Nagmamadali si Olie na umuwi kinabukasan, ang totoo ay tumakas siya sa skwelahan dahil tumawag ang katulong sa kaniya at sinabing ginapos na naman ni Arvin Baron—dad niya si Cly dahil nalaman nito ang ginawa kay Vlad kahapon.
Pero mali ang ginawa ni Olie na umuwi at huli na niya namalayan dahil no’ng nakaharap niya ang daddy niya, nagtaka ito bakit umuwi siya e may klase pa. Hindi niya pwedeng sabihin na nag-alala siya kay Cly dahil mas lalo lang niya itong pahihirapan.
“Olie, why are you here?” hindi mahihimigan ang hinahon sa boses ni Arvin. Galit na galit siya dahil nagalit ang kumpadre niyang ama ni Vlad sa ginawa niya.
“Sorry dad, sumakit ang tiyan ko. Why? Is there something wrong?” pagkukunwari ni Olie.
“Bakit hindi mo sinabi sa akin ang ginawa ng baliw na ‘yon kay Vlad?”
Olie anticipated it but she maintained her composure.
“Ahh—that? I already took care about that matter, dad. Hindi na sumagi sa isipan ko ang ireport sa inyo. I know marami na kayong iniisip.”
Kinakabahan siya pero sinubukan niyang kumalma at hindi nagpakita ng kahit na anong awa para kay Cly. Dapat wala siyang alam sa nangyayari kay Cly ngayon.
“Kinulong ko ang baliw na ‘yon ngayon,” pag-amin ni Armin. He believed Olie, cause he thought that Olie has the same skin like him.
Kumunot ang noo ni Olie, kunwari nagtataka. “Is this about what happened yesterday, dad?”
“He needs to be punished dahil sa ginawa niya kay Vlad,”
“Oh I see. Hindi ba pwedeng pakawalan nalang siya daddy?”
Kumunot ang noo ni Arvin, hindi nagustuhan ang sinabi ni Olie.
“If we’ll treat him badly, aabutin na naman ako ng dalawang buwan para kunin ang loob niya. Alam niyo namang mahirap amuin ang baliw na ‘yon.” Olie looked at her nails, kinakatawanan ang pagiging spoiled brat.
She’s hoping he’d say yes, na pakawalan nalang si Cly. Masiyadong madilim sa basement.. Mabaho at marami pang insekto, parang pinipiga ang puso niya sa kaisipang mag-isa lang doon si Clymenus at nakaposas.
“Well then, you need to make sure na hindi na niya kailanman sasaktan si Vladimir o kahit na sino pa sa mga anak ng mga kumpadre ko.”
Tumango si Olie kay Arvin.
Si Arvin Baron mayamang lalaki na walang asawa o anak. Kung hindi nagising si Olie no’ng gabing iyon, hindi niya malalaman na baog ang adoptive father niya.
Narinig niya mula sa mga madre na nag-aalaga sa kaniya dati sa orphanage na naghahanap si Arvin Baron ng anak na siyang magmamana ng kayamanan niya.
Pero ang totoo ay iba ang pakay nito.
Nang si Olie ang napili ni Arvin na ampunin, pinalabas niya na anak niya ito sa isa sa mga naging babae niya para lang hindi siya mapahiya sa lahat dahil sa kakulangan niya bilang lalaki.
He’s a loving father in public but the truth is, he’s just using Olie gaya ngayon. Ginagamit niya ito para makamkam ang kayamanan ng mga Aguary mula kay Cly na nag-iisang tagapagmana.
Ang mga magulang ni Cly ay kaibigan ni Arvin, at alam ni Olie na si Arvin ang pumatay sa mga magulang ni Cly. Dahil walang natitirang kamag-anak si Cly, ang dad niya ang naging legal guardian nito.
He supposed to take care of Cly, pero ginagawa ni Arvin ay ginawa niya itong hostage.
Nang makita ni Olie na umalis ang dad niya, agad-agad siyang umalis at dumiretso sa basement. Wala siyang dalang pang-ilaw dahil lowbat ang cellphone niya.
Sa pagmamadali niya, nakalimutan niyang kumuha ng flashlight.
“Cly?” tawag niya, kinakabahan na baka mali ang maapakan niya at madisgrasya pa siya.
