(Cedrick POV)
“A scent of rosemary.”
Sinabi ni Master Kia ng mahawakan niya ang lumilipad na payong.
Akala ko magkakaroon na naman ng tension sa paligid, ngunit halatang kalmado siya ngayon.
“A woman.”
Nakangiti ito.
“Who do you think owned this?”
“Master Kia.”
Tinatanong niya ako na di ko naman siya kaagad masasagot.
“An early challenge to return this to the owner. I am curious to her scent.”
Kumalma lang siya dahil sa amoy na yun?
Sa isang iglap nawala na lang si master Kai sa harapan ko.
Maagang trabaho para sa isang kagaya ko. Saka wala na atang mapagka-abalahang iba si Master Kai kundi gawin ang mga bagay na walang kwenta.
Ikinasunod ko naman sa kanya.
Natagpuan ko ang sarili sa harapan ng hospital. Kagagaling ko pa lang
(Dahlia POV)Nang tumapat ako sa koridor na nakapaligid sa aking ang mga silid para sa mga VIP, naghinala na ako. Talagang dito si Carlo na admit?Saka tumigil nga sa tapat ng isang silid yung nurse.Ahem. Di ito maganda.“Yung totoo miss, sino ang nagdala sa kanya dito? May makakuha ba siyang commission para dito siya dalhin sa hospital na’to?! Saka naka-VIP pa ha.”Sa kumukulo na talaga ang dugo ko.Sponsor ba ng hospital si Carlo para hindi ito pagbayarin? O yung nagdala sa kanya dito ang magbabayad?Hindi. Sigurado ang bumugbog kay Carlo ang nagdala saka pinaglaruan siya na dito dalhin upang magkabaon-baon kami sa pagbabayad ng hospital bill.“Inaalala mo kaagad ang pera Miss, kesa sa buhay ng pinsan mo?”Napalingon ako sa may ari ng napakamaskulado at matipunong boses. Isang lalaki na kumukuha ng maiinom sa dispenser.&nb
(Dahlia POV)“Iiwan ko dito ang dokumento para pirmahan mo.” Napatango ako.“Kailangan niyang suma-ilalim sa operasyon sa lalong madaling panahon. Kaya kailangan mong pirmahan kaagad yan. Nga din pala, maari naming maibalik ang dilang pinutol sa kanya kung kaagad mong mapagdesisyunan na ipasok siya sa surgery room.”Umangat ang paningin ko sa kanya. Anong pinagsasabi ng babaing to?“Pinutol ang dila niya?”Marahan siyang napatango.“Narinig mo na din naman ata ng klaro Miss.”Saka siya lumabas ng silid.Marami pang tanong ang umiikot sa isipan ko. Ngunit di ko alam kung sino ang tatanungin ko.Anong gagawin ko ngayon sa harapan ni Carlo? Iiyak?Iiyak dahil malaking pera ang natitiyak kong kailangan bayaran sa hospital.Anong pinagagawa nila sa sarili?Umayos naman kayong dalawa ni
(Dahlia POV)Nang ginising ako sa pagkatulala ng tumunog ang phone ko.Si Karen…Isa pa to.“Hoy babae! Andito na kami ni Grandma sa shop. Asaan ka? Dinala na namin yung mga pinamili mo dito. Nagpumilit si Grandma na dalhin ko na siya. Pumunta ka na dito. Kailangan ka sa shop. Alam mo namang nakareserve sa oras na ito ang shop para sa mga kaibigan ko. Walang gagawa ng—.” Natigilan siya. At ng bumalik…“Teka lang.”Ibinaba niya ang tawag.Ako dapat ang baba ng tawag niya dahil wala itong kwenta at iniisip lang naman nila sarili. Dinadamay pa ako sa mga kalokohan nila.Sabagay alam naman nila Auntie ang mga nangyayri na sa mga anak nila. Kaya di naman hundred percent sa akin ang blame nito.Matanda ako sa mga anak nila, ngunit hindi ibig sabihin kargo ko sila diba? May sarili rin akong buhay na kailangan kong pagtuonan ng pansin.
