Natagalan ako sa pag-update guys. haha. Sunod sunod ang ganap ko no'ng nakaraan. Hopefully, sa unang buwan ng 2025 e wala tayong absent sa update. HAPPY NEW YEAR PO ULIIIIIIIT! THANK YOU FOR LOVING OLIE AND CLYMENUS!
Hindi mapakali si sister Dina habang sumisilip sa loob ng bahay ni Arvin Baron. Gusto niyang makita si Olie—ang batang minsan na niyang inalagaan noon.Hindi siya pinatulog ng konsensya niya matapos marinig ang sinabi ni Mr. Red kaya heto at nasa tapat siya ng bahay ni Arvin.“Sino sila?” mahinahong tanong ni Ceria na siyang unang nakapansin kay Dina.“W-Wala… Napadaan lang ako.” Sabi niya at nagmamadaling umalis. Hindi niya napansin ang dalawang pares ng mata na nakatingin sa kaniya.At galing iyon kay Olie at Cly na nakadungaw sa ibaba mula sa kanilang mga bintana. Napahawak si Olie sa damit niya habang naluluhang nakatingin kay sister Dina.Miss na miss na niya ito. Mula ng naging Baron siya, hindi na siya kailanman nakadalaw pang muli sa orphanage.“Sister,” pahapyaw na sabi niya.Nang mawala si sister Dina sa harapan ng bahay, saka siya tumalikod at bumaba sa sala. Nadatnan niya ang dad niya na nasa sofa at nagbabasa ng magazine.“Bakit ka nagmamadali?”“May bibilhin lang ako, dad
“Olie, h-huwag ka ng bumalik doon sa dad mo.” Sabi ni sister Dina at halata sa mukha niya ang kaba.Naging malungkot ang mukha ni Olie. Gustuhin man niya pero kailangan niyang bumalik doon dahil alam niyang kahit pa magtago sila ni Cly sa ibang bansa, hindi siya lulubayan ng daddy niya.“Hindi pwede sister. Magagalit si dad oras na hindi na ako babalik sa kaniya.”Kinabahan si sister Dina. Agad siyang nag-isip ng pwede niyang gamitin para sumunod si Olie sa kaniya.“Then, isusumbong ko ang dad mo sa mga pulis. Sabihin ko na pinatay niya si Alysa. Maging witness ka para doon.” Nagsusumamong sabi niya.Mariing umiling si Olie. “Hindi iyon ganoon kadali sister. Hindi basta bastang tao si dad. Kaya niyang malusutan lahat sa dami ng pera niya.”“Bakit ka pa babalik doon Olie? Alam mong mamamatay tao siya.”Yumuko si Olie. “G-Gusto ko na ring umalis, sister. N-Natatakot na rin ako kay dad. P-Pero hindi niya ako papakawalan dahil g-gagamitin pa niya sa plano niya.”“Plano?”Tumingin si Olie k
Nahimatay si Olie matapos niyang marinig ang mga bagay na yun, ngunit ang mas ikinabigla ni sister Dina ay si Cly. Tila yata nakalimutan niya ang pagpapanggap niya.Sa sobrang pag-aalala niya, bigla niyang binuhat si Olie at halos siya na lahat ng gumawa ng paraan para maasikaso ito. Habang pinupunasan niya ang pawis ni Olie sa noo, ramdam niya ang matatalim na tingin ni sister Dina na nakatarak sa likuran niya. Alam niyang nabisto na siya.“Sino ka?” ang tanong nito.Ramdam rin niya ang isang matalim na bagay na nakatutok sa batok niya. Isang maling galaw lang niya, tatarak iyon sa leeg niya.“Bakit ka nagpapanggap? Anong masama mong intention kay Olie?”Hindi kinabahan si Cly. Matapos ng mga nalaman niya, wala na siyang ibang iniisip pa kun’di ang mailigtas si Olie. “Pareho lang tayo ng gusto. Ang mailigtas si Olie.”“Bakit ka nagpapanggap?”“Kinuha ako ni Arvin Baron at ginawang hostage. Kailangan kong magpanggap para hindi niya ako patayin. Hindi ko intention ang lokohin si Olie.
