Hmm.. Mga less than 100 chapters lang ito guys. Hindi na natin ito papahabain ng husto
Nahimatay si Olie matapos niyang marinig ang mga bagay na yun, ngunit ang mas ikinabigla ni sister Dina ay si Cly. Tila yata nakalimutan niya ang pagpapanggap niya.Sa sobrang pag-aalala niya, bigla niyang binuhat si Olie at halos siya na lahat ng gumawa ng paraan para maasikaso ito. Habang pinupunasan niya ang pawis ni Olie sa noo, ramdam niya ang matatalim na tingin ni sister Dina na nakatarak sa likuran niya. Alam niyang nabisto na siya.“Sino ka?” ang tanong nito.Ramdam rin niya ang isang matalim na bagay na nakatutok sa batok niya. Isang maling galaw lang niya, tatarak iyon sa leeg niya.“Bakit ka nagpapanggap? Anong masama mong intention kay Olie?”Hindi kinabahan si Cly. Matapos ng mga nalaman niya, wala na siyang ibang iniisip pa kun’di ang mailigtas si Olie. “Pareho lang tayo ng gusto. Ang mailigtas si Olie.”“Bakit ka nagpapanggap?”“Kinuha ako ni Arvin Baron at ginawang hostage. Kailangan kong magpanggap para hindi niya ako patayin. Hindi ko intention ang lokohin si Olie.
Pansin ni Olie ang pananahimik ni Cly sa tabi. Nakasakay na sila ng taxi at pauwi na sa kanila. Hinawakan ni Olie ang kamay niya, at wala man lang kareact-reaction si Cly. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin niya dahil hindi siya sanay na para bang malamig ang pakikitungo nito sa kaniya.“Cly, are you mad at me?”Hindi sumagot si Cly. Nakatingin lang siya sa labas ng bintana. Umayos na lang ng upo si Olie nang matanto na oo. Nang makauwi sila sa bahay nila, naabutan niya ang dad niya na naglalaro ng board game kasama ni Vamillian.“Nakauwi na pala kayo.”Agad siyang lumapit sa dad niya at humaIik sa pisngi nito. Lumapit rin siya kay Vamillian para bumati.“Vlad is here. Tinawagan ka na ba niya?” sabi ni Vam. Nanlaki ang mata ni Olie. ‘Nandito na si Vlad?’“Hindi po tito. Anong oras po siya nakauwi?”“Kagabi lang.”Tumingin si Vamillian kay Cly at naabutan niyang nakakuyom ang kamao nito.“After the wedding, your dad and I planned to engage you with Vlad.” Aniya para makita ang re
Kinabukasan, pagkagising ni Olie, namulatan niya kaagad si Vlad. Agad siyang napaupo sa kama habang namimilog ang matang nakatingin sa kaibigan. “Vlad!” Bulalas niya.“Good morning,” nakangiting sabi ni Vladimir at tumayo para buksan ang kurtina sa bintana ni Olie. “I didn’t know too na magkikita rin tayo agad matapos nating mahiwalay ilang buwan ang nakalipas.”Hindi nakasagot si Olie. She was so stunned to speak up.“Pinapasok ako ng dad mo dito kahit sabi ko e hintayin na lang kitang magising. I’m sorry…” Mahinang sabi ni Vladimir.She trusted Vlad kaya walang kaso sa kaniya kung magpunta ito ng kwarto niya. Ang inaalala niya ay baka pumasok si Cly at maabutan niya si Vlad na kasama niya.They are not okay yet matapos nang nangyari kahapon but she knew na mag-aalburoto si Cly kapag nakita niyang may kasama siyang iba.“Nagpaluto yata si tito Arvin ng breakfast natin. Tara na.” Sabi ni Vlad sa kaniya. “Maliligo muna ako. Can you wait me outside?”“Sure.” Sabi ni Vladimir at lumabas.
