Share

KABANATA 2

Author: sweetjelly
last update Huling Na-update: 2022-11-09 07:17:24

"A-no ba! Ang sakit!" reklamo ko. Hawak ko na ang kamay ng taong biglang humablot sa braso ko. Sinubukan kong kalasin ang paghawak niya sa braso ko.

Pero halos mawala ang kalasingan ko nang makita ang mukha niya. Uminit ang buong mukha ko at hindi na magawang magreklamo. Umaapoy kasi sa galit mga mata niya.

"R-Romeo..." pabulong at utal kong bigkas sa pangalan niya.

"Ano ba dude? Bitiwan mo nga siya!" bulyaw ng lalaki at hinila ang pabalik sa kanya.

Nagtagis ang bagang ni Romeo, at hinila ako palapit din sa kaniya. Para akong garter na pighihila ng dalawa. Mga sira-ulo ang mga 'to!

"B-bitiwan n'yo nga ako!" sigaw ko.

Buong lakas na hinablot ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak nila. Na siya namang dahilan ng pagbagsak ng mga tuhod ko sa sementong daan.

Pero itong si Romeo, imbes na tulungan ako. Nauna pang sugurin ang lalaki na akmang tutulungan sana ako.

Nang-gagalaiti sa galit ang lalaki nang makita ang bakas ng dugo sa daliri niya.

"Gago ka!" sikmat nito, kasabay ang pagsugod ng suntok.

Tumama ang malakas nitong suntok sa mata ni Romeo. Ilang beses pa silang nagpalitan ng suntok na animo'y mga boksengero. Hanggang sa tumilapon ang lalaki.

"Tumayo ka d'yan! Ang lakas ng loob mong landiin ang girlfriend ko!" bulyaw niya. Duro niya ang lalaki at akmang susugurin na naman.

Kahit hirap at masakit ang mga tuhod ko, pinilit na lang ang tumayo at hinarang siya.

"Romeo... tama na, please!" sigaw ko habang yakap-yakap siya.

Bahagya siyang kumalma nang makitang umiiyak ako. Nilingon ko pa ang lalaki na tinulungan na rin ng mga kasama at nilayo sa amin.

Maya maya ay dumating na rin ang taxi na hinihintay namin. Walang kibo na pinasakay nito, sina Lenny at Myrna na walang kamalay-malay sa nangyari. Habang ako tahimik na umiiyak sa gilid ng daan.

Tinulungan niya akong tumayo at walang imik na naglakad habang hawak ang kamay ko. Sa sobrang bilis at laki ng mga hakbang niya, hindi na ako makahabol at muntik na namang matumba.

Binuhat niya akong bigla. Pero bago iyon mainit na tingin muna ang pinukol nito sa akin na lalong nagpatikom ng bibig ko.

Binuksan niya ang pinto ng kotse at maingat akong pinaupo, kinabit ang safety belt ko, pero pabagsak na sinara ang pinto na ikinagulat ko ng husto.

Hindi ako makatingin sa kan'ya, nahihiya ako. Napaaway siya nang dahil sa akin. Nakita ko pa ang paghigpit ng hawak niya sa manubela at sinuntok iyon ng paulit-ulit. Napasinghap ako, napalakas ang paghikbi ko.

Lalabas na sana ako ng kotse, pero bigla niyang pinaharorot ang sasakyan. Sobrang bilis ng pagpapatakbo niya. Napahawak na lamang ako ng mahigpit sa safety belt na nakapulupot sa katawan ko.

"S-sir!" sigaw ko nang makita ang nakaparadang truck sa gilid ng kalsada. Naangat ko ang mga paa sa takot, pigil ang hininga at pikit matang humagulgol.

Buti na lamang at naapakan niya pa ang brake. Hindi kami sumalpok sa likod ng truck. Sa sobrang diin ng pag-apak niya, para akong tumilapon at pabagsak na napasandal pabalik sa upuan.

Nayugyog ang buong katawan ko. Sumakit ang leeg ko. Pikit mata akong humagulgol, habang mahigpit ang pagkakahawak ng mga kamay sa safety belt.

"Shit!" rinig kong mura ni Romeo. Narinig ko rin ang pagbukas at pagsara ng pinto mula sa driver's seat. Pero hindi ako naglakas loob na magdilat.

Nanghihina ang buong katawan ko, sa kaba, sa kakaiyak, at sa sama ng loob. Naghalo-halo ang emosyong nararamdaman ko. Narinig ko na lamang ang pagbukas ng pinto sa tabi ko.

"Mahal... sorry... sorry!" paulit-ulit nitong sabi. Tinatanggal ang safety belt ko. Pinahid ang pawis sa noo ko, at ang mga luhang nag-uunahang naglandas mula sa mga mata ko.

