Share

Never Say Goodbye
Never Say Goodbye
Author: IceOnMyEyes

Prologue

Author: IceOnMyEyes
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Hindi ko maiwasan mapangiti habang nakatingin ako kay Andrew habang siya ay tumutugtog ng gitara. 

Sa kanyang maamong mukha, sa kanyang buhok na magulo at halos maabot na ang kanyang singkit na mata, sa kulay puting school uniform na suot niya, sa kanyang pulang labi na hindi pa nakakatikim ng kahit anong beauty product, masasabi kong siya na ang lalakeng nakatakda para sa buhay ko. 

Kinilig ako bigla sa naisip ko. Napaka guwapo  talaga niya kahit saang anggulo ko man siya pagmasdan. 

Mula sa pinagtataguan ko sa likod ng pintuan ng rooftop ay iniiangatan kong huwag gumawa ng kahit anong ingay na maaaring magbigay ng senyales para malaman ni Andrew na sinusundan ko siya. 

Actually, kilala naman namin ang isa't-isa at nakakapag-usap kami, pero simula nang mas lumala ang pagtingin na mayroon ako sa kanya ay hindi ko na kayang makipag-usap sa kanya ng matagal. Pakiramdam ko ay ngumingiti ako ng kusa sa tuwing mapapatitig ako sa kanyang mga mata. 

Bakit kaya hindi pa rin naalis si Andrew? Malapit pa naman nang magsimula ang klase. 

Hindi na bale. Masaya naman akong pagmasdan sa malayo si Andrew. 

I giggled because of my idea. 

Natuon ang atensyon ko sa kanya ng husto nang magsimula na ring kumanta si Andrew. Sa bawat patugtog niya ng gitara at sa bawat awit niya ng mga kataga, pakiramdam ko ay mas lalong lumalambot ang puso ko sa kanya. 

Sa sobrang tuwa ko ay tumalon ako, pero hindi ko inaasahan na maaapakan ko pala ang isang plastic bottle na naging dahilan para magkaroon ng mahinang ingay. 

Kahit mahina ito ay dinig na dinig pa rin dahil sa sobrang tahimik ng paligid. Ang tanging naririnig lang ay ang boses niya at ang tugtog ng gitara. 

Nataranta ako bigla at tinakpan ko ang aking bibig. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin ko. 

May mas lalala pa ba sa sitwasyon ko? Waah!

Tumigil sa pag-strum ng gitara si Andrew. Nagpalinga-linga siya sa kanyang paligid. 

Halos itigil ko na rin ang paghinga ko para lang hindi makita o mapansin ni Andrew ang lugar na pinagtataguan ko. 

Nakarinig ulit kami ng mahinang pagkaluskos malapit sa direksyon ko kaya dumoble pa ang kaba na nararamdaman ko, pero nakahinga ako ng maluwag nang may sumulpot na isang puting pusa at nagpakita kay Andrew. 

Tumaas ang isang kilay ni Andrew, pero kalaunan ay sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi. 

"It's you, kitten." He giggled and walked towards the cat direction.

Libo-libong pasasalamat ang binubulong ng isipan ko sa pusa dahil nakaligtas ako kay Andrew. I deeply sighed in relief. 

Kinarga ni Andrew ang pusa at bumalik siya sa inuupuan niya kanina. 

S'yempre, hinding-hindi ko makakalimutan ang isang katangian na nagustuhan ko kay Andrew. Isa siyang animal lover. College student na kami kaya halos lahat ng tungkol kay Andrew ay alam ko na. Elementary pa lang kasi kami ay kilala ko na siya. I mean, kilala na namin ang isa't-isa. 

Well, hindi lang naman kaming dalawa ang matagal nang magkakilala. May isang tao pa at siya siguro ang dahilan kung bakit nakuntento na lang ako sa pagsulyap lang kay Andrew. 

"Kitten, where did you come from? Are you lost?" Andrew patted the head of the cat while smiling. 

I wish I was the cat, atleast. 

Hindi ko tuloy maiwasan mapangiti ng malawak. Minsan ko lang kasi makita ang isang tunay na ngiti sa labi ni Andrew at ang minsan na 'yon ay hindi pa niya napapakita sa 'kin sa tuwing kaharap niya ko. 

Hindi naman sa peke ang pakikitungo sa 'kin ni Andrew kumpara sa isang taong tinutukoy ko kanina. Mas nakikita ko ang abot tainga niyang ngiti kapag 'yon ang kasama ni Andrew. 

