Share

KABANATA 1

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2022-11-08 00:09:30

Bagong umaga, bagong simula. Ilang minuto na rin akong nakatingin sa cell phone ko nasa ibabaw ng side table, umaasa pa rin kasi ako na mag-ring iyon. Pero wala. Ni text wala rin. Ang sakit pa rin pala, kahit sinabi ko pa na tanggap ko na. Sinanay niya kasi ako. Nasanay ako na laging tunog ng cell phone ang gumigising sa akin tuwing umaga, at boses ni Romeo ang unang naririnig ko.

Pero ngayon, maingay na tilaok ng mga manok at kahol ng mga aso ng aming kapitbahay ang gumising sa akin. Lalo tuloy akong tinatamad at nanghihina. Pakiramdam ko nawalan ako ng isang parte sa katawan ko.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Pero hindi pwede na huminto ang mundo ko. Nasaktan lang naman ako at hindi na paralisa. Kaya tuloy ang buhay kahit puso'y nasasaktan.

Matapos maligo at magbihis, humarap ako sa salamin. Muli na naman akong napangiti ng mapait. Paano ba naman kasi, daig ko pa ang nasuntok sa itim at maga ng eye bags.

I covered my dark and puffy eye bags with concealer, para hindi naman ako magmukhang malnourished na panda pag pasok sa trabaho.

Matapos mag-ayos ng sarili ay bumaba na rin ako. Pero utak ko, kalat-kalat pa rin. Ang dami kong iniisip. Bukod kay Romeo na hindi ko alam kung nasaan na o ano na ang ginagawa niya, hindi ko pa alam kung may trabaho pa ba akong babalikan.

"Magandang umaga, 'Nak!" masayang bungad ni Mama, pagbaba ko.

Bitbit niya ang platong may lamang pritong itlog at basong may gatas. Napangiti ako. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon pero nang makita ko ang maaliwalas na mukha ni Mama, kahit paano ay gumaan ang pakiramdamdam ko.

"Magandang umaga, Ma." Halik sa pisngi ang kasabay ng sinabi ko, saka umupo sa upuan na kaharap niya.

"Kumusta ang pakiramdam mo, Anak?" may bakas pag-aalala na tanong niya.

"Masakit pa rin, Ma. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Pero pipilitin kong maging okay," matamlay ko namang tugon. At kahit wala akong gana, kumain pa rin ako. Para kahit paano, may lakas ako kahit nanghihina ang puso.

"Huwag mong madaliin ang sarili mo, Anak, magiging maayos ka rin. Ang isipin mo, nagmahal ka ng totoo kaya ka nasasaktan ngayon."

Tipid na ngiti na lang ang sagot. Buti na lang talaga at may Mama akong mabait at mahal na mahal ako. Dahil kung wala, hindi ko talaga alam kong ano ang gagawin ko.

Alas-otso y media ay umalis ako ng bahay. Sinadya ko talaga na umalis ng ganitong oras para diretso na ako sa trabaho pagdating sa shop.

Ayoko muna na mag-isip ng kung ano-ano. Gusto kong mag-focus sa trabaho at kalimutan ang nangyari. Pipilitin ko'ng maging okay, kahit hindi.

"Magandang umaga, Vianna May," nakangiting bati ni Mang Damian at Gino. Mga guard sila ng jewelry shop, kung saan ako nagtatrabaho.

"Magandang umaga po," bati ko sa kanila. Dati nakikipagkwentohan pa ako bago ako papasok sa shop. Pero dahil wala nga ako sa mood, agad ko na lang silang iniwan.

"Magandang umaga, girls." Mapait na ngiti ang kasabay ng bati ko sa mga kaibigan at kasamahan ko sa trabaho na sina Lenny at Myrna.

Saksi sila sa nangyaring drama kahapon. Kaya heto at makabutas kaluluwa ang mga tingin nila.

"Magandang u—maga’ ang mga mata mo, girl," mapanuksong sabi ni Lenny. May kasama pang pag-iling.

'Yan siya, alam na nga niya na nasasaktan ako, nakuha pa akong tuksuhin. Irap na lang ang tugon ko. Sanay na rin naman ako sa ugali niya. At saka, totoo naman, maga ang mga mata ko.

"Talaga ba'ng maganda ang umaga mo, girl?" dagdag tanong pa nito na may kasama ng siko.

"Mukha ba akong okay, Lenny?" tanong din ang tugon ko na may kasabay na buntong-hininga.

"Nagtanong pa kasi, alam naman na hindi nga siya okay," singit ni Myrna na kanina pa tahimik at pinagmamasdan lang kami.

"Paano ba makalimot? Paano ba mawala ang sakit? Paano ba maging masaya ulit?" desperada kong tanong at parang maiiyak na naman.

Sabay napapailing sina Lenny at Myna. "Sure ka ba talaga na gusto mong makalimot at maging masaya ulit?" tanong ni Myrna na ang lapad ng ngiti.

Tumango ako ng maraming beses. Iyon nga kasi ang gusto ko. Mawala itong mabigat na nakadagan sa dibdib ko.