Hindi ko pa rin magawang dumilat. Hindi ko rin maawat ang pangangatal ng mga kamay ko. Inalalayan niya akong lumabas ng kotse, walang lakas ang mga paa kong tumayo.

Isinandal niya ako sa kotse saka niyakap ng mahigpit. Nakalaylay ang mga kamay ko. Gusto ko siyang yakapin pero hindi ko maiangat ang mga braso ko.

Sinuktok niya pa ang salamin ng kotse habang yakap ako. "Mahal..." Hawak na niya ang magkabila kong pisngi, hinalikan ako sa noo, sa mata sa ilong at sa labi.

"Tahan na, mahal. Parang sinasakal ako kapag nakikita kang ganyan!" Dinikit niya ang noo sa akin. Na amoy ko ang magkahalong amoy ng alak at sigarilyo sa hininga niya.

"Sorry mahal," ulit niya at niyakap na naman ako.

Matapos ang mahabang iyak. Nagawa kong igala ang paningin sa paligid. Nasa tahimik at madalim kaming kalsada. Walang signage ang likod ng truck na nakaparada, tanging ang malaking gulong lamang ang nakaharang sa likod no’n.

"Mahal, I'm sorry." He cupped my face at banayad na hinaplos Iyon. My eyes met his, and a sad smile flashed.

"I love you so much, Vianna May. I cannot imagine a life without you. Kaya sorry kung nagalit man ako. Ayoko kasi na makita ka na may kasamang iba. It feels like my heart has crashed into pieces." Hinalikan niya ako sa labi, at muling niyakap ng mahigpit. "You are only mine, Vianna May," bulong niya.

"Paano ang Mommy mo?" mahinahon kong tanong na may kasamang paghikbi. "Ayaw ng Mommy mo sa akin, Romeo..." sabi ko pa at nag-uunahan na namang pumatak ang mga luha ko.

"Mahal, pasens'ya ka na sa ginawa ng Mommy. Gano'n talaga siya sa lahat ng naging girlfriend ko."

Hindi ako sumagot. Paano ko naman magawa ang magpasens'ya, hinamak niya ang pagkatao ko. Ang sakit ng mga sinabi niya.

"Pasensya na kung hindi man kita napansin noong pumasok ka sa opisina, malalim lang ang iniisip ko no'n kaya hindi kita napansin. Tinawagan kita ng paulit-ulit pero pinatay mo ang cellphone mo."

Umikot ang mga mata ko at napa-ismid pa. Para namang hindi niya alam kung saan ako nakatira. Hinayaan niya lang akong mag-isip na tapos na kami buong gabi! Wala siyang ginawa, hindi siya nag-abalang puntahan ako sa bahay.

"Sorry, kung hindi man kita napuntahan sa bahay n'yo, nalasing ako. Nagpakalasing ako dahil umuwi ka nang hindi ako kina-usap. Pagkatapos kitang ipagtanggol kay Mommy. Pagkatapos kitang ipaglaban kay Mommy. Umalis ka na lang basta at hindi mo pa sinasagot ang mga tawag ko. Pinatay mo pa ang cellphone," seryoso niyang sabi at may mga luha na sa mga mata.

"Ako pa ngayon ang may kasalanan!" Inis kong sabi at tumalikod.

"Hindi mahal.... hindi ko naman sinasabi na kasalanan mo. Sinasabi ko lang kung ano ang dahilan kung bakit hindi kita napuntahan."

Napahalukipkip ako at humakbang palayo. Pero hinila niya ako at niyakap mula sa likod, saka siniksik ang mukha sa leeg ko.

"Huwag... huwag mo akong iwan mahal, hindi ko kaya, ikaw lang ang babaeng minahal ko nang ganito. Maiisip ko palang na mawawala ka, para na akong mawawalan ng hininga, para na akong mababaliw!" sabi niya at mas siniksik pa ang mukha sa leeg ko at mas lalong humigpit ang pagkapit niya sa baywang ko.

Pinihit niya ako paharap, nakasimangot akong tumingin sa kan'ya. "Huwag ka nang sumama ulit sa ibang lalaki, ha. Dahil baka sa susunod makakapatay na ako!"

Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na nagawa dahil hinalikan na niya ako. Bahagya niya pang kinagat ang pang-ibaba kong labi nang hindi ko tinugon ang mga halik niya, dahilan kung bakit naibuka ko ang bibig ko at na siil niya iyon ng halik.

Napapikit na lamang ako para na kasi akong naduduling sa kakatingin sa mga mata niya na mariing nakapikit.

"God! Alam mo ba kung gaano kita namiss? Ang mga halik mo? Ang mga yakap mo?" usal niya, habang magkalapat pa rin ang mga labi namin.

