Pagkadating ni Olie at ng dad niya sa bahay ni Vlad, una niyang napansin ang mga nakahilera nitong katulong na binabati sila.
“Welcome, Lord Baron, lady Olie,” sabay na sabi ng mga ito.
“Lord Etheus and the young master are waiting for you in the dining hall,”
Hindi nagkomento si Olie, walang expression ang mukha niya habang naglalakad sila papunta kina Vamilian Etheus at Vladimir Etheus.
“Vam,” tawag ni Arvin sa kaibigan.
“Arvin, napadalaw yata kayo bigla,” tumayo si Vamilian at binati siya pabalik.
“Nandito kami ng anak ko para dalawin si Vladimir,” sabay tingin ni Arvin kay Vlad na nakatitig naman kay Olie.
Walang nabaling buto sa kaniya, lihim na ikinahinga ng maluwag ni Olie dahil kapag napahamak si Vlad, alam niyang tiyak na si Cly ang lubhang mapapahamak.
“Vlad, may dalang pasalubong si Olie sa ‘yo,” sabi ni Arvin, hudyat iyon para lumapit si Olie sa harapan nila ni Vamilian.
“Magandang araw, tito, magandang araw, Vlad.”
Bahagya pang yumuko si Olie para magbigay galang kay Vam.
“Is that for my son, Olie?” tumango si Olie. Ang totoo, ginawa niya ang cake na dala niya na si Cly ang nasa isipan.
“Vlad,” mariing tawag ni Vam.
Lumapit si Vlad sa kanila at siya na mismo ang kumuha ng cake na dala ni Olie. “Thanks, Olie,”
Tumingin si Olie sa kaniya at tumango.
“Ah—ikaw katulong, pakisamahan muna ang mga bata dito dahil may mahalaga kaming pag-uusapan ni Arvin,” sabi ni Vamilian at umalis kasama ni Arvin.
Naiwan si Vlad at Olie kasama ng katulong.
“Prepare this cake for us and make it quick,” utos ni Vlad at saka binalingan si Olie.
“Let’s go to the garden?” aya niya. Olie nodded at sumunod sa kaniya kasi wala naman siyang choice kun’di pakisamahan siya.
Nang makaupo sila sa greenhouse ng Etheus, napirmi na ang paningin ni Olie sa mga bulaklak nila. “I made them,” pagyayabang ni Vlad, nanlaki ang mata ni Olie at bumaling sa kaniya.
“Really?” matutunugan ang pagkamangha sa boses nito.
“Yeah,”
Hindi akalain ni Olie na may good side din pala si Vlad. “By the way Olie, may party kina Veins. Punta ka?”
Ah. Party with the brats. Naisip agad ni Olie.
Kung makarating sa dad niya ang tungkol sa party, wala siyang magagawa kun’di ang pumunta dahil pipilitin siya ni Arvin na makipagkaibigan sa mga taong ayaw niya sanang maging kaibigan.
“Titignan ko Vlad,”
Tinitigan siya ni Vlad sa mga mata. “You know what Olie, I know you grew up being a peasant but you’re a Baron now, you have a life of a princess, isn’t that right to act like one?”
Naitikom ni Olie ang labi niya, hindi nagustuhan ang tabas ng dila ni Vlad. Gaya ng sabi niya, pinalabas ng dad niya na anak siya nito sa isa sa naging babae niya dati, to be exact, naanakan nito ang babaeng prosti.
“You should go and stop talking to me if I am peasant to you, Vlad,”
“Why are you so cold to me, Olie? Bakit mas mabait ka sa baliw doon sa bahay niyo?” sandaling natigilan si Vlad at maya-maya pa ay nginisihan si Olie.
“Unless may crush ka sa baliw na ‘yon?” nanlaki ang mata ni Olie, but that lasted only for 2 seconds. Agad siyang tumawa bagay na ikinagulat ni Vladimir.
“Sinong matino ang magkakagusto doon, Vlad?”
Kumunot ang noo ni Vlad.
“Son, Olie is right. Sa ganda niya at yaman na meron siya, bakit siya pupulot ng lalaking wala sa tamang pag-iisip?” natigilan ang dalawa nang marinig ang boses ni Vamilian sa likuran nila.