Sino ba naman ako para ngumiti siya katulad ng gusto ko? 

Tumunog na ang bell ng campus, pero wala pa rin balak tumayo si Andrew at magtungo sa klase niya. Para ngang may inaasahan pa siyang dumating dahil panay din ang tingin niya sa pintuan ng rooftop. 

Nakakaramdam na ko ng pangangalay dahil magiging isang oras na kong nakatayo dito sa pinagtataguan ko. Mukhang hindi pa a-attend ng klase si Andrew. Bakit kaya?

Bumuntong hininga ako ng malalim. Mas ayos na siguro ito para mas matagal ko pa siyang matitigan. 

Nakarinig ako bigla ng mga yabag malapit sa pinagtataguan ko. Yon pala ay may pumasok sa rooftop at dumiretso agad sa direksyon ni Andrew. 

I saw a beautiful and innocent smile coming from Andrew after he saw that woman. The woman slightly smiled back to him. They kissed each other towards after they crossed each other. Then, they both sat next to each other. 

"I'm glad, you came."

"Of course. I can't disapoint the man I love."

"I love you, Samantha." 

Sa isang iglap ay parang piniga ang puso ko dahil sa aking nakita. Lumabas ang luha sa mga mata ko nang hindi ko namamalayan. 

I have a positive mind to him, but why do my heart feels like wants to give up?

Sa kabilang banda, hindi na bago para sa 'kin ang nakita ko. Pakiramdam ko nga ay unti-onti na kong nasasanay kahit na wala akong plano na manatili na lang na ganito. 

Hindi na bale. Alam ko naman na ilang taon na lang din ay makakamit ko na rin ang gusto ko. 

Mapupunta na rin sa akin si Andrew.  

Umupo ako sandali dahil parang bigla akong nawalan ng lakas para titigan sila. Parang bigla nilang kinuha ang lahat ng lakas na natitira sa 'kin.

They are both talking to each other, laughing as if they are the only human living in this world.

Why the world so harsh to me? 

Ako ang bida sa sariling kuwento ng buhay ko, pero sa aming tatlo ay ako ang nagmumukhang kontrabida. 

Pakiramdam ko ay kinamumuhian ako ng mundo dahil sa pagmamahal na nararamdaman ko kay Andrew. 

Bakit? Dahil kaya pinagpipilitan ko ang sarili ko sa isang tao? Dahil pinaglalaban ko pa rin ang nararamdaman ko? 

Siguro nga ako ang kontrabida sa storyang ito. 

I have nothing to do, anyway. Samantha Flores. She's his girlfriend. She is the one who owned his heart. 

Related chapters

  • Never Say Goodbye   Chapter 1

    Rhianna's POV.Napaupo ako sa aking kama at nag-aalalang tumitig sa hawak kong cellphone. Nasaan na naman kaya si Drew? Gabi na pero hindi pa siya dumadating sa bahay. Sobrang nag-aalala na ko sa kanya. Muli ko siyang tinawagan at sa wakas ay sinagot na rin niya ang tawag ko."Hello?" Mahahalata pa sa aking tinig ang pag-aalala sa kausap."[Then, what will be going to happened to us? Matatapos na lang ba tayo basta-basta?]""[No. We will keep our relationship. You know that I don't care about her. I can't even tell her name. You are my love and not her so let's stay, please...]""[But, you are her husband.]""In the paper, yes but you are the one I love.]"I also heard a deep sigh on the line."[Then let's stay. I love you, Drew.]""[I am many more loves you, babe.]"

    Last Updated : 2024-10-29
  • Never Say Goodbye   Chapter 2

    Rhianna's POV."Hmm... What's that smell? It's smell like a coffee."Kinabahan ako bigla sa sinabi ni Tita Martha. Nagpalinga-linga siya sa paligid.Mas'yado kasi akong nagmadali. Hindi ko tuloy nalinis muna ang sarili ko. Nagpalit lang ako ng damit.Tumingin si Drew sa 'kin ng masama kaya mas lalo akong nakaramdam ng kaba."Ah, maybe our maid poured the coffee. Wait. I will check." I smiled to Tita Martha and go to our kitchen. I didn't even wait for her response.Palakad-lakad lang ako sa loob ng kusina at hindi malaman ang gagawin.Pagkalipas ng ilag minuto ay hindi ko namalayang sumunod na rin pala si Drew sa akin. Hinawakan niya ko bigla sa braso ng mahigpit."Ouch! Drew, it's hurt." Pinilit kong inaalis ang kamay niya sa braso ko."Masakit? Masakit ba? Kulang pa 'yan sa ginawa mong katangahan kanina?! Paano kung nalaman ni Mom ang nangyari? Eh 'di ako ang malalagot?!" Mas lalo niyang hinigpitan an