Bumilog ang mga mata ko nang maramdaman kong gumalugad ang dila niya sa loob ng ng bibig ko.

Napapikit ako at napaungol nang s******n niya ang dila ko. Ano ba 'tong pinag-gagawa niya sa akin?

Parehong habol ang aming hininga nang maghiwalay ang aming mga labi. Namumungay ang mga mata niya na tumitig sa akin at bahagya nang may ngiti.

Pero mas naging lutang ako sa ginawa niyang halik. Bakit kasi pati dila gumalaw? May pahabol pang s****p.

Wala sa isip na hinawakan ko, ang dila ko. Check ko lang kung hindi ba naut-ot, baka kasi nalunok niya. Narinig ko na lamang ang mahina niyang tawa.

Napatiim-bibig na lamang ako at nagbaba ng tingin. Nag-init kasi ang mukha ko.

Hinawakan niya ang baba ko at inangat iyon. Ngayon ko lang napansin ang pasa at sugat sa mukha niya. May pasa siya sa gilid ng mata, pisngi at labi.

Tumingkayad ako para halikan ang mga pasa niya. Mas lalo pa siyang napapangiti.

"Sorry, nang dahil sa akin napa-away ka," humihikbi kong sabi.

"Bakit kasi nagpunta kayo sa lugar na 'yon? Paano kung hindi ako dumating? Baka kung saan ka na dinala ng lalaking 'yon!"

Tumiim na naman ang bagang niya nang maalala ang lalaki kanina. "Talagang hinayaan mo pa siya na hawakan ka!" galit niyang sabi.

"Hindi ko siya hinayaan! Natumba nga ako at nasalo niya!" Inis kong tugon, saka tinulak siyang bahagya. Pero hindi siya natinag. Nanliit ang mga mata nitong tumitig sa akin.

"Bakit hinila ka niya pabalik?" Nilapit niya pa ang mukha niya sa akin.

"Nasaktan nga ako! Hinablot mo na lang ako bigla." Saka ko lang naalala at naramdaman ang pananakit ng braso at tuhod ko.

Nagmarka nga ang mahigpit na paghawak niya sa braso ko. Inangat ko naman ng bahagya ang hem ng uniform ko at nakitang may mga gasgas at sugat din ang mga tuhod ko.

Mainit ang mga tingin na pinukol sa kan'ya. "Imbes na tulungan mo ako kanina! Inuna mo pa ang manuntok!" inis at nagtatampo kong sabi.

Banayad na hinaplos nito ang braso ko. "Sorry na mahal, hindi ko naman sinasadya na masaktan ka," sabi niya saka hinalikan ang pasa ko ng paulit-ulit.

Umismid ako. "Paano 'yong mga gasgas at sugat ko sa tuhod?" nakasimangot kong tanong.

"Gusto mo ba na halikan ko rin ang mga tuhod mo?" tanong niya. Nilibot pa ang paningin sa paligid, saka diniin ako sa kotse at kasabay no'n ang paghimas sa mga hita ko.

"Tumigil ka nga!" sabi ko at tinulak siya. "Hindi pa tayo bati! 'Tsaka, tuhod ko ang may gasgas hindi ang mga hita ko!" maktol ko.

"Hindi pa tayo bati?!" kunot noo niyang tanong. "Ikaw nga 'yong naglakas-loob na manood ng bulate show! Ikaw pa ang galit! Sa susunod, sabihin mo kaagad kapag gusto mong makakita ng gano'n! Dahil hindi ako magdadalawang isip na igiling sa harapan mo ang higante kong bulate!" natatawa niyang sabi.

Hinampas ko siya sa braso at bahagya na ring natawa. Pero 'di pa rin kami bati!

"Tara na nga ihatid mo na ako, baka nag-aalala si Mama." Ngumiti siya. Kaagad niyang binuksan ang pinto. Nang makaupo ako ng maayos ay patakbo naman siyang nagpunta sa driver's seat.

Hindi na nawala ang ngiti niya habang binubuhay ang makina ng kotse at dahan-dahang umatras palayo sa likod ng truck.

Pareho kaming tahimik habang binabaybay ang daan pauwi. Panay lamang ang tiningan namin sa isa't-isa, habang hawak niya ang isang kamay ko.

Hanggang sa hindi ko namalayan na ka idlip na pala ako.

"Mahal, gising na," mahinang tawag sa akin ni Romeo. Kahit antok na antok pa ako wala akong nagawa kun'di ang magdilat. Kinusot ko pa ang mga mata ko bago tumingin sa kan'ya.

"Nandito na tayo mahal," mahina niyang sabi. Ngumiti ako, saka lumabas na ng kotse.