Napalingon si Olie kay Vam at namataan ang daddy niya na nakatitig sa kaniya. Napamura siya ng wala sa oras.
“My daughter is intelligent, Vam. She knows what she’s doing. That Aguary is just her pet,” sabi ni Arvin.
“I heard no’ng unang sulpot no’n sa inyo Arvin, ay halos hindi niyo makontrol ang baliw na iyon?”
Tumawa si Arvin.
“Yeah. Surprisingly, that beast is not a joke, halos hindi malapitan dahil napakabayolente but Olie managed to tame him.” Pagmamayabang ni Arvin.
“What a jackpot, man. Mukhang pati ang yaman ng Aguary ay mapupunta sa ‘yo oras na ipakasal mo si Olie at ang batang iyon,”
Napatingin si Vlad kay Olie, hindi alam ng iba ang tungkol sa plano ni Arvin except the Etheus dahil magkasangga lagi si Arvin at Vamilian.
Mas lalong bumibigat ang loob ni Olie habang nakikinig sa matatanda.
Tumingin si Vamilian kay Olie at ngumiti. “Don’t worry hija, hindi naman maaapektuhan ang image mo. Sikreto ang wedding mo doon sa batang Agaury kaya walang makakaalam. Oras na nakuha na ng dad mo ang yaman nila, pwede mo ng e annul ang kasal niyo kaagad at magpakasal ulit sa ibang lalaking galing sa kilalang pamilya.”
Kung masama lang sana ang ugali ni Olie, sasaya sana siya sa planong iyon pero hindi. Halos hindi na nga niya kayang sikmurain ang lahat ng naririnig.
Pero dahil nasa likuran ni Vamilian Etheus ang dad niya, napilitan siyang ngumiti.
“You know what, I wanna see that boy. Gusto kong makita kung talaga bang napaamo na iyon ni Olie,” masayang sabi ni Vam na para bang isang exotic animal si Clymenus na inaalagaan ng pamilyang Baron.
Kinabahan si Olie, tutol ang isipan at puso niya pero ang lumabas sa bibig niya ay, “that would be great tito. You’ll be surprise for sure. My pet follows my order kahit ano pa ang iutos ko.”
Napahanga ni Olie si Arvin at Vam, ngumisi naman si Vlad sa likuran niya.
“Gusto ko ring makita, dad. Gusto kong balian ng buto ang daliri no’ng baliw dahil sa ginawa niya sa akin,”
Agad na nanlaki ang mata ni Olie at nilingon si Vladimir. “DON’T YOU DARE, VLADIMIR!” Napakalakas ang boses niya kaya natigilan ang lahat, ultimo ang katulong na maglalagay sana ng cake sa lamesa malapit sa kanila.
“Olie,” tawag ni Arvin, nagulat sa reaction nito.
“I’m sorry dad but if Vlad will hurt Cly, he will surely ruin your plan.” Palusot ni Olie at humarap sa dalawa.
“Mahirap paamuin si Cly. Kung sasaktan siya ni Vladimir, hindi na iyon lalapit sa akin at hindi na iyon susunod sa lahat ng gusto ko. Mahihirapan tayo.”
“Olie is right, Vlad,” sabi ni Vam sa anak habang may kakaibigang titig kay Olie.
“Just wait until the Baron can get his wealth saka mo balian ng buto ang batang kulang sa pag-iisip na ‘yon. I’m sure wala na iyong kaso kay lady Olie, tama ba ako hija?”
Nilabanan ni Olie ang takot niya at marahang ngumiti kay Vamilian.
“Yes tito, kahit anong gawin niyo sa kaniya matapos makuha ni dad ang yaman niya ay ayos lang. Wala akong pakialam sa b-baliw na iyon.” She answered while her hands inside the pocket were shaking.