    Last Updated : 2024-10-29
  • Never Say Goodbye   Chapter 3

    Rhianna's POV.Sa pagmulat ng aking mata ay mas naging malinaw sa akin ang amoy ng paligid at ang pangalan ng lugar na kinalalagyan ko ngayon, pero kahit anong pilit ko sa pag-alala ay hindi ko matandaan kung bakit ako nandito."Rhianna? Gosh! Thank, god! You're already awake. Are you okay? Tell me."Lumingon ako sa direksyon ng boses na narinig ako. Akala ko si Andrew ang nagsalita, pero hindi pala.It's kuya Jared. He is my brother."I'm okay, kuya. Where's Drew?" Pinilit kong magbigay ng ngiti sa kanya kahit nanghihina pa ko.Napansin kong biglang nag-iba ang expression na mukha niya nang banggitin ko ang pangalan ng aking asawa."He is the one who brought you here, but after that, he left." Biglang sumeryoso ang tinig ni Kuya Jared.Kahit papaano ay napangiti ako sa sinabi niya. Akala ko ay wala na talagang pakialam sa akin si Drew, pero mayroon pa rin pala. Kahit papaano ay may pag-asa pa rin pala ako sa kanya.

    Last Updated : 2024-10-29
  • Never Say Goodbye   Chapter 4

    Rhianna's POV.Nagising ako nang may marinig akong ingay mula sa baba ng bahay. Tiningnan ko ang orasan na nakapatong sa lamesa sa gilid ng aking kama at nalaman kong alas-siyete na pala ng umaga. Mabilis akong bumangon at ginawa ang morning routine ko saka bumaba ng bahay."Rhea, Did you-"Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nakakita ako ng mga hindi pamilyar na mukha na nakaupo sa aming sala. Habang naglalakad ako palapit sa sala ay nakatingin din ako sa kanila. Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka. Bakit ang daming lalake rito?"Sino kayo? Anong ginagawa ninyo rito sa bahay? Rhea! Rhea!" Inilibot ko ang paningin ko ang hinanap ko ang katulong namin na si Rhea."Hello, Ms. Marquez. I am Xydon, at your service." Lumapit sa akin ang isang lalake na sa itsura pa lang ay mukhang marami ng babae na napa-ibig. Ngumiti siya sa akin at yumuko sa harapan ko.&nb

    Last Updated : 2024-10-29
  • Never Say Goodbye   Kabanata 5

    Rhianna's POV. "Sinabi ko ba sa 'yo na lumabas ka ng bahay?!" Pagkauwi pa lang namin ng bahay ni Drew ay isang sigaw na agad mula sa kanya ang natanggap ko. Ramdam na ramdam ko na agad ang galit niya sa bawat titig pa lang niya sa 'kin. Yumuko lang ako at hindi ako umimik sa kanya. "Akala ko kasi ikaw ang may pakana nang pagpunta ng mga lalakeng 'yon dito. Akala ko... Akala ko gusto mo na mailipat ko ang atensyon ko sa kanila para hindi na ko maghabol sa 'yo. Para hindi na ko masaktan sa 'yo." Hindi ko pa rin inaangat ang paningin ko sa kanya dahil natatakot akong salubungin ang mga titig niya sa 'kin. "Heh. Are you kidding? Hindi ko kailan man gagawin ang bagay na 'yon." Tumawa siya ng mapakla sa akin. Inangat ako ang aking mukha at tumingin sa kanya. "Are you-" "Dahil mas gusto ko pang masaktan ka ng husto kaysa magi

    Last Updated : 2024-10-29
  • Never Say Goodbye   Kabanata 6

    Rhianna's POV.Mga ilang linggo lang din ang lumipas ay pinauwi na ko ng sarili kong doctor. Wala naman daw magiging problema kung iinumin ko ang mga gamot na kailangan para sa sakit ko sa takdang oras.Sa loob din ng isang linggo na 'yon, hindi ko man lang nasilayan ang mukha ni Drew kahit isang boses.Napag-isip isip ko na may hangganan din pala talaga ang kayang gawin ng isang tao sa taong mahal niya. Plano ko na palayain na lang siya.Ilang beses ko ring tinanong sa isip ko kung kaya ko bang palayain siya, pero ang sagot lagi ng isip ko ay tama na. Sinubukan ko ring tanungin ang puso ko, pero lagi lang tugon nito ay pagod na ko.S'yempre masakit para sakin ang palayain ang isang taong ilang taon mong pilit na pinaglalaban, pero naisip kong tama na. Tama na naipakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Sapat na. Sapat na para saking isipin na minsan