Naglahad ako ng kamay nang maramdaman ang mahinang patak ng ulan. Mabuti na lang at handa si Mama. Sinalubong kami at may dalang dalawang payong pa. Bahagya namang nag-iwas ng mukha si Romeo nang makalapit si mama. Paano kasi basagulero.

"Magandang gabi po, Ma," bati niya.

Mama na talaga ang tawag niya sa Mama ko kahit noong nanliligaw pa lamang siya sa akin.

"Pasok na kayo sa loob, at mukhang lalakas pa ang ulan," sabi ni Mama at nauna nang pumasok.

Nag-aalangan pa talaga si Romeo dahil kapag pumasok siya, siguro hindi na niya maitatago ang basag niyang mukha.

Hinila ko na lamang siya. Sakto naman na pagpasok namin siyang pagbagsak ng malakas na ulan.

"Oh, anong nangyari d'yan sa mukha mo?" nagtatakang tanong ni Mama.

Napahawak naman sa mukha niya si Romeo at parang nahihiya pa talaga.

"Iyan ang napala sa mga basagolerong gaya niya Ma," Napakamot na lamang sa ulo si Romeo.

"Buti at 'yan lang ang napala mo," seryosong sabi ni Mama. "Ano pa ang tinatayo-tayo d'yan anak? Kumuha ka na ng gamot at gamutin mo na iyang basagolero mong boyfriend."

Bahagya akong natawa sa tinuran ni Mama. Kahit hindi niya sabihin, alam kong med'yo naiinis din siya kay Romeo. Pina-iyak niya rin kasi ako. Dumagdag pa siya sa sakit na ginawa ng Mommy niya sa akin.

"Bahala na kayo d'yan at inaantok na ako." sabi niya pa, saka pumasok na sa k'warto.

"Dito ka muna, kukuha lamang ako ng gamot." Iniwan ko na siya at kaagad pumanhik sa taas. Pero hindi pa naman ako tuluyang naka-akyat, sumunod si Romeo.

"Anong ginagawa mo? Bumalik ka sa baba!" mahina ngunit may diin na utos ko. Pero umiling siya at nagpatuloy sa pagakyat. Agad siyang kumapit sa baywang ko at hinalikan ako sa labi.

"Ano ba, baka lumabas ang Mama at makita tayo," saway ko. Umiling at ngumiti lang siya at hinila ako papasok sa k'warto.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Hello dear readers... Sa mga nakaabot sa chapter na 'to, sana mag-iwan kayo ng comment para alam ko naman kung may nagbabasa pa nitong kwento ko. Maraming salamat...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 3

    "Romeo, what are you doing?" Hindi ka pwede rito. Bumaba ka, before Mama sees you," I grumbled."Hayaan mo na lang ako, Mahal," he said, caressing my cheek. "I just want to fix things between us," he whispered before pressing his lips to mine."Teka nga lang, hindi pa tayo bati. Akala mo, madadaan mo ako diyan sa lambing mo. Do'n ka nga!" Turo ko sa kama. Nakangiti siyang nagtungo doon at agad umupo. Pinatong ko na rin sa bedside table ang bag ko at tumalikod."Where are you going?" tanong niya at akmang hahawakan ako."Kukuha lang po ng gamot," maagap kong sagot. He returned to his seat with a nod and a smile. Parang bata.Kinuha ko ang medical kit from my dresser. Then I returned to Romeo, who was still beaming from ear to ear.I sat quietly next to him, treating his wounds gently. He just keeps on smiling and slowly move his face to mine, lips pouting. Parang tanga rin."Umayos ka nga! Hindi ko magamot ng maayos ang sugat mo!" Magkasalubong ang kilay na saway ko. Diniin ko pa ang

    Huling Na-update : 2022-11-16
  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 4

    Romeo's eyes sparkled with pleasure as he gazed upon the lovely scene in front of him. He stiffened and swallowed many times.Sana pala, siniguro ko muna kung umalis na ba talaga siya. Para pa naman siyang tigre na hihintay ng chance to eat me. I smiled timidly as I covered my body with something.Hindi naman ako totally hubad. May suot akong two piece nighties. Kaya lang bakat kasi 'yong dalawang cherry tomatoes ko. At talagang do'n nahinto ang nagningning na mga mata nitong lalaking natuod na sa kinatatayuan niya. Mahal ko 'to. Pero sarap din tusukin ang mga mata!Tabing ang unan sa katawan ko, tumayo ako at nilapitan siya. Hinablot ko ang t-shirt na hawak niya at sinuot iyon, saka hinila siya palabas ng k'warto. Buti na lang at nagpaubaya siya na hilahin ko hanggang sa makababa kami. "Ingat ka mahal." Patulak ko siyang dinala sa pinto at agad iyong binuksan. Kumurap siya at lutang na tumingin sa akin. As-in lutang talaga. "Kaya mo ba ako binato ng damit para umalis na ako?"Buang