"May alam akong lugar, hindi man agad-agad na mawawala ang sakit na nararamdaman mo, pero sure namang makakalimot ka kahit sandali. Sakto at off natin bukas," dagdag niya pa.

Matapos ang maikling kwentuhan. Naging abala na kami sa trabaho. Papalapit na kasi ang June. Syempre maraming gustong maging June bride. Ang saya nga nila habang pumipili ng singsing.

Nakaka-inggit nga sila. Dahil gaya nila, nangarap din ako na maging June Bride. Pero malabo nang mangyari 'yon. Wala na nga kami ng magiging groom ko.

"Vianna May, ano? Tutunganga ka na lang ba r'yan? Lunch time na," untag sa akin ni Lenny.

Tingin lang ang sagot ko sa kanya. Para na naman kasing maiiyak ako.

"Akala ko ba, gusto mong makalimot? Pero bakit lagi mo pa rin siyang iniisip?" Palabas na kami ng shop nang muling magsalita si Lenny.

"Ayoko naman talaga sana siyang maalala pero hindi ko naman nadidektahan ang utak ko, lalo na itong puso ko."

"Tama na nga 'yang usapang puso niyo. Kumain na lang tayo at magpakabusog," putol ni Myrna si usapan namin ni Lenny.

Kumain nga kami sa paborito naming fast food. Pero parang hindi man lang nagkalaman ang tiyan ko. Bweset, ganito ba talaga kasakit ang magmahal?

Dahil may oras pa naman, nagpunta muna kami sa paborito naming tambayan. Ang Bookstore Cafe, na nasa tapat lang ng jewelry shop. Naging friend na rin kasi namin ang owner do'n. Si Renxo na ka-blind date ko pa dati.

Si Lenny pa ang nag-set ng blind date na 'yon. Pero ngayon si Lenny na ang gusto niya. Nahuli ko kasing nakatitig sa kaibigan ko. Ang problema hindi na nito masabi na gusto nga niya ang kaibigan naming makulit.

" Girls," nakangiting bati ni Renxo sa amin. Kumaway pa. "Nasaan si Romeo?" Sabay umiling-iling sina Lenny at Myrna. Pinatatahimik nila si Renxo na kaagad namang na-gets ang ibig sabihin nila.

"Una na ako sa table, girls," matamlay ko na namang sabi, at hindi na hinintay ang sagot ng mga kaibigan ko.

Tahimik na pumwesto ako sa sulok ng cafe, pero paminsan-minsan akong sumusulyap sa second floor ng shop kung saan tumutuloy si Romeo. Maya maya ay sumunod din kaagad si Myrna, at tahimik na umupo sa tabi ko, dala ang iced-coffee.

"Girl, hindi pumasok si Sir," biglang sabi ni Myrna. Sumulyap pa sa akin sandali.

"Hindi naman ako nagtatanong," pabulong kong sabi.

"Sumulyap ka kasi sa taas ng shop, kaya alam kong iniisip mo siya."

Umasta akong walang paki’. Akala ko naman kasi focus na siya sa pagbabasa. Lihim lang pala niya akong pinagmamasdan. Wala talaga akong kawala sa mga mapagmasid ko'ng kaibigan.

Maya maya ay tiniklop nito ang hawak na libro at bumaling ang tingin sa kinaroroonan ni Lenny at Renxo. Bahagya pa siyang natawa habang nakatingin sa dalawa.

"Ano na naman ang tinatawa-tawa mo?" tanong ko, napapalingon na rin ako sa kinaroroonan ng dalawa.

"Tingnan mo ’yang dalawa, halata naman na gusto nila ang isa't-isa pero puro pakiramdaman lang."

"Nahihiya nga raw kasi na magtapat si Renxo."

"Kasi naman, nasa harap na niya ang babaeng gusto, lumingon pa sa iba! 'Yan ang napala!" dugtong ni Myrna.

Oo, nga naman. Una niyang nakilala si Lenny. Pero lumingon pa sa akin at nag-request pa ng blind date.

Naalala ko tuloy ang unang gabi ng pagkikita namin ni Romeo. Papunta ako no'n sa blind date namin ni Renxo. Hindi sinasadya na nabangga ko siya. Hindi pa ako nag-sorry no'n, kaya no’ng makita ko siya sa shop at malaman ko na siya ang bagong manager namin. Halos malusaw ako sa hiya.

"Naalala mo na naman ba?" seryosong tanong ni Myrna.

"Lahat kasi ng nangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraan, kasama siya. Ayaw ko man... hindi ko man gustong maalala siya, hindi ko talaga maiiwasan." Nagsabay pa ang buntong-hininga namin ni Myrna. Nakaka-guilty din, damay ang mga kaibigan ko sa lungkot ko.

"Tara na nga. Magtrabaho na nga lang tayo at mag-enjoy mamaya," sabi ko kasabay ang pagtayo.

Hinila na lang namin si Lenny na wala na yatang balak magtrabaho at tumunganga na lamang sa harap ni Renxo.