Nagtataka si Olie bakit wala siyang narinig na iyak mula kay Cly. Is he fine? She wondered.
She’s expecting right now na umiiyak na si Cly dahil iyon ang lagi nitong ginagawa pero iba ngayon.
Sinundan niya lang ang daan na alam niyang papunta sa kulungan ni Cly. Sa hindi kalayuan, nakita niya ito na nakaupo sa maruming sahig. Gamit ang lampara na nasa ibabaw ng kulungan, naaninag niya ito kaagad.
Ngunit natigilan si Olie sa pwesto ni Clymenus.
Nakaupo ito sa sahig, nakayuko ang ulo, nakabaluktot pa ang isang tuhod, at nakapatong pa sa nakabaluktod na tuhod ang isang siko niya. First time niyang makita si Cly sa ganoong pwesto.
Kung titignan, para lang itong normal na teenager. Akala nga niya ngayon ay umiiyak ito, pero hindi ganoon ang nakikita niya.
Kung hindi niya ito kilala ay baka iisipin niyang normal na teenager si Cly. Iyong tipong hindi bababa sa imbecile ang IQ.
“Cly,” tawag niya sa kaniya.
Nakita niyang inangat ni Cly ang ulo niya, hindi nga ito umiiyak dahil nakatulog pala ito. Hindi na ba siya takot sa basement? Nagtatakang tanong ni Olie sa sarili niya.
‘Nasanay na ba siya na narito siya?’
Nakita ni Olie na nanlaki ang mata ni Clymenus nang makita siya. Agad siyang tumayo at nakita niya ang kasiyahan sa mga mata nito.
“O-O-Olie…”
‘Nababaliw na nga yata ako,’ sabi ni Olie sa sarili niya dahil halos maiyak siya nang marinig na binanggit ni Cly ang pangalan niya.
“Teka Cly, kukunin ko lang ang susi,” sabi ni Olie. Ang susi ay nasa tabi lang ng kulungan nito. Nakaposas ang paa ni Cly, nakakulong pa siya. Sobra pa sa baboy ang turing sa kaniya.
“S-S…chool?” nagtatakang tanong ni Cly sa kaniya.
“Ate doesn’t want to leave Cly behind,” sabi ni Olie at ngumiti sa kaniya sabay tulo ng luha sa mga mata. Nakita niyang natulala si Clymenus at napatitig sa mata niya.
Agad niya itong pinakawalan. Habang tumatagal, mas lalong tumatangkad si Cly sa kaniya. Matangkad si Olie, pero mas matangkad pa rin si Cly.
“S-School O-O-Olie,”
Cly wanted to curse dahil alam niyang umuwi si Olie para sa kaniya. ‘Mentally retarded ba ang taong ito?’ Olie wondered dahil kung mag-isip si Cly ay sobrang mature.
Olie has always been soft to Cly dahil may sense pa ang sinasabi nito kesa kina Vladimir. Mas makatao pa ito kung mag-alala kesa kay sa dad niya.
Sometimes, Olie wondered sino ang may sakit sa pag-iisip? Si Cly ba o sila?
Kinuha ni Olie ang kamay ni Cly at pinagsiklop ito. Cly likes it na kung hawakan siya ni Olie ay para bang kaniya lang siya.
“I’m worried about you and don’t worry about me cause I’m fine. I can still go to school tomorrow. Dapat ang intidihin mo ay huwag galitin si dad,” sabi ni Olie sa kaniya, nagsusumamo pa ang mga mata.
Nakatitig lang si Clymenus sa mukha niya.
Hindi niya tuloy mawari kung naiintindihan ba nito ang sinasabi niya.
“Cly, don’t-make-dad-mad,” inuunti niya para lang maintindihan ni Cly.
Nakita niyang bumuntong hininga si Cly na ikinalaki ng mata ni Olie. Bigla siyang hinigit kaya nadikit siya sa katawan ni Cly.
Naramdaman nalang niya na niyakap siya nito at ibinaon ang mukha sa leeg niya.
Yumakap rin si Olie sa kaniya pabalik.
Olie thinks that Cly sees her as his mother figure.
“I’m always here for you, Cly,” sabi nito.
He grinned. ‘You tame the wrong person, Olie.’ He thought.