    Huling Na-update : 2022-11-23
  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 5

    I feel the tension between Mama and Romeo. Kabado ako habang nakatingin sa dalawa. A tinge of dismay is seen on Romeo's face as he lifts his head from Mama's shoulder."Ina ako, Romeo. Mahal ko ang anak ko. Ayokong makita siya na nahihirapan at nasasaktan." "Ma... naintindihan ko po..." malungkot na tugon ni Romeo kasabay ang pagsulyap sa akin."Kung ganoon naman pala ay wala tayong magiging problema." Lumingon si Mama kay Romeo at bahagyang ginulo ang buhok. "O siya, maiwan ko muna kayo at ako'y magbibihis lang.""Mahal," tawag ko kay Romeo na napatulala na lang. I sat close to him. I cling to his arm and rest my chin on his shoulder. I simply mimicked what he did to Mama earlier.Aba, at talagang effective pala ang lambing na 'to. Agad din kasi siyang ngumiti."Ayos ka lang ba, mahal?" tanong ko, panay taas-baba ang mga kilay ko. He smiled even more as he took hold of my hand, which was still clinging to his arm."Paano ako hindi maging ayos! Lambingin mo ba naman ako ng ganito!"

    Huling Na-update : 2022-11-24
  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 6

    Ilang minuto bago nagproseso sa utak ko kung ano ang ibig sabihin ni Mama. Walang mabubuo. Napangiwi ako nang maintindihan ko ang ibig sabihin no'n.Hindi ko alam kung ano ang isasagot. napakamot ako sa lalamunan kong bigla na lang nangati. Nanatili namang nakayuko si Romeo. Nahiyaya yatang sagutin si Mama. Paano kasi, ang landi nga niya. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Isa rin 'yan sa dahilan kaya nagdadalawang-isip ako na payagan kayo!" Umiling si Mama habang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin. "Kung nakikita niyo lang ang mga mukha ninyo ngayon sa salamin. Malalaman ninyo kung gaano ka di-gusto iyang mga mukha ninyo sa sinabi ko. Siguro na-isip niyo na ang OA ko, kasi nasa tamang mga edad na naman kayo. Mga Anak, ang gusto ko lang naman ay unahin n'yo muna ang problema sa Mommy mo, Romeo. Papa-saan ba at doon din talaga ang punta ninyo. Naintindihan niyo ba?" mahabang lintanya ni Mama."Hindi naman po sa di-gusto, Ma, nagulat lang po kami sa sinabi niyo," mahina kong tugon pero

    Huling Na-update : 2022-11-24
  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 7

    Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Pikit-matang napahawak ng mahigpit sa kamay ng mahal ko. Para akong mauubusan ng hininga dahil sa kabang nararamdaman.Nagdilat na lamang ako nang marinig ang malakas na tawa ng Daddy ni Romeo, maluha-luha ang mga mata niya habang hawak ang tiyan. Napakagat labi ako."Do you really think I'm cute, hija?" tanong niya. Hindi pa rin matigil ang tawa niya. "Sa palagay ko, magkakasundo tayo!"Natigil ang pagtawa niya nang magbukas ang malaking gate. Hindi ko napansin na nasa harap pala ng malaking bahay tumigil ang sasakyan. Paano nga kasi, napapikit na lamang ako kanina. Akala ko, galit ang Daddy ni Romeo, hindi pala. "Great job, mahal, ngayon ko lang nakita ang Daddy na tumawa ng ganiyan," bulong ni Romeo habang ang isang kamay ay ginugulo ang buhok ni Michael.Huminga ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Nasa pagitan ako nina Michael at Romeo habang nasa unahan naman ang Daddy ni Romeo. Ang laki ng bahay nila na Mediterranean ang style. Pero ang uma

    Huling Na-update : 2022-11-25
  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 8

    Sobrang pagpigil ang ginawa ko na huwag maging dragon at bugahan ng apoy ang kasambahay na feeling close sa boyfriend kong nakabukaka sa harap niya. Kulang na lang upuan niya si Romeo. Ang sarap din tadyakan ng bayag nitong si Romeo. Gusto rin yata niya ang ginagawa ng babaeng hitad na walang tigil sa pagpunas ng towel sa dibdib niya. Paigtad na tumingin sa akin ang babae. Hindi niya kasi napansin ang paglapit ko. Enjoy na enjoy nga kasi siya sa ginagawa."Anong nangyari?!" taas ang isang kilay at talagang hindi ko nilubayan ng tingin ang babaeng hitad na hindi naitago ang kaba. Iyong tingin na makasunog hitad."A-ahhh....ehh... M-miss, natapunan po ng tubig ang dibdib ni Sir Romeo," natataranta nitong sagot. Napangisi ako. "Hindi ko alam, pati pala ang pagpunas sa basang dibdib ng boss mo ay trabaho mo rin!" Sadyang pinatalas ko ang bawat bigkas ng salitang binitiwan ko."L-asing po kasi si Sir Romeo, Miss... Kaya tinulungan kong makainum ng tubig," maamo ang boses at yuko ang ulong

