(Dahlia POV)
Walang oras para nga mag-usap-usap kaming tatlo. Naging abala ako sa pag-serve ng mga inu-order ng mga barkada ni Karen. Habang si Grandma, nanahimik ngunit alam ko malalagot si Karen.
Tinititigan ko ng pagbabanta si Karen na natuklasan ni Lola ang kawalang-hiyaan niya. Wala namang magagawa ang kindat niyang ibinigay sa akin.
Tanghali na ng magsi-alisan sila Karen sa Tea shop namin. Di ko pa nga nagawang maupo, yung mga loyal customer naming na-stranded sa labas kailangan asikasuhin. Kaliwa kanan yung order, at mag-isa kong ginagawa.
Si Karen, di man lang muna ako tinulungan. Iniwan pa niya sa akin na ako daw ang bahala magpaliwanag kay Lola. Di naman ako baliw para saluhin siya.
Kung parati sila ganito pati negosyo ni Lola baka maglaho.
Grandma, wala ba kayong matinong apo?
“Emperor Tea for take out order.”
“Thank you, Miss.” Naku
*** DEAR READERS, I want to let you know, every page you read makes my heart jump in happiness. Arigato. EVERY BEAUTIFUL REVIEW will encourage me to write more beautiful novels. EVERY VOTE you give to me is really a treasure to my novel. Thank you for your unconditional support you are giving to me dear readers! See yah on my different novels. [Tagalog Complete] 1. Taming the Dangerous CEO [Tagalog] 2. The Devilish Billionaire [Tagalog] 3. Doctor Alucard Treasure [Tagalog] 4. Fated to Marry the Devil [Tagalog] [Ongoing] 1. Nine Months [Tagalog] 2. Taming the Dangerous CEO II [Tagalog] 3. The Devilish Billionaire II [Tagalog] 4. Alpha King Checkmate [Tagalog] Sincerely with gratitude, Death Wish. Sena Mangampo
(Dahlia POV) Sa sinabi ni Cedrick, ako naman ang ngumiti ng mapakla. “Kaya nga mga bugbug sarado yan bumalik sa inyo dahil di nila kami nagawang palayasin. Saka, kayo ang kamuntik ng pumatay kay Carlo at dahilan kung bakit nasa hospital siya ngayon. Kaya pala ang lakas mo Kai para makisali sa usapan namin ng nurse sa hospital. Kasi nga kayo ang gumawa noon kay Carlo.” Di bumuka ang bibig ni Kai. Nanatili siyang nakatitig sa akin. Parang sa titig niya hinuhubaran ako nito. Gwapo naman, ngunit halatang manyak. “Bingo Miss Dahlia.” Si Cedrick. Sabagay itong si Cedrick secretarya niya kaya kahit hindi naman siya ang sinasabihan ko, trabaho niyang magsalita para sa kanyang pinagsisilbihan. “Akala namin magiging madali ang processo kapag nakuha namin ang lugar sa pamagitan ni Mr. Ofemia. Ngunit di namin aakalain na ang isang ampon ang magtatangol ng ari-arian nang hindi naman niya mga kadugo.”
(Venal POV)Nang makuha ko ang aking order, at alam ko magkikita ulit kami, di ko alam kung karapat-dapat bang madamay siya sa mundo ni Master Dryzen.Sayang lang din naman kasi ng pagkatao niya.Pagdating ko sa kompanya, nakakain na si Master Dryzen.“Inihanda ko na sa hapag dahil oras na para kumain siya.” Ani ni Lilith.“Para kanino yan?”“Sa kanya. Nagustuhan niya ito kaninang umaga. Baka lalong lumamig ang ulo.”“Si Master Dryzen umiinom niyan?” Hindi rin makapaniwala si Lilith. Kaya ngumiti na lang ako bilang tugon sa kanya. Pumasok na ako sa opisina ni Master Dryzen. Nadatnan ko siya mayroong kausap sa harapan ng monitor. Even he is in the top list of the wealthiest person in the world, he still not satisfies about his wealth. Or maybe, he was eager to find the precious stone.Agad kong nakuha ang pansin niya.