Kasalukuyan na akong gumagawa ng inventory, habang ang mga kaibagan ko, nasa VIP room, kasama ang mga VIP costumers.

"Good—" bati ko sana sa pumasok pero tumigas ang dila ko. Si Romeo kasi ang dumating. Kaagad akong nagbaba ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. Naiiyak ako. Pero alam kong sandali niya pa akong tinitigan bago pumasok sa opisina.

"Girls, kayo na ang maghatid nito sa opisina ni Sir," matamlay ko'ng inabot kay Myrna ang ginawa ko'ng inventory na kaagad naman niyang tinanggap.

"Pumasok ba siya?" pabulong na tanong ni Lenny. Tumango lamang ako. Nauna na rin akong lumabas ng shop pagkatapos masara ang mga shelves.

"Vianna May!" untag sa akin ni Gino. "Ilang talampakan na ba ang nasisid mo at hirap ka na yatang umahon," umiiling nitong tanong. Nag-abot pa ng bubble gum na hindi ko naman tinanggihan.

"Salamat, Gino. Kung hindi ka pa dumating siguradong kanina pa ako nalunod!" tipid akong ngumiti.

Sinakyan ko na lang din ang trip niya. Totoo naman kasi na ang lalim ng iniisip ko. Hindi ko nga napansin ang paglapit niya. Siguro naawa na rin siya sa hitsura ko kaya nilapitan niya ako.

Isang buwan din kaya akong hindi kinausap ng maayos nitong si Gino. Nasaktan ko kasi. Siya ang unang nanligaw pero si Romeo ang sinagot ko. Kaya ngayon na karma ako. Iyak ang lola n'yo.

Ngumiti siya at mabilis na nginuya ang bubble gum at pinalobo iyon hanggang sa pumutok sa mukha niya.

"Ang cute mo!" natatawa kong sabi habang nakatingin sa kaniya na nililinis ang mukha gamit din ang pumutok na bubble gum.

"Dati na akong cute, 'di mo lang pansin!" patawa, ngunit sarkastiko niyang sagot.

"Pansin ko naman, pero—"

"Pero... hindi mo type ang cute!" dugtong niya.

Napangiti ako. Akalain ko ba na ang lalaking sinaktan ko noon ay siya pala'ng magpapangiti sa akin ngayon.

"Alam ko, mas type mo ang handsome na yummy, kay sa cute na tae! Ay este, tao pala... tao!"

"Baliw!" nasabi ko. Hindi ko rin napigil ang tawa.

"Baliw... nga ako sa'yo, noon! Pero hindi na ngayon!" hirit niya pa.

"Buti naman kung gano'n!" sagot ko.

"Oi... saya n'yo ah!" biglang sulpot nina Lenny at Myrna.

"Girls, pinapatawa ko lang itong kaibigan n'yo. Gusot kasi ng mukha!" tugon naman ni Gino sa dalawa.

"Salamat Gino, nagawa mo'ng plantsahin ang mukha ng kaibigan namin." Nakangiting umakbay sa akin si Lenny.

"Sige na, balikan mo na si Mang Damian, at may tigreng nakatingin na gusto ka nang lapain," pabulong na sabi ni Lenny.

Sabay nanliit ang mga mata namin ni Gino at akmang lilingon na sa shop.

"Huwag n'yo nang lingunin! Kung ayaw ninyong maging dragon ang tigre na 'yon!"

Umiling at ngumiti na lamang si Gino. "Sige na nga, lumakad na kayo!" pagtaboy niya sa amin.

"Tara na girls at baka tuluyan na tayong sugurin ng tigreng galit," sabi naman ni Myrna.

Kumaway pa sa amin si Gino. Agad kaming sumakay sa humintong taxi sa aming harapan.

"Saan po kayo mga, Miss?" tanong ng driver na nilingon pa kami at hinintay ang aming sagot.

"Manong, sa 'Amazing Bar, po!"

"Amazing Bar?!" sabay na bulalas namin ni Lenny, kasabay no'n ang pag-andar ng taxi.

"Teka lang, Mryn, talagang doon ang punta natin? Akala ko pa naman isa kang santa! Nanonood ka pala ng mga lalaking naglalakihan ang mga—"

"Naglalakihan ang... mga muscle sa katawan ba, girl?" natatawang dugtong ni Lenny.

"Huwag ka nga’ng OA d’yan, girl. Manonood lang naman tayo. Hindi ko naman sinabi na mag-take out ka!"

Hinampas pa ako ni Myrna sa hita, saka tumawa ng malakas.

"Take out ka r'yan," umikot ang mga mata ko. "Parang pagkain lang, p'wedeng e-take out?"

Matapos ang matagal-tagal na byahe, dumating na rin kami.

"Enjoy, mga miss..." pahabol na sabi ng driver bago pinaandar ang sasakyan.

Magkahawak-kamay kaming pumasok sa bar. Agad tumambad sa amin ang ibat-ibang kulay ng mga ilaw at malakas na tugtug kasabay ang malakas na hiyawan ng mga tao.

