"Syota?" Halos pabulong kong sabi. Sandali akong hindi nakagalaw. Ang sakit marinig na hindi lang pala talaga ako ang babae na dinala ni Romeo dito.Gano'n na ba siya ka hayok sa babae at hindi na kontento sa isa. Tuluyan na ring nawala ang atensyon sa akin ang dalawang bantay. Nasa labas na ang mga tingin nila at mukhang naghahanda na rin sa gagawin nila. Mas lalo lamang akong nagtaka kung ano ang nagyayari at sino ang syota na sinasabi ng tauhan ni Romeo. "Palabasin niyo ako!" sigaw ko, kasabay ang pagtulak sa dalawang lalaki. Hindi nila inasahan ang gagawin ko kaya sabay silang natumba at bahagya pang gumulong. Agad ko namang tinungo ang hagdan. Patakbo akong bumaba kasabay ang panakanakang paglingon."Akala mo, makakatakas ka!" Rinig kong bulyaw ni Romeo, kasabay ang malakas na tili ng babae. Sandali akong nahinto sa paghakbang nang marinig ko ang bulyaw na 'yon. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang tanaw siya na karga sa balikat ang babaing hindi matigil ang pagtili
NELSON POV Isang buwan na rin ang lumipas mula no'ng nadukot sina Diego at Mia sa isla. Hanggang ngayon, nandito pa rin ang sakit, ang hinanakit ko sa sarili dahil wala man lang ako'ng nagawa. Hindi ko man lang sila natulugan.Nang makita ko ang ginawang hand signal ni Diego, kaagad ako'ng umalis para tumawag ng tulong, ngunit pagbalik namin ay wala na sila. Pumalaot na.Hinabol namin sila sa abot ng aming makakaya, pero anong laban ng pump boat sa yate. Kahit sabayan pa namin ng sagwan para mas bumilis pa kami, wala rin. Talagang napaka-hayop ng Romeo na 'yon. Hindi pa siya nakuntento sa ginawang pambububog sa kaibigan ko. Tinapon pa nila sa dagat. Mga walang puso.Kung nakapaghanda lang sana ako. Hindi sila mapapahamak. May nagawa sana ako. Nakatulong sana ako.Natigil ako sa pag-iisip nang matanaw ang pagparada ng itim na sasakyan. Nilapag ko muna ang hawak na bulaklak sa puntod. Bago ko nilapitan ang sasakyan. Lumabas mula roon ang limang mga lalaki na pawang nakangiti lahat. "
"P're, gumising ka na naman, oh! Napagkamalan na tayong magsyota. Nasisira na ang emahe ko!"Niyugyog ko siya, baka sakaling magising, pero hindi talaga."Kapag hindi ako napag-asawa, ikaw talaga ang may kasalanan, P're!" Pukaw ko pa ulit sa kan'ya. Bumuntong-hininga ako. Buhay nga siya. Humihinga ng maayos, pero hanggang ngayon, ayaw pa rin niyang magising. Comatose pa rin. Maski ang mga doktor, hindi alam kung bakit hindi pa rin siya magising. Wala na namang ibang komplekasyon sa katawan niya. Ilang araw din siyang nanatili sa ICU, dahil nga nag-stop ang puso niya, pero lumaban pa rin siya. Tumibok pa rin ang puso, kahit katawan niya ay halos bumigay na at lantang-lanta na dahil sa gagawan ng hayop na si Romeo. Sinuwerte lamang itong kaibigan ko at nagkataon na may mga diver na nakakita sa kan'ya. Dahil kung wala, sigurado akong tuluyan na siyang naglaho sa mundong ito. Wala kasing nagawa ang paghabol namin dahil hindi pa rin kami umabot. Ni hindi na nga namin nakita ang yate kun
Wala akong ibang masabi sa kaibigan ko, kun'di iyon lang. Talagang wala kaming ibang magagawa kun'di ang umasa at manalangin na sana buhay pa nga si Mia. Sapo na naman nito ang mukha at yumuyugyog pa rin ang balikat. Heto ako, walang ibang magawa kun'di ang pagtapik at paghaplos lamang sa likod niya nagagawa."P're, tama na 'yan. Makasasama sa'yo ang laging malungkot. Alalahanin mo'ng kakagising mo lang. Baka paano ka pa. Tatagan mo ang loob." "Gusto kong magpakatatag, P're, gusto kong isipin na maayos ang lagay ng asawa ko, ngunit sa tuwing maisip ko na kasama niya si Romeo, hindi ko mapigil ang mag-isip ng masama. Nagawa na niyang saktan ang asawa ko noon, at naulit pa iyon no'ng dinukot niya kami!" Kasunod ng mga sinabi niya ang pigil na paghagulgol. Nadantay ko na lamang ang noo ko sa balikat niya. Hindi ko na kasi alam kung paano siya aluin. Kung paano siya patatahanin. Yakapin ko kaya."Tahan na, P're, bago tuluyang bumigay ang pagkamaton ko at mayakap kita ng wala sa oras!"