Hi guys.. This is your Ms. A.. Mag-iwan lagi ng komento. I appreciate it if you do. That's also a big help to me
“Nasaan si Clymenus?” malamig na tanong ni Olie sa mga katulong nang makapasok sila sa bahay ng Baron. Lumabas si Cly sa kwarto niya nang marinig ang boses ni Olie ngunit agad na natigilan nang makita ang iba pang mga kasama nito. “Cly,” tawag ni Olie sa kaniya. “Come here,” Clymenus is aware of what’s happening at the moment. Lumapit si Cly sa kaniya at huminto sa harapan nito. “Hi tito, this is Clymenus,” nakangiting sabi ni Olie. Sinamaan ni Cly nang tingin si Vam at Vlad, kaya hindi makalapit sa kaniya ang dalawa sa takot na dakmain niya ito. “I am dissatisfied with that, hija,” sabi ni Vamilian dahil hindi siya kontento na lumapit lang si Cly sa tabi ni Olie. Napalunok si Olie, never in her life she treated Cly like a trash but right now, wala siyang ibang pagpipilian. “Cly, bend and kiss my foot,” Nanlaki ang mata ng lahat na nakarinig. Si Ceria na nagmamasid ay agad na kumuyom ang kamay, habang si Vamilian, Arvin, at Vladimir ay gulat na gulat. Sa k
Naiilang na minsan si Olie kapag tinitignan si Cly dahil bumabalik sa isipan niya ang paglapat ng labi niya sa labi nito. Isang linggo na siyang hindi masiyadong pumupunta sa kwarto ni Cly dahil hindi niya maintindihan ang sarili niya. Si Arvin naman ay nag out of town kaya panatag si Olie na magiging maayos lang si Cly. A friend, si Veins ay dumalaw sa kaniya ng hindi niya inaasahan. Isa si Veins sa kaibigan nila ni Vladimir. Si Veins iyong mald-ta pero hindi bully. "Why are you here, Veins?" taas kilay na tanong ni Olie. "Dad wanted me to visit you to give you this," napatingin si Olie sa Almond na bigay ni Veins. "Galing iyan sa dad mo, hindi pa siya makakauwi kaya pinapabigay niya sa'yo through dad. Anyway, can you give me water? Nauuhaw ako." Tumingin si Olie sa mga katulong at alam na nila ang gagawin. On the other hand, si Cly nakatingin sa kanila mula sa itaas at hindi siya napapansin ng dalawa. "Olie, what do you think of Vlad?" Tinabingi ni Cly ang leeg niya j
"I l-like O... Olie," mabilis na kumabog ang puso ni Olie nang sabihin iyon ni Cly.Mas lalo siyang natakot sa naging reaction niya. Ayaw niyang maramdaman na gusto niya ang sinasabi ni Cly. Nakakadiri para sa kaniya. Umatras siya dahilan kung bakit napatingin si Cly sa kaniya."I'm losing my mind," sabi ni Olie at agad na umalis para bumalik sa kwarto niya. Cly is 17 years old at siya naman ay 14. Normal lang bang magkagusto sa gaya niya? Tanong ni Olie sa sarili.Agad siyang naligo para mawala ang kakaiba at nakakadiring pakiramdam na naramdaman niya.Nang matapos si Olie maligo, naroon pa rin ang init ng dibdib niya. Namumula pa rin siya kapag naaalala ang sinabi ni Cly.Lahat iyon ay hindi bago sa kaniya kaya nagtataka siya bakit ganito na ang reaction niya. Cly told her that before, pero iba ngayon. Nagwawala ang puso niya ngayon.Ibinilin ni Olie sa mga katulong si Cly dahil ayaw niya itong puntahan ngayong gabi. Natulog siya kaagad, ngunit si Cly na kanina pa masama ang timpla
Another year have passed, Cly is now celebrating his 18th birthday with Olie and Olie on the other hand, Olie just had celebrated her birthday last week. Cly is still a hostage by the Baron family and Olie is still denying her feelings for Cly.Even so, hindi nagbago ang pakikitungo ni Olie kay Cly, at ini-enjoy naman ni Clymenus ang pagiging hostage niya. Sa lahat ng hostage, siya lang yata ang masaya. "Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!" kanta ni Olie for him.Mula ng tumuntong si Cly sa bahay ni Arvin, it will always Olie ang lagi niyang nakakasama sa birthday celebration niya.Si Olie rin ang unang bumabati sa kaniya."Make your wish," nakangiting sabi ni Olie kay Cly.Cly blows the candle matapos niyang sabihin ang wish niya sa isipan niya."What's your wish?" tanong ni Olie. Hindi kasi sinatinig ni Cly that's why she's curious. "Be with Olie," diretso niyang sinabi na nagpatigil kay Olie. Agad siyang namula at