(Dahlia POV)Halos maiyak ako sa ginagawa ko. Ngunit sa aking isipan binubuo ko na ang plano ko sa ginawa ni Kai. Susugurin ko sila.“Magkano ba iha ang inabot?”“Tig dalawang million ang bawat maleta Grandma.”“Ibig lang sabihin may apat na million na tayo?!”“Opo Grandma.”“Ay naku. Wag sana tayo karmahin dahil naisahan natin sila.”Nang marinig namin bumukas ang gate. Si Karen.“Itago mo iha sa hindi makikita ng mga pinsan mo.”Kaya naman bago pa man makapasok si Karen, na-isilid ko ng maayos ang maleta sa silong ng upuan. Sa di naman ako concern na makikita ni Karen ang pera, kundi sa katotohanan na puro papel lang ang laman ng maleta.“Ang aga niyo ha. Anong meron? Naubos ba kaagad yung mga sangkap sa pag-gawa ng Milktea?”Yan si Kare
(Dahlia POV)Sa ngiti at halakhak na pabaon ni Kai sa akin, pakiramdam ko pinaglalaruan kami ng demonyo. Dinig na dinig ko parin ang nag-eechong halakhak sa aking tenga.Maging utusan ng kapatid niya? Tss. Kung ganyan na siya kademonyo, ano pa kaya ang gagawin ng kapatid niya? Saka baka maging malala pa ang kalagayan ko. Halata namang mahilig silang gumawa ng mga kasunduan, para makuha nila ang gusto nila. Nilalagay nila sa alanganin ang kanilang biktima. Di ako tanga. Di nila ako basta-basta masisilo ng ganoon kadali.Pero ang iniisip ko ngayon kung paano makuha ang perang akala ni Grandma meron siya.Kaya naman dumiretso ako sa tangapin ng mga pulis. Ni-report ko ang nangyari, ngunit ang napala ko…“Bakit nila kailangan magbayad sa inyo Miss? Eh nangungupahan lang naman kayo. Naunahan na kayo ni Miss Sha-sha, at heto ang affidavit niya. Sinasabi na di dapat ninyo perahan ang nakabili ng lu
(Dahlia POV)“Cedrick, ipaghanda mo kami ng makakain.”“Hindi. At hinding-hindi ako kakain sa harapan mo. Pumunta ba kayo dito para may gawin ulit sa pinsan ko?” Ngunit hindi nakinig sa sinabi ko si Cedrick, sinunod nito ang kagustuhan ng amo niya. Lumabas ito, at naiwan kami ni Kai sa silid.Saka naman dinaanan ako ni Kai, at tinignan nga ang pinsan ko.“Sinabi ng doktor magigising siya mamaya lang.” Kaya humarap ako sa kanya.“Natatakot ka bang sabihin niya ang katotohanan sa akin, na ikaw ang may gawa nito sa kanya? Alam mo ba kung saan ka pupulutin Mister?”Humarap siya sa akin, at isang ngisi ang itinugon sa akin.“Pwes, sasabihin ko na ito sa iyo. Titiyakin naming mabubulok ka sa kulungan.”Saka siya tumawa ng sagad.Napakayabang talaga niya.“Miss Dahlia, natutuwa ako at
(Dahlia POV)Dinala ako ni Cedrick sa isang boutique na agad naman sinalubong kami ng mga maririkit na babae.“I want her to transform without any single of hint na isa siyang pulubi. Nagkaka-intindihan ba tayo?”“As you wish Sir Cedrick.”Ngumisi si Cedrick sa akin, at tinalikuran ako para maupo. Aangal sana ako ng kinuha nito ang isang magazine, at binuksan ito.“Within fifteen minutes.” Di na umangat ang paningin niya sa mga babaeng nakapaligid sa akin. Anong ibig niyang sabihin, fifteen minutes lang nila ako aayusan? Saka para saan pa at aayusan ako?Date?Napatitig ang mga babae sa akin. Tipong kinakalkula nila kung paano nga ba ako aayusin.“In fifteen minutes? Alam mo naman Sir Cedrick kung gaano kahampas-lupa ang dinala mo dito.” Umangat ang paningin ko sa hagdan. Isang bading na ang aura, sobrang arte at taray talaga. Sa suot n