    Last Updated : 2024-10-29
  • Never Say Goodbye   Kabanata 7

    Andrew POV.Dumaan na ang umaga, pero hindi pa rin umuuwi ang hayop na 'yon. Nasaan na ba siya? Huwag niyang sabihin na tuluyan na siyang umalis nang hindi man lang nagsasabi sa akin? I called her phone so many times, pero walang sumasagot. This can't be! Hindi siya aalis dahil hindi pa napupunta sa kamay ko ang company ni Dad.Tama. Ito ang dahilan kung bakit kahit gaano ko man kainis at kinasusuklaman ang babaeng 'yon ay hindi ko siya p'wedeng paalisin sa pamamahay na 'to. Hindi pa p'wede hangga't wala pa ang kayamanan ko sa 'kin, pero sa tingin ko ay hindi naman siya aalis ng walang dala na gamit?Nasaan na nga ba kasi ang babaeng 'yon? Lagot siya sa 'kin sa pag-uwi niya rito dahil inabot na siya ng umaga.Lumingon ako sa kinalalagyan ng cellphone ko nang bigla itong sunod-sunod na tumunog.I get my phone and check my message box. Sumilay ang ngiti sa labi ko dahil

    Last Updated : 2024-10-29
  • Never Say Goodbye   Kabanata 8

    Andrew's POV.Eight years have passed ng mawala siya. Nawala ng parang bula. At sa pagkawala niya, gumuho at nagulo nang lalo ang buhay ko. Tuluyan ng nawala ang company na dapat na ipapamana sakin ni daddy at dahil doon, iniwan ako ni Samantha. Akala ko talaga siya na ang babaeng nararapat sakin, pero nagkamali ako. She left me dahil alam niyang hindi siya makakakuha ng malaking pera sakin. Nagmakaawa ako sa kanya nang panahon na yun. Nagmakaawa akong bumalik siya sakin, pero she didn't even bother to look at me. She look away and walk away at pinagpalit ako sa isang taong kaya at handang ibigay ang lahat ng gusto niya. Nang mangyari ang lahat ng yun, saka lang ako natauhan sa mga bagay na pinaggagawa ko kay Rhianna.Noong una, sinisi ko talaga si Rhianna sa lahat ng nangyayari sakin. Sinisi ko siya at pinaniwala ang sarili na siya ang dahilan kung bakit nagkanda- letse-letse ang buhay ko, pero naisip ko din na parusa na to sakin dahil naging masama akong asawa.

    Last Updated : 2024-10-29

Latest chapter

  • Never Say Goodbye   Chapter 16

    ZOE Nang makauwi na ko sa bahay namin ni Jayden ay naabutan ko siyang nakaupo sa sala. Nakayuko siya at kahit na hindi siya nagsasalita at hindi ko nakikita ang mukha niya, parang nararamdaman ko na agad ang galit niya. Napailing ako ng aking ulo. Ngayon na alam kong may nagawa akong masama sa kanya, pakiramdam ko tuloy ay galit na siya sa akin ngayon. Iniangat ni Jayden ang mukha niya at nagsalubong ang mata naming dalawa. Gusto kong umiwas ng tingin sa kanya dahil baka makita niya agad sa mga mata ko na may ginawa akong mali, pero hindi ko magawang iiwas ang paningin ko. Parang nag-uutos ang bawat tingin niya sa akin at hindi ko ito kayang hindi sundin. "Babe, come here." Nakatitig pa rin sa akin si Jayden subalit mas tumalim na ang bawat titig niya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Habang naglalakad ako papunta sa kanya ay mas lalo pang bumibilis ang tibok ng puso ko.Tinuro niya ang kanyang lap at wala akong ginawa kundi sundin ang kanyang utos. Umupo ako sa kanya. Nara

