilan niya ito. “Gaya ng sinabi ko natutulog siya. She will be fine, right? At kapag mali ang sagot mo, alam mo kung ano ang susunod.”“Magiging maayos lang siya Master Dryzen.”“I see. Let’s resume way to the Blue Mansion, and I need the specialist she needs.” Utos niya sa akin.Pumasok muli siya sa sasakyan at si Miss Lilith nakatitig sa akin na halos hindi makapaniwala. Senenyasan ko na lamang siya na bumalik na sa kanyang sasakyan.Nang makarating kami sa blue Mansion, alam kong kanina pang naghihintay ang matandang butler kasama ang ilang utusan. Tinawag ko na kanina sa kanya ang inaasahan ni Master Dryzen. Para lang sa menstruation, kailangan niya ng medical specialist. Napa-iling na lamang ako.Ngayon lang siya nag-alala at ni hindi niya ito nagawa sa mga naging asawa niya noon.Tanging ang lumalabas pa lamang sa sasakyan ang driver ulit at sinabi sa akin na tulog parin si Miss Dahlia. At si Master Dryzen