(Dahlia POV)Pagpasok ko sa loob ng sasakyan matatawa ka na lang ata sa makikita mo. Sila na mayaman. Inumin na mamahalin. Upuan na parang marami nang babaeng ginalaw dito si Kai. At di ko hahayaan na mabibilang ako sa kanila. Hinding-hindi. Talagang hindi ako magdadalawang isip na may gawin sa kanyang masama kapag sinubukan niya ako.Tahimik na pumasok din si Cedrick sa sasakyan. Inabala ang sarili sa harapan ng tablet niya pagkatapos maupo.Nang di ko napigilan magsalita ang aking bibig.“Pagkatapos nito, ayoko na. Ayoko na makita ang pagmumukha niyo. At wag niyo naman sana parating idinadahilan sa pananakot niyo, ang pamilya ko.”Ngumisi lang si Cedrick bilang tugon.Sabagay, kay Kai ko dapat sinasabi ang bagay na’to. Secretarya lang naman siya nito.Tumigil sa isang sikat na five-star hotel ang sasakyan. Naunang lumabas si Cedrick ng bumukas ang pinto. At
(Venal POV)Taimtim na iniinom ni Master Dryzen ang tsaa sa kamay niya. Habang nakatitig siya sa labas, at ang puntirya ng kanyang mga mata ay ang nangyayaring hapunan sa may terrace ng isang kilalang Five-star Hotel sa lugar. Alam kong naririnig niya ang pag-uusap.Bago pa man maging huli ang lahat hinarang ko siya kanina. Napakaraming tao sa lugar na yun, at maaring di namin matakpan ang gagawin ni Master Dryzen. Humupa naman ang inis na nararamdaman nito ng sabihin ko kung bakit kailangan harapin ni Miss Dahlia ang Grand Alpha ng mga taong-lobo, si Kai. Ang grupo lang naman nito ang iniiwasan namin.Alam ni Master Dryzen, ang tanging kakayanan ng mga taong naglilingkod sa kanya. Wala kaming kalaban-laban sa mapupusok at mababangis na mga taong lobo. Ang grupo ng Grand Alpha ay kayang patayin si Master Dryzen kapag sabay-sabay silang umatake sa kanya. Nag-iisa lang siya. Kaya naman pilit naming binabawasan ang mga t
(Dahlia POV)Hinatid ako ng ilang sasakyan sa hospital, at kaagad naman ako bumaba. Laking salamat ko na lang na walang sumunod na tauhan sa akin.Sinong babalik sa mansion na yun? Oo, maganda at malaki… Saka naramdaman ko ang buhay princessa pero wala paring ikakaganda na magkaroon ng kalayaan. Hindi rin maganda na palaging sinunsundan, at kaliwa-kanan ang pagtulong ng mga katulong. Kahit na lang sa pagbibihis mayroon pang nais na tumulong.Dumiretso ako sa silid ni Grandma, at wala na roon ang dalawang assistant na iniwan ni Sir Venal. Siguro, pinabalik na sila ni Sir Venal sa talagang trabaho nila. Ngunit ng pumasok ako sa silid ni Grandma… Wala ito sa kanyang higaan, pero ang mga gamit namin ay andito pa.Lumabas ako para alamin kung nasaan si Grandma, ngunit nanlaki na lamang ang mga mata ko ng sinabi nang nurse na… Nasa critical surgery si Grandma ngayon. Heart transplant ang sinasagawa since daw ang puso nito ay hindi na nakakapag circulate ng dugo.“Pero… Hindi ko alam ang tun
(Dahlia POV)“Miss Dahlia…” At kanina ko pa naririnig ang pagtawag sa akin, hangang sa iminulat ko nga ang aking mga mata, himala nakatulog ulit ako?Saka napabangon ako dahil yung babaing… Siya ba ang pumalit kay Madam Lilith? At bakit pinalitan si Madam Lilith?“Good Morning,” Bati nito sa akin.“Good morning din po.” Nakita ko nga sa labas ng bintana na umaga na at maliwanag na ang buong paligid. “Si Master Dryzen, siguro naman makakausap ko siya ngayon?”Napatango ito. “Naghihintay siya sa may Lanai. Kailangan niyo munang mag-ayos bago humarap sa kanya.”At nakita ko sa mga papel na ginawa kong unan… Napapikit na lamang ako. Talagang masarap yung tulog ko, para maglaway ako?“Pasensya na po.”Nanatiling nakangiti yung babae. Ang pangalan niya diba, Miss Ara?Sumunod na lamang ako sa nais nitong mangyari, at ulit kailangan ko magpalit ng damit.Hangang sa makalabas nga ako sa silid, pumunta kami sa tinatawag nilang Lanai hindi malayo sa Patio na nasa Hardin.Naroroon na si Master D