I hope you like the story. Please leave a comment guys
Hindi alam ni Olie kung itatakas ba niya si Cly sa basement o hindi. Alam niyang kung makitaan siya ng dad niya na naaawa siya kay Cly ay mas lalo nitong pahihirapan si Cly. Umupo si Olie at umupo rin si Cly. Hinawakan ni Olie ang mukha nito. "Natakot ka ba na mag-isa ka kanina?" Nakatitig si Cly sa mga mata niya. Kitang kita niya na nag-aalala si Olie sa kalagayan niya. At that thought, nasisiyahan siya. Palihim niyang iginagalaw ang daliri niya para paalisin ang mga lamok na nagbabalak dumapo sa balat ni Olie. "Cly?" Nag-alala si Olie dahil nakatitig lang si Cly sa kaniya. Gusto niyang umiyak dahil naaawa siya dito dahil nakagapos. Hindi nga niya napigilan ang luha niya. Umiyak siya sa harapan nito. Agad niyang hinilamos ang palad niya sa mukha niya. "Sorry Cly, I have no power to protect you," nanlaki ang mata ni Clymenus sa narinig. Alam niyang ginagamit siya ng dalaga para sa plano ni Arvin sa hinaharap. Pero alam niya ring mabait si Olie sa kaniya. He's torn,
Pagkadating ni Olie at ng dad niya sa bahay ni Vlad, una niyang napansin ang mga nakahilera nitong katulong na binabati sila.“Welcome, Lord Baron, lady Olie,” sabay na sabi ng mga ito.“Lord Etheus and the young master are waiting for you in the dining hall,”Hindi nagkomento si Olie, walang expression ang mukha niya habang naglalakad sila papunta kina Vamilian Etheus at Vladimir Etheus.“Vam,” tawag ni Arvin sa kaibigan.“Arvin, napadalaw yata kayo bigla,” tumayo si Vamilian at binati siya pabalik.“Nandito kami ng anak ko para dalawin si Vladimir,” sabay tingin ni Arvin kay Vlad na nakatitig naman kay Olie.Walang nabaling buto sa kaniya, lihim na ikinahinga ng maluwag ni Olie dahil kapag napahamak si Vlad, alam niyang tiyak na si Cly ang lubhang mapapahamak.“Vlad, may dalang pasalubong si Olie sa ‘yo,” sabi ni Arvin, hudyat iyon para lumapit si Olie sa harapan nila ni Vamilian.“Magandang araw, tito, magandang araw, Vlad.”Bahagya pang yumuko si Olie para magbigay galang kay Vam.
“Nasaan si Clymenus?” malamig na tanong ni Olie sa mga katulong nang makapasok sila sa bahay ng Baron. Lumabas si Cly sa kwarto niya nang marinig ang boses ni Olie ngunit agad na natigilan nang makita ang iba pang mga kasama nito. “Cly,” tawag ni Olie sa kaniya. “Come here,” Clymenus is aware of what’s happening at the moment. Lumapit si Cly sa kaniya at huminto sa harapan nito. “Hi tito, this is Clymenus,” nakangiting sabi ni Olie. Sinamaan ni Cly nang tingin si Vam at Vlad, kaya hindi makalapit sa kaniya ang dalawa sa takot na dakmain niya ito. “I am dissatisfied with that, hija,” sabi ni Vamilian dahil hindi siya kontento na lumapit lang si Cly sa tabi ni Olie. Napalunok si Olie, never in her life she treated Cly like a trash but right now, wala siyang ibang pagpipilian. “Cly, bend and kiss my foot,” Nanlaki ang mata ng lahat na nakarinig. Si Ceria na nagmamasid ay agad na kumuyom ang kamay, habang si Vamilian, Arvin, at Vladimir ay gulat na gulat. Sa k