Servino Magto, ang siyang humahawak sa real estate ni Cly habang ito ay hostage ni Arvin Baron. Si Servino ang lahat ng nagpapatakbo sa lahat ng negosyo ng Aguary.Sa isang gathering kung saan e kasama niya ang kahat ng mga aristocrat o mga mayayamang businessman, nakita niya si Arvin. “Sir,” sabi ni Gin, ang siya namang may hawak sa security ng Aguary. “I can handle this.” Mahinang sabi ni Servino.Kinuha niya ang isang wine glass at naglakad patungo sa table ni Arvin Baron. Sa society na kinabibilangan nila, hindi sila lahat ay magkakaibigan.Para silang mga batang paslit na may kaniya-kaniyang grupo. Iba ang grupo ni Arvin at yun ang tinatawag niyang mga allied families gaya na lang sa pamilyang Etheus, pamilya ni Kieth, Shells, at iba pa… Mga magulang ng mga batang elites na siyang nakikita ni Olie sa party.Iba rin ang grupo na kinabibilangan ng Aguary ngayon na pinamumunuan ni Servino. “Arvin,” pagtawag niya kay Arvin.“Servino, long time, no see.”Ngumisi si Servino at umupo s
“Liam Hallazgo?”“Yes. I haven’t heard that name before. Hindi siguro kasing yaman niyo ang fiancée mo.”“Doubt that. Hindi ba nasa Cyprus?”“Well, yeah. Nasa Cyprus nga sila.”“Kung ganoon, mayaman siya at kaya nila ang pamumuhay abroad. Anyway, thanks brad.”“You’re welcome. Ah, wait.. Dad said, if you wanted some help, just beep me and we’ll rescue you there.”“Tell tito that I am thankful.”“Ano ka ba. If my family needs some help, I know we can rely on you.”Ngumisi si Cly at hindi na nakasagot nang mamatay ang tawag. Dumungaw siya muli at nasaktuhan niyang hinaIikan ni Vlad si Olie sa pisngi. Kumuyom ang kamao niya. Kung pwede lang e kanina pa niya pinilipit ang leeg ni Vladimir.“How dare you kiss her?”“If you jump now, sisirain mo lang ang lahat ng mga pinaghirapan mo sa mga nagdaang taon.” Paalala ni Ceria. “Ang naging papel ko na lang yata dito ay palagi kang paalalahanan na huwag magpadalos dalos sa lahat ng mga ikinikilos mo.”“Who told you that I’ll jump?”“Your face says
Napahilot so Buenito sa kaniyang sentido nang makauwi si Servino. Lumapit sa kaniya si Mr. Red na kanina pa nag-aabang sa gilid. "Ano pong gagawin natin sir? Iisang tao lang pala ang tinutukoy nila. I'm sure masisiyahan ang binatang Aguary oras malaman niyang si lady Olie ang fiancée niya.""Wala tayong gagawin." Sabi ni Buenito. "Hindi ko alam kung anong nararamdaman ng apo ko kay Clymenus. Sa ngayon, focus muna ang attention natin sa pagkuha sa kaniya sa bahay ni Arvin. Alam kong may gagawin siyang masama sa apo ko oras malaman niyang si Olie ang anak ni Samantha.""Ano pong gagawin natin sir? Kahit makuha natin si Ms. Olie, wala pa rin sa atin ang last will ni sir Samuel. Hindi pa rin natin makukuha ang karapatan niya bilang Baron." Ang tinutukoy ni Mr. Red ay yung last will na nagsasaad na maiiwan ang 80% ari-arian ng Baron sa taong may dugong Baron. "Alam ko. Nasa pangangalaga iyon ni Arvin. Baka nga mamaya ay sinunog na niya. But right now, hindi na muna natin iisipin yun. Kali