(Secretary Venal POV)Tumango si Miss Ara sa mga tauhan niya, at binuksan nga ang pintuan. Pumasok ako at sumunod si Miss Ara, at agad na hinagilap ng aking mga mata ang anyo ni Miss Dahlia ngunit wala kaming nakita, kundi ang nakabukas na terrace. Kaagad namin ito pinuntahan, at si Miss Dahlia ay naroroon…“Sir Venal…” Nakahinga ako kahit paano.“Miss Dahlia, ano ang ginagawa niyo dito?”“Sinabi ko na kasi sa kanya…” Tukoy niya kay Miss Ara, “na nakapagpahinga na ako. Handa na ako umuwi Sir Venal. Ano ba ang sinabi ni Master Dryzen sayo? Pasensya na, kasi medyo nababahala na ako kay Grandma. Wala akong balita sa kanya. At nais kong makita yung matanda.”“At ano sana ang gagawin niyo Miss Dahlia?” Bakas sa kanya ang pag-alala, ngunit nag-aalala din ako sa maaring gawin niya.“Di ko akalain na nasa mataas palang palapag ang silid na ito.”“Tatakas kayo Miss Dahlia?” Singit ni Miss Ara.“… Ano pa nga ba. Pero, baka hindi ko makita si Grandma kapag ginawa kong tumalon dito. Baka mauna pa
(Dahlia POV)“Miss Dahlia, sumunod kayo sa akin.” At ayun, napalingon ako sa nagsalita, hindi si Madam Lilith kundi isang mala-diwatang babae. Katulad ni Master Dryzen parang sila ang may perpektong pangangatawan. Sa likuran niya may mga nakahelerang mga babae…Teka, sanay ako na si Madam Lilith ang gumagawa nito para sa akin.“Hmmm… Maari ba akong magtanong?” Hindi ito sumagot sa akin ngunit handa siyang pakingan ang sasabihin ko.“Nasaan si Madam Lilith?”Kaagad na ngumiti ito. “Mas makakabuting sumunod na lamang kayo sa amin.”Lahad nito ng kamay niya palabas ng silid.Wala na akong nagawa kundi tumayo, at nauna ngang lumabas sa silid, hangang sa di ko na alam kung saan pupunta. Kaya nauna na yung napakagandang babae, at pabalik kami sa silid na ginamit ko kanina. Binuksan nila ito…“Gamitin niyo na lang ang telephono kung may kailangan kayo Miss Dahlia.”“Teka lang Miss… Hindi ba ako pa-uuwiin ngayon ni Master Dryzen?”“…” Isang ngiti ulit ang sinagot. Pakiramdam ko tuloy nangalin
(Secretary Venal POV)“Master Dryzen, pagkukulang ko ang dahilan kung bakit nagawa ito ni Lilith.”“Tss. Narinig kong usap-usapan, yang pinsan mo nahuhumaling sa akin. Kaya ba may ginagawa siya sa babaing pinili ko?”“Master Dryzen…”“Nais ba niyang sumunod sa yapak ng kanyang ina?” Saka muling tumawa si Master Dryzen.“Master Dryzen, ang pampatulog na pina-inom ni Lilith kay Miss Dahlia ay makakabuti sa kanya.” Sa sinabi ko biglang natigilan ang principi ng dragon. Napangisi siyang tumitig sa akin.Alam kong heto ang huli kong pagkakataon na iligtas si Lilith, at hangang dito na lang ito. Ginagawa ko ata ito dahil labis akong nakonsensya sa gabing yun ng mamatay ang kanyang ina.“Ang mga sangkap na ginamit ni Miss Lilith sa sleeping dose na ginawa niya ay makakatulong sa maayos na circulasyon ng dugo ni Miss Dahlia. Halos hindi nakakatulog ng maayos si Miss Dahlia nitong nakaraang gabi. Hindi yun maganda kay Miss Dahlia. Maaring makakuha siya ng malulubhang sakit kapag nagpatuloy.”“