Naiilang na minsan si Olie kapag tinitignan si Cly dahil bumabalik sa isipan niya ang paglapat ng labi niya sa labi nito. Isang linggo na siyang hindi masiyadong pumupunta sa kwarto ni Cly dahil hindi niya maintindihan ang sarili niya. Si Arvin naman ay nag out of town kaya panatag si Olie na magiging maayos lang si Cly. A friend, si Veins ay dumalaw sa kaniya ng hindi niya inaasahan. Isa si Veins sa kaibigan nila ni Vladimir. Si Veins iyong mald-ta pero hindi bully. "Why are you here, Veins?" taas kilay na tanong ni Olie. "Dad wanted me to visit you to give you this," napatingin si Olie sa Almond na bigay ni Veins. "Galing iyan sa dad mo, hindi pa siya makakauwi kaya pinapabigay niya sa'yo through dad. Anyway, can you give me water? Nauuhaw ako." Tumingin si Olie sa mga katulong at alam na nila ang gagawin. On the other hand, si Cly nakatingin sa kanila mula sa itaas at hindi siya napapansin ng dalawa. "Olie, what do you think of Vlad?" Tinabingi ni Cly ang leeg niya j
"I l-like O... Olie," mabilis na kumabog ang puso ni Olie nang sabihin iyon ni Cly.Mas lalo siyang natakot sa naging reaction niya. Ayaw niyang maramdaman na gusto niya ang sinasabi ni Cly. Nakakadiri para sa kaniya. Umatras siya dahilan kung bakit napatingin si Cly sa kaniya."I'm losing my mind," sabi ni Olie at agad na umalis para bumalik sa kwarto niya. Cly is 17 years old at siya naman ay 14. Normal lang bang magkagusto sa gaya niya? Tanong ni Olie sa sarili.Agad siyang naligo para mawala ang kakaiba at nakakadiring pakiramdam na naramdaman niya.Nang matapos si Olie maligo, naroon pa rin ang init ng dibdib niya. Namumula pa rin siya kapag naaalala ang sinabi ni Cly.Lahat iyon ay hindi bago sa kaniya kaya nagtataka siya bakit ganito na ang reaction niya. Cly told her that before, pero iba ngayon. Nagwawala ang puso niya ngayon.Ibinilin ni Olie sa mga katulong si Cly dahil ayaw niya itong puntahan ngayong gabi. Natulog siya kaagad, ngunit si Cly na kanina pa masama ang timpla
Another year have passed, Cly is now celebrating his 18th birthday with Olie and Olie on the other hand, Olie just had celebrated her birthday last week. Cly is still a hostage by the Baron family and Olie is still denying her feelings for Cly.Even so, hindi nagbago ang pakikitungo ni Olie kay Cly, at ini-enjoy naman ni Clymenus ang pagiging hostage niya. Sa lahat ng hostage, siya lang yata ang masaya. "Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" kanta ni Olie for him.Mula ng tumuntong si Cly sa bahay ni Arvin, it will always Olie ang lagi niyang nakakasama sa birthday celebration niya.Si Olie rin ang unang bumabati sa kaniya."Make your wish," nakangiting sabi ni Olie kay Cly.Cly blows the candle matapos niyang sabihin ang wish niya sa isipan niya."What's your wish?" tanong ni Olie. Hindi kasi sinatinig ni Cly that's why she's curious. "Be with Olie," diretso niyang sinabi na nagpatigil kay Olie. Agad siyang namula at
Cly is fuming mad. Pinagdiskitahan niya ang kawawang bedsheet niya na wala naman sanang ginagawa."Cly," tawag ni Ceria sa kaniya.But Cly did not listen. He's fantasizing to beat Vladimir."Lord Baron did not agree. May kailangan siya sa'yo so bakit ka niya papakawalan?" sabi ni Ceria. She's aware how spoiled Clymenus was no'ng buhay pa ang mga magulang nito, ngayon lang niya napagtanto kung gaano ito ka spoiled.Hindi niya aakalaing ganito ito magalit. If Arvin isn't here, baka nagulpi na ni Cly si Vlad na ikinatakot ni Ceria. She's wary about Olie, dahil after all, kinikilala ni Olie na ama si Arvin. Kaya bilang ate ni Cly, ayaw niyang magkagusto si Cly dito.Pero sa nakikita niya ngayon, mukhang nahuli na siya. Cause no matter how Cly denies his feelings for Olie, baliktad iyon sa pinapakita niya.NAGPAPADYAK naman sa inis si Olie dahil kanina pa siya nabi-bwesit kay Veins. Lumapit si Keith kaniya."Olie, nakita mo ba si Vlad?" kumunot ang noo ni Olie. "Hindi, bakit mo naman siya