Sobrang aliw sila sa napapanood. Pum'westo kami malapit sa may pole. Hindi kami nakapagsalita nang magsimulang gumiling ang lalaking nakasuot lang ng manipis at maluwag thong.

Sabay kaming nagtakip ng mga mata nang sinadya nitong humarap sa amin at gumiling sa aming harapan.

Gusto kong sigawan si Myrna. Bakit niya ba naisipan na dito magpunta? Sa nakikita ko kasi, first time niya rin na magpunta sa lugar na ’to. Umawang pa talaga ang bibig at halos hindi na kumurap habang nasa pisngi ang mga palad.

Si Lenny naman, nakatakip nga ang mga palad sa mukha, bahagya namang nakasilip.

Iginala ko ang paningin sa paligid, hindi ko na talaga kayang panoorin pa ang lalaking gumigiling sa aming harapan. Hinila ko ang dalawa na animo naging tuod at hindi na gumagalaw. Tinungo namin ang bar counter at pabagsak na umupo. Napabuntong-hininga pa pagkatapos.

"Uminum na lang tayo kay sa panoorin 'yon!" Turo ko ang lalaki na nasa pole. Nakalabing tumingin sa akin si Myna.

"Girl, sabi kasi ng mga pinsan ko, masaya raw kasi ang lugar na 'to, bagay sa mga wasak ang puso na gaya mo. Sabi rin kasi nila, lalaki ang dahilan ng sakit mo sa puso, kaya lalaki rin daw ang gamot," mahabang paliwanag niya.

"Ikaw ba, gusto mo'ng maging gamot ang lalaking 'yon?" tanong ko.

Umiling siya ng paulit-ulit at tumiim ang bibig. Sumulyap kami kay Lenny na tulala pa rin hanggang ngayon. Syempre first time niya rin siguro makakita ng gumiwang-giwang na malaking bulate na may ulo.

Talagang see thru pa ang thong na suot nito at med'yo maluwang, ha! Kaya sumasabay din sa indak ang bulateng may ulo. Pastilan!

"Lenny, okay ka lang ba?" tanong ko. Paulit-ulit siyang umiling at tumango. Nalito kung ano ang dapat isagot.

"Girls, gusto kong magmura!" Seryoso ang mukha niya, hindi namin alam kong galit ba siya o ano.

"Sh*t girls! Ang laking bulate, nakakawasak-kabibe!" Pigil ang sigaw niya, kasabay ang pagyugyog kay Myrna.

Sabay na lamang kaming natawa. Masaya pa rin kami kahit pare-pareho kaming nagulantang sa nakita.

Nakailang inum na rin kami ng martini hanggang sa mag-decide kaming umuwi. May mga tama na kasi. Pasuray-suray kaming naglakad palabas ng bar. Nasa pagitan namin si Lenny na siyang pinakalasing sa amin.

Tuluyan na kaming nakalabas ng bar. Hinihintay na lang namin ang 'book a ride' para safe naman kaming makauwi.

Hindi kami maperme sa pagtayo, talagang umiikot na ang paligid. Si Lenny at Myrna, hindi na talaga nakatiis, umupo na sa gilid ng kalsada. Habang ako pinipilit pa na tumayo ng maayos.

"Sorry!" bulalas ko nang muntik akong matumba at napasandal sa matigas na dibdib ng lalaki.

Dahan-dahan akong lumingon sa lalaki na ngayon ay hawak na ang mga braso ko.

"S-salamat," utal ko'ng sabi.

Ngiti lamang ang tugon niya. Kaya ngumiti na rin ako.

"Aray, a-ano ba?!" da¡ng ko. May biglang humablot kasi sa braso ko.

Related chapters

  • Nilimot Na Alaala   KABANATA 2

    "A-no ba! Ang sakit!" reklamo ko. Hawak ko na ang kamay ng taong biglang humablot sa braso ko. Sinubukan kong kalasin ang paghawak niya sa braso ko. Pero halos mawala ang kalasingan ko nang makita ang mukha niya. Uminit ang buong mukha ko at hindi na magawang magreklamo. Umaapoy kasi sa galit mga mata niya. "R-Romeo..." pabulong at utal kong bigkas sa pangalan niya. "Ano ba dude? Bitiwan mo nga siya!" bulyaw ng lalaki at hinila ang pabalik sa kanya. Nagtagis ang bagang ni Romeo, at hinila ako palapit din sa kaniya. Para akong garter na pighihila ng dalawa. Mga sira-ulo ang mga 'to! "B-bitiwan n'yo nga ako!" sigaw ko. Buong lakas na hinablot ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak nila. Na siya namang dahilan ng pagbagsak ng mga tuhod ko sa sementong daan. Pero itong si Romeo, imbes na tulungan ako. Nauna pang sugurin ang lalaki na akmang tutulungan sana ako.Nang-gagalaiti sa galit ang lalaki nang makita ang bakas ng dugo sa daliri niya. "Gago ka!" sikmat nito, kasabay ang pag

    Last Updated : 2022-11-09
  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 3