Pansin ni Olie ang pananahimik ni Cly sa tabi. Nakasakay na sila ng taxi at pauwi na sa kanila. Hinawakan ni Olie ang kamay niya, at wala man lang kareact-reaction si Cly. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin niya dahil hindi siya sanay na para bang malamig ang pakikitungo nito sa kaniya.“Cly, are you mad at me?”Hindi sumagot si Cly. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Umayos na lang ng upo si Olie nang matanto na oo. Nang makauwi sila sa bahay nila, naabutan niya ang dad niya na naglalaro ng board game kasama ni Vamillian.“Nakauwi na pala kayo.”Agad siyang lumapit sa dad niya at humaIik sa pisngi nito. Lumapit rin siya kay Vamillian para bumati.“Vlad is here. Tinawagan ka na ba niya?” sabi ni Vam. Nanlaki ang mata ni Olie. ‘Nandito na si Vlad?’“Hindi po tito. Anong oras po siya nakauwi?”“Kagabi lang.”Tumingin si Vamillian kay Cly at naabutan niyang nakakuyom ang kamao nito.“After the wedding, your dad and I planned to engage you with Vlad.” Aniya para makita ang re
Kinabukasan, pagkagising ni Olie, namulatan niya kaagad si Vlad. Agad siyang napaupo sa kama habang namimilog ang matang nakatingin sa kaibigan. “Vlad!” Bulalas niya.“Good morning,” nakangiting sabi ni Vladimir at tumayo para buksan ang kurtina sa bintana ni Olie. “I didn’t know too na magkikita rin tayo agad matapos nating mahiwalay ilang buwan ang nakalipas.”Hindi nakasagot si Olie. She was so stunned to speak up.“Pinapasok ako ng dad mo dito kahit sabi ko e hintayin na lang kitang magising. I’m sorry…” Mahinang sabi ni Vladimir.She trusted Vlad kaya walang kaso sa kaniya kung magpunta ito ng kwarto niya. Ang inaalala niya ay baka pumasok si Cly at maabutan niya si Vlad na kasama niya.They are not okay yet matapos nang nangyari kahapon but she knew na mag-aalburoto si Cly kapag nakita niyang may kasama siyang iba.“Nagpaluto yata si tito Arvin ng breakfast natin. Tara na.” Sabi ni Vlad sa kaniya. “Maliligo muna ako. Can you wait me outside?”“Sure.” Sabi ni Vladimir at lumabas.
Servino Magto, ang siyang humahawak sa real estate ni Cly habang ito ay hostage ni Arvin Baron. Si Servino ang lahat ng nagpapatakbo sa lahat ng negosyo ng Aguary.Sa isang gathering kung saan e kasama niya ang kahat ng mga aristocrat o mga mayayamang businessman, nakita niya si Arvin. “Sir,” sabi ni Gin, ang siya namang may hawak sa security ng Aguary. “I can handle this.” Mahinang sabi ni Servino.Kinuha niya ang isang wine glass at naglakad patungo sa table ni Arvin Baron. Sa society na kinabibilangan nila, hindi sila lahat ay magkakaibigan.Para silang mga batang paslit na may kaniya-kaniyang grupo. Iba ang grupo ni Arvin at yun ang tinatawag niyang mga allied families gaya na lang sa pamilyang Etheus, pamilya ni Kieth, Shells, at iba pa… Mga magulang ng mga batang elites na siyang nakikita ni Olie sa party.Iba rin ang grupo na kinabibilangan ng Aguary ngayon na pinamumunuan ni Servino. “Arvin,” pagtawag niya kay Arvin.“Servino, long time, no see.”Ngumisi si Servino at umupo s