    Huling Na-update : 2022-11-26
  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 9

    Wala na sa tabi ko si Romeo, pag-gising ko. Pero nag-iwan naman siya ng sticky note na may guhit na wink emoji. Pinatong niya iyon sa black maxi-dress at may paris pang silk undies. Napangiti na lamang ako. Kaagad akong naligo at nagbihis. Tinanghali pa ako ng gising nakakahiya tuloy sa magulang ni Romeo. Loko-loko din iyon, hindi man lang ako ginising. Dali-dali akong bumaba matapos mag-ayos ng sarili. Baka magbago pa ulit ang trato ng mga magulang ni Romeo akin dahil ang tagal kong gumising. "Good morning, Tita guwapa!" masayang bungad ni Michael. Patakbo itong lumapit sa akin nang makita akong pababa ng hagdan. Agad din naman akong ngumiti at yumuko. Binigyan ko siya ng malutong na halik sa pisngi at mahigpit na yakap. "Good morning, Michael." Pinisil ko ang pisngi ng bibong bata na napangiwi na lang sa ginawa ko at hindi na nagreklamo.Hinawakan nito ang kamay ko at nakangiting nakatingala sa akin. "Let's go, Tita guwapa, they are all waiting for you," sabi pa nito, at hinila

    Huling Na-update : 2022-11-26
  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 10

    "Hija, enjoy," pahabol na sabi ni Mommy Edna. Kumaway na lang ako habang tinitingnan ang papalayong kotse. Siya pa talaga ang naghatid sa akin dito sa hotel na usapan namin Romeo. Dapat magkasabay na kaming nagpunta rito ng mahal ko, kaya lang nagpupumilit ang Mommy na pagagandahin niya raw ako lalo. Dinala niya ako sa paborito nitong parlor at botique. Kailangan daw kasi na magandang-maganda ako sa anniversary namin ng mahal ko. Yes, one year na kami ng mahal ko. Isang taon na kaming magkasama na masaya at nagmamahalan pa rin ng bongga. Marami na kaming pangarap na nabuo at bubuuin pa, gaya na lamang ng plano namin na mang-ibang bansa. Marami na rin kaming napagdaanang pagsubok, at maraming away na nalutas na kadalasan selos ang dahilan—selos na walang basehan. Iyon lang ang madalas na nagiging problema namin ni Romeo. Hindi niya na kokontrol ang emosyon sa tuwing may ibang lalaki na kumakausap o kahit tumingin man lang sa akin. Feeling niya, lahat ng lalaki na lumalapit sa aki

    Huling Na-update : 2022-11-26

Pinakabagong kabanata

  • Nilimot Na Alaala   Wakas

    VIANNA MAY POVHindi madali ang maging parte ng isang magulong pamilya. Lahat ng klase ng sakit at lungkot ramdam hanggang sa dulo ng kuko. Hindi maiiwasan na gustuhin mo na lang na sumuko. Para matapos na lahat at hindi na maramdaman ang sakit. Katulad na lamang ng ginawa ko noon. Tinangka kong tapusin ang lahat sa pag-aakalang iyon ang tamang paraan para wakasan ang paghihirap ko.Pero hindi pala ganoon kadali. Dahil kapag nadoon ka na. Saka mo lamang maiisip na mali pala ang ginagawa mo. Hindi pala ito ang tamang solusyon. May iba pang paraan.Madalas, nasa huli ang pagsisisi. Sinuwerte lang ako at nailigtas ng lalaking hindi ko inakala na siya palang maging panghambuhay ko.Iyong ginawa ko... isang paraan iyon ng pagiging duwag. Paraan iyon ng mga taong gustong takasan ang pagsubok ng buhay. Nakakatawa!Hindi ko inakala na ang masakit na alaala na 'yon. Nakakatawa na para sa akin ngayon. Wala na kasi ang sakit, wala na ang galit na matagal kong inipon dito sa puso ko.Ang gaan na n