Olie gritted her teeth when she stopped in front of Vladimir na kasalukuyang nakikipagkulitan kay Keith at Shells.Malakas na sinampal ni Olie si Vlad.Nasa garden sila ng campus, kaya walang masiyadong nakakita sa ginawa niya maliban kina Keith at Shells kasama ni Veins na nasa tabi at tahimik na nagbabasa."Olie!" React ni Shells."What did you do, Vlad?" hindi mapawi ang galit ni Olie. Nalaman niya kasi ang ginawa nito."I did it to save you,""To save me from whom? From Cly?" it's their first time makita si Olie na pulang pula dahil sa galit.Kumunot ang noo ni Vlad. "Why Olie? Anong nakakagalit sa ginawa ko? I just proposed to your dad na ako ang pakasalan mo. Is that bad?"Nanginginig si Olie sa galit kahit na kung tutuusin ay pabor sa kaniya iyon para ng sa ganoon, hindi na mapahamak pa si Cly. She just hated the idea that Vlad tried to get her. "Everything you did was wrong. Pwede ba Vlad, mind your own business? Hindi mo 'ko kailangan iligtas kay Cly. Kung ano man ang galit
Nang makatulog si Olie, bumangon si Cly at lumabas ng kwarto nila.Sinalubong siya agad ni Servino. "Sir, tumatawag si Buenito."Kinuha ni Cly ang phone na inaabot sa kaniya ni Servino. "Yes?""Where's my granddaughter?""My wife is sleeping now.""Ibalik mo sa akin ang apo ko Cly, hayop ka!"Ngumisi si Cly at agad na nagpunta ng veranda. Tinanggap niya rin ang sigarilyo na inaabot sa kaniya ni Servino."Mukhang may hindi tayo pagkakaunawaan dito. My wife is mine kaya bakit ko siya ibabalik?""Ibinalik ko lahat ng binigay ng ama mo kay Liam. Tumupad ka sa kasulatan. Inayawan ka na ni Olie.""Because she thought may matatakbuhan pa siya. Anyway, bakit hindi ka nalang manatili diyan sa Cyprus at hayaan mo na kami ng asawa ko? She's mine at wala akong planong ibalik siya diyan."Galit na galit na si Buenito. "Hintayin mong makauwi ako diyan. Baliw ka na. Hindi mo pag-aari ang apo ko at sa ayaw at sa gusto ko, kukunin ko si Olie." "Go and I'll welcome you. You're my wife's grandfather af
Nang tapos na mag-usap si Olie at Ceria, pumasok na ulit sa loob si Cly.Nakita niya si Olie na hawak hawak na ngayon ang second born ng kapatid niya."Wife!"Tumingin si Olie sa kaniya nang nakangiti. "Look at him. He's cute, right?""Yeah!" Sabi ni Cly. Sumulyap rin siya sa kapatid niya at nakita niya itong nakangisi sa kaniya.Lumapit siya kay Olie at dumungaw sa pamangkin niya. "What's his name, ate?""Carson." Si Olie ang sumagot.Ngumuso si Cly at kalaunan ay ngumiti nang makita niya kung gaano kaganda si Olie habang bitbit ang pamangkin niya.Nag-iimagine na tuloy siya na anak nila ang hawak ni Olie."He got Kiro's eyes but all in all, she's Cali's male version.""Proud ka na sa genes ko, Cly?" nakangising tanong ni Kiro sa kaniya.."Hindi pa rin. My niece and nephew got theirs looks sa kapatid ko."Mahinang natawa si Olie. Ngayon lang niya nakita si Cly na nakipagkulitan sa iba. Sa barko kasi, kahit kaibigan niya ang mga naroon, busangot lagi ang mukha niya. Doon na sila nagl