DIEGO POV Takip ang palad sa bibig ni Danica habang pigil ang paghagulgol."Diego... anong nangyari sa'yo? Nasaan si Vianna May?" tanong ni Danica, habang yakap na ako. Hindi kaagad ako nakasagot. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Bumaling ang tingin ko kay Nelson na pasimpleng nagpunas ng mga luha kasabay ng pag-iwas ng tingin. Gusto ko sanang magtanong kung bakit nandito ang pinsan ko? Kung bakit niya sinabi na nandito ako? Alam naman niya na ayokong mag-alala ang pamilya ko. Ayokong sabihin sa kanila ang kalagayan ko. Ang kalagayan namin ng asawa ko. Gusto kong makuha ang sagot niya, mabasa man lang sana sa mga mata niya ang kasagutan, pero agad siyang nag-iwas ng tingin. Niyakap ko na lamang ang pinsan kong humahagulgol pa rin at ayaw na akong pakawalan. Kasabay din no'n ang pagpatak ng luha ko na agad ko namang pinahid. Hangga't maari ayokong makita niya ang hinagpis ko. Ang sakit na nararamdaman ko, pero hindi ko na alam kung kakayanin ko pa ba na magtapang-tapangan. "D
Ang sikip ng dibdib ko habang minamasdan si Aling Violy na abala sa pag-asikaso ng mga costumer niya. Tanaw ko lang siya mula rito sa loob ng sasakyan. Kating-kati na nga ang mga paa ko. Gusto ko na siyang lapitan at magpakilala bilang manugang niya. Pero hindi kasi ganoon ka dali. Naisip ko pa nga kung magkakaroon pa ba ako ng pagkakataon na matawag siyang Mama. Baka kasi kamuhian niya ako dahil sa nangyari kay Vianna May."Handa ka ba, P're, buo na ba talaga ang desisyon mo na kausapin si Aling Voily?" Sumulyap ako sandali sa kaibigan ko saka mapait na ngumiti habang tanaw na naman si Aling Violy. Bumuntong-hininga ako at sumandal sa backrest. Tinatantya ang sarili kung talaga ba'ng kaya ko nang harapin si Aling Violy. Halos dalawang linggo na rin kasi kaming pabalik-balik dito. Pero sa tuwing makita siya, umuurong ang buntot ko. Nagbabago ang isip ko. "P're, nagbago na naman ba ang isip mo? Bukas na ang huling therapy mo. Malakas ka na, sigurado ako na kakayanin na ng puso mo, an
Panay ang paghinga ko ng malalim habang nakatingin kay Aling Violy na mahimbing pa rin na natutulog. Hawak ko ang kamay niya at bahagyang minamasahe iyon. Sobrang pagsisisi ang nararamdaman ko. Ako ang may kasalanan kung bakit nandito siya. Sa tuwing maisip ko ang reaksyon niya no'ng sinabi ko sa kan'ya ang dapat nitong malaman. Parang kinuyumos ang puso ko. "Aling Violy, sorry..." Mahigpit ang hawak ko sa kamay niya. Kung nagawa ko lang sanang protektahan ang asawa ko, hindi sana mangyayari ang lahat ng ito. Hindi nawalay sa akin ang asawa ko at lalong hindi nakataray ngayon si Aling Violy dito. Paulit-ulit ang pahingi ko ng tawad sa kan'ya. Pauli-ulit ang pangakong hahanapin ang asawa ko. Kung dumating man ang panahong 'yon, sisiguraduhin kong hinding-hindi na ulit kami maghihiwalay. Gagawin ko ang lahat maging masaya lang kami. "P're.... magpahinga ka naman muna. Kanina ka pa nakatunganga d'yan. Alalahin mong masama pa rin ang loob ni Aling Violy sa'yo. Paano kung magising siya