Cly is fuming mad. Pinagdiskitahan niya ang kawawang bedsheet niya na wala naman sanang ginagawa."Cly," tawag ni Ceria sa kaniya.But Cly did not listen. He's fantasizing to beat Vladimir."Lord Baron did not agree. May kailangan siya sa'yo so bakit ka niya papakawalan?" sabi ni Ceria. She's aware how spoiled Clymenus was no'ng buhay pa ang mga magulang nito, ngayon lang niya napagtanto kung gaano ito ka spoiled.Hindi niya aakalaing ganito ito magalit. If Arvin isn't here, baka nagulpi na ni Cly si Vlad na ikinatakot ni Ceria. She's wary about Olie, dahil after all, kinikilala ni Olie na ama si Arvin. Kaya bilang ate ni Cly, ayaw niyang magkagusto si Cly dito.Pero sa nakikita niya ngayon, mukhang nahuli na siya. Cause no matter how Cly denies his feelings for Olie, baliktad iyon sa pinapakita niya.NAGPAPADYAK naman sa inis si Olie dahil kanina pa siya nabi-bwesit kay Veins. Lumapit si Keith kaniya."Olie, nakita mo ba si Vlad?" kumunot ang noo ni Olie. "Hindi, bakit mo naman siya
Olie gritted her teeth when she stopped in front of Vladimir na kasalukuyang nakikipagkulitan kay Keith at Shells.Malakas na sinampal ni Olie si Vlad.Nasa garden sila ng campus, kaya walang masiyadong nakakita sa ginawa niya maliban kina Keith at Shells kasama ni Veins na nasa tabi at tahimik na nagbabasa."Olie!" React ni Shells."What did you do, Vlad?" hindi mapawi ang galit ni Olie. Nalaman niya kasi ang ginawa nito."I did it to save you,""To save me from whom? From Cly?" it's their first time makita si Olie na pulang pula dahil sa galit.Kumunot ang noo ni Vlad. "Why Olie? Anong nakakagalit sa ginawa ko? I just proposed to your dad na ako ang pakasalan mo. Is that bad?"Nanginginig si Olie sa galit kahit na kung tutuusin ay pabor sa kaniya iyon para ng sa ganoon, hindi na mapahamak pa si Cly. She just hated the idea that Vlad tried to get her. "Everything you did was wrong. Pwede ba Vlad, mind your own business? Hindi mo 'ko kailangan iligtas kay Cly. Kung ano man ang galit
"Hindi ako pumasok sa school, Cly. Nasa kwarto lang ako buong maghapon." 'Why you didn't tell me?' Cly wanted to ask that pero hindi na niya naisatinig dahil kinakain pa rin siya ng pag-aalala niya. "I'm sorry if I didn't tell you that. Masama kasi ang pakiramdam ko at ayaw kitang mag-alala." Sabi ni Olie na para bang nabasa niya ang nasa isipan niya. Tumingin si Olie sa get up ni Cly at mahinang natawa. She finds it amazing while looking at Cly, wearing a cap and a thick gray jacket."Cly is so handsome," namula siya sa sinabi ni Olie sa kaniya. Lagi na siyang napupuri sa itsura niya noon but it's different no'ng si Olie na ang nag compliment. "Pero mahaba na ang buhok mo. Saturday bukas, gusto mo bang ipagupit natin ang buhok mo?" Thinking na aalis silang dalawa, mas lalo siyang pinamulahan ng pisngi. Tumango siya na parang bata. "Kumain ka na?" tanong ni Olie. Tumango siya ulit. Halos hindi siya makapagsalita at gusto nalang gawin lahat ng gustong ipagawa ni Olie sa kaniya. "
“M-Monster,” takot na takot na sabi ni Vlad habang nakatitig kay Cly na nakangisi sa kaniya. “I am.” Cly said na para bang sanay na siya na makarinig ng ganoon. “L-Let go of my cousin,” tumingin si Cly sa salawal ni Vlad at ngumisi. “Afraid of me? You should be,” malamig na sabi niya. “I’m warning you to stay away from Olie,” walang biro na sabi niya. Matagal na siyang nagpipigil. Kahit pa matanda siya ng dalawang taon kay Vlad, wala pa rin siyang pakialam. He’s marking what’s his. And Olie is his. Hindi mapigilan ni Vlad na umiyak. He never felt this kind of feeling, tipong napahiya at takot na takot sa taong minsan na niyang tinignan na mababa. “Anong binabalak mo? Why are you doing this? Makakarating ito kay tito Arvin,” Tumawa si Cly. “Cly? Where are you?” naririnig na nila ang boses ni Olie na hinahanap siya. Tumingin si Cly kina Vlad. “Kaya kong patayin ang pinsan mo kung gusto ko. After all, hindi ako makukulong.” Agad na naintindihan ni Vlad ang ibig sabihin ni Cly.