(Dahlia POV)Lumapit na lamang ako kay Grandma na di umiimik. Naiinis din siya sa nangyayari. Alam ko. Shop niya ito. Itinayo niya sa sariling sikap at pawis. Tapos mawawala lang ng ganito dahil sa kalokohan ng apo niya.Carlo naman kasi.“Dahlia, asaan ang Carlo na yan?! Hinuhudas niya ang tindahan ko. Dapat sa kanya ginigising na ang susundong si Kamatayan. Hindi yung ako ang pinag-iinitan. Nasaan ba siya?”“Grandma naman, chill lang. Tandan niyo wala pang kabaong si Carlo. Plus, kayo din ang aatakehin ng altapresyon kapag nagtagumpay ang inis niyo kay Carlo.”May kinukuha ako sa sling bag ko.Nang makuha ko ang keychain na ginawa ko sa isang bato na maganda lang pero wala naman atang halaga to. Sayang naman kung itatapon ko.Binuksan ko ang aparador kung nasaan ang mga panglinis. Kinuha ko na din ang walis tambo.“Karen.” hag
(Dahlia POV)Sa pagmulat ko, may hahampas sa akin. Nang biglang may kamay ng pumigil dito at kaagad na pinilipit upang mapahiyaw ang lalaki. Nabitiwan nito yung kawali.Kaya agad kong kinuha ang kawaling nahulog. At hinampas ko ito sa ulo ng lalaking muntik na akong saktan.“Yan ang makuha mo! Di mo ako pinakain, kaya wala kang karapatan para saktan ako.”Isa pang hampas.Ayan. Very satisfied.At ng lumingon ako sa tumulong sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. At nalaglag ang kawaling hawak ko.Yung lalaking palaging pinag-kukrus ang landas namin.Hinila ako ni Karen, at yung lalaki muling inupakan ang mga basagulero. May mga kasamahan siya. Kaya naman agad nilang nasipa palabas.Parang nanunuod kami ng action film nila Jet Lee saka Jackie Chan.“Dahlia… Mga kakilala mo ba sila?”Iminulat ko ang aking mga mata. Parang nan
(Venal POV)Bumalik ako sa cafe dahil sa dahilan ng aming ipinunta dito.Ang makausap ang babae.Naabutan kong pinagsisilbihan nila ang mga tauhan namin na…Napatitig sa akin ang mga tauhan, halatang di nila alam ang gagawin. Tumango na lamang ako sa kanila.“Saan ka pumunta?”Masiglang bati sa akin ng babae. Parang nawala kaagad ang bakas ng pag-aalala sa mukha niya.Unang kita ko pa lang sa kanya, agad ko nang naramdaman ang masayahin niyang auwra.Dahlia Amelia ang pangalan nito na nangaling sa pangalan ng isang bulaklak.Bulaklak na merong katangiang magpaganda sa boung paligid.Generally, the significance of Dahlia flowers is positive. Perhaps the most common of all isfinding inner strength, which roots back to the plant’s ability to withstand harsh conditions.Some said, Dahlias areremainin
(Venal POV) Napa-iling na lamang ako. May aasahan ba akong pagbabagong mangyayari sa buhay ni Master Dryzen? Agad napapayuko sa kanya ang mga tauhan kapag dumarating siya. Walang sino man ang may malakas na loob para kunin ang pansin ni Master Dryzen. Alam ng lahat lalo na ng mga matagal nang naglilingkod sa kanya na isa lang ang mangyayari kapag di nagustuhan ni Master Dryzen ang ginawa nito. Kamatayan. Kaya walang nagtatangka. Pagdating namin sa opisina niya, agad nakahanda ang agahan nito. Lumapit lang siya sa mesa. Lumingon sa akin. Saka walang salitang lumabas sa bibig niya na pinataob ang mesa. Hindi nito nagustuhan ang hinandang agahan. Napayuko kaming lahat. “Who’s the newbie nutritionist?” Ang tanong na yun ay para sa akin. Hindi pa nga ako nagsasalita, may kinaladkad na papasok. Gumawa ito ng ingay na ikinangisi ni Master Dryzen. Paghar