Sumakay na sila ng sasakyan. At habang nasa loob na sila ng sasakyan, nakita ni Olie si Cly na may inaatupag sa cellphone nito.Kumunot ang noo niya at pasimpleng nag-ayos ng buhok.‘Anong inaatupag niya sa phone niya?’ Nagtataka siya lalo na’t pansin niya na sobrang focus si Cly sa cellphone nito.Then, naalala niya bigla yung baby na nakita niya sa phone nito no’ng nasa barko pa sila.At dahil doon, nalukot ang mukha niya. “No’ng nasa barko pa tayo, naalala ko may tumawag pala sa’yo na baby ang pangalan.”Tumigil si Cly sa ginagawa niya at tumingin sa kaniya. Pagkaraan ng ilang minuto, agad niyang itinuko ang kamay niya sa upuan at nakaharap ang katawan kay Olie."Are you jealous baby?" tanong ni Cly na pinipigilan ang pagngiti."Nope. I'm just asking."Tumaas ang sulok ng labi ni Cly at bumaling muli ang tingin sa phone niya.Pakiramdam ni Olie ay para siyang napaparanoid. 'Bakit hindi mo ko sinasagot?'Agad niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ni Cly. "Who is she?"Halos isang
Magkahawak kamay silang lumabas ng kwarto nila. Ngumiti si Olie ng batiin siya ng mga katulong.Pagdating nila ng dining area, nakita ni Olie na maraming hinanda ang mga katulong para sa kaniya.Hindi na nga rin niya maitago ang ngiti sa labi niya dahil mainit ang pagtanggap sa kaniya ng lahat.“Cly, nakakahiya. Kung ituring nila ako ay para bang ako ang prinsesa nila.”“You are indeed a princess. But I prefer to call you a queen, my queen.”Namula si Olie at ngumuso. “Ang smooth ng banat na yun, Clymenus.”Mahinang natawa si Cly. “Ayaw mo ba sa mga banat ko?”“Para kang sira.” Natatawang sabi ni Olie.Umupo na sila sa mesa at agad siyang inasikaso ni Cly ng pagkain. Nilagyan nito ang kaniyang plato ng gusto niyang kainin.Indeed, she's HIS queen dahil ganoon siya pagsilibihan ni Cly. "So queen na talaga ako nito. So ikaw ba ang hari ko?" Tumikhim si Cly. "Your servant. You're a queen in the kingless castle. Mas gusto kong pagsilbihan ka." Pinagsingkitan siya ni Olie ng mata. Mga ba
Cly went to Vlad immediately. Halos hindi na maitago ang panginginig ng balikat niya sa tindi ng galit niya at kita iyon ng mga tauhan niya.Pagdating niya sa stable, agad niyang kwinelyuhan si Vlad.“Nananadya ka ba?”“Sir,”“Hindi ba sinabi ko to get rid of your face oras na umuwi kami ng asawa ko?”Tumingin si Vlad sa mukha niya.. Halo-halo rin ang emotion sa mukha ni Vladimir. “Hindi mo ba ‘to sinabihan Gin na umalis ng manor? I clearly said na ilipat siya ng ibang lugar.” Kausap ni Cly kay Gin na kasama niya. “None of us were aware na hindi pala siya umalis sir. Nagulat na lang kami ng tawagin mo siya kanina.”Bumalik ang attention at inis ni Cly kay Vlad. Wala siyang plano na tawagin ito kanina pero hindi niya inaasahan na makikita niya ito sa tabi ni Servino.Kaya agad niya itong pinaalis at pinapunta ng stable kesa maunahan pa siya ni Olie.“Anong ginagawa mo? Bakit hindi ka umalis?”“G-Gusto kong makausap si Olie.”Isang suntok ang agad na binigay ni Cly kay Vlad.“Anong sab
Pagkatapos nilang kumain ng street food, agad na silang umuwi sa bahay nila.Wala silang ibang ginawa ni Cly kun’di ang tumawa at magkulitan lang. Patunay na kahit wala sila sa isang fine dining restaurant e masaya pa rin sila.“Are you happy baby that you’re with me?” tanong ni Cly. Nasa loob na sila ng sasakyan ngayon at si Cly ay nakapulupot na ang kamay sa bewang ni Olie na parang ahas.“Yes. Namiss ko rin ang street food sa Pinas.”“Huwag ka ng umalis para lahat ng namiss mo e masubukan natin dalawa.”Dinungaw siya ni Olie at ngumiti bago tumango.Pagdating nila sa manor ni Cly, napaawang labi ni Olie nang makita kung gaano kalaki ang bahay ng mga Aguary.Mas malaki pa ito kesa sa bahay nila noon noong nasa manor pa siya ng Baron.“Cly, is this your house?”Kumunot ang noo ni Cly.“It’s our house.” Pagtatama niya at hinila na siya ni Cly papasok sa loob ng bahay.Agad sinalubong ng mga tauhan ni Cly si Olie at agad silang yumuko sa harapan nito na ikinalaki ng mata ni Olie..“What