“Liam Hallazgo?”“Yes. I haven’t heard that name before. Hindi siguro kasing yaman niyo ang fiancée mo.”“Doubt that. Hindi ba nasa Cyprus?”“Well, yeah. Nasa Cyprus nga sila.”“Kung ganoon, mayaman siya at kaya nila ang pamumuhay abroad. Anyway, thanks brad.”“You’re welcome. Ah, wait.. Dad said, if you wanted some help, just beep me and we’ll rescue you there.”“Tell tito that I am thankful.”“Ano ka ba. If my family needs some help, I know we can rely on you.”Ngumisi si Cly at hindi na nakasagot nang mamatay ang tawag. Dumungaw siya muli at nasaktuhan niyang hinaIikan ni Vlad si Olie sa pisngi. Kumuyom ang kamao niya. Kung pwede lang e kanina pa niya pinilipit ang leeg ni Vladimir.“How dare you kiss her?”“If you jump now, sisirain mo lang ang lahat ng mga pinaghirapan mo sa mga nagdaang taon.” Paalala ni Ceria. “Ang naging papel ko na lang yata dito ay palagi kang paalalahanan na huwag magpadalos dalos sa lahat ng mga ikinikilos mo.”“Who told you that I’ll jump?”“Your face says
Napahilot so Buenito sa kaniyang sentido nang makauwi si Servino. Lumapit sa kaniya si Mr. Red na kanina pa nag-aabang sa gilid. "Ano pong gagawin natin sir? Iisang tao lang pala ang tinutukoy nila. I'm sure masisiyahan ang binatang Aguary oras malaman niyang si lady Olie ang fiancée niya.""Wala tayong gagawin." Sabi ni Buenito. "Hindi ko alam kung anong nararamdaman ng apo ko kay Clymenus. Sa ngayon, focus muna ang attention natin sa pagkuha sa kaniya sa bahay ni Arvin. Alam kong may gagawin siyang masama sa apo ko oras malaman niyang si Olie ang anak ni Samantha.""Ano pong gagawin natin sir? Kahit makuha natin si Ms. Olie, wala pa rin sa atin ang last will ni sir Samuel. Hindi pa rin natin makukuha ang karapatan niya bilang Baron." Ang tinutukoy ni Mr. Red ay yung last will na nagsasaad na maiiwan ang 80% ari-arian ng Baron sa taong may dugong Baron. "Alam ko. Nasa pangangalaga iyon ni Arvin. Baka nga mamaya ay sinunog na niya. But right now, hindi na muna natin iisipin yun. Kali
Nang makatulog si Olie, bumangon si Cly at lumabas ng kwarto nila.Sinalubong siya agad ni Servino. "Sir, tumatawag si Buenito."Kinuha ni Cly ang phone na inaabot sa kaniya ni Servino. "Yes?""Where's my granddaughter?""My wife is sleeping now.""Ibalik mo sa akin ang apo ko Cly, hayop ka!"Ngumisi si Cly at agad na nagpunta ng veranda. Tinanggap niya rin ang sigarilyo na inaabot sa kaniya ni Servino."Mukhang may hindi tayo pagkakaunawaan dito. My wife is mine kaya bakit ko siya ibabalik?""Ibinalik ko lahat ng binigay ng ama mo kay Liam. Tumupad ka sa kasulatan. Inayawan ka na ni Olie.""Because she thought may matatakbuhan pa siya. Anyway, bakit hindi ka nalang manatili diyan sa Cyprus at hayaan mo na kami ng asawa ko? She's mine at wala akong planong ibalik siya diyan."Galit na galit na si Buenito. "Hintayin mong makauwi ako diyan. Baliw ka na. Hindi mo pag-aari ang apo ko at sa ayaw at sa gusto ko, kukunin ko si Olie." "Go and I'll welcome you. You're my wife's grandfather af
Nang tapos na mag-usap si Olie at Ceria, pumasok na ulit sa loob si Cly.Nakita niya si Olie na hawak hawak na ngayon ang second born ng kapatid niya."Wife!"Tumingin si Olie sa kaniya nang nakangiti. "Look at him. He's cute, right?""Yeah!" Sabi ni Cly. Sumulyap rin siya sa kapatid niya at nakita niya itong nakangisi sa kaniya.Lumapit siya kay Olie at dumungaw sa pamangkin niya. "What's his name, ate?""Carson." Si Olie ang sumagot.Ngumuso si Cly at kalaunan ay ngumiti nang makita niya kung gaano kaganda si Olie habang bitbit ang pamangkin niya.Nag-iimagine na tuloy siya na anak nila ang hawak ni Olie."He got Kiro's eyes but all in all, she's Cali's male version.""Proud ka na sa genes ko, Cly?" nakangising tanong ni Kiro sa kaniya.."Hindi pa rin. My niece and nephew got theirs looks sa kapatid ko."Mahinang natawa si Olie. Ngayon lang niya nakita si Cly na nakipagkulitan sa iba. Sa barko kasi, kahit kaibigan niya ang mga naroon, busangot lagi ang mukha niya. Doon na sila nagl