“Clarita, kailangan kong umalis.” Sabi ni Olie. Papalapit na ang kaniyang pagpapakasal kay Cly at kabadong kabado na siya lalo pa’t hindi niya alam kung anong mangyayari sa araw na yun.“Saan mo balak pumunta?” tanong ni Clarita na kasalukuyang sinusuklayan ang mahahabang buhok ni Olie.“Kay lolo,” ang sabi ni Olie. Sa ngayon, wala siyang pwede niyang paghingan ng tulong na alam niyang pwede niyang asahan. Masiyadong delikadong tao ang dad niya kaya kailangan niyang magrely sa mga matatanda para magligtas sa kaniya at kay Cly.“Sinong lolo?” takang tanong ni Clarita pagka’t hindi niya alam na may lolo na nakilala si Olie.“Saka ko na ipapaliwanag… Nasaan ba si dad?”“Wala siya ngayon sa bahay. Kinausap niya ang pari na magkakasal sa inyo ni Cly sa simbahan.”“Kung ganoon, ligtas ba akong umalis?”“Hindi ko alam. Baka ay may mga tauhan siyang inutusan na bantayan ka.”“Anong gagawin ko para makaalis ako dito?” nag-aalalang tanong ni Olie.“May naisip ako.” Saad ni Clarita. Kinuha niya a
Lihim na ngumiti si Buenito at hindi yun nakita ni Olie. Natutuwa siyang alam na ng apo niya kung sino ang ina niya ngunit nagulat rin siya na iba pala si Sofia Stoneheart.Nilakihan niya ang pagbukas ng gate at pinapasok si Olie. Nang makapasok sila ng bahay, sabay na lumabas sa sasakyan si Servino at Gin.“Bakit narito si Olie Baron?” takang tanong ni Servino habang nakatingin sa bahay ni Buenito.“Sabihan ba natin si sir Cly?” sabi ni Gin.“Wait for a little while,” sabi ni Servino. “Magmatyag muna tayo.” Dagdag niya.Samantala, sa loob ng bahay ni Buenito, agad na nilapitan ng mga maid si Olie para bigyan ito ng pagkain.“Salamat,” mahinahong sabi ni Olie sa kanila.Nang makaalis ang maid, agad na umupo si Buenito sa harapan ni Olie.“Paano mo pala nalaman na ikaw ay anak ni Samantha at hindi si Alysa?”“Sinabi po sa akin ni sister Dina. A-Ang totoo ay hindi ko alam anong totoong pangalan ni mama dahil hindi niya kailanman sinabi sa akin. Si sister Dina pa nagsabi sa akin na Samant
“Please… please… please…” ang salitang paulit ulit na sinasabi ni Olie habang nanginginig ang kamay niya at naghihintay sa resulta ng pregnancy test.Hindi na siya dinatnan at malakas ang kutob niya na nagdadalang tao na siya.“Olie.” Naririnig niya ang boses ni Ceria. “Sabi ni sir Buenito, kanina ka pa raw sa CR. Ayos ka lang ba?”“Yes ate. Sandali lang.”Bumaling siya ulit sa pregnancy test.“Please, magpositive ka… Magpositive ka…”Pumikit siya at taimtim na dinalangin na sana ay magpositive ang resulta. Nang sa tingin niya ay may result na, doon na niya binuksan ang mga mata niya.“YEEEEEES!!!” Napasuntok pa siya sa ere at agad na binuksan ang pinto.Naabutan niya si Ceria na nag-aalalang tumingin sa kaniya. “Olie, what happened?”“Ateeeee, I’m pregnant!”Namilog ang mata ni Ceria. “Seryoso ba?”Agad pinakita ni Olie ang pregnancy test niya at sabay silang tumili ni Ceria.“CONGRATULATIONS OLIEEEE!!”Sa tuwa pa niya e sumayaw na siya at nagtutumalon. “I’m pregnant… I’m pregnant…”
“Finally, nakauwi na rin si Samantha.” Emotional na sabi ni Buenito. Itinabi nila si Samantha kung nasaan si Liam.“Yes lo. Sana masaya na si mama ngayon.” At yumakap si Olie sa lolo niya.Malungkot man para sa kaniya na hindi niya man lang nakasama ang dalawang mahal niya sa buhay, masaya pa rin siya ngayon dahil kahit papaano na nakauwi na ang mama niya sa tahanan nito.“Wife.” Sabay sila napatingin kay Cly na nakalahad ang kamay sa harapan niya.“Let’s go?”Tumango siya at binigay niya ang kamay niya dito. “Tara na lo.” Pag-aya niya sa lolo niya.Tumango si Buenito at sumunod sa kanila. Tumingin siya kay Cly na nasa kay Olie ngayon ang buong attention.Huminga siya ng malalim.Kung siya lang talaga ang papipiliin, mas gusto niyang sa Cyprus nalang sila ng apo niya at ipagpatuloy ang buhay nila, pero hindi niya aakalain na matapos makita ni Cly si Olie, e mababago agad ang isipan ng apo niya.Marami pa siyang gustong itanong kay Cly, isa na doon sa kung nasaan ngayon si Arvin.Pero