  • Never Say Goodbye   Chapter 15

    Andrew's POV.Nagising ako na katabi ko pa rin si Rhianna. Nakasuot na siya ng damit ngayon at hindi na gaanong madalim kaya naisip ko na sumapit na siguro ang umaga. Sumilay ang ngiti sa aking labi. Natutuwa ako dahil sa nangyari sa amin ni Rhianna. Alam kong mas'yadong masama ang umasa ng malaki, pero hindi pa rin bumababa ang pag-asa ko na konting panahon na lang ay maaalala na rin ako ni Rhianna. Nakaunan siya sa bisig ko. Niyakap ko siya, pero hindi pa rin bumubukas ang kanyang mga mata. Kaya naman sinarado ko na lang ulit ang aking mata at muling natulog. Nagising ako nang maramdaman ko ang paggalaw ni Rhianna sa tabi ko. Ngumiti ako nang makita kong gising na siya at nakaupo na sa tabi ko. Yakap niya ang kanyang sarili habang nakatingin sa kung saan. "Good morning, Rhianna. Ayos lang ba ang katawan mo?" Nakangiti ako habang nakatingin sa kanya kahit na sa ibang direksyon siya nakatingin. Bigla siyang lumingon sa 'kin at nawala ang ngiti sa labi ko nang tingnan niya ko ng

  • Never Say Goodbye   Chapter 14

    Zoe's POV. Kumalma na ko pagkatapos akong yakapin ni Andrew. Kaya nang maramdaman niyang med'yo mahinahon na ko ay siya na ang kusang kumalas sa pagkakayakap sa 'kin, pero hawak niya pa rin ang dalawang balikat ko at pinaharap niya ko sa kanya. Pagkatapos ay tinitigan niya ko sa aking mata. "What do you think you're doing?" Nagsalubong ang dalawang kilay ko habang nakatingin sa kanya. "I love you, Rhianna. Can you let me say those words over and over to you?" Hindi ko malaman ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Lagi niya kong tinatawag sa ibang pangalan, pero bakit pakiramdam ko ay mas nagiging kampante ako sa ginagawa niya? Andrew's POV. Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Sinalubong lang niya ang mga titig ko sa kanya at mahahalata sa kanyang mga mata na naguguluhan siya. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil nagkaroon ako ng pagkakataon para makasama ko siya ng mag-isa at walang gumugulo sa aming dalawa, pero sa tuwing nakikita ko ang mga mata

  • Never Say Goodbye   Chapter 13

    Zoe's POV.Ilang beses naming sinubukan itulak ang pinto palabas, pero hindi pa rin ito bumubukas. Pareho na kaming pinagpapawisan at parehong paos na rin ang aming boses dahil sa kakasigaw, pero walang pumupunta sa kinalalagyan namin para palabasin kami. "Magpahinga na muna tayo, Rhia. Baka kung ano pang mangyari sa 'yo kapag napagod ka."Natigilan ako sa sinabi niya. Lumingon ako sa kanya na magkasalubong ang dalawang kilay ko."Paano mo nasabi na masama sa akin ang mapagod?" Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata, pero hindi siya nag-iwas ng tingin sa akin at sa halip ay tinitigan niya ko pabalik. Nakipaglaban siya ng titigan sa 'kin. "Because I know that you have a heart disease. Nalaman ko lang ang tungkol doon nang sabihin sa akin ng Kuya mo ang tungkol sa sakit mo nang malaman nila na nawawala ka."Mas lalo akong napakunot-noo dahil sa sinabi niya. Habang tumatagal ay mas lalo akong naguguluhan sa pinapahiwatig niya. "What do you mean? Kuya? Sinong Kuya ang sinasabi mo? You

  • Never Say Goodbye   Chapter 12

    Zoe's POV.Naramdaman ko ang pangangalay ng katawan ko nang imulat ko ang aking mga mata. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid habang sinusubukan kong alalahanin ang nangyari bago ako mapunta sa lugar na 'to. Puno ng malalaking karton ang buong paligid at med'yo madilim rin dahil wala akong nakikitang ano mang bintana na maaaring lusutan ng araw mula sa labas. Sa palagay ko ay nasa stock room ako ngayon mula sa kung saan man.Ang huli kong naaalala ay nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ni Jayden sa isang restaurant na kinakainan namin. Pagkatapos ay lumabas ako sandali para pumunta sa comfort room at may bigla na lang naglagay ng panyo sa may bandang ilong ko na naging dahilan para mawalan ako ng malay. Napatakip ako sa sarili kong bibig dahil sa naalala. Kung gano'n ay may dumukot sa akin na kung sino? Nakaramdam ako ng pangamba para sa sarili ko. Med'yo masuwerte pa rin ako dahil hindi ako iniwang nakatali ng kung sino man ang dumukot sa akin. Tumayo ako, pero hindi pa