“Please… please… please…” ang salitang paulit ulit na sinasabi ni Olie habang nanginginig ang kamay niya at naghihintay sa resulta ng pregnancy test.Hindi na siya dinatnan at malakas ang kutob niya na nagdadalang tao na siya.“Olie.” Naririnig niya ang boses ni Ceria. “Sabi ni sir Buenito, kanina ka pa raw sa CR. Ayos ka lang ba?”“Yes ate. Sandali lang.”Bumaling siya ulit sa pregnancy test.“Please, magpositive ka… Magpositive ka…”Pumikit siya at taimtim na dinalangin na sana ay magpositive ang resulta. Nang sa tingin niya ay may result na, doon na niya binuksan ang mga mata niya.“YEEEEEES!!!” Napasuntok pa siya sa ere at agad na binuksan ang pinto.Naabutan niya si Ceria na nag-aalalang tumingin sa kaniya. “Olie, what happened?”“Ateeeee, I’m pregnant!”Namilog ang mata ni Ceria. “Seryoso ba?”Agad pinakita ni Olie ang pregnancy test niya at sabay silang tumili ni Ceria.“CONGRATULATIONS OLIEEEE!!”Sa tuwa pa niya e sumayaw na siya at nagtutumalon. “I’m pregnant… I’m pregnant…”
“Finally, nakauwi na rin si Samantha.” Emotional na sabi ni Buenito. Itinabi nila si Samantha kung nasaan si Liam.“Yes lo. Sana masaya na si mama ngayon.” At yumakap si Olie sa lolo niya.Malungkot man para sa kaniya na hindi niya man lang nakasama ang dalawang mahal niya sa buhay, masaya pa rin siya ngayon dahil kahit papaano na nakauwi na ang mama niya sa tahanan nito.“Wife.” Sabay sila napatingin kay Cly na nakalahad ang kamay sa harapan niya.“Let’s go?”Tumango siya at binigay niya ang kamay niya dito. “Tara na lo.” Pag-aya niya sa lolo niya.Tumango si Buenito at sumunod sa kanila. Tumingin siya kay Cly na nasa kay Olie ngayon ang buong attention.Huminga siya ng malalim.Kung siya lang talaga ang papipiliin, mas gusto niyang sa Cyprus nalang sila ng apo niya at ipagpatuloy ang buhay nila, pero hindi niya aakalain na matapos makita ni Cly si Olie, e mababago agad ang isipan ng apo niya.Marami pa siyang gustong itanong kay Cly, isa na doon sa kung nasaan ngayon si Arvin.Pero
Umiiyak si AJ habang nakayakap sa mama niya, ang apat naman e nakayakap sa hita ni Cly. Kanina pa sila nakayapos, walang plano na humiwalay. “Bakit pa kasi kayo uuwi tito?” tanong ni BJ na kulang nalang ay iiyak na.“Dito nalang kayo ni tita Olie, please…” Napatingin si Cly kay Olie na ngayon e hindi alam paano sosolbahin ang kinakaharap nilang konting suliranin.Aalis na sila maya-maya, pero ang lima, paggising pa lang, naiiyak na. Si AJ ang literal na umiyak, nagpipigil lang yung apat.“But we need to go home kasi naroon na sa bahay ang lolo ni tita Olie at miss na siya ng lolo niya.” “Papuntahin na lang po natin sa bahay ang lolo ni tita.” Sabi ni AJ na karga ni March. Huminga ng malalim si Cly. Kahit siya nahihirapan. Nong una lang, inis na inis siya sa apat pero ngayon, parang ayaw na rin niya umuwi.Kahit pa makukulit ang quintuplet, alam niyang mamimiss niya ang mga ito. Humigpit ang pagyakap sa kaniya ni DJ. “Tito, please stay with us. Please… please… huwag na kayo umuwi