Sumakay na sila ng sasakyan. At habang nasa loob na sila ng sasakyan, nakita ni Olie si Cly na may inaatupag sa cellphone nito.Kumunot ang noo niya at pasimpleng nag-ayos ng buhok.‘Anong inaatupag niya sa phone niya?’ Nagtataka siya lalo na’t pansin niya na sobrang focus si Cly sa cellphone nito.Then, naalala niya bigla yung baby na nakita niya sa phone nito no’ng nasa barko pa sila.At dahil doon, nalukot ang mukha niya. “No’ng nasa barko pa tayo, naalala ko may tumawag pala sa’yo na baby ang pangalan.”Tumigil si Cly sa ginagawa niya at tumingin sa kaniya. Pagkaraan ng ilang minuto, agad niyang itinuko ang kamay niya sa upuan at nakaharap ang katawan kay Olie."Are you jealous baby?" tanong ni Cly na pinipigilan ang pagngiti."Nope. I'm just asking."Tumaas ang sulok ng labi ni Cly at bumaling muli ang tingin sa phone niya.Pakiramdam ni Olie ay para siyang napaparanoid. 'Bakit hindi mo ko sinasagot?'Agad niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ni Cly. "Who is she?"Halos isang
Magkahawak kamay silang lumabas ng kwarto nila. Ngumiti si Olie ng batiin siya ng mga katulong.Pagdating nila ng dining area, nakita ni Olie na maraming hinanda ang mga katulong para sa kaniya.Hindi na nga rin niya maitago ang ngiti sa labi niya dahil mainit ang pagtanggap sa kaniya ng lahat.“Cly, nakakahiya. Kung ituring nila ako ay para bang ako ang prinsesa nila.”“You are indeed a princess. But I prefer to call you a queen, my queen.”Namula si Olie at ngumuso. “Ang smooth ng banat na yun, Clymenus.”Mahinang natawa si Cly. “Ayaw mo ba sa mga banat ko?”“Para kang sira.” Natatawang sabi ni Olie.Umupo na sila sa mesa at agad siyang inasikaso ni Cly ng pagkain. Nilagyan nito ang kaniyang plato ng gusto niyang kainin.Indeed, she's HIS queen dahil ganoon siya pagsilibihan ni Cly. "So queen na talaga ako nito. So ikaw ba ang hari ko?" Tumikhim si Cly. "Your servant. You're a queen in the kingless castle. Mas gusto kong pagsilbihan ka." Pinagsingkitan siya ni Olie ng mata. Mga ba
Cly went to Vlad immediately. Halos hindi na maitago ang panginginig ng balikat niya sa tindi ng galit niya at kita iyon ng mga tauhan niya.Pagdating niya sa stable, agad niyang kwinelyuhan si Vlad.“Nananadya ka ba?”“Sir,”“Hindi ba sinabi ko to get rid of your face oras na umuwi kami ng asawa ko?”Tumingin si Vlad sa mukha niya.. Halo-halo rin ang emotion sa mukha ni Vladimir. “Hindi mo ba ‘to sinabihan Gin na umalis ng manor? I clearly said na ilipat siya ng ibang lugar.” Kausap ni Cly kay Gin na kasama niya. “None of us were aware na hindi pala siya umalis sir. Nagulat na lang kami ng tawagin mo siya kanina.”Bumalik ang attention at inis ni Cly kay Vlad. Wala siyang plano na tawagin ito kanina pero hindi niya inaasahan na makikita niya ito sa tabi ni Servino.Kaya agad niya itong pinaalis at pinapunta ng stable kesa maunahan pa siya ni Olie.“Anong ginagawa mo? Bakit hindi ka umalis?”“G-Gusto kong makausap si Olie.”Isang suntok ang agad na binigay ni Cly kay Vlad.“Anong sab