  • Never Say Goodbye   Chapter 11

    Zoe's POV.Nang imulat ko ang aking mga mata, naabutan kong natutulog sa aking tabi si Jayden. Napangiti ako, pero hindi ko rin maiwasan na hindi mag-alala.Nakatulog ba siya buong magdamag nang nakaupo lang habang nagbabantay sa akin?Yumuko ako at hinalikan ko siya ng bahagya sa kanya ulo. Ngumiti ako nang makita ko siyang gumalaw at nag-angat ng kanyang ulo."Good morning." Umayos siya ng kanyang pagkakaupo at napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha nang makita na niya ko ng maayos."Babe, kumusta ka? Ayos na ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo?" Sunod-sunod ang naging tanong sa akin ni Jayden, pero isang iling lang ang naging tugon ko sa kanya. "Ayos na ko. Hindi na masakit mas'yado ang ulo ko.""I think you need to drink your medicine again. Ayaw kong mangyari ulit ang nangyari sa 'yo kanina. Nag-aalala ako sa 'yo." Bumalik sa isipan ko ang mga alaalang pumuslit sa isipan ko kanina. Mas'yadong balabo ang mga imahe na nakita ko kanina, pero malinaw ang mga boses na narin

  • Never Say Goodbye   Kabanata 10

    Andrew's POV."Hey, you better not mess around. Don't suddenly hug someone's property. She's my fiancee and you better not forget it." Tinitigan ako ng masama ng lalake bago nila ko tuluyang iniwan.Naiwan akong gulat at hindi makapaniwala dahil sa nangyari.No! This can't be! Alam kong si Rhianna ang nakita ko at hindi ako kailanman nagkamali. The way she talk, she act and look at me... sigurado akong siya talaga si Rhianna."Po? I'm sorry, but Rhianna is not my name. I'm Zoe Fuentez and soon to be Zoe Fuentez-Error."How come na naging Zoe Fuentez ang pangalan niya? Is this some kind of joke para makapaghiganti siya sa akin? Ito ba ang dahilan kung bakit nawala siya mahigit walong taon na ang nakakalipas?Gano'n pa man, kailangan kong ipaalam ang bagay na ito sa pamilya niya. Sa tingin ko kasi ay nararapat lang na malaman ng pamily

  • Never Say Goodbye   Kabanata 9

    Zoe's POV."Babe, pagkatapos na 'tin magpahinga p'wede ba tayong mamasyal bukas? Please..." Pinagmukha kong nakakaawa ang mga mata ko sa harapan ni Jayden para payagan niya ko.Alam ko na hindi ako matitiis ni Jayden eh. Tumingin siya sa direksyon ko at tinitigan ako ng matagal. Pagkatapos ay tumingin siya sa ibang direksyon at saka malalim na nagbuntong hininga."Sige na nga, pero bago dumilim ang paligid ay nakauwi na tayo dapat." Walang gana siyang umiwas ng tingin sa akin pagkatapos niyang magsalita.Napatalon ako sa tuwa dahil sa narinig ko. Sabi ko sa eh. Hindi ako matitiis nitong si babe.Samantala, bumalik ang lungkot sa mukha ko ng mag-sink in sa akin ang huling sinabi niya."Bakit naman, babe?" Tinitigan ko siya ng nakasimangot.Ang bilis kaya ng oras. Pagkatapos ay uuwi na agad kami?"Kasi babe,

  • Never Say Goodbye   Kabanata 8

    Andrew's POV.Eight years have passed ng mawala siya. Nawala ng parang bula. At sa pagkawala niya, gumuho at nagulo nang lalo ang buhay ko. Tuluyan ng nawala ang company na dapat na ipapamana sakin ni daddy at dahil doon, iniwan ako ni Samantha. Akala ko talaga siya na ang babaeng nararapat sakin, pero nagkamali ako. She left me dahil alam niyang hindi siya makakakuha ng malaking pera sakin. Nagmakaawa ako sa kanya nang panahon na yun. Nagmakaawa akong bumalik siya sakin, pero she didn't even bother to look at me. She look away and walk away at pinagpalit ako sa isang taong kaya at handang ibigay ang lahat ng gusto niya. Nang mangyari ang lahat ng yun, saka lang ako natauhan sa mga bagay na pinaggagawa ko kay Rhianna.Noong una, sinisi ko talaga si Rhianna sa lahat ng nangyayari sakin. Sinisi ko siya at pinaniwala ang sarili na siya ang dahilan kung bakit nagkanda- letse-letse ang buhay ko, pero naisip ko din na parusa na to sakin dahil naging masama akong asawa.

DMCA.com Protection Status