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 80

    DIEGO POVHindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang chubby chick ng asawa ko. Paulit-ulit ko nang nilapat ang labi ko sa kaniya, pero hindi pa rin siya nagigising."Asawa ko... gising na, hoy!" lambing ko, kasabay ang pagpisil sa pisngi nito. Sumabay kasi ang paglobo ng pisngi, sa tiyan niya."Asawa ko! Mahuhuli na tayo sa appointment mo sa ob-gyn!" Bahagya ko pang tinapik ang balikat niya. Pero ayaw pa rin gumising. Talaga naman kasing ang hirap gisingin ng taong gising.Tamad-tamad na niya. Tumaba lang, halos ayaw nang gumalaw. Kung hindi ko lang siya pinipilit na maglalakad-lakad tuwing umaga. Siguradong magkahugis na sila no'ng drum na tambakan niya ng tubig sa isla.Kabuwanan na kasi niya. Kaya nga may appointment kami today. Ngayon pang malapit na ang due niya. Ngayon pa tinamad ng husto.Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang noong nalaman naming buntis siya. Dalawang buwan din akong nagtiis na matulog sa sahig dahil ayaw niya akong katabi. Ayaw maamoy. Pero ay

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 79

    Tarantang lumingon sa akin ang asawa ko. Bumakas ang kaba sa mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa daan. "Bakit?" tanong niya. "Basta ihinto mo, kung ayaw mong masira ang araw natin!" iritang banta ko. Kasabay ang paglingon. Lumampas na kasi kami sa nakita ko, at dahil do'n nag-init ang ulo ko. Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse, pero hindi pa agad nakapag-park. Ang dami kasing nakaparadang sasakyan. Kaya pahirapan ang maghanap ng space. Gusto ko na agad lumabas. Hindi na ako makapaghintay. Para ngang sinisilaban ang puwet ko at hindi na mapakali. Alam ko, dala lamang ito ng pagbubuntis ko. Madaling mairita, magtampo kapag hindi ko nakuha ang gusto. Hindi ko rin gusto ang magmaldita at taasan ng boses ang asawa ko. Pero... dahil sa nakita ko, hindi ko mapigil ang sarili. May kung anong humihila sa akin para puntahan iyon. Nag-init ang ulo ko nang hindi siya agad huminto. Hawak ko na ang door handle ng kotse. Panay linga, animo takot mawala sa paningin ko ang nakita

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 78

    VIANNA MAY POV Hindi ko alam kung ano ang maramdaman nang makita ko sa labas ng gate, ang mga magulang ni Romeo. Ayoko sanang papasukin sila. Ayoko sanang harapin o kausapin sila. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang maging bastos sa mga taong naging mabuti naman sa akin noon. Naging mabuting magulang. Ang sikip ng dibdib ko habang kaharap sila. Bukod sa alam kung nalulungkot at nahihirapan sila. Bumabalik din sa alaala ko ang mga ginawa sa akin ni Romeo. Lahat! Sana nga iniwan ko na lamang sila at hindi na nakinig sa sasabihin nila. Wala na kasi akong paki' ano man ang mangyari sa anak nila. Bilang pagrespeto na lamang ang ginawa kong pagharap ko sa kanila. Nagkamali sila sa ginawang paglapit at pahingi ng tulong sa akin. Binuhay lamang nila ang galit sa puso ko. Tama sila, wala silang karapatan na lumapit o humingi ng tulong sa akin para sa anak nila, pero bakit pa sila lumapit? Sana naisip nila kung ano ang maramdaman ko, at hindi lang ang nararamdaman nila. Dahil ako iyong so

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 77

    Matamis na ngiti ang bungad sa akin ng asawa ko. Suot ang apron at may hawak na sandok. "Magandang umaga, asawa ko," malambing kong bati kasabay ang mahigpit na yakap at malutong na halik sa labi. "Magandang umaga, asawa ko," tugon nito, ngunit agad na binaklas ang kamay ko at tinulak pa ako palayo. Humaba tuloy ang nguso ko at nagtatakang tumitig sa kaniya. Ngayon lamang nangyari ito, na parang ayaw niya madikit sa katawan ko. Maliban na lamang kung may tampuhan kami. Talagang hindi ako makakalapit. Pero ngayon wala. Ang sarap nga... ay...este, ang saya nga ng gising namin. Talagang wala akong maisip na ginawa ko na maaring ika-galit na naman niya. Pero ilang araw ko na talagang napapansin na laging mainit ang ulo niya. May mood swing lagi. "Ang baho mo!" singhal niya. Takip na ang palad sa ilong niya. "Ako... mabaho? Kakaligo ko nga lang. Kita mo nga at basa pa ang buhok ko," kunot noo kong reklamo. Inamoy ko pa ang sarili. Pati kilikili at hininga ko. Sigurado akong mabango