Umiiyak si AJ habang nakayakap sa mama niya, ang apat naman e nakayakap sa hita ni Cly. Kanina pa sila nakayapos, walang plano na humiwalay. “Bakit pa kasi kayo uuwi tito?” tanong ni BJ na kulang nalang ay iiyak na.“Dito nalang kayo ni tita Olie, please…” Napatingin si Cly kay Olie na ngayon e hindi alam paano sosolbahin ang kinakaharap nilang konting suliranin.Aalis na sila maya-maya, pero ang lima, paggising pa lang, naiiyak na. Si AJ ang literal na umiyak, nagpipigil lang yung apat.“But we need to go home kasi naroon na sa bahay ang lolo ni tita Olie at miss na siya ng lolo niya.” “Papuntahin na lang po natin sa bahay ang lolo ni tita.” Sabi ni AJ na karga ni March. Huminga ng malalim si Cly. Kahit siya nahihirapan. Nong una lang, inis na inis siya sa apat pero ngayon, parang ayaw na rin niya umuwi.Kahit pa makukulit ang quintuplet, alam niyang mamimiss niya ang mga ito. Humigpit ang pagyakap sa kaniya ni DJ. “Tito, please stay with us. Please… please… huwag na kayo umuwi
The sorrow and pain was plastered on Olie’s face while Cly handed her the urn.Akala niya ay hindi siya iiyak pero nagkamali siya. Iiyak pa rin pala talaga siya. Masiyadong malambot ang puso niya, nasasaktan siya na hindi man lang niya nasilayan muli ang mama niya.Cly kissed her head, whispering sweet words hoping na maging maayos ang pakiramdam nito kahit papaano.“Olie,” agad na lumapit si March sa kaniya at niyakap siya.“Ate, bakit ganto ang buhay ko? Hindi ko man lang nakita muli si mama. Hindi ko man lang nasabi sa kaniya na galit ako sa kaniya, na naiinis ako, na mahal ko siya.”Hinahagod ni Marcha ng likuran niya.“Shh… Sabihin mo lang ang gusto mong sabihin, Olie. Makikinig si ate sayo.”“I am hurt and so disappointed ate. Hindi ko man lang… Hindi ko man lang naranasan magkaroon muli ng isang ina. Pakiramdam ko e ang malas malas ko.”“Olie, don’t say that. Hindi ka malas.”“But that’s what I felt, ate. Namatay ang mga magulang ko. Namatay si mama para sa akin. Pakiramdam ko e
Kinagabihan, habang nagpupunas ng buhok si Cly, tumayo si Olie para lumapit sa kaniya.“Cly.”He stopped para lang tignan si Olie. At hindi niya alam bakit ang nakikita niya sa mata nito ang lungkot.“What happened? May nangyari ba sa lakad niyo kanina?” tumayo siya. He let her go with March, thinking na mag-eenjoy ito.“Wala naman. Naging maayos naman ang lakad namin ni ate March kanina kasama ni AJ.”Kinuha ni Cly ang kamay niya at iginiya siya para maupo sa kaniyang kandungan. “Then why are you sad?”“I have a feeling na ako ang rason bakit tayo nagpunta dito. May I know kung ano yun?”“Sinabi ba ni March sayo?”Tumango siya. “But not entirely. Ano bang rason na nagpunta tayo dito Cly?”Napatigil si Cly, contemplating whether to tell the reason now or ipagpabukas na lang. In the end, natanto niya na hindi niya kaya maglihim sa asawa niya. Kaya hinawakan niya ang kamay ni Olie and his heart is beating faster for he doesn’t know kung anong magiging reaction nito.“Nahanap na namin an
“They are not kids.” Medyo naiinis na sabi ni Cly habang nakatingin sa apat na anak na lalaki ni Rod na ngayon ay pinapalibutan si Olie.Ngumiwi naman si Rod at napatingin rin sa mga anak niya. “Anong tingin mo sa mga anak ko? Mga setenta anyos na nasa katawan ng bata? Hindi mo ba nakikita? They are cute and adorable.” Ang mukha ni Rod e mukha ng amang tuwang tuwa sa kaniyang mga anak at mukha ng taong lahat gagawin anumang hilingin ng mga ito.“You’re saying that because they are your sons. But look at them, pinopormahan nila ang asawa ko.”Napahawak si Rod sa kaniyang baba na para bang hinahagod niya ang kaniyang balbas kahit wala naman siya non at pilyong sinulyapan muli ang apat.“Ohh… My sons are making me proud. They are still young but they know how to intimidate their enemy.”Napanganga si Cly. Pakiramdam niya e nagmana ang apat kay Rod. Imbes suwayin ang mga ito, nagbitaw pa ito ng salita na siya ay proud.“Are you even serious?”Tumawa si Rod. “Hayaan mo na sila. Mga bata lan