“Cly, wait!” Gulat na gulat si Olie dahil bigla nalang sinakal ni Cly si Shells.“Bitiwan mo siya Cly!” Aniya habang nanlalaki ang mata.Agad na binitiwan ni Cly si Shells, pero si Shells ay napaubo na at hawak hawak ang leeg.Agad rin siyang namutla sa higpit ng pagkakasakal ni Cly sa kaniya.Agad niyang sinamaan ng tingin si Cly. “Hayop ka! Kahit kailan ay baliw ka!”Hinawakan ni Cly si Olie sa kamay. “Subukan mo lang na sirain ako kay Olie at baka hindi lang iyan ang aabutin mo.”“Umalis na tayo,” pakiusap ni Olie kay Cly at pinipilit siyang hilahin palayo.Si Cly ang umalis at tinangay niya si Olie palayo. Galit na galit siya habang palabas sila.“Cly!” Tawag ni Olie sa kaniya.Pero hindi siya nakinig hanggang sa makalabas na sila ng resto.Iniwan na rin nila ang pagkain nila sa table nila. “Cly, mag-usap tayo.”Tumigil si Cly at humarap kay Olie.“Ano yung narinig ko?” tanong ni Olie.“So what kung totoo? Magagalit ka sa akin?” Nakagat ni Cly ang labi niya at agad niyang kinuha
“OLIE HALLAZGO BARON,” bigkas ni Kallias sa pangalan ni Olie. Kaharap niya si Jed.“Bakit Baron ang gamit niya kung apelyido ng mama niya ang Baron?”“I heard Hallazgo talaga ang gamit niya doon sa Cyprus. Kaya lang siguro iba ang pakilala niya dito dahil may sistema sa upper class na ang gagamitin ay yung pangalan na mas maimpluwensya at makapangyarihan kaya siguro Baron ang last name niya.” Sabi ni Jed.“And I heard, mas mataas ang antas ng pangalan na Baron kumpara sa Hallazgo. At ka-level ng Aguary ang Baron sa yaman noon, so no wonder, pakilala ni Ms. Olie sa sarili niya ay Olie Hallazgo Baron.”Tumango si Kallias at pagkatapos ay napatingin kay Cly na kausap ngayon si Max.“And that guy was destined to marry his wife. You know what brute, Cly is silent but he’s really dangerous.”Napatingin si Jed sa kanilang doctor. “Paano mo nasabi?” “May nakapagsabi kasi sa akin na alam na pala ni Cly na nagsilabasan ang dikya nong gabi bago siya lumangoy sa dagat. But still, sumama pa rin si
“We need to leave,” sabi ni Cly.“Cly, bakit?” tanong ni Olie nang may pagtataka.Ramdam niya kasi na pinipisil ni Cly ang kamay niya tapos hindi rin niya alam bakit sila aalis.“Servino called. Ate Ceria was rushed to the hospital. Kailangan na nating bumaba ng barko at umuwi sa bahay.”Kumunot ang noo ni Olie. “Huh? Ate Ceria?” naroon ang gulat sa mukha niya.May natatandaan siyang Ceria ang pangalan pero katulong iyon.Natigilan naman si Cly at agad nanlaki ang mata nang marealize niya na hindi pala alam ni Olie na kapatid niya si Ceria.Tumingin si Cly sa kaniya. “Ahm… Baby, I f-forgot to tell this… She’s my half-sister.”Parang lumuwa ang mata ni Olie sa kaniyang narinig tapos yung mga ala-ala niya noong nasa bahay pa siya ng dad niya kung saan e pinagsi-selosan niya si Ceria at pinagbabawalan na lumapit kay Cly ay nagsibalikan na parang agos ng tubig sa talon.“Oh my God!” Ang sabi niya at napatakip pa siya ng bibig niya.Binawi pa niya ang kamay niya kay Cly at gusto na lang niy