The sorrow and pain was plastered on Olie’s face while Cly handed her the urn.Akala niya ay hindi siya iiyak pero nagkamali siya. Iiyak pa rin pala talaga siya. Masiyadong malambot ang puso niya, nasasaktan siya na hindi man lang niya nasilayan muli ang mama niya.Cly kissed her head, whispering sweet words hoping na maging maayos ang pakiramdam nito kahit papaano.“Olie,” agad na lumapit si March sa kaniya at niyakap siya.“Ate, bakit ganto ang buhay ko? Hindi ko man lang nakita muli si mama. Hindi ko man lang nasabi sa kaniya na galit ako sa kaniya, na naiinis ako, na mahal ko siya.”Hinahagod ni Marcha ng likuran niya.“Shh… Sabihin mo lang ang gusto mong sabihin, Olie. Makikinig si ate sayo.”“I am hurt and so disappointed ate. Hindi ko man lang… Hindi ko man lang naranasan magkaroon muli ng isang ina. Pakiramdam ko e ang malas malas ko.”“Olie, don’t say that. Hindi ka malas.”“But that’s what I felt, ate. Namatay ang mga magulang ko. Namatay si mama para sa akin. Pakiramdam ko e
Kinagabihan, habang nagpupunas ng buhok si Cly, tumayo si Olie para lumapit sa kaniya.“Cly.”He stopped para lang tignan si Olie. At hindi niya alam bakit ang nakikita niya sa mata nito ang lungkot.“What happened? May nangyari ba sa lakad niyo kanina?” tumayo siya. He let her go with March, thinking na mag-eenjoy ito.“Wala naman. Naging maayos naman ang lakad namin ni ate March kanina kasama ni AJ.”Kinuha ni Cly ang kamay niya at iginiya siya para maupo sa kaniyang kandungan. “Then why are you sad?”“I have a feeling na ako ang rason bakit tayo nagpunta dito. May I know kung ano yun?”“Sinabi ba ni March sayo?”Tumango siya. “But not entirely. Ano bang rason na nagpunta tayo dito Cly?”Napatigil si Cly, contemplating whether to tell the reason now or ipagpabukas na lang. In the end, natanto niya na hindi niya kaya maglihim sa asawa niya. Kaya hinawakan niya ang kamay ni Olie and his heart is beating faster for he doesn’t know kung anong magiging reaction nito.“Nahanap na namin an
“They are not kids.” Medyo naiinis na sabi ni Cly habang nakatingin sa apat na anak na lalaki ni Rod na ngayon ay pinapalibutan si Olie.Ngumiwi naman si Rod at napatingin rin sa mga anak niya. “Anong tingin mo sa mga anak ko? Mga setenta anyos na nasa katawan ng bata? Hindi mo ba nakikita? They are cute and adorable.” Ang mukha ni Rod e mukha ng amang tuwang tuwa sa kaniyang mga anak at mukha ng taong lahat gagawin anumang hilingin ng mga ito.“You’re saying that because they are your sons. But look at them, pinopormahan nila ang asawa ko.”Napahawak si Rod sa kaniyang baba na para bang hinahagod niya ang kaniyang balbas kahit wala naman siya non at pilyong sinulyapan muli ang apat.“Ohh… My sons are making me proud. They are still young but they know how to intimidate their enemy.”Napanganga si Cly. Pakiramdam niya e nagmana ang apat kay Rod. Imbes suwayin ang mga ito, nagbitaw pa ito ng salita na siya ay proud.“Are you even serious?”Tumawa si Rod. “Hayaan mo na sila. Mga bata lan