    "Romeo, what are you doing?" Hindi ka pwede rito. Bumaba ka, before Mama sees you," I grumbled."Hayaan mo na lang ako, Mahal," he said, caressing my cheek. "I just want to fix things between us," he whispered before pressing his lips to mine."Teka nga lang, hindi pa tayo bati. Akala mo, madadaan mo ako diyan sa lambing mo. Do'n ka nga!" Turo ko sa kama. Nakangiti siyang nagtungo doon at agad umupo. Pinatong ko na rin sa bedside table ang bag ko at tumalikod."Where are you going?" tanong niya at akmang hahawakan ako."Kukuha lang po ng gamot," maagap kong sagot. He returned to his seat with a nod and a smile. Parang bata.Kinuha ko ang medical kit from my dresser. Then I returned to Romeo, who was still beaming from ear to ear.I sat quietly next to him, treating his wounds gently. He just keeps on smiling and slowly move his face to mine, lips pouting. Parang tanga rin."Umayos ka nga! Hindi ko magamot ng maayos ang sugat mo!" Magkasalubong ang kilay na saway ko. Diniin ko pa ang

    Last Updated : 2022-11-16
  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 4

    Romeo's eyes sparkled with pleasure as he gazed upon the lovely scene in front of him. He stiffened and swallowed many times.Sana pala, siniguro ko muna kung umalis na ba talaga siya. Para pa naman siyang tigre na hihintay ng chance to eat me. I smiled timidly as I covered my body with something.Hindi naman ako totally hubad. May suot akong two piece nighties. Kaya lang bakat kasi 'yong dalawang cherry tomatoes ko. At talagang do'n nahinto ang nagningning na mga mata nitong lalaking natuod na sa kinatatayuan niya. Mahal ko 'to. Pero sarap din tusukin ang mga mata!Tabing ang unan sa katawan ko, tumayo ako at nilapitan siya. Hinablot ko ang t-shirt na hawak niya at sinuot iyon, saka hinila siya palabas ng k'warto. Buti na lang at nagpaubaya siya na hilahin ko hanggang sa makababa kami. "Ingat ka mahal." Patulak ko siyang dinala sa pinto at agad iyong binuksan. Kumurap siya at lutang na tumingin sa akin. As-in lutang talaga. "Kaya mo ba ako binato ng damit para umalis na ako?"Buang

    Last Updated : 2022-11-23
  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 5

    I feel the tension between Mama and Romeo. Kabado ako habang nakatingin sa dalawa. A tinge of dismay is seen on Romeo's face as he lifts his head from Mama's shoulder."Ina ako, Romeo. Mahal ko ang anak ko. Ayokong makita siya na nahihirapan at nasasaktan." "Ma... naintindihan ko po..." malungkot na tugon ni Romeo kasabay ang pagsulyap sa akin."Kung ganoon naman pala ay wala tayong magiging problema." Lumingon si Mama kay Romeo at bahagyang ginulo ang buhok. "O siya, maiwan ko muna kayo at ako'y magbibihis lang.""Mahal," tawag ko kay Romeo na napatulala na lang. I sat close to him. I cling to his arm and rest my chin on his shoulder. I simply mimicked what he did to Mama earlier.Aba, at talagang effective pala ang lambing na 'to. Agad din kasi siyang ngumiti."Ayos ka lang ba, mahal?" tanong ko, panay taas-baba ang mga kilay ko. He smiled even more as he took hold of my hand, which was still clinging to his arm."Paano ako hindi maging ayos! Lambingin mo ba naman ako ng ganito!"

    Last Updated : 2022-11-24
  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 6

    Ilang minuto bago nagproseso sa utak ko kung ano ang ibig sabihin ni Mama. Walang mabubuo. Napangiwi ako nang maintindihan ko ang ibig sabihin no'n.Hindi ko alam kung ano ang isasagot. napakamot ako sa lalamunan kong bigla na lang nangati. Nanatili namang nakayuko si Romeo. Nahiyaya yatang sagutin si Mama. Paano kasi, ang landi nga niya. "Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Isa rin 'yan sa dahilan kaya nagdadalawang-isip ako na payagan kayo!" Umiling si Mama habang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin. "Kung nakikita niyo lang ang mga mukha ninyo ngayon sa salamin. Malalaman ninyo kung gaano ka di-gusto iyang mga mukha ninyo sa sinabi ko. Siguro na-isip niyo na ang OA ko, kasi nasa tamang mga edad na naman kayo. Mga Anak, ang gusto ko lang naman ay unahin n'yo muna ang problema sa Mommy mo, Romeo. Papa-saan ba at doon din talaga ang punta ninyo. Naintindihan niyo ba?" mahabang lintanya ni Mama."Hindi naman po sa di-gusto, Ma, nagulat lang po kami sa sinabi niyo," mahina kong tugon pero

    Last Updated : 2022-11-24
  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 7

    Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Pikit-matang napahawak ng mahigpit sa kamay ng mahal ko. Para akong mauubusan ng hininga dahil sa kabang nararamdaman.Nagdilat na lamang ako nang marinig ang malakas na tawa ng Daddy ni Romeo, maluha-luha ang mga mata niya habang hawak ang tiyan. Napakagat labi ako."Do you really think I'm cute, hija?" tanong niya. Hindi pa rin matigil ang tawa niya. "Sa palagay ko, magkakasundo tayo!"Natigil ang pagtawa niya nang magbukas ang malaking gate. Hindi ko napansin na nasa harap pala ng malaking bahay tumigil ang sasakyan. Paano nga kasi, napapikit na lamang ako kanina. Akala ko, galit ang Daddy ni Romeo, hindi pala. "Great job, mahal, ngayon ko lang nakita ang Daddy na tumawa ng ganiyan," bulong ni Romeo habang ang isang kamay ay ginugulo ang buhok ni Michael.Huminga ako ng malalim bago bumaba ng sasakyan. Nasa pagitan ako nina Michael at Romeo habang nasa unahan naman ang Daddy ni Romeo. Ang laki ng bahay nila na Mediterranean ang style. Pero ang uma

    Last Updated : 2022-11-25
  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 8

    Sobrang pagpigil ang ginawa ko na huwag maging dragon at bugahan ng apoy ang kasambahay na feeling close sa boyfriend kong nakabukaka sa harap niya. Kulang na lang upuan niya si Romeo. Ang sarap din tadyakan ng bayag nitong si Romeo. Gusto rin yata niya ang ginagawa ng babaeng hitad na walang tigil sa pagpunas ng towel sa dibdib niya. Paigtad na tumingin sa akin ang babae. Hindi niya kasi napansin ang paglapit ko. Enjoy na enjoy nga kasi siya sa ginagawa."Anong nangyari?!" taas ang isang kilay at talagang hindi ko nilubayan ng tingin ang babaeng hitad na hindi naitago ang kaba. Iyong tingin na makasunog hitad."A-ahhh....ehh... M-miss, natapunan po ng tubig ang dibdib ni Sir Romeo," natataranta nitong sagot. Napangisi ako. "Hindi ko alam, pati pala ang pagpunas sa basang dibdib ng boss mo ay trabaho mo rin!" Sadyang pinatalas ko ang bawat bigkas ng salitang binitiwan ko."L-asing po kasi si Sir Romeo, Miss... Kaya tinulungan kong makainum ng tubig," maamo ang boses at yuko ang ulong

    Last Updated : 2022-11-26
  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 9

    Wala na sa tabi ko si Romeo, pag-gising ko. Pero nag-iwan naman siya ng sticky note na may guhit na wink emoji. Pinatong niya iyon sa black maxi-dress at may paris pang silk undies. Napangiti na lamang ako. Kaagad akong naligo at nagbihis. Tinanghali pa ako ng gising nakakahiya tuloy sa magulang ni Romeo. Loko-loko din iyon, hindi man lang ako ginising. Dali-dali akong bumaba matapos mag-ayos ng sarili. Baka magbago pa ulit ang trato ng mga magulang ni Romeo akin dahil ang tagal kong gumising. "Good morning, Tita guwapa!" masayang bungad ni Michael. Patakbo itong lumapit sa akin nang makita akong pababa ng hagdan. Agad din naman akong ngumiti at yumuko. Binigyan ko siya ng malutong na halik sa pisngi at mahigpit na yakap. "Good morning, Michael." Pinisil ko ang pisngi ng bibong bata na napangiwi na lang sa ginawa ko at hindi na nagreklamo.Hinawakan nito ang kamay ko at nakangiting nakatingala sa akin. "Let's go, Tita guwapa, they are all waiting for you," sabi pa nito, at hinila

    Last Updated : 2022-11-26

Latest chapter

  • Nilimot Na Alaala   Wakas

    VIANNA MAY POVHindi madali ang maging parte ng isang magulong pamilya. Lahat ng klase ng sakit at lungkot ramdam hanggang sa dulo ng kuko. Hindi maiiwasan na gustuhin mo na lang na sumuko. Para matapos na lahat at hindi na maramdaman ang sakit. Katulad na lamang ng ginawa ko noon. Tinangka kong tapusin ang lahat sa pag-aakalang iyon ang tamang paraan para wakasan ang paghihirap ko.Pero hindi pala ganoon kadali. Dahil kapag nadoon ka na. Saka mo lamang maiisip na mali pala ang ginagawa mo. Hindi pala ito ang tamang solusyon. May iba pang paraan.Madalas, nasa huli ang pagsisisi. Sinuwerte lang ako at nailigtas ng lalaking hindi ko inakala na siya palang maging panghambuhay ko.Iyong ginawa ko... isang paraan iyon ng pagiging duwag. Paraan iyon ng mga taong gustong takasan ang pagsubok ng buhay. Nakakatawa!Hindi ko inakala na ang masakit na alaala na 'yon. Nakakatawa na para sa akin ngayon. Wala na kasi ang sakit, wala na ang galit na matagal kong inipon dito sa puso ko.Ang gaan na n

