Maraming salamat....
VIANNA MAY POVI broke down in tears as Romeo went out with his men. My chest is so tight that I can hardly breathe.My hands are shaking as I touch my aching lips. For a long time, I feigned to be insane, hindi lang makalapit sa akin ang hayop na si Romeo. I still can't believe what he did to Diego. I can't forgive him.No'ng magkamalay ako, totoong halos mawala ako sa sarili. Hindi ko matanggap na wala na ang asawa ko. Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa isipan ko ang ginawa ni Romeo. Hayop siya! Sa tuwing makita ko si Romeo, sa tuwing marinig ang boses niya. Gusto kong gawin sa kan'ya ang ginawa niya sa asawa ko, pero anong laban ko sa kan'ya. Anong laban ko sa demonyong tulad niya na hindi marunong makinig, hindi marunong tumanggap ng paliwanag.Ayoko na rito. Ayoko na! Pakiramdam ko sakal na sakal na ako. Hindi na ako makahinga. Noon pa man gusto ko nang makaalis dito.Naglakas-loob akong kausapin si Doktora Jessa. Desperadong humingi ng tulong, kahit hindi rin ako sigurado kung t
ROSELYN POVHindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, no'ng marinig mula sa bibig ni Romeo na alam na niya ang totoo.Ang plano kong asarin s'ya hanggang sukuan na lamang niya ako at hayaan na umalis ay nawala sa isip ko."Alam ko na ang totoo?!" Paulit-ulit nag-play sa utak ko ang mga salitang 'yon.Alam na niya ang totoo. Alam na niya na gawa-gawa ko lang ang lahat ng sinabi ko noon. Paano niya nalaman?Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kanina. Bakas sa mukha niya ang sobrang galit. Mas matindi, kay sa nakikita ko sa mga mata niya noon. Nanginginig ang mga kamay ko. Pati labi ko, hindi ko maawat ang panginginig."Vianna May... bakit ka pa nagpakita!" halos pabulong kong saad, kasabay ang mahinang paghikbi.Natatakot ako sa maaring gawin ni Romeo sa akin. Natatakot ako. Napahagulgol na lamang ako at nayakap ang sariling mga tuhod. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Maraming tanong na gusto kong masagot. Nahanap na ba niya si Vianna May? Kung gayon, bakit niya pa ako pinahi
"Syota?" Halos pabulong kong sabi. Sandali akong hindi nakagalaw. Ang sakit marinig na hindi lang pala talaga ako ang babae na dinala ni Romeo dito.Gano'n na ba siya ka hayok sa babae at hindi na kontento sa isa. Tuluyan na ring nawala ang atensyon sa akin ang dalawang bantay. Nasa labas na ang mga tingin nila at mukhang naghahanda na rin sa gagawin nila. Mas lalo lamang akong nagtaka kung ano ang nagyayari at sino ang syota na sinasabi ng tauhan ni Romeo. "Palabasin niyo ako!" sigaw ko, kasabay ang pagtulak sa dalawang lalaki. Hindi nila inasahan ang gagawin ko kaya sabay silang natumba at bahagya pang gumulong. Agad ko namang tinungo ang hagdan. Patakbo akong bumaba kasabay ang panakanakang paglingon."Akala mo, makakatakas ka!" Rinig kong bulyaw ni Romeo, kasabay ang malakas na tili ng babae. Sandali akong nahinto sa paghakbang nang marinig ko ang bulyaw na 'yon. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang tanaw siya na karga sa balikat ang babaing hindi matigil ang pagtili
NELSON POV Isang buwan na rin ang lumipas mula no'ng nadukot sina Diego at Mia sa isla. Hanggang ngayon, nandito pa rin ang sakit, ang hinanakit ko sa sarili dahil wala man lang ako'ng nagawa. Hindi ko man lang sila natulugan.Nang makita ko ang ginawang hand signal ni Diego, kaagad ako'ng umalis para tumawag ng tulong, ngunit pagbalik namin ay wala na sila. Pumalaot na.Hinabol namin sila sa abot ng aming makakaya, pero anong laban ng pump boat sa yate. Kahit sabayan pa namin ng sagwan para mas bumilis pa kami, wala rin. Talagang napaka-hayop ng Romeo na 'yon. Hindi pa siya nakuntento sa ginawang pambububog sa kaibigan ko. Tinapon pa nila sa dagat. Mga walang puso.Kung nakapaghanda lang sana ako. Hindi sila mapapahamak. May nagawa sana ako. Nakatulong sana ako.Natigil ako sa pag-iisip nang matanaw ang pagparada ng itim na sasakyan. Nilapag ko muna ang hawak na bulaklak sa puntod. Bago ko nilapitan ang sasakyan. Lumabas mula roon ang limang mga lalaki na pawang nakangiti lahat. "