“Ate, I didn’t know you would end up with the father of your kids.”Mahinang natawa si March.“Naku Olie, ang daming nangyari na maski ako hanggang ngayon e hindi ko pa rin makapaniwala.”Ngumiti si Olie. Right now, kitang kita naman niya sa mukha ni March na sobrang saya nito.She’s glowing and extremely happy.“But I’m happy ate. Happy ako na naging okay kayo ng ama ng quintuplets at sino mag-aakala na magkaibigan pala sila ng asawa ko.”Parang kinilig si March sa sinabi ni Olie. Tumingin siya sa gawi ni Cly at Rod na nag-uusap hindi kalayuan sa kanila.“Oo nga at ang gwapo pala ng asawa mo ah.”Napangiti si Olie. “Sobra ate,” proud na proud na sabi niya. “Saka pati si kuya Rod, gwapo ate. Expected kasi ang ga-gwapo ng mga anak niyo.”“Ay oo naman…” Sabi ni March ng nakangiti.Tapos napatingin si Olie sa quintuplets na malalaki na. Nasa gilid ang mga ito, ang tatahimik at nakatingin sa kaniya.“Ate, ang lalaki na nila. Hindi pa rin ako makapaniwala. Parang kailan lang e ang liliit pa
“Cly, kaninong bahay ito?” tanong ni Olie habang nakatingin sa malaking bahay na pagmamay-ari ni Rod Chavez.“Sa kaibigan ko..”“Ang dami mo namang kaibigan.”Mahinang natawa si Cly at kinuha ang kamay ni Olie saka pinagsiklop sa kaniya. "Perks of being a member no'ng cruise ship. Rod is a friend of ours dahil yung asawa niya ay kapatid ni Clark. Isa sa founder ng barko.”Tumango si Olie. Hindi lahat nameet niya pero narinig na niya ang tungkol sa founder ng ship of temptation.At ilang ulit na rin niyang narinig ang tungkol kay Clark mula kay Peres. “Ayos lang ba sa kanila na makitulog tayo sa kanila?”“Yes.. Tinawagan ko na siya kahapon.”They can afford sa hotel, but Cly wanted Olie to bond Rod's wife. Gusto niyang mapalapit ito sa mga asawa ng kaibigan niya ng sa ganoon, hindi lang si Floyen at Peres ang kaibigan nito. He heard na mabait si March Yana. Nakita na niya ito pero hindi pa sila kailanman nakapag-usap. Pipindutin na sana ni Cly ang door bell nang magbukas una ang gat
Seryoso ang mukha ni Cly habang pauwi na sila ni Olie. Nasa eroplano sila, naghihintay na lang na makababa.Isang linggo sila nanatili sa Cyprus, nagsilbi iyong bakasyon nila dalawa or honeymoon to be exact.Lahat ay maayos. Wala silang problema maliban nalang no’ng bago umalis sila ni Olie.While Olie was preparing their things, nakareceive si Cly ng mensahe galing kay Gin na nahanap na nila ang kaniyang pinapahanap.And now, hindi niya alam kung anong magiging reaction ni Olie mamaya oras sabihin niya ang tungkol sa bahay na iyon.Nang makababa na sila ng eroplono, pansin ni Olie ang pananahimik ni Cly sa tabi.“You okay, Cly?” she asked.“Yes, I am okay..”“Ang lalim ng iniisip mo.”Huminga ng malalim si Cly at humarap sa kaniya. “Your lolo is in our house pero gusto pa sana kita dalhin sa ibang lugar kung ayos lang sayo.”Kumunot ang noo ni Olie. “Sa ibang lugar?”“Yes.. Sa ibang lugar.”“Saan naman yan?”“To my friend’s place.”“Okay… Tatawagan ko na lang si lolo na matatagalan ta