(Venal POV)Halos kalahating oras na ang nagdaan, at ang magandang panahon na akala ko ma-araw na araw, ay tinakpan na ng nagbabadyang maitim na ulap. Nagbabadya ang ulan, at kakaiba din ang dalang ginaw. Hindi ito maganda kay Miss Dahlia.Kaya lumapit na ako kay Master Dryzen para sabihin ito sa kanya, ngunit nakita kong nakatulog din ang principi ng dragon.Napatango ako sa matandang Butler na kailangan siguraduhin na walang ni isang patak ng ulan ang dumampi sa katawan ng dalawa.Tahimik na nagsikilos ang mga tauhan para ayusin ang patio. Ibinaba ang dingding na yari sa salamin. At bago pa man pumatak ang ulan, naayos na ang lahat.Nang iminulat ni Master Dryzen ang kanyang mga mata. Agad niyang napansin ang ulan ngunit napatitig siya kay Miss Dahlia.Ngunit parang nais talagang ilagay ni Lilith ang kanyang sarili sa alanganin ng…“Master Dryzen hindi maaring manatili dito si Miss Dahlia, kailangan na niyang umuwi.” Napapikit ako at bago yun nakita kong umangat ang paningin ni Mas
(Dahlia POV)Hinila ni Madam Lilith ang upuan, at nahihiya man naupo na lamang ako. Halata ko naman na tinatrato nila akong bisita ni Master Dryzen.Sa pag-upo ko, nakaharap ako sa silangan… At maya-maya lamang ang malagintong sinag ng araw tumama sa aking mukha. Pero napakaganda nito… Lalo na dahil sa kinalalagyan ko ngayon, at sa lugar kung nasaan ako. Sinadyang gawin ang patio na ito para makita ang araw sa silangan kapag sumikat ito, at kanlurang direksyon kapag lumubog ito. Sa kanlurang direction mayroon malaking ilog. Kaya sa tingin ko maganda talaga kapag lumubog ang araw dahil sa reflection nito. Alam kong hindi ko ito makikitang lumubog dahil mamaya lang pagkatapos ng agahan, uuwi na ako. Baka naka-abala na ako ng husto kay Master Dryzen at ayokong isipin niya na inaabuso ko ang kabaitan nito.(Venal POV)Abala sa pagluluto si Master Dryzen, at ng makita niya ako, lumapit ako sa kanya at sinabi ang resulta ng test na isinagaw kay Miss Dahlia.“No doubt she is Virgin and healt
(Venal POV)Dumiretso kami ni Master Dryzen sa hardin. Kaagad siyang naupo, at alam na ng Butler ang gagawin. Kailangan nito i-handa ang kagamitan sa paggawa ng tsaa ni Master Dryzen.Nakapikit ang mga mata nito at hinihilot ang kanyang sintido. Hindi ko masabi kung nakatulog ba siya kagabi, o magdamag niyang pinagmasdan si Miss Dahlia. Nakakapanibago ang ipinapakitang kilos ni Master Dryzen.Nang maihanda ang kailangan sa paggawa ng tsaa, tahimik akong gumawa. Pagkatapos, maayos kong inilapag sa kanyang harapan na kaagad nito ikinamulat ng mga mata.May nais siyang tanungin sa akin pero mas pinili niyang kunin ang tasa, at napahigop ito. Nanatiling tahimik, hangang sa naubos niya ang laman ng tsaa. Alam kong isang tasa ng tsaa lamang ang kailangan niya, pero sa sitwasyon na ito ang isa tasa ay kulang pa. Parang hindi siya mapakali. Kaya muli kong pinagsilbihan.Sa pangalawang tasa ng tsaa, bigla siyang tumayo sa kanyang kinakaupuan, at napatitig sa akin. “Ang babaing yun, kapag dinad
(Secretary Venal POV)Aktong papasok na si Lilith, ngunit ng biglang pinigilan niya ito. “Gaya ng sinabi ko natutulog siya. She will be fine, right? At kapag mali ang sagot mo, alam mo kung ano ang susunod.”“Magiging maayos lang siya Master Dryzen.”“I see. Let’s resume way to the Blue Mansion, and I need the specialist she needs.” Utos niya sa akin.Pumasok muli siya sa sasakyan at si Miss Lilith nakatitig sa akin na halos hindi makapaniwala. Senenyasan ko na lamang siya na bumalik na sa kanyang sasakyan.Nang makarating kami sa blue Mansion, alam kong kanina pang naghihintay ang matandang butler kasama ang ilang utusan. Tinawag ko na kanina sa kanya ang inaasahan ni Master Dryzen. Para lang sa menstruation, kailangan niya ng medical specialist. Napa-iling na lamang ako.Ngayon lang siya nag-alala at ni hindi niya ito nagawa sa mga naging asawa niya noon.Tanging ang lumalabas pa lamang sa sasakyan ang driver ulit at sinabi sa akin na tulog parin si Miss Dahlia. At si Master Dryzen