Nanlaki ang mata ni Doktora Jessa nang makita ako. Bumakas ang gulat at ang takot. Nanatili lamang siya na nakatingin sa akin. Animo nanigas at 'di na makagalaw. Humakbang ako palapit. Sinundan niya lamang ng tingin ang kada-hakbang ko. Hanggang sa ilang hakbang na lang ang layo ko mula sa kan'ya saka siya animo'y nahimasmasan. Tumayo ng maayos at tumikhim. "Mr. Fabriano," bigkas niya, pinipilit maging kalmado pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang nanginginig niyang mga labi at mga matang mapagkunwari." 'Vianna May?" patanong na bigkas ko sa pangalan ng asawa ko."Po... " nasambit niya, kasabay ang paghawak sa backrest ng link chairs. Tila doon siya kumukuha ng lakas para hindi tuluyang bumagsak. "Nasaan ang asawa ko?" walang paligoy-ligoy kong tanong. Hindi na naman nakaligtas sa akin ang paglunok niya na animo may bara sa lalamunan."M-Mr. Fabriano..." utal niyang tugon. "Doktora... Kanina ka pa po, pinapatawag ng director!" biglang singit ng nurse. Walang tanong na kaagad l
VIANNA MAY POVHindi madali ang maging parte ng isang magulong pamilya. Lahat ng klase ng sakit at lungkot ramdam hanggang sa dulo ng kuko. Hindi maiiwasan na gustuhin mo na lang na sumuko. Para matapos na lahat at hindi na maramdaman ang sakit. Katulad na lamang ng ginawa ko noon. Tinangka kong tapusin ang lahat sa pag-aakalang iyon ang tamang paraan para wakasan ang paghihirap ko.Pero hindi pala ganoon kadali. Dahil kapag nadoon ka na. Saka mo lamang maiisip na mali pala ang ginagawa mo. Hindi pala ito ang tamang solusyon. May iba pang paraan.Madalas, nasa huli ang pagsisisi. Sinuwerte lang ako at nailigtas ng lalaking hindi ko inakala na siya palang maging panghambuhay ko.Iyong ginawa ko... isang paraan iyon ng pagiging duwag. Paraan iyon ng mga taong gustong takasan ang pagsubok ng buhay. Nakakatawa!Hindi ko inakala na ang masakit na alaala na 'yon. Nakakatawa na para sa akin ngayon. Wala na kasi ang sakit, wala na ang galit na matagal kong inipon dito sa puso ko.Ang gaan na n
DIEGO POVHindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang chubby chick ng asawa ko. Paulit-ulit ko nang nilapat ang labi ko sa kaniya, pero hindi pa rin siya nagigising."Asawa ko... gising na, hoy!" lambing ko, kasabay ang pagpisil sa pisngi nito. Sumabay kasi ang paglobo ng pisngi, sa tiyan niya."Asawa ko! Mahuhuli na tayo sa appointment mo sa ob-gyn!" Bahagya ko pang tinapik ang balikat niya. Pero ayaw pa rin gumising. Talaga naman kasing ang hirap gisingin ng taong gising.Tamad-tamad na niya. Tumaba lang, halos ayaw nang gumalaw. Kung hindi ko lang siya pinipilit na maglalakad-lakad tuwing umaga. Siguradong magkahugis na sila no'ng drum na tambakan niya ng tubig sa isla.Kabuwanan na kasi niya. Kaya nga may appointment kami today. Ngayon pang malapit na ang due niya. Ngayon pa tinamad ng husto.Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang noong nalaman naming buntis siya. Dalawang buwan din akong nagtiis na matulog sa sahig dahil ayaw niya akong katabi. Ayaw maamoy. Pero ay
Tarantang lumingon sa akin ang asawa ko. Bumakas ang kaba sa mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa daan. "Bakit?" tanong niya. "Basta ihinto mo, kung ayaw mong masira ang araw natin!" iritang banta ko. Kasabay ang paglingon. Lumampas na kasi kami sa nakita ko, at dahil do'n nag-init ang ulo ko. Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse, pero hindi pa agad nakapag-park. Ang dami kasing nakaparadang sasakyan. Kaya pahirapan ang maghanap ng space. Gusto ko na agad lumabas. Hindi na ako makapaghintay. Para ngang sinisilaban ang puwet ko at hindi na mapakali. Alam ko, dala lamang ito ng pagbubuntis ko. Madaling mairita, magtampo kapag hindi ko nakuha ang gusto. Hindi ko rin gusto ang magmaldita at taasan ng boses ang asawa ko. Pero... dahil sa nakita ko, hindi ko mapigil ang sarili. May kung anong humihila sa akin para puntahan iyon. Nag-init ang ulo ko nang hindi siya agad huminto. Hawak ko na ang door handle ng kotse. Panay linga, animo takot mawala sa paningin ko ang nakita
VIANNA MAY POV Hindi ko alam kung ano ang maramdaman nang makita ko sa labas ng gate, ang mga magulang ni Romeo. Ayoko sanang papasukin sila. Ayoko sanang harapin o kausapin sila. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang maging bastos sa mga taong naging mabuti naman sa akin noon. Naging mabuting magulang. Ang sikip ng dibdib ko habang kaharap sila. Bukod sa alam kung nalulungkot at nahihirapan sila. Bumabalik din sa alaala ko ang mga ginawa sa akin ni Romeo. Lahat! Sana nga iniwan ko na lamang sila at hindi na nakinig sa sasabihin nila. Wala na kasi akong paki' ano man ang mangyari sa anak nila. Bilang pagrespeto na lamang ang ginawa kong pagharap ko sa kanila. Nagkamali sila sa ginawang paglapit at pahingi ng tulong sa akin. Binuhay lamang nila ang galit sa puso ko. Tama sila, wala silang karapatan na lumapit o humingi ng tulong sa akin para sa anak nila, pero bakit pa sila lumapit? Sana naisip nila kung ano ang maramdaman ko, at hindi lang ang nararamdaman nila. Dahil ako iyong so
Matamis na ngiti ang bungad sa akin ng asawa ko. Suot ang apron at may hawak na sandok. "Magandang umaga, asawa ko," malambing kong bati kasabay ang mahigpit na yakap at malutong na halik sa labi. "Magandang umaga, asawa ko," tugon nito, ngunit agad na binaklas ang kamay ko at tinulak pa ako palayo. Humaba tuloy ang nguso ko at nagtatakang tumitig sa kaniya. Ngayon lamang nangyari ito, na parang ayaw niya madikit sa katawan ko. Maliban na lamang kung may tampuhan kami. Talagang hindi ako makakalapit. Pero ngayon wala. Ang sarap nga... ay...este, ang saya nga ng gising namin. Talagang wala akong maisip na ginawa ko na maaring ika-galit na naman niya. Pero ilang araw ko na talagang napapansin na laging mainit ang ulo niya. May mood swing lagi. "Ang baho mo!" singhal niya. Takip na ang palad sa ilong niya. "Ako... mabaho? Kakaligo ko nga lang. Kita mo nga at basa pa ang buhok ko," kunot noo kong reklamo. Inamoy ko pa ang sarili. Pati kilikili at hininga ko. Sigurado akong mabango
DIEGO POVHindi maalis ang tingin ko sa asawa ko na kasalukuyan nang nakapikit habang sinusuot ko ang aking damit. Hindi ko gusto na saktan at umiiyak siya kanina. Hindi ko rin akalain na napansin niya pala na may gumugulo sa isipan ko. Masyado pala akong halata. Ang tototo, handa kong kimkimin lahat ng iyon at pilitin na iwaglit sa puso ko. Wala akong balak na ipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko. Ang selos ko.Sira-ulo ko! Sakabila nang pananakit ng lalaking iyon sa asawa ko nakaramdan pa rin ako ng selos.Nagseselos ako dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang lalaking 'yon noon. Nakita ko kung paano niya iniyakan at paano siya nasaktan noong nagkalabuan sila. Paulit-ulit niya pa na binibigkas ang pangalan nito. Kaya nga ako umalis dahil doon. Iyon ang dahilan kung bakit ako sumuko at nagpaubaya.Ayoko man, hindi ko man gustong mag-isip ng masama. Hindi ko naman mapigil ang puso ko. Ito lang naman kasing puso ko ang nagrereklamo. Pero itong utak ko, alam na hindi papayagan ng asaw