(Dahlia POV) Walang oras para nga mag-usap-usap kaming tatlo. Naging abala ako sa pag-serve ng mga inu-order ng mga barkada ni Karen. Habang si Grandma, nanahimik ngunit alam ko malalagot si Karen. Tinititigan ko ng pagbabanta si Karen na natuklasan ni Lola ang kawalang-hiyaan niya. Wala namang magagawa ang kindat niyang ibinigay sa akin. Tanghali na ng magsi-alisan sila Karen sa Tea shop namin. Di ko pa nga nagawang maupo, yung mga loyal customer naming na-stranded sa labas kailangan asikasuhin. Kaliwa kanan yung order, at mag-isa kong ginagawa. Si Karen, di man lang muna ako tinulungan. Iniwan pa niya sa akin na ako daw ang bahala magpaliwanag kay Lola. Di naman ako baliw para saluhin siya. Kung parati sila ganito pati negosyo ni Lola baka maglaho. Grandma, wala ba kayong matinong apo? “Emperor Tea for take out order.” “Thank you, Miss.” Naku
(Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun
(Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D
(Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa
(Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin
(Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“
(Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas
(Dahlia POV)Hinila ni Madam Lilith ang upuan, at nahihiya man naupo na lamang ako. Halata ko naman na tinatrato nila akong bisita ni Master Dryzen.Sa pag-upo ko, nakaharap ako sa silangan… At maya-maya lamang ang malagintong sinag ng araw tumama sa aking mukha. Pero napakaganda nito… Lalo na dahil sa kinalalagyan ko ngayon, at sa lugar kung nasaan ako. Sinadyang gawin ang patio na ito para makita ang araw sa silangan kapag sumikat ito, at kanlurang direksyon kapag lumubog ito. Sa kanlurang direction mayroon malaking ilog. Kaya sa tingin ko maganda talaga kapag lumubog ang araw dahil sa reflection nito. Alam kong hindi ko ito makikitang lumubog dahil mamaya lang pagkatapos ng agahan, uuwi na ako. Baka naka-abala na ako ng husto kay Master Dryzen at ayokong isipin niya na inaabuso ko ang kabaitan nito.(Venal POV)Abala sa pagluluto si Master Dryzen, at ng makita niya ako, lumapit ako sa kanya at sinabi ang resulta ng test na isinagaw kay Miss Dahlia.“No doubt she is Virgin and healt
(Venal POV)Dumiretso kami ni Master Dryzen sa hardin. Kaagad siyang naupo, at alam na ng Butler ang gagawin. Kailangan nito i-handa ang kagamitan sa paggawa ng tsaa ni Master Dryzen.Nakapikit ang mga mata nito at hinihilot ang kanyang sintido. Hindi ko masabi kung nakatulog ba siya kagabi, o magdamag niyang pinagmasdan si Miss Dahlia. Nakakapanibago ang ipinapakitang kilos ni Master Dryzen.Nang maihanda ang kailangan sa paggawa ng tsaa, tahimik akong gumawa. Pagkatapos, maayos kong inilapag sa kanyang harapan na kaagad nito ikinamulat ng mga mata.May nais siyang tanungin sa akin pero mas pinili niyang kunin ang tasa, at napahigop ito. Nanatiling tahimik, hangang sa naubos niya ang laman ng tsaa. Alam kong isang tasa ng tsaa lamang ang kailangan niya, pero sa sitwasyon na ito ang isa tasa ay kulang pa. Parang hindi siya mapakali. Kaya muli kong pinagsilbihan.Sa pangalawang tasa ng tsaa, bigla siyang tumayo sa kanyang kinakaupuan, at napatitig sa akin. “Ang babaing yun, kapag dinad
(Secretary Venal POV)Aktong papasok na si Lilith, ngunit ng biglang pinigilan niya ito. “Gaya ng sinabi ko natutulog siya. She will be fine, right? At kapag mali ang sagot mo, alam mo kung ano ang susunod.”“Magiging maayos lang siya Master Dryzen.”“I see. Let’s resume way to the Blue Mansion, and I need the specialist she needs.” Utos niya sa akin.Pumasok muli siya sa sasakyan at si Miss Lilith nakatitig sa akin na halos hindi makapaniwala. Senenyasan ko na lamang siya na bumalik na sa kanyang sasakyan.Nang makarating kami sa blue Mansion, alam kong kanina pang naghihintay ang matandang butler kasama ang ilang utusan. Tinawag ko na kanina sa kanya ang inaasahan ni Master Dryzen. Para lang sa menstruation, kailangan niya ng medical specialist. Napa-iling na lamang ako.Ngayon lang siya nag-alala at ni hindi niya ito nagawa sa mga naging asawa niya noon.Tanging ang lumalabas pa lamang sa sasakyan ang driver ulit at sinabi sa akin na tulog parin si Miss Dahlia. At si Master Dryzen