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 80

    DIEGO POVHindi mawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ang chubby chick ng asawa ko. Paulit-ulit ko nang nilapat ang labi ko sa kaniya, pero hindi pa rin siya nagigising."Asawa ko... gising na, hoy!" lambing ko, kasabay ang pagpisil sa pisngi nito. Sumabay kasi ang paglobo ng pisngi, sa tiyan niya."Asawa ko! Mahuhuli na tayo sa appointment mo sa ob-gyn!" Bahagya ko pang tinapik ang balikat niya. Pero ayaw pa rin gumising. Talaga naman kasing ang hirap gisingin ng taong gising.Tamad-tamad na niya. Tumaba lang, halos ayaw nang gumalaw. Kung hindi ko lang siya pinipilit na maglalakad-lakad tuwing umaga. Siguradong magkahugis na sila no'ng drum na tambakan niya ng tubig sa isla.Kabuwanan na kasi niya. Kaya nga may appointment kami today. Ngayon pang malapit na ang due niya. Ngayon pa tinamad ng husto.Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang noong nalaman naming buntis siya. Dalawang buwan din akong nagtiis na matulog sa sahig dahil ayaw niya akong katabi. Ayaw maamoy. Pero ay

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 79

    Tarantang lumingon sa akin ang asawa ko. Bumakas ang kaba sa mukha. Nagpalipat-lipat ang tingin sa akin at sa daan. "Bakit?" tanong niya. "Basta ihinto mo, kung ayaw mong masira ang araw natin!" iritang banta ko. Kasabay ang paglingon. Lumampas na kasi kami sa nakita ko, at dahil do'n nag-init ang ulo ko. Unti-unting bumagal ang takbo ng kotse, pero hindi pa agad nakapag-park. Ang dami kasing nakaparadang sasakyan. Kaya pahirapan ang maghanap ng space. Gusto ko na agad lumabas. Hindi na ako makapaghintay. Para ngang sinisilaban ang puwet ko at hindi na mapakali. Alam ko, dala lamang ito ng pagbubuntis ko. Madaling mairita, magtampo kapag hindi ko nakuha ang gusto. Hindi ko rin gusto ang magmaldita at taasan ng boses ang asawa ko. Pero... dahil sa nakita ko, hindi ko mapigil ang sarili. May kung anong humihila sa akin para puntahan iyon. Nag-init ang ulo ko nang hindi siya agad huminto. Hawak ko na ang door handle ng kotse. Panay linga, animo takot mawala sa paningin ko ang nakita

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 78

    VIANNA MAY POV Hindi ko alam kung ano ang maramdaman nang makita ko sa labas ng gate, ang mga magulang ni Romeo. Ayoko sanang papasukin sila. Ayoko sanang harapin o kausapin sila. Pero hindi ko magawa. Hindi ko magawang maging bastos sa mga taong naging mabuti naman sa akin noon. Naging mabuting magulang. Ang sikip ng dibdib ko habang kaharap sila. Bukod sa alam kung nalulungkot at nahihirapan sila. Bumabalik din sa alaala ko ang mga ginawa sa akin ni Romeo. Lahat! Sana nga iniwan ko na lamang sila at hindi na nakinig sa sasabihin nila. Wala na kasi akong paki' ano man ang mangyari sa anak nila. Bilang pagrespeto na lamang ang ginawa kong pagharap ko sa kanila. Nagkamali sila sa ginawang paglapit at pahingi ng tulong sa akin. Binuhay lamang nila ang galit sa puso ko. Tama sila, wala silang karapatan na lumapit o humingi ng tulong sa akin para sa anak nila, pero bakit pa sila lumapit? Sana naisip nila kung ano ang maramdaman ko, at hindi lang ang nararamdaman nila. Dahil ako iyong so

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 77

    Matamis na ngiti ang bungad sa akin ng asawa ko. Suot ang apron at may hawak na sandok. "Magandang umaga, asawa ko," malambing kong bati kasabay ang mahigpit na yakap at malutong na halik sa labi. "Magandang umaga, asawa ko," tugon nito, ngunit agad na binaklas ang kamay ko at tinulak pa ako palayo. Humaba tuloy ang nguso ko at nagtatakang tumitig sa kaniya. Ngayon lamang nangyari ito, na parang ayaw niya madikit sa katawan ko. Maliban na lamang kung may tampuhan kami. Talagang hindi ako makakalapit. Pero ngayon wala. Ang sarap nga... ay...este, ang saya nga ng gising namin. Talagang wala akong maisip na ginawa ko na maaring ika-galit na naman niya. Pero ilang araw ko na talagang napapansin na laging mainit ang ulo niya. May mood swing lagi. "Ang baho mo!" singhal niya. Takip na ang palad sa ilong niya. "Ako... mabaho? Kakaligo ko nga lang. Kita mo nga at basa pa ang buhok ko," kunot noo kong reklamo. Inamoy ko pa ang sarili. Pati kilikili at hininga ko. Sigurado akong mabango