Pagkatapos nilang kumain ng street food, agad na silang umuwi sa bahay nila.Wala silang ibang ginawa ni Cly kun’di ang tumawa at magkulitan lang. Patunay na kahit wala sila sa isang fine dining restaurant e masaya pa rin sila.“Are you happy baby that you’re with me?” tanong ni Cly. Nasa loob na sila ng sasakyan ngayon at si Cly ay nakapulupot na ang kamay sa bewang ni Olie na parang ahas.“Yes. Namiss ko rin ang street food sa Pinas.”“Huwag ka ng umalis para lahat ng namiss mo e masubukan natin dalawa.”Dinungaw siya ni Olie at ngumiti bago tumango.Pagdating nila sa manor ni Cly, napaawang labi ni Olie nang makita kung gaano kalaki ang bahay ng mga Aguary.Mas malaki pa ito kesa sa bahay nila noon noong nasa manor pa siya ng Baron.“Cly, is this your house?”Kumunot ang noo ni Cly.“It’s our house.” Pagtatama niya at hinila na siya ni Cly papasok sa loob ng bahay.Agad sinalubong ng mga tauhan ni Cly si Olie at agad silang yumuko sa harapan nito na ikinalaki ng mata ni Olie..“What
“Cly, wait!” Gulat na gulat si Olie dahil bigla nalang sinakal ni Cly si Shells.“Bitiwan mo siya Cly!” Aniya habang nanlalaki ang mata.Agad na binitiwan ni Cly si Shells, pero si Shells ay napaubo na at hawak hawak ang leeg.Agad rin siyang namutla sa higpit ng pagkakasakal ni Cly sa kaniya.Agad niyang sinamaan ng tingin si Cly. “Hayop ka! Kahit kailan ay baliw ka!”Hinawakan ni Cly si Olie sa kamay. “Subukan mo lang na sirain ako kay Olie at baka hindi lang iyan ang aabutin mo.”“Umalis na tayo,” pakiusap ni Olie kay Cly at pinipilit siyang hilahin palayo.Si Cly ang umalis at tinangay niya si Olie palayo. Galit na galit siya habang palabas sila.“Cly!” Tawag ni Olie sa kaniya.Pero hindi siya nakinig hanggang sa makalabas na sila ng resto.Iniwan na rin nila ang pagkain nila sa table nila. “Cly, mag-usap tayo.”Tumigil si Cly at humarap kay Olie.“Ano yung narinig ko?” tanong ni Olie.“So what kung totoo? Magagalit ka sa akin?” Nakagat ni Cly ang labi niya at agad niyang kinuha
“OLIE HALLAZGO BARON,” bigkas ni Kallias sa pangalan ni Olie. Kaharap niya si Jed.“Bakit Baron ang gamit niya kung apelyido ng mama niya ang Baron?”“I heard Hallazgo talaga ang gamit niya doon sa Cyprus. Kaya lang siguro iba ang pakilala niya dito dahil may sistema sa upper class na ang gagamitin ay yung pangalan na mas maimpluwensya at makapangyarihan kaya siguro Baron ang last name niya.” Sabi ni Jed.“And I heard, mas mataas ang antas ng pangalan na Baron kumpara sa Hallazgo. At ka-level ng Aguary ang Baron sa yaman noon, so no wonder, pakilala ni Ms. Olie sa sarili niya ay Olie Hallazgo Baron.”Tumango si Kallias at pagkatapos ay napatingin kay Cly na kausap ngayon si Max.“And that guy was destined to marry his wife. You know what brute, Cly is silent but he’s really dangerous.”Napatingin si Jed sa kanilang doctor. “Paano mo nasabi?” “May nakapagsabi kasi sa akin na alam na pala ni Cly na nagsilabasan ang dikya nong gabi bago siya lumangoy sa dagat. But still, sumama pa rin si
“We need to leave,” sabi ni Cly.“Cly, bakit?” tanong ni Olie nang may pagtataka.Ramdam niya kasi na pinipisil ni Cly ang kamay niya tapos hindi rin niya alam bakit sila aalis.“Servino called. Ate Ceria was rushed to the hospital. Kailangan na nating bumaba ng barko at umuwi sa bahay.”Kumunot ang noo ni Olie. “Huh? Ate Ceria?” naroon ang gulat sa mukha niya.May natatandaan siyang Ceria ang pangalan pero katulong iyon.Natigilan naman si Cly at agad nanlaki ang mata nang marealize niya na hindi pala alam ni Olie na kapatid niya si Ceria.Tumingin si Cly sa kaniya. “Ahm… Baby, I f-forgot to tell this… She’s my half-sister.”Parang lumuwa ang mata ni Olie sa kaniyang narinig tapos yung mga ala-ala niya noong nasa bahay pa siya ng dad niya kung saan e pinagsi-selosan niya si Ceria at pinagbabawalan na lumapit kay Cly ay nagsibalikan na parang agos ng tubig sa talon.“Oh my God!” Ang sabi niya at napatakip pa siya ng bibig niya.Binawi pa niya ang kamay niya kay Cly at gusto na lang niy