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 76

    DIEGO POVHindi maalis ang tingin ko sa asawa ko na kasalukuyan nang nakapikit habang sinusuot ko ang aking damit. Hindi ko gusto na saktan at umiiyak siya kanina. Hindi ko rin akalain na napansin niya pala na may gumugulo sa isipan ko. Masyado pala akong halata. Ang tototo, handa kong kimkimin lahat ng iyon at pilitin na iwaglit sa puso ko. Wala akong balak na ipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko. Ang selos ko.Sira-ulo ko! Sakabila nang pananakit ng lalaking iyon sa asawa ko nakaramdan pa rin ako ng selos.Nagseselos ako dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang lalaking 'yon noon. Nakita ko kung paano niya iniyakan at paano siya nasaktan noong nagkalabuan sila. Paulit-ulit niya pa na binibigkas ang pangalan nito. Kaya nga ako umalis dahil doon. Iyon ang dahilan kung bakit ako sumuko at nagpaubaya.Ayoko man, hindi ko man gustong mag-isip ng masama. Hindi ko naman mapigil ang puso ko. Ito lang naman kasing puso ko ang nagrereklamo. Pero itong utak ko, alam na hindi papayagan ng asaw

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 75

    Ang rupok ko talaga... sa taong mahal ko. Dati pa naman, ganito na ako. Tatampo-tampo. Dadrama-drama. Bibigay din pala. Pero hindi naman masama kung magiging marupok ka man sa taong mahal mo at alam mong mahal ka rin ng tunay. Ang masama... kung magpapakarupok ka sa tao na alam mo namang hindi ka totoong mahal. Pero sige ka pa rin. Asa ka pa rin. Hindi lang marupok ang labas mo no'n kun'di tanga na."Hindi ka na ba galit, asawa ko?" bulong niya, kasabay ang panaka-nakang pagkagat at pagsipsip ng tainga ko. Na talaga namang nakakakiliti. Napakagat labi tuloy ako. Kumuyom pa mga daliri sa kamay at paa ko.Masuyo niya rin na hinaplos ang pisngi ko, habang ang mga mata ay nakatuon na sa akin. "Asawa ko, sorry na ha..." lambing niya. Banayad na halik sa labi ang kasabay ng salita niya.Hindi ako tumugon sa tanong o sa halik niya. Pero hinayaan ko lamang siya sa ginagawa niya. Oo marupok nga ako pero may ka-artehan din naman. Gusto ko 'yong sinusuyo niya ako. Lahat naman siguro na babae g

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 74

    Kulay asul na dagat, bituing kumikislap, at mga hampas ng alon sa dalampasigan. Mga tanawin na hindi ko pagsasawaan. Ang gaan lang sa pakiramdam, matapos ang mapait na dinanas ko sa buhay. Dinanas namin sa buhay ng asawa ko. Heto... kahit paano nakakangiti na ako. Kahit paano panatag na ang loob ko. Higit sa lahat ramdam ko na ang saya. Ang tunay na saya, sapagkat kasama ko na ang mga mahal ko sa buhay.Dalawang buwan na ang lumipas mula noong dumaan ang bangungot sa aming buhay. Hindi pa ganoon ka tagal. Sapat lamang na maghilum ang mga sugat at pasa sa aming mga katawan. Pero 'yong sugat na gawa ng bangungot na 'yon sa aming mga puso. Nandito pa rin, hindi pa tuluyang naghilum.Pero kahit na nandito pa rin ang sugat. Hindi naman ito hadlang na maging masaya ako ng tuluyan. Paunti-unting usad lang. Hanggang sa tuluyan naming malimot ang bangungot na iyon.Sa dumaan na dalawang buwan. Ang daming nagbago. Ang daming nangyari. Gaya na lamang ang kasal namin sa simbahan ng asawa ko.Ilang

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 73

    Makapigil hininga ang muling pagkikita ng dalawa. Literal na pigil-hininga ang ginawa ko.Ewan ko ba, bakit ako ang kinakabahan sa muling pagkikita nila. Malalaki na naman sila at nasa tamang mga edad na. Alam na nila kung paano i-handle ang problema nila. "Panaginip..." saad ni Nelson at muling pumikit. Umawang ang bibig ko. Dahan-dahan akong lumingon kay Dorry na sa tingin ko, parang sasabog sa pula ng mukha. Pero ngumisi kalaunan. "Anong sabi mo, Nelson?!" iritang tanong nito. Dobleng lingon ang ginawa ni Nelson nang marining ang boses ni Dorry. Muli pa nitong kinusot ang mga mata. Nagmukha tuloy siyang tanga."Bakit Nelson, lagi ba akong laman ng panaginip mo?" mapang-asar na tanong ni Dorry. Kumunot ang noo ni Nelson. Bumakas ang pigil na inis sa babaeng nagwasak ng puso niya noon. Hindi man lang alam nitong mald¡tang si Dorry ang dulot ng ginawa niya."Asa ka!" sagot nito kalaunan. Ay... mukhang bitter na rin itong friend naming nawasak ang puso noon, dahil din dito sa frie

DMCA.com Protection Status