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 76

    DIEGO POVHindi maalis ang tingin ko sa asawa ko na kasalukuyan nang nakapikit habang sinusuot ko ang aking damit. Hindi ko gusto na saktan at umiiyak siya kanina. Hindi ko rin akalain na napansin niya pala na may gumugulo sa isipan ko. Masyado pala akong halata. Ang tototo, handa kong kimkimin lahat ng iyon at pilitin na iwaglit sa puso ko. Wala akong balak na ipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko. Ang selos ko.Sira-ulo ko! Sakabila nang pananakit ng lalaking iyon sa asawa ko nakaramdan pa rin ako ng selos.Nagseselos ako dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang lalaking 'yon noon. Nakita ko kung paano niya iniyakan at paano siya nasaktan noong nagkalabuan sila. Paulit-ulit niya pa na binibigkas ang pangalan nito. Kaya nga ako umalis dahil doon. Iyon ang dahilan kung bakit ako sumuko at nagpaubaya.Ayoko man, hindi ko man gustong mag-isip ng masama. Hindi ko naman mapigil ang puso ko. Ito lang naman kasing puso ko ang nagrereklamo. Pero itong utak ko, alam na hindi papayagan ng asaw

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 75

    Ang rupok ko talaga... sa taong mahal ko. Dati pa naman, ganito na ako. Tatampo-tampo. Dadrama-drama. Bibigay din pala. Pero hindi naman masama kung magiging marupok ka man sa taong mahal mo at alam mong mahal ka rin ng tunay. Ang masama... kung magpapakarupok ka sa tao na alam mo namang hindi ka totoong mahal. Pero sige ka pa rin. Asa ka pa rin. Hindi lang marupok ang labas mo no'n kun'di tanga na."Hindi ka na ba galit, asawa ko?" bulong niya, kasabay ang panaka-nakang pagkagat at pagsipsip ng tainga ko. Na talaga namang nakakakiliti. Napakagat labi tuloy ako. Kumuyom pa mga daliri sa kamay at paa ko.Masuyo niya rin na hinaplos ang pisngi ko, habang ang mga mata ay nakatuon na sa akin. "Asawa ko, sorry na ha..." lambing niya. Banayad na halik sa labi ang kasabay ng salita niya.Hindi ako tumugon sa tanong o sa halik niya. Pero hinayaan ko lamang siya sa ginagawa niya. Oo marupok nga ako pero may ka-artehan din naman. Gusto ko 'yong sinusuyo niya ako. Lahat naman siguro na babae g

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 74

    Kulay asul na dagat, bituing kumikislap, at mga hampas ng alon sa dalampasigan. Mga tanawin na hindi ko pagsasawaan. Ang gaan lang sa pakiramdam, matapos ang mapait na dinanas ko sa buhay. Dinanas namin sa buhay ng asawa ko. Heto... kahit paano nakakangiti na ako. Kahit paano panatag na ang loob ko. Higit sa lahat ramdam ko na ang saya. Ang tunay na saya, sapagkat kasama ko na ang mga mahal ko sa buhay.Dalawang buwan na ang lumipas mula noong dumaan ang bangungot sa aming buhay. Hindi pa ganoon ka tagal. Sapat lamang na maghilum ang mga sugat at pasa sa aming mga katawan. Pero 'yong sugat na gawa ng bangungot na 'yon sa aming mga puso. Nandito pa rin, hindi pa tuluyang naghilum.Pero kahit na nandito pa rin ang sugat. Hindi naman ito hadlang na maging masaya ako ng tuluyan. Paunti-unting usad lang. Hanggang sa tuluyan naming malimot ang bangungot na iyon.Sa dumaan na dalawang buwan. Ang daming nagbago. Ang daming nangyari. Gaya na lamang ang kasal namin sa simbahan ng asawa ko.Ilang

  • Nilimot Na Alaala   Kabanata 73

    Makapigil hininga ang muling pagkikita ng dalawa. Literal na pigil-hininga ang ginawa ko.Ewan ko ba, bakit ako ang kinakabahan sa muling pagkikita nila. Malalaki na naman sila at nasa tamang mga edad na. Alam na nila kung paano i-handle ang problema nila. "Panaginip..." saad ni Nelson at muling pumikit. Umawang ang bibig ko. Dahan-dahan akong lumingon kay Dorry na sa tingin ko, parang sasabog sa pula ng mukha. Pero ngumisi kalaunan. "Anong sabi mo, Nelson?!" iritang tanong nito. Dobleng lingon ang ginawa ni Nelson nang marining ang boses ni Dorry. Muli pa nitong kinusot ang mga mata. Nagmukha tuloy siyang tanga."Bakit Nelson, lagi ba akong laman ng panaginip mo?" mapang-asar na tanong ni Dorry. Kumunot ang noo ni Nelson. Bumakas ang pigil na inis sa babaeng nagwasak ng puso niya noon. Hindi man lang alam nitong mald¡tang si Dorry ang dulot ng ginawa niya."Asa ka!" sagot nito kalaunan. Ay... mukhang bitter na rin itong friend naming nawasak ang puso noon, dahil din dito sa frie

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status