"P're, gumising ka na naman, oh! Napagkamalan na tayong magsyota. Nasisira na ang emahe ko!"Niyugyog ko siya, baka sakaling magising, pero hindi talaga."Kapag hindi ako napag-asawa, ikaw talaga ang may kasalanan, P're!" Pukaw ko pa ulit sa kan'ya. Bumuntong-hininga ako. Buhay nga siya. Humihinga ng maayos, pero hanggang ngayon, ayaw pa rin niyang magising. Comatose pa rin. Maski ang mga doktor, hindi alam kung bakit hindi pa rin siya magising. Wala na namang ibang komplekasyon sa katawan niya. Ilang araw din siyang nanatili sa ICU, dahil nga nag-stop ang puso niya, pero lumaban pa rin siya. Tumibok pa rin ang puso, kahit katawan niya ay halos bumigay na at lantang-lanta na dahil sa gagawan ng hayop na si Romeo. Sinuwerte lamang itong kaibigan ko at nagkataon na may mga diver na nakakita sa kan'ya. Dahil kung wala, sigurado akong tuluyan na siyang naglaho sa mundong ito. Wala kasing nagawa ang paghabol namin dahil hindi pa rin kami umabot. Ni hindi na nga namin nakita ang yate kun
Wala akong ibang masabi sa kaibigan ko, kun'di iyon lang. Talagang wala kaming ibang magagawa kun'di ang umasa at manalangin na sana buhay pa nga si Mia. Sapo na naman nito ang mukha at yumuyugyog pa rin ang balikat. Heto ako, walang ibang magawa kun'di ang pagtapik at paghaplos lamang sa likod niya nagagawa."P're, tama na 'yan. Makasasama sa'yo ang laging malungkot. Alalahanin mo'ng kakagising mo lang. Baka paano ka pa. Tatagan mo ang loob." "Gusto kong magpakatatag, P're, gusto kong isipin na maayos ang lagay ng asawa ko, ngunit sa tuwing maisip ko na kasama niya si Romeo, hindi ko mapigil ang mag-isip ng masama. Nagawa na niyang saktan ang asawa ko noon, at naulit pa iyon no'ng dinukot niya kami!" Kasunod ng mga sinabi niya ang pigil na paghagulgol. Nadantay ko na lamang ang noo ko sa balikat niya. Hindi ko na kasi alam kung paano siya aluin. Kung paano siya patatahanin. Yakapin ko kaya."Tahan na, P're, bago tuluyang bumigay ang pagkamaton ko at mayakap kita ng wala sa oras!"
DIEGO POV Takip ang palad sa bibig ni Danica habang pigil ang paghagulgol."Diego... anong nangyari sa'yo? Nasaan si Vianna May?" tanong ni Danica, habang yakap na ako. Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Bumaling ang tingin ko kay Nelson na pasimpleng nagpunas ng mga luha kasabay ng pag-iwas ng tingin. Gusto ko sanang magtanong kung bakit nandito ang pinsan ko? Kung bakit niya sinabi na nandito ako? Alam naman niya na ayokong mag-alala ang pamilya ko. Ayokong sabihin sa kanila ang kalagayan ko. Ang kalagayan namin ng asawa ko. Gusto kong makuha ang sagot niya, mabasa man lang sana sa mga mata niya ang kasagutan, pero agad siyang nag-iwas ng tingin. Niyakap ko na lamang ang pinsan kong humahagulgol pa rin at ayaw na akong pakawalan. Kasabay din no'n ang pagpatak ng luha ko na agad ko namang pinahid. Hangga't maari ayokong makita niya ang hinagpis ko. Ang sakit na nararamdaman ko, pero hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba na magtapang-tapangan. "D
Ang sikip ng dibdib ko habang minamasdan si Aling Violy na abala sa pag-asikaso ng mga costumer niya. Tanaw ko lang siya mula rito sa loob ng sasakyan. Kating-kati na nga ang mga paa ko. Gusto ko na siyang lapitan at magpakilala bilang manugang niya. Pero hindi kasi ganoon ka dali. Naisip ko pa nga kung magkakaroon pa ba ako ng pagkakataon na matawag siyang Mama. Baka kasi kamuhian niya ako dahil sa nangyari kay Vianna May."Handa ka ba, P're, buo na ba talaga ang desisyon mo na kausapin si Aling Voily?" Sumulyap ako sandali sa kaibigan ko saka mapait na ngumiti habang tanaw na naman si Aling Violy. Bumuntong-hininga ako at sumandal sa backrest. Tinatantya ang sarili kung talaga ba'ng kaya ko nang harapin si Aling Violy. Halos dalawang linggo na rin kasi kaming pabalik-balik dito. Pero sa tuwing makita siya, umuurong ang buntot ko. Nagbabago ang isip ko. "P're, nagbago na naman ba ang isip mo? Bukas na ang huling therapy mo. Malakas ka na, sigurado ako na kakayanin na ng puso mo, an