“Ate, I didn’t know you would end up with the father of your kids.”Mahinang natawa si March.“Naku Olie, ang daming nangyari na maski ako hanggang ngayon e hindi ko pa rin makapaniwala.”Ngumiti si Olie. Right now, kitang kita naman niya sa mukha ni March na sobrang saya nito.She’s glowing and extremely happy.“But I’m happy ate. Happy ako na naging okay kayo ng ama ng quintuplets at sino mag-aakala na magkaibigan pala sila ng asawa ko.”Parang kinilig si March sa sinabi ni Olie. Tumingin siya sa gawi ni Cly at Rod na nag-uusap hindi kalayuan sa kanila.“Oo nga at ang gwapo pala ng asawa mo ah.”Napangiti si Olie. “Sobra ate,” proud na proud na sabi niya. “Saka pati si kuya Rod, gwapo ate. Expected kasi ang ga-gwapo ng mga anak niyo.”“Ay oo naman…” Sabi ni March ng nakangiti.Tapos napatingin si Olie sa quintuplets na malalaki na. Nasa gilid ang mga ito, ang tatahimik at nakatingin sa kaniya.“Ate, ang lalaki na nila. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang kailan lang e ang liliit pa
“Cly, kaninong bahay ito?” tanong ni Olie habang nakatingin sa malaking bahay na pagmamay-ari ni Rod Chavez.“Sa kaibigan ko..”“Ang dami mo namang kaibigan.”Mahinang natawa si Cly at kinuha ang kamay ni Olie saka pinagsiklop sa kaniya. "Perks of being a member no'ng cruise ship. Rod is a friend of ours dahil yung asawa niya ay kapatid ni Clark. Isa sa founder ng barko.”Tumango si Olie. Hindi lahat nameet niya pero narinig na niya ang tungkol sa founder ng ship of temptation.At ilang ulit na rin niyang narinig ang tungkol kay Clark mula kay Peres. “Ayos lang ba sa kanila na makitulog tayo sa kanila?”“Yes.. Tinawagan ko na siya kahapon.”They can afford sa hotel, but Cly wanted Olie to bond Rod's wife. Gusto niyang mapalapit ito sa mga asawa ng kaibigan niya ng sa ganoon, hindi lang si Floyen at Peres ang kaibigan nito. He heard na mabait si March Yana. Nakita na niya ito pero hindi pa sila kailanman nakapag-usap. Pipindutin na sana ni Cly ang door bell nang magbukas una ang gat
Seryoso ang mukha ni Cly habang pauwi na sila ni Olie. Nasa eroplano sila, naghihintay na lang na makababa.Isang linggo sila nanatili sa Cyprus, nagsilbi iyong bakasyon nila dalawa or honeymoon to be exact.Lahat ay maayos. Wala silang problema maliban nalang no’ng bago umalis sila ni Olie.While Olie was preparing their things, nakareceive si Cly ng mensahe galing kay Gin na nahanap na nila ang kaniyang pinapahanap.And now, hindi niya alam kung anong magiging reaction ni Olie mamaya oras sabihin niya ang tungkol sa bahay na iyon.Nang makababa na sila ng eroplono, pansin ni Olie ang pananahimik ni Cly sa tabi.“You okay, Cly?” she asked.“Yes, I am okay..”“Ang lalim ng iniisip mo.”Huminga ng malalim si Cly at humarap sa kaniya. “Your lolo is in our house pero gusto pa sana kita dalhin sa ibang lugar kung ayos lang sayo.”Kumunot ang noo ni Olie. “Sa ibang lugar?”“Yes.. Sa ibang lugar.”“Saan naman yan?”“To my friend’s place.”“Okay… Tatawagan ko na lang si lolo na matatagalan ta