Ang rupok ko talaga... sa taong mahal ko. Dati pa naman, ganito na ako. Tatampo-tampo. Dadrama-drama. Bibigay din pala. Pero hindi naman masama kung magiging marupok ka man sa taong mahal mo at alam mong mahal ka rin ng tunay. Ang masama... kung magpapakarupok ka sa tao na alam mo namang hindi ka totoong mahal. Pero sige ka pa rin. Asa ka pa rin. Hindi lang marupok ang labas mo no'n kun'di tanga na."Hindi ka na ba galit, asawa ko?" bulong niya, kasabay ang panaka-nakang pagkagat at pagsipsip ng tainga ko. Na talaga namang nakakakiliti. Napakagat labi tuloy ako. Kumuyom pa mga daliri sa kamay at paa ko.Masuyo niya rin na hinaplos ang pisngi ko, habang ang mga mata ay nakatuon na sa akin. "Asawa ko, sorry na ha..." lambing niya. Banayad na halik sa labi ang kasabay ng salita niya.Hindi ako tumugon sa tanong o sa halik niya. Pero hinayaan ko lamang siya sa ginagawa niya. Oo marupok nga ako pero may ka-artehan din naman. Gusto ko 'yong sinusuyo niya ako. Lahat naman siguro na babae g
Kulay asul na dagat, bituing kumikislap, at mga hampas ng alon sa dalampasigan. Mga tanawin na hindi ko pagsasawaan. Ang gaan lang sa pakiramdam, matapos ang mapait na dinanas ko sa buhay. Dinanas namin sa buhay ng asawa ko. Heto... kahit paano nakakangiti na ako. Kahit paano panatag na ang loob ko. Higit sa lahat ramdam ko na ang saya. Ang tunay na saya, sapagkat kasama ko na ang mga mahal ko sa buhay.Dalawang buwan na ang lumipas mula noong dumaan ang bangungot sa aming buhay. Hindi pa ganoon ka tagal. Sapat lamang na maghilum ang mga sugat at pasa sa aming mga katawan. Pero 'yong sugat na gawa ng bangungot na 'yon sa aming mga puso. Nandito pa rin, hindi pa tuluyang naghilum.Pero kahit na nandito pa rin ang sugat. Hindi naman ito hadlang na maging masaya ako ng tuluyan. Paunti-unting usad lang. Hanggang sa tuluyan naming malimot ang bangungot na iyon.Sa dumaan na dalawang buwan. Ang daming nagbago. Ang daming nangyari. Gaya na lamang ang kasal namin sa simbahan ng asawa ko.Ilang
Makapigil hininga ang muling pagkikita ng dalawa. Literal na pigil-hininga ang ginawa ko.Ewan ko ba, bakit ako ang kinakabahan sa muling pagkikita nila. Malalaki na naman sila at nasa tamang mga edad na. Alam na nila kung paano i-handle ang problema nila. "Panaginip..." saad ni Nelson at muling pumikit. Umawang ang bibig ko. Dahan-dahan akong lumingon kay Dorry na sa tingin ko, parang sasabog sa pula ng mukha. Pero ngumisi kalaunan. "Anong sabi mo, Nelson?!" iritang tanong nito. Dobleng lingon ang ginawa ni Nelson nang marining ang boses ni Dorry. Muli pa nitong kinusot ang mga mata. Nagmukha tuloy siyang tanga."Bakit Nelson, lagi ba akong laman ng panaginip mo?" mapang-asar na tanong ni Dorry. Kumunot ang noo ni Nelson. Bumakas ang pigil na inis sa babaeng nagwasak ng puso niya noon. Hindi man lang alam nitong mald¡tang si Dorry ang dulot ng ginawa niya."Asa ka!" sagot nito kalaunan. Ay... mukhang bitter na rin itong friend naming nawasak ang puso noon